
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | April 21, 2023
Mabuting Balita l Abril 20, 2023
Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 3: 31-36
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi
Pagninilay:
Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Sa pag-uusap nina Hesus at Nicodemo sa ating Ebanghelyo, nakita natin kung papaanong unti-unting nabubuksan ang isipan at puso ni Nicodemo sa katotohanang hatid ni Hesus. Bagama’t hindi sinabi sa atin ni San Juan kung tuluyan ngang naging alagad ni Hesus ang Pariseo, may mga palatandaan na siya’y naging tahimik na tagasunod ni Hesus. Una, si Nicodemo ang nangtanggol kay Hesus sa Sanhendrin, hinimok niya ang kanyang kasamahan na bigyan si Hesus ng tamang paglilitis o “due process”. Ikalawa, muling nagpakita si Nicodemo sa pagkamatay ni Hesus sa Krus, at tumulong upang bigyan ang kaibigan
Manalangin tayo: Panginoon, dagdagan Mo po at patibayin ang aking pananampalataya nang huwag akong sumuko sa panahon ng pagsubok. Matularan ko nawa ang pagpupursigi ni Nicodemo na matuto sa Iyong mga aral upang lumago ako sa pananampalataya Sa’yo, Amen.
A Thought A Day | April 20, 2023
Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 3:16-21
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya; magkakaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos. Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag subalit higit pang minamahal ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.”
Pagninilay:
Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Kapanalig, tungkol sa liwanag at dilim ang isa sa mga tema ng Ebanghelyo ngayon. Ang konsepto ng liwanag at kadiliman ay isang karaniwang paghahalintulad na ginagamit sa maraming relihiyon at pilosopikal na tradisyon upang kumatawan sa mabuti at masama, kaalaman at kamangmangan, o kalinawan at kalituhan. Sa Kristiyanismo, madalas na nauugnay sa Diyos ang liwanag, na inilarawan bilang pinagmulan ng lahat ng liwanag at ang nagbigay ng buhay. Ang kadiliman naman, ay nauugnay sa kasalanan, kasamaan, at
A Thought A Day | April 19, 2023
Mabuting Balita l Abril 18, 2023 – Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 3: 7-15
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka dahil sinabi ko na kailangan ninyong isilang mula sa itaas. Umiihip ang hangin saan man nito ibig, at naririnig mo ang ihip nito, subalit hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan papunta. Gayon nga ang bawat isinilang sa Espiritu.” “Paano pupuwede ang mga ito?” “Nicodemo, guro ng Israel ka pa naman, at hindi mo alam? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: alam namin ang aming sinasabi at pinatototohanan namin ang aming nakita, at hindi pa ninyotinatanggap ang aming patotoo. Hindi kayo naniniwala kung mga bagay sa lupa ang sinasabi ko sa inyo, kaya paano kayo maniniwala kung mga bagay sa Langit ang sasabihin ko sa inyo. Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit—ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya
Pagninilay:
Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Fides quaerens intellectum o pananampalatayang naghahanap ng pang-unawa. Ito ang motto si San Anselmo na kilala din bilang Pilosopo. Sinasabi ni San Anselmo na mas magkakaroon ng kabuluhan ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng malalim at may pagmamahal na paghahanap natin sa Diyos. At sabi pa ng isang Pilosopo,
A Thought A Day | April 18, 2023
Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 3:1-8
May isang lalaking kabilang sa mga Pariseo, Nicodemo ang pangalan niya; pinuno siya ng mga Judio. Isang gabi, pinuntahan niya si Hesus at sinabi sa kanya: “Rabbi, alam namin na Guro ka galing sa Diyos. Sapagkat walang makagagawa ng mga tandang ginagawa mo, kung hindi sumasakanya ang Diyos.” Sumagot sa kanya si Hesus: Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ng Diyos kung hindi siya isisilang na muli mula sa itaas.” Sinabi sa kanya ni Nicodemo: “Paano maisisilang ang isang taong matanda? Di ba’t hindi s’ya makapapasok sa sinapupunan ng kanyang ina para isilang muli? Sumagot si Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakapasok sa Kaharian ng Diyos kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu. Laman ang isinilang mula sa laman, at Espiritu ang isinilang mula sa Espiritu. Huwag kang magtaka dahil sa sinabi ko sa ‘yong kailangan kayong isilang mula sa itaas. “Umiihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito, pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.”
Isinulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay pinalalalim ng Inang Simbahan ang kahulugan ng Sakramento ng Binyag na sinariwa natin sa selebrasyon ng Easter vigil at Easter Day. Kaya nga, nakatutok ang pagbasa ngayon sa temang ito. Tanong ni Nicodemo kay Hesus: ‘paanong ipanganganak pang muli ang isang taong matanda na?’ Sagot naman ni Hesus, “Tandaan mo ang
A Thought A Day | April 17, 2023
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 20:19-31
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan! Gaya ng pagkakasugo sa akin ng Ama, gayon ko rin kayo ipinadadala.” At pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatilihin naman sa sinuman ang inyong panatilihin.” Isa sa Labindalawa si Tomas na tinaguriang Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Hesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!” Makaraan ang walong araw, muli na namang nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Hesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna sa kanila. At sinabi niya: “Sumainyo
Mula sa panulat ni Fr. Oliver Par ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. “Sumainyo ang kapayapaan!” Yan ang bungad ni Hesus na muling nabuhay. “Sumainyo ang kapayapaan” ang bati niya sa mga disipulo niyang nagtatago sa madilim na silid dahil sa takot at kahihiyan. Ganyan ang ginagawa sa atinng kasalanan—tinatakot at itinutulak tayo sa kahihiyan, hanggang sa tayo na mismo ang kinokontrol nito. Kaya tayong ilibing nang buhay ng ating mga kasalanan, kung hindi natin ito kayang harapin at pagsisihan. Mga Kapanalig, buong-lakas loob nating harapin at hawakan ang sugat na nadulot natin sa iba, dahil sa ating pagkakamali. At hilingin natin sa Diyos na maawain, na pagalingin hindi lamang tayo na nagkasala, kundi pati na rin ang mga taong nasugatan at nasaktan natin, dahil sa ating pagkakamali.
Manalangin tayo: Panginoong Mahabagin, patawad po sa maraming pagkakataong nagkasala ako Sa’yo at sa aking kapwa. Hilumin Mo po ang sugat na naidulot ko sa aking kapwa, bunga ng aking kahinaan at pagkakamali. At hilumin din po ninyo ako sa mga kahinaan at kasanalang hindi ko kayang mapaglabanan, kung aasa lamang ako sa aking kakayahan. Amen.
From the publisher's feed