PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | April 12, 2023

    A Thought A Day | April 12, 2023
    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    9 min
  • Mabuting Balita l Abril 11, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Abril 11, 2023

    Martes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay




    Ebanghelyo: Juan 20:11-18

    Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus.Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mona akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: 'Paakyat ako sa Ama ko at Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.”


    Pagninilay:

    Isinulat ni Fr. Joe-Nelo Penino ng St. Francis Xavier Parish, Archdiocese ng Caceres ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Napakasayang

    tunghayan ang mga serye nang pagpapakita ni Hesus sa kanyang mga alagad pagkatapos nang kanyang muling pagkabuhay. May dala itong saya, sigla at
    pag-asa sa ating buhay. Isa na riyan si Maria Magdalena, pinuno siya ng biyayamula sa Diyos; mapalad na nabigyan ng pagkakataong unang makasaksi at makakita na Buhay ang Panginoon. Matatandaan natin, na si Maria Magdalena ang babaeng pinatawad at tinanggap ni Hesus, sa kabila nang galit at poot ng kanyang kapwa sa kanya. Tunay nga namang sa muling pagkabuhay ni Hesus, kaligtasan ay natamo, lalong- lalo na sa ating mga makasalanan.  Ano kaya ang naramdaman ni Maria Magdalena sa muli nilang pagtatagpo ni Hesus? Mula sa matinding kalungkutan, panghihinayang, takot at kawalan, heto
    ngayon ang Mabuting Balita na Buhay ang Panginoon. Labis-labis na kasiyahan,ramdam na ramdam ni Maria Magdalena ang maliw sa kanyang puso at buhay. (Sa tanong ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak?” tila bagang lalong tumindi ang kanyang kalungkutan, at bigat nang pakiramdam ang bumalot sa kanyang puso. Pero, nang tawagin na siya sa kanyang pangalan, “Maria”, naiba na ang ihip nang hangin. Walang pagdadalawang isip na kinilala niya, na siya nga ang, “GURO”. Buhay ang Panginoon!) Ito ang kagalakan na dala nang Pasko ng muling Pagkabuhay, na sa kabila nang ating pinagdaraanan na hirap, lungkot, pighati, at bigat na mga pasan-pasan, may pag-asa tayong tinatanaw sa hinaharap. Ika nga, “at the end of the tunnel there is light, after the empty tomb there is life.” (Kailangan lang nating tanggapin, nang buong-buo, at manampalataya nabuhay si Hesus sa ating puso, diwa, isipan at buhay. Nawa’y ang yugtong ito ng ebanghelyo ang magdala nang pagpapanibago sa ating pananampalataya, pagtitiwala at pagsunod sa kalooban nang Dios.)  

    6 min
  • A Thought A Day | April 11, 2023

    A Thought A Day | April 11, 2023
    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 10, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Abril 10, 2023

    Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay     

    Ebanghelyo: Mateo 28:8-15

    Agad na iniwan ng mga babae ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. Nakasalubong nila sa daan si Hesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.” Samantalang pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at ibinalita sa mga Punong-pari ang lahat ng nangyari. Nakipag-usap naman ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at ibinigay sa mga sundalo, at tinagubilinan silang “Sabihin ninyong dumating nang gabi ang kanyang mga alagad at ninakaw ang katawan habang natutulog kayo. Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa kanya at hindi kayo magkakaproblema.” Tinanggap ng mga sundalo ang pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang kuwentong ito sa mga Judio.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, hanggang sa mga sandaling ito ng pagtatagumpay ni Hesus laban sa kapangyarihan ng kadiliman, hindi pa rin natapos ang pagkilos ni satanas.  Ginamit na naman niya ang pera, para maghasik ng mga maling aral sa tao.  Hindi na sila nag-isip, at nagpasilaw sila sa suhol ng mga kaaway ng Panginoon.  Ito ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon, may mga Judio pa ring naghihintay sa pagdating ng Mesiyas.  Mas pinaniwalaan nila ang kasinungalingan, kaysa sa isang katotohanang hindi maitatanggi at maikukubli.  Gayunpaman, marunong ang Diyos; at sa gabay ng Espiritu Santo, patuloy na lumalago ang Kaharian ni Kristo sa lupa.  Sa panahon natin ngayon di ba’t marami pa rin ang tumatanggap ng suhol, mapagtakpan lang ang katotohanan?  Ilan na bang kaso ng pangungurakot sa pamahalaan, karumal-dumal na krimen ang hindi nabibigyan ng hustisya – dahil sa panunuhol at pananahimik ng mga taong inaasahang maglalantad ng katotohanan?  Katulad ng mga sundalo sa Ebanghelyo, ipinagpalit din kaya nila ang katotohanan sa pera? Ang konsensiya,

    sa pansariling interes?  Mga Kapanalig, natakasan man nila ang batas ng tao, hinding-hindi nila matatakasan ang Batas ng Diyos, na Siyang nakakaalam ng katotohanan, ng lahat ng lihim na ating pinagtakpan.  Sa Kanya tayo mananagot sa oras ng paghuhukom.

    5 min
  • A Thought A Day | April 10, 2023

    A Thought A Day | April 10, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 9, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Abril 9, 2023

    Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Juan 20:1-9

    Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan niyang magbangon mula sa mga patay.


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Maligayang Pasko ng muling pagka-buhay, mga kapatid!  Nagtagumpay ang ating Panginoong Hesus sa kamatayan!  Inakay niya tayo sa buhay na walang hanggan! “Aleluya” ang ating awit! Habang pinagninilayan natin ang ating Ebanghelyo sa araw na ito, dalawang bagay ang paanyaya sa atin.  Una, inaanyayahan tayong manalig.  Tunay na muling nabuhay ang Panginoon.  Pawiin natin ang anumang pagdududa sa ating mga puso.  Alisin natin ang anumang takot.  Hayaan nating galak ang manaig sa ating mga damdamin.  Ikalawa, inaanyayahan tayong maging mga saksi.  Ibahagi natin ang galak na ating nadarama.  Ipahayag natin ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa.  Sikapin nating magbigay ng pag-asa sa ating kapwa. Patibayin natin ang kanilang pananampalataya.  Ipadama natin sa kanila ang hindi matatawarang pag-ibig ng Diyos.  Manalig at maging saksi, iyan ang paanyaya sa atin.  Bagong buhay at bagong pag-asa ang hatid sa atin ng muling pagka-buhay ng ating Panginoon.  Mga kapatid, marami tayong mga kapatid na nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa. Dalhin natin ang mabuting balita ng muling pagkabuhay sa kanila.  We are an Easter People! Makita nawa ito sa atin ng ating kapwa sa ating mga gawa. 

     

    5 min
  • A Thought A Day | April 9, 2023

    A Thought A Day | April 9, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 8, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Abril 8, 2023

    Sabado Santo




    Ebanghelyo: Mateo 28:1-10

    Kinahapunan ng Araw ng Pahinga, sa paglabas ng unang bituin, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan si Maria Magdalena at ang isa pang Maria para tingnan ang libingan.  Walang anu-ano'y lumindol nang malakas at bumaba mula sa langit ang anghel ng Panginoon, at nilapitan ang bato, pinagulong ito

    at naupo roon. Parang kidlat ang kanyang mukha at singputi ng niyebe ang kanyang damit. Nanginig naman sa takot ang mga bantay at naging parang mga patay. Sinabi ng Anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, binuhay siya
    ayon sa kanyang sinabi. tingnan ninyo ang lugar na pinaglibingan sa kanya. Pumunta kayo agad ngayon at sabihin sa inyong mga alagad na muli siyang nabuhay at mauuna sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Ito ang mensahe ko sa inyo." Agad nilang iniwan ang libingan na natatakot at labis na
    nagagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. Nakasalubong nila sa daan si Hesus at sinabi niya, "Kapayapaan." Paglapit sa kanya
    ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.”


    Pagninilay:

    May iba’t ibang teoriya tungkol sa kung ano talaga ang nangyari sa Muling Pagkabuhay ni Hesus at kung paano ito nangyari.  Pero ang totoo’y wala talaga tayong gaanong alam tungkol dito.  Maging ang apat ng ebanghelista ay walang naisulat kung paano talaga nangyari ang Muling Pagkabuhay.  Samantalang ang pagkapako at pagkamatay ng Panginoon sa Krus ay nasaksihan ng maraming tao.  Pero ang Kanyang Muling Pagkabuhay ay nananatiling lihim.  Mga kapatid, ginusto ng Diyos na ang dakilang pangyayaring iyon ay tanggapin lang nang may pananampalataya.  Ang pagpapahayag ng mga alagad tungkol sa Muling Pagkabuhay ay batay lamang sa libingang walang laman at sa mga pagpapakita ni Jesus sa kanila.  Sa hindi sumasampalataya, hindi sapat na katibayan iyon.  Tunay na ang Muling Pagkabuhay, ay mauunawaan at magiging makabuluhan lamang, kung titingnan natin ito, hindi sa pamantayan ng tao, kundi sa pamantayan ng Diyos.  Hindi man natin nakita ang libingang walang laman – ang mabuhay sa pag-ibig at paglilingkod sa kapwa, nang walang itinatangi, ang matibay na patotoo sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon.  Manalangin tayo.  Panginoon, nananalig po akong tunay kang nabuhay na muli. 

    Patatagin Mo po ang aking pananampalataya sa katotohanang ito.  Amen.


    5 min
  • Celebrating God’s Gift of Easter Joy | Word and Songs Podcast with Sr Lines Salazar, fsp

    Celebrating God’s Gift of Easter Joy #WordAndSongs #PaulinesPH #Easter2023 #ChristIsRisen #Alleluia

    Alleluia the Lord is Risen! Jesus is alive; he is in our midst and living in our hearts. His passion, death, and resurrection manifest that his love for all of us is beyond measure, which neither science nor human knowledge can explain. It is for this reason that Easter is such a joyous- celebration. Easter season makes us realize more deeply the great love that God has for us and for all creation --- the love that frees us from sin and brings us new life, the love that brings joy and hope in our lives. The risen Christ is hope for all those who continue to suffer from spiritual and bodily afflictions.

    31 min
  • A Thought A Day | April 8, 2023

    A Thought A Day | April 8, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.