PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Abril 25, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Abril25, 2023

    Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Mk 16:15-20

    Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mga kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayonang kapistahan ni San Markos Ebanghelista. Ang Ebanghelyo ni San Markos ang sinasabing unang Ebanghelyong naisulat.  Si San Markos ang unang nagkuwento sa atin ng naging buhay ng ating Panginoong Hesus at nagbahagi ng kanyang mga aral.  Sinasabing isinulat ni San Markos ang kanyang Ebanghelyo para sa mga Kristiyanong dumadaan sa matinding pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.  Kaya naman binigyan niya ng diin sa kanyang Ebanghelyo, ang kahalagahan ng pagkamatay ni Hesus sa Krus.  Nais niyang ipahayag sa mga Kristiyanong nagdurusa na may kabuluhan ang kanilang pinagdaraanan, may pagpapala sa pagpapakasakit, at may biyaya ang sinumang nakikiisa sa pagdurusa at kamatayan ni Hesus sa Krus.  Nais niyang palakasin ang kanilang loob, kung papaanong pinalakas ni Hesus ang loob ng kanyang mga alagad.  Sa panahon natin ngayon, sa iba’t-ibang panig ng daigdig, marami tayong mga kapatid na Kristiyano na patuloy na inuusig at nagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya.  Ipanalangin natin sila at huwag natin silang

    kalimutan.  Magakaroon nawa sila ng lakas at pag-asa, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

    Manalangin tayo:

    Panginoon, kalingain Mo po at palakasin ang pananampalataya ng mga Kristyanong nakararanas ng pag-uusig at paghihirap. Ingatan Mo po sila at ipagtanggol.  Humugot nawa sila ng lakas ng loob, Sa’yong Banal na Salita.  Matularan nawa nila ang pananalig ni San Markos, Ebanghelista na hindi nagpatinag sa gitna ng pag-uusig. San Markos, ebanghelista, ipanalangin mo kami. Amen

     


    5 min
  • A Thought A Day | April 25, 2023

    A Thought A Day | April 25, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 24, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Abril 24, 2023

    Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay




    Ebanghelyo: Jn 6: 22-29

    Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ang kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus.Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil sa nakita ninyo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain ninyo at kayo ay nangabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.”


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Kayla Ventura ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mga kapanalig, pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon na balansehin ang pagtugon natin sa ating pisikal at materyal na pangangailangan, at sa ating espiritwal na pagkagutom.  Habang busy tayong magtrabaho para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, sa pisikal at materyal na aspeto; huwag din nating kaliligtaang punan ang ating espiritwal na pangangailangan, ang ating pangangailangan sa presensiya ng Diyos.  (Kung inaalagaan nga natin ang ating katawan para manatiling malusog, ganun ding pag-aalaga ang gawin natin sa ating kaluluwa.)  Sa aking karanasan bilang isang estudyante, may mga pagkakataong bising-busy ako sa magdamagang pag-aaral para maka-submit ng mga requirements.  Kailangang pag-isipang maigi ang bawat gagawing papel, lalo na sa Philosophy subject. Iba pa dyan ang mga nakatokang gawain bilang estudyanteng madre.  Kaya inaamin kong naapektuhan talaga ang aking spiritual life. Minsan nga, hindi na ako makadasal o di kaya tulog sa dasal.  Kaya dumarating sa punto na pakiramdam ko parang kulang ng sigla ang buhay at hindi ako makafocus. Inaral naman ang lahat pero hindi pumapasok. Nakakalimutan ko, na ang source ng knowledge ay ang Panginoon mismo. Na ang pag-aaral pag sinabayan ng pagdarasal at tiwala sa grasya ng Diyos, siguradong successful ang lahat. Madali at magaan dalhin ang bawat pagsubok. Kapanalig, hindi porket busy sa pag-aaral o sa ano

    mang gawain, kakalimutan na natin ang Diyos. Kelangan din nating hanapin Siya at maidulog ang ating mga sarili sa Kanyang awa at grasya. Ika nga; our seeking must ultimately be directed towards God; it cannot stop at or be satisfied with anything less. 

    5 min
  • A Thought A Day | April 24, 2023

    A Thought A Day | April 24, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 23, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Abril 23, 2023

    Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Lk 24: 13-35

     Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labinlimang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?” “Ano?” “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta. Nang

    nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala
    nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo, doon sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem.

    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Hindi ba’t nakakapagtaka kung bakit hindi nakilala ng dalawang alagad si Hesus. Si Hesus na nakasama nila, nagpakain sa kanila, nangaral kasama nila at nagkapakita ng maraming himala sa kanila. Bakit hindi nila siya nakilala? At tanging sa paghahati-hati ni Hesus ng tinapay, saka lamang nabuksan ang kanilang mga mata. Madalas ganito din tayo mga kapanalig. Hindi natin nakikita si Hesus na kasama nating naglalakbay. Lalo na kung puno ng takot, pangamba ang ating mga puso. Kung maaalala natin, tumatakas ang dalawang alagad palayo ng Jerusalem dahil sa pag-uusig sa kanila. Pero, napawi ang lahat ng ito dahil sa kanyang pangaral at sa paghahati-hati ng tinapay, tulad ng ginagawa natin sa Eukaristiya.   Nawa mga kapanalig makatagpo natin si Hesus na kasama nating naglalakbay sa bawat yugto ng buhay. At madama ang kanyang presensya sa Banal na Eukaristiya.


    5 min
  • A Thought A Day | April 23, 2023

    A Thought A Day | April 23, 2023

    Join our channel: https://www.youtube.com/channel/UC9iiDAYn3KVX2IeStsDdQ_w/join
    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    9 min
  • Mabuting Balita l Abril 22, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Abril 22, 2023

    Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay





    Ebanghelyo: Jn 6: 16-21

    Lumusong ang mga alagad ni Hesus sa aplaya. At pagkasakay sa bangka ay nagpunta sa kabilang ibayo ng lawa tungo sa Capernaum. Dumilim na at wala pa si Hesus: at nagising ang lawa dahil sa malakas ang ihip ng hangin. Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa lawa at palapit sa bangka. Nasindak sila. Ngunit sinabi naman niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” Kaya gusto nila siyang isakay sa bangka, ngunit ang bangka ay bigla nang nasa pampang na patutunguhan nila.

    Pagninilay:
    Mula sa panulat ni Fr. Oliver Par ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Sa paniniwala ng mga Hudyo, ang karagatan ay lugar ng masasamang elemento ng mundo, dahil puno ito ng misteryo, na hindi pa nila nalalaman noon. Kaya naman, takot na takot ang mga disipulo ni Kristo, habang binabayo sila ng malalakas na alon at hangin sa gitna ng karagatan. Pero, nawala ang lahat ng takot nila nang mabanaagan nila si Hesus na naglalakad sa tubig at papunta sa kanila.  Ang pagtayo ni Hesus sa gitna ng nag-aalburotong dagat ay sumisimbolo sa kapangyarihan niya. Siya nga ay Diyos, na may kontrol sa lahat ng bagay, kahit na sa bangis ng anumang masasamang elemento ng mundo.  Mga kapanalig, may mga panahong takot tayong sumuong sa buhay dahil sa dami ng nakaambang na panganib. Pero bakit tayo matatakot na suungin ang mabubuti nating hangarin? Bakit tayo matatakot kung katotohanan naman ang ating pinapanigan? Bakit tayo matatakot kung ang Diyos ay nasa panig ng mabuti at totoo?       Panghawakan mo kapanalig, na hindi ka pababayaan ng Diyos! Sa panahong natatakot at nahihirapan ka na sa bigat ng iyong dala, magmasid ka. Magugulat ka na lang, na andyan lang pala ang Panginoong Hesus at sasabihan kang “huwag kang matakot. Ako ito, ang Diyos mo at tagapagligtas!” 

    Manalangin tayo: 

    Panginoon, itulot Mo pong makita kita, sa mga pagkakataong tinatalo ako ng takot at pangamba, dulot ng mga malalakas na hampas na alon ng problema, at
    sumisimbuyong hangin, ng kawalan ng pag-asa.  Patatagin Mo po ang aking pananampalataya, nang lalo pa akong kumapit sa pananampalataya, at Sa’yong habag at awa, Amen.

    5 min
  • A Thought A Day | April 22, 2023

    A Thought A Day | April 22, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 21, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Abril 21, 2023

    Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Juan 6: 1-15

    Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginagawa niya sa mga maysakit. Kaya pagkatingala ni Hesus, nakita niyang maraming tao ang pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito?” Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At

    sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” Madamo sa lugar na iyon, kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin.

     

    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mga Kapanalig,

    sa loob ng isang linggo paunti-unti nating babasahin sa Misa ang Chapter 6 ng Mabuting Balita ni San Juan, para namnamin ang misteryo ng banal na Katawan at Dugo ni Hesucristo. Sa narinig nating Mabuting Balita ngayon, pinakita nya ang pagkamangha ng mga alagad sa hamon ni Hesus na pakainin ang limang libong katao! ‘Imposible!’ wika ni Felipe: ‘kahit dalawang daang salaping pilak, di kasyang pambili ng tinapay para sa kanila.’ Pero para kay Hesus, sapat na ang Limang pirasong tinapay at dalawang pirasong isda. Ang kakaunti ay nagging marami, ang lahat ay nabusog, at may natira pang labindalawang kaing ng tinapay! Kapanalig, walang imposible sa mga kamay ni Hesus, dahil na rin sa kanyang taimtim na koneksyon sa Ama.   Ano nga ba ang Eukaristiya? Narinig natin sa Mabuting Balita na, ‘Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos, ipinamahagi iyon sa mga tao.’ Ang salitang ‘Eukaristiya’ ay hango sa Griyego na ibig sabihi’y ‘magpasalamat.’ Ang pasasalamat ay pinagmumulan ng pagpapala. Sa pamamagitan nito, nakikilala natin ang presensya ng mga kaloob na nasa harapan natin: ang liwanag ng araw, ang tubig, ang oxygen, ang pagkain sa ating hapag, ang mga taong mahal natin at nagmamahal sa atin. At ang pinakadakilang kaloob na dapat nating ipagpasalamat ay ang Presensya ni Jesus bilang Tinapay ng Buhay o Pagkain ng Buhay. (Siya ang essential na pagkain na pumupuno sa lahat ng ating pangangailangan. Ang pagtanggap sa kanya sa ating buhay ay nagbibigay sa atin ng lakas na magpatuloy kahit ano pa ang mangyari. Ito rin ang nagtuturo sa atin na maging mistulang tinapay na inialay, pinaghati-hati at ibinigay para sa iba, lalo na para sa kapwa nating
    kapus-palad.)

    Manalangin tayo: ‘Salamat, Panginoong Jesus sa pag-aalay mo ng iyong sarili sa Eukaristiya. Palakasin mo po ang inyong Presensya sa amin, para

    kami rin ay maging presensya mo sa lahat ng taong nakakaharap namin —isang presensya ng habag at pagmamahal tulad ng ipinakita mo sa amin. Amen

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.