PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | April 3, 2023

    A Thought A Day | April 3, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 2, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Abril 2, 2023

    LINGGO NG PALASPAS  



    Ebanghelyo: MATEO 21:1-11

    Malapit na sila sa Jerusalem, [ang maraming taong sumusunod kayJesus] at pagdating nila sa Betfage at Betania, sa Bundok ng mga Olibo,

    inutusan ni Jesus ang dalawang sa kanyang nga alagad: "Pumunta kayo sakabilang ibayo at may makikita kayo roong isang asnong nakatali na di pa
    nasasakyan ninuman. Kalagan n’yo ito at dalhin sa akin. Kung may magtanong sainyo, “Ano ang gingawa ninyo?” sabihin ninyo: Kailangan ito ng Panginoon pero
    ibabalik din kaagad. Umalis sila at nakita ang asnong nakatali sa labas ng pintuan at kinalagan nila ito. At sinabi sa kanila ng ilang naroroon: “Bakit
    niyo kinakalagan ang asno?” Isinagot nila ang sinabi ni Jesus at pinabayaan sila ng mga tao. Kaya dinala nila ang asno kay Jesus at isinapin dito ang
    kanilang mga balabal, at naupo rito si Jesus. Marami naman ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at may iba pang naglatag ng mga sangang pinutol
    nila sa bukid. Sumisigaw ang mga taong nangunguna at sumunod sa kanya. “Hosanna, Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” Mapalad ang
    dumarating na kaharian ng ating ninunong si David “Hosanna, luwalhati saKaitaasan!”

    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Mga kapatid, sinisimulan natin ngayon ang Semana Santa sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas.  Inaala-ala natin ngayon ang maringal na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan sinalubong siya ng mga tao, nagbibigay pugay, iwinawagayway ang mga palaspas habang sumisigaw ng “Hosanna”.  Sinalubong nila si Hesus

    bilang hari.  Siya nga ang kanilang tagapagligtas at ang pagtungo niya sa Jerusalem ang tanda ng simula ng kanyang gagawing pagliligtas.  Pero, ginawa niya ito sa paraang hindi nila inaasahan.  Ang Hari ng Israel ay nagpakasakit, nagpasan ng Krus at namatay.  Ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan
    hindi sa pamamagitan ng lakas, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig.  Pag-ibig na handang mag-alay ng Buhay alang-alang sa kanyang mga minamahal.  Ang
    kanyang korona ay ang mga tinik; ang kanyang trono ay ang krus kung saan inialay niya ang kanyang buhay.  Ito ang ating hari. Sabi ni San Pablo, “Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at nagging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.”  (Fil. 2:4-8). Mga kapatid, ngayong Semana Santa, huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating Hari.  Inialay niya ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan.  Mamutawi nawa lagi sa ating mga labi “Hosanna sa Anak ni David, Hari ng Israel”!

     

    5 min
  • A Thought A Day | April 2, 2023

    A Thought A Day | April 2, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    7 min
  • Ano ang Ginagampanan ng Mahal na Birhen sa Larangan ng Pakikipadigma Laban kay Satanas?

    Ano ang Ginagampanan ng Mahal na Birhen sa Larangan ng Pakikipadigma Laban kay Satanas? | Episode 40 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
    Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
    Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House)
    #PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
    AVAILABLE ONLINE:
    📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
    📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
    📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
    📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...

    3 min
  • Mabuting Balita l Abril 1, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Abril 1, 2023 – Sabado

    Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Jn 11:45-56

    Marami sa mga Judiong sumama kay Maria at nakasaksi sa ginawa ni Hesus ang naniwala sa kanya. Pumunta naman ang ilan sa kanila sa mga Pariseo at sinabi sa kanila angmga ginawa niya. Kaya tinipon ng mga Punong-pari at ng mga Pariseo ang Mataas na Sanggunian na Sanhedrin, at sinabi: “Ano ba'ng gagawin natin? Marami siyang mga ginagawang tanda. Kung pababayaan natin siyang paganito, mananalig sa kanya ang lahat at darating ang mga Romano at aalisin maging ang ating banal na lugar at ang ating bansa.” At isa sa kanila, si Caifas, na Punong-pari sa taong iyon, ang nagwika: “Wala kayong kaalam-alam. Hindi n'yo naiintindihan na makabubuti sa inyo na isang tao ang mamatay alang-alang sa bayan, upang hindi mapahamak ang buong bansa.”Hindi sa ganang sarili niya sinabi ang mga salitang ito, Kundi sa pagiging Punong-pari niya sa taong iyon, sinabi niya ang propesiyang ito: dapat ngang mamatay si Hesus alang-alang sa bansa, at hindi lamang alang-alang sa bansa kundi upang tipunin pati ang mga nakakalat na anak ng diyos upang maging isa. Kaya mula sa araw na iyon, pinagpasyahan nilang patayin siya. Kaya hindi na tahasang naglakad si Hesus sa lugar ng mga Judio kundi umalis siya mula roon patungo sa lupaing malapit sa ilang, sa isang lunsod na Efraim ang tawag, at doon siya nanatili kasama ng mga alagad.  Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon ang marami pa-Jerusalem mula sa lalawigan bago mag-Paskuwa upang Malinis ang sarili. Kaya hinanap nila si Hesus “Ano sa palagay ninyo? Paririto kaya siya sa piyesta?”


    Pagninilay:

    Panahon ng pagninilay, pagharap sa sarili at pagsisikap na magbagumbuhay ang Kuwaresma.  Paanyaya rin ito na pagtuunan natin ng pansin si Jesus – lalo na ang mga huling araw ng Kanyang buhay dito sa mundo – at Siya ang gawing sentro ng ating buhay.  Sinimulan ni Jesus na ipahayag ang paghahari ng Diyos.  Naglibot Siya para magturo at magpagaling ng mga maysakit.  Pawang katotohanan lamang ang namutawi sa Kanyang bibig, at wala Siyang ibang ginawa kundi ang magmalasakit sa kapwa, lalo na ang mga naaapi at kaawa-awa. Pero hindi nagtagal balak na Siyang iligpit ng mga nasa kapangyarihan.  Marami Siyang nasasagasaan, at namumulat ang mga tao sa tunay na kalagayan ng kanilang buhay.  Kaya nasabi ni Caifas na mas makabubuti na isang tao lang ang mamatay kaysa mapahamak ang lahat – kaysa sila ang mapahamak!  Mga kapatid, ganito pa rin ang nararanasan ngayon ng maraming Kristiyanong nagtataguyod ng katarungan, nanganganib ang buhay, nakukulong, pinaparatangan nang kung anu-anong kasinungalingan at hindi pinaniniwalaan sa hukuman.  Walang ikinaiba sa dinanas ng ating Panginoong Jesus, na humantong sa krus sahuli.  Handa ba nating yakapin ang krus alang –alang sa katarungan, kapayapaan, at pagmamahal sa kapwa? 


    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Mary Of Egypt, Patron Saint Of Women Penitent l April 1

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Mary Of Egypt, Patron Saint Of Women Penitent l April 1



    Our saint for today may not be familiar to many of us, but her life became the subject of popular literary works in the past centuries: three operas, two long dramas, two novels and two long poems. The source of information was her biography, written by St. Sophronius, a patriarch of Jerusalem; therefore they aretrustworthy. The underlying theme of the story is the sincere repentance of a sinner and God’s limitless mercy to those who repent. Nothing is said about theearly life of St. Mary, except that she was born in 344 and at twelve years old, she ran away from home and went to Alexandria to make an adventure. Unfortunately, she became a prostitute, offering herself to the men around. She enjoyed the comforts and pleasures of the sexual act and at times would even return the money the men paid her.

    One day, she heard about a pilgrimage to the Holy Land and she was attracted to join it. When they arrived, she went her own way and like many others, she
    wanted to enter a church. When she tried, however, a strong unseen force blocked her. She tried and tried but could not really enter. In those moments,
    she became aware of herself and her sinful life which she thought was the reason why she could not go inside the church. She looked at the wooden Cross at the altar and the statue of the Blessed Virgin Mary and she began to weep. She prayed and promised to stop displeasing God with her sins and would make
    penance for them. At this point, she was able to enter the church. Remembering the incomprehensible mercy of God, she kissed the floor and cried bitterly. She
    turned to the Mother of God and asked her to lead her to a holy life. Then she seemed to have heard these words: “If you go beyond Jordan, you will find rest
    and comfort.”

    Mary immediately left the church and took the road leading to Jordan. She found the church of John the Baptist which stood at the bank of the rivers. She looked

    for a priest and confessed her sins. She received Holy Communion at Mass and after a while left Jordan. She ran and looked for the desert and decided to
    stay there the rest of her life. In fact, she lived there for forty-seven years, living in prayer, solitude and prayer. When she was nearing death, she met Zosimus, a holy monk to whom she related all the events in her life. She also made a good confession and received the Body of Christ. It was Holy Thursday. Before they parted, Mary made a request if the holy monk could return the following year, on Holy Thursday so she could again receive Holy Communion. The monk was just happy to agree. After one year, when Zosimus returned to the place where he met Mary, he was dismayed to find her corpse lying on the ground with the inscription of her name and the date of her death. She must have died on that same day. Many authors believe that it was on the year 421. Today, she is honored as the patron saint of women penitent and her feast day is celebrated on April 1st.

     Virtue: humility,honesty, faith, hope, penitence, courage, commitment, patience, fortitude

     Prayer: “St. Mary of Egypt help us to avoid the occasions of sin and guide us to live a pure life.

         



     


    5 min
  • A Thought A Day | April 1, 2023

    A Thought A Day | April 1, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    7 min
  • Bakit Kinatatakutan ng Mga Demonyo si San Jose?

    Bakit Kinatatakutan ng Mga Demonyo si San Jose? | Episode 39 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
    Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
    Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House)
    #PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
    AVAILABLE ONLINE:
    📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
    📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
    📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
    📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...

    2 min
  • Palm Sunday Life's Messages | Word and Songs Podcast with Sr Lines Salazar, fsp

    The Church celebrates this sixth Sunday of Lent as both Palm Sunday and Passion Sunday. This is the place in the Liturgical year when the Church stop us so that we can remember and relive the events which brought about our redemption and salvation. What we commemorate and relive during this week is not just Jesus’ dying and rising, but our own dying to sin and selfishness and rising in Jesus, which will result in our healing, reconciliation, and redemption. Attentive participation in the Holy Week liturgy will deepen our relationship with God, increase our Faith, and strengthen our lives as disciples of Jesus. Today’s liturgy, therefore, combines contrasting moments, one of glory, the other of suffering: the royal welcome of Jesus in Jerusalem, and the rigged trial, culminating in the crucifixion, death, and burial of Christ.

    As we celebrate Palm Sunday and begin our journey through Holy Week, we are called to ask ourselves who and where we are in the crowd. This is a week to pray and then decide what kind of followers of Christ we are and is going to be.

    31 min
  • Mabuting Balita l Marso 31, 2023 - Biyernes

    Mabuting Balita l Marso 31, 2023 - Biyernes

    Biyernes  sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma



    Ebanghelyo: Jn 10:31-42

    Dumampot ng mga bato ang mga Judio upang batuhin si Hesus. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Maraming mabubuting gawa ang itinuro ko sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit n'yo ako binabato?” Sinagot siya ng mga Judio: “Binabato ka namin hindi dahil sa isang mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan sapagkat gayong ikaw ay tao, itinuturing mong Diyos ang iyong sarili.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Hindi ba nasusulat sa Batas ninyo: 'Aking sinabi,” mga Diyos kayo” '? Kaya tinawag na mga diyos ang mga tumatanggap ng salitang ito ng Diyos, at hindi mapawawalang-saysay ang Kasulatan. Kung gayon, nang sinabi kong ako ang Anak ng Diyos—ako na pinabanal ng Ama at sinugo sa mundo –bakit n'yo sinasabing paglapastangan ito? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking ama, huwag n'yo akong paniwalaan. Kung ginagawa ko naman, kahit na hindi kayo naniniwala sa akin, maniwala naman kayo sa mga gawa. Kaya alam na alam nga ninyo na nasa akin ang Ama at ako'y nasa Ama.” Kaya muli nilang pinagtangkaang dakpin si Hesus ngunit nakatalilis siya sa kanilang kamay. At muli siyang lumayo pakabilang ibayo ng Jordan sa lugar na pinagbibinyagan ni Juan sa simula. At doon siya nanatili. Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi: “Hindi nga gumawa ng anumang tanda si Juan, pero nagkatotoo nga ang lahat ng sinabi ni Juan tungkol sa kanya.” At doo'y marami ang naniwala sa kanya.

    Pagninilay:

    May isang animated film po akong napanood na ang pamagat ay The Boy, the Mole, the Fox and the Horse. Sinabi ng mole sa batang lalaki: “One of our greatest freedoms is how we react to things.” Sa ating Mabuting Balita, ilang araw bago ang mga Mahal na Araw, inusig ng mga tao si Hesus tungkol sa kanyang pagpapahayag bilang Siya ang Anak ng Diyos. Nanatiling mahinahon ang ating Panginoong Hesus dahil kilala niya kung sino siya, alam niyang totoo at bukas sa puso ang kanyang salita at gawa. Mga kapanalig, sana matutunan din natin how to react to things well. Tulad ng ating Panginoong Hesus huwag nawa tayo matinag kung alam nating Totoo at Mabuti ang ating kinatatayuan. Huwag tayong tutulad sa mga taong nambuyo sa kanya, na kilala lamang ang mga milagrong kanyang ginawa. Tanggapin nating lubos si Hesus bilang Diyos at Panginoon ng ating buhay, Amen.

    Cl. Vinz Aurellano, SSP / Society of St. Paul

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.