Sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya: “Kung mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at malalaman ninyo ang katotohanan, at magpapalaya sa inyo ang katotohanan.” Sumagot sila sa kanya: “Binhi ni Abraham kami at hinding-hindi kami nagpapa-alipin kaninuman. Paano mo masasabing 'magiging malaya kayo?' Sumagot sa kanila si Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ngunit hindi nanatili ang alipin sa pamamahay magpakailanman. Ang anak ay mananatili magpakailanman. Kaya kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, totoong malaya kayo. Alam kong binhi kayo ni Abraham. Ngunit hangad ninyo akong patayin, sapagkat walang lugar sa inyo ang aking salita. Ang nakita ko sa Ama ang sinasabi ko, at ang narinig ninyo mula sa inyong ama ang inyo namang ginagawa.” Kaya sumagot sila sa kanya: “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung mga anak kayo ni Abraham, ang mga gawa ni Abraham ang inyo sanang paggagawain. Ngunit ngayon, hangad ninyo akong patayin, na s’yang nangungusap sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hindi gawa ni Abraham, ang mga gawa nga ng inyong ama ang inyong ginagawa.” Kaya sinabi nila sa kanya: “Kami ay hindi mga anak sa labas. May isang ama lamang kami--ang Diyos.” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung ang Diyos nga ang inyong ama, mamahalin sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako galing, at ako'y pumarito. Dumating ako hindi sa ganang sarili ko, kundi siya ang nagsugo sa akin.”
Kapanalig, kapag nakatanggap ka ng Gift Certificate, ano ang reaction mo? Di ba natutuwa dahil malilibre ka sa gusto mong bilhin, tulad ng sapatos, pagkain, damit o gamot. Very precious ito. In short, may katunayan kang ipipresent sa cashier na entitled ka na ma-libre sa gastos. Kaya maswerte ang nakakareceive ng GC. Dahil free ang wallet mo na maglabas ng cash. Speaking of Gift Certificate may mahalagang sinabi ang ating Jesus Maestro tungkol dito. Katotohanan ang ipipresent natin para maging free tayo. Sa paanong paraan? Magsabi at maging saksi ng totoo. Never fabricate your own truth. Mahirap kayang magsinungaling at ibahin ang kwento. Pinagtatagni-tagni ang mga hinugot na lihis na impormasyon para kumatha ng kwento na ayon sa gusto mong version ng totoo. Ang resulta, bukod sa struggle natin na maging consistent sa sinasabi natin, kinakatok tayo ng sarili nating kunsensya. May inner voice na hindi tayo pinapatahimik. Kapatid, hindi ako naniniwala sa manhid na kunsensya dahil conscience is God’s gift to us. Ito ang innate awareness natin ng tama at mali. Kahit ang musmos na bata, kahit wala pa siyang knowledge of conscience, obvious sa mata niya na nagsisinungaling siya. Mabilis magtago dahil ramdam niya na nagkamali siya. Madali rin siyang umamin kahit umiiyak na sa takot. Hindi nga natin kayang dayain ang ating kunsenya. Kaya kung nasa panig tayo ng tuso, ng panloloko, ng palsipikado, good luck, rehas ng magulong buhay ang ating papasukan. Samantala, kung nakakapit tayo sa katapatan, pananagutan, tibay ng loob, dangal, pananalig, ito ang magliliberate sa atin mula sa kasalanan. Ito rin ang magiging Gift Certificate na maglilibre sa iyo at sa akin para sa ating kaligtasan.