
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Mayo 5, 2023 - Biyernes
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:1-6Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag
Pagninilay:
May mga taong may trust-issue. Nahihirapang magtiwala. Mahirap nga naman magtiwala kung nakaranas ka ng matinding sakit gawa ng pagtataksil, pag-iwan ng taong pinagkatiwalaan, naloko ng taong sobrang minahal. Ang isa po sa seryosong epekto nito ay ang pagkadala o trauma na magtiwala. Kasi nabugbog ang isang tao sa sakit dahil paulit-ulit na niloloko. Hindi niya namamalayan na nagkakaroon na ng harang o blocks para siya ay maprotektahan sa sakit na idudulot ng panibagong relasyon. At kapag pinili nating manatili sa ganyang kalagayan, dahil ayaw na nating masaktan – tumitigas at nagsasara ang puso ng tao na sumubok at magkaroon ulit ng malalim na relasyon. Relasyon na kapag nagkakalamat dahil sa nasirang tiwala – minsan hindi na ito kayang buuin ng pagmamahal lang. Hindi puwedeng mahal kita, pero wala akong tiwala sa’yo. Kapanalig, mangyari man ito sa atin – may isang walang tigil – ayaw mag-give up sa atin --- si Hesus na nagsasabi sa Mabuting Balita natin ngayon: “Huwag mag-alala. Manalig ka sa Ama at sa akin.” Alam naman po natin na si Hesus at ang Ama ay iisa. Si Hesus mismo ang pagmamahal ng Ama sa atin. Ipinakita ng Ama kay Hesus kung ano ang kayang Niyang gawin para sa’yo at sa akin. Tumigas man at magsara ang puso natin – nandiyan pa rin ang Diyos. Nagmamahal, tapat, naghihintay na magdesisyon tayong buksang ulit ang puso natin. At ito, kapanalig, ang gusto ng Diyos sa atin - kaya siya mismo ang nagtubos sa atin. Ayaw niyang maiwan tayo sa kalungkutan, kasamaan na makapaghihiwalay sa Kanya sa atin. Gusto Niya tayong makasama sa “matitigilan na inihanda Niya para sa atin.” Ang pagbabago, kapanalig, kung iaasa sa sarili ay hindi talaga kakayanin--- pero kay Hesus- wala tayong dapat ikabahala, manalig lamang tayo sa Ama at sa Kanya.
Manalangin tayo: Ama, hilumin po Ninyo ang aking puso – para muling mabuksan ito --- makapagpatawad ng lubos, magmahal at magtiwala ng walang
- Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 5, 2023
Mabuting Balita l Mayo 4, 2023 - Huwebes
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 13:16-20
Sinabi ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, walang aliping mas dakila sa panginoon niya, ni walang sinugong mas dakila sa nagpadala sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ito, mapalad kayo kung isasagawa ninyo ang mga ito. Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang mga hinirang ko. Ngunit kailangang maganap ang kasulatan: ‘Ang nakikisalo sa aking pagkain ay nagpakana laban sa akin.’ Sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago pa mangyari upang manalig kayo na Ako Nga kapag ito ay nangyari. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ang tumatanggap sa ipinadadala ko ay sa akin tumatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa Amang nagpadala sa akin.”
Pagninilay:
Mga kapatid, tapos na ang Kwaresma at Mahal na Araw, pero ibinabalik sa ating alaala ang mga huling yugto sa buhay ni Hesus, bago siya magpakasakit at ipako sa Krus. Nasa huling hapunan sila, nang ipahayag ni Hesus na isa sa kanyang mga minamahal at pinagkakatiwalaan, ang siyang magkakanulo sa kanya. Ito’y walang iba kundi si Judas Iscariote, na puno nang pagmamalaki sa sarili, at walang ibang layunin, kundi ang paglingkuran ang sarili kaysa sa Diyos. Kung kaya tinuruan niya ang kanyang mga alagad, patungkol sa paglilingkod nang buong katapatan at kapakumbabaan. Tinuro ni Hesus ang pagpaparaya sa sarili, upang buong-buo at totoo, ang pagbibigay nang sarili sa paglilingkod. Laging pakakatandaan na sa buhay-paglilingkod sa kapwa, una sa lahat, kailangang manaig ang pag-ibig. Ang pagmamahal sa kapwa ang siyang dahilan, kung bakit tayo’y handang mag-alay nang sarili, higit ang ating buhay sa ngalan nang paglilingkod; at ang pinakahuling pagtuunan ng pansin ay ang ating sarili. Mga kapatid, ang pag-aalay nang sarili para sa kabutihan nang kapwa, ang siyang pinakamataas na uri nang paglilingkod. Ang pag-aalay nang sarili sa paglilingkod sa kapwa ay maituturing din na paglilingkod sa Diyos. Matuto lang tayong magpakumbaba, dahil ang taong puno nang kapakumbabaan sa sarili, laging may puwang para iangat nang Diyos, at mapuspos nang Kanyang biyaya at pagpapala. Ang pag-aalay ni Hesus nang sarili sa Krus, ang siyang pinaka kalugod-lugod na alay niya sa kanyang Ama, at sa buong sangkatauhan, upang makamit natin ang kaligtasan. Kapatid, handa mo bang ialay ang sarili sa paglilingkod sa Diyos at kapwa? Sa kapwa ba talaga, o higit sa sarili ang ating pinaglilingkuran? Sa nakararami ba talaga o para sa iilan lamang, na kayang suklian ang ating kabutihan?
A Thought A Day | May 4, 2023
Mabuting Balita l Mayo 3, 2023 - Miyerkules
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:6-14
Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung
Pagninilay:
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Ito ang mga katagang bumungad sa ating Mabuting Balita ngayon bilang tugon ni Hesus sa kanyang alagad na
Manalangin tayo:
Panginoon, loobin Mo pong maging bukas akong tanggapin, ano man ang kalooban mo sa aking buhay. Pagkalooban Mo po ako ng biyayang magtiwala Sa’yo, lalo na sa mga pagkakataong hindi ko maramdaman ang Iyong presensya. Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya na may ginagawa Kayo upang ituwid ako. Iligtas Mo po ako sa kapahamakan at puspusin ng Iyong pagpapala, Amen.
-Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 3, 2023
Mabuting Balita l Mayo 2, 2023 – Martes
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10:22-30
Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa aking mga kamay. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”
Pagninilay:
What a great revelation! Ang Diyos Ama at ang ating Hesus Maestro, iisa. Hindi nga ba’t ang mga alagad, nakawitness ng pagpapakain Niya sa libu-libong tao, pagpapalakad ng pilay, pagpapanumbalik ng pagsasalita ng pipi. Mayroon din sa kanila na naging saksi ng Kanyang transfiguration. Ito ang Katotohanan na ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nararanasang presensya. Ang Ama na sumasa-Anak ay ang kanilang nasasaksihan sa paggawa ng kamangha-manghang bagay. Ang Ama na sumasa-Anak ang kanilang kaibigan. Kay palad natin dahil sa pagbubunyag nito ng ating Hesus Maestro, tayo rin inaanyayahang maging kaisa Niya at ng Ama. Sa paano’ng paraan? Lagi sana nating balik-balikan sa ating pagninilay ang hiwaga ng ating pagiging kawangis at
-Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 2, 2023
Mabuting Balita l Mayo 1, 2023 – Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
San Jose Labrador/ Labor Day
Ebanghelyo: Mt 13:54-58
Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba’t siya ang anak ng karpintero? Hindi ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya.
Pagninilay:
Naging tao ang Diyos atpumasok sa ating kasaysayan sa katauhan ni Hesus. Hindi Siya naiiba sa atin maliban sa walaSiyang kasalanan. Isinilang Siya at
-Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 1, 2023
From the publisher's feed