PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Abril 7, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Abril 7, 2023

    Biyernes Santo

    Ebanghelyo: Juan 18:1-19:42

    Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa Ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap ang isa pang Kasulatan, at sinabi niya: “Nauuhaw ako!” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniit nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo ibinigay n’ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo.


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sa araw na ito buong puso ituon ang ating mga mata sa Krus, kung saan ang Kamatayan at Buhay, matatagpuan; at kung saan ang Buhay, nagtagumpay sa Kamatayan. Sa Krus, ang ating Panginoon Hesus ay nag-alay ng “mga panalangin at pagsusumamo para sa atin, nang may malakas na pag-iyak at luha sa harap ng Kanyang Ama. Minahal niya tayo hanggang sa wakas, hanggang sa binigkas niya ang kanyang huling salita, "Tapos na."  Mga kapatid, ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapabanal sa araw na ito, isang araw ng makabagbag-damdaming pag gunita, na nagbibigay din ng matinding kagalakan.  Sa Krus, ipinapakita ng Diyos ang kahanga-hangang kagandahan ng Banal na Awa. Dahil sa pamamagitan ng Krus ng Panginoong Hesukristo, ang Diyos " ay nag-aalok sa atin ng katiyakan ng pag-ibig at bagong buhay.


    5 min
  • A Thought A Day | April 7, 2023

    A Thought A Day | April 7, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 6, 2023 – Huwebes

    Mabuting Balita l Abril 6, 2023

    Huwebes Santo


    Ebanghelyo: Juan 13:1-15

    Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras upang tumawid mula sa mundong ito patungo sa Ama, at siya na nagmahal sa mga sariling kanya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa katapusan. Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik. Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit s’ya kay Simon Pedro sinabi nito sa kanya, “Panginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang aking ginagawa, ngunit mauunawaan mo makaraan ang mga ito.” Sinabi sa kanya ni Pedro, “Hinding-hindi mo huhugasan ang aking mga paa, magpakailanman.” Sumagot si Hesus sa kanya, “Kung hindi kita huhugasan wala kang kaugnayan sa akin.” Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, “Panginoon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na ang mga kamay at ulo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mga paa lamang ang kailangang hugasan nang naligo na dahil malinis na ang buo n’yang sarili. Malinis na nga kayo, subalit hindi lahat.” Kilala na ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: ‘hindi lahat kayo’y malinis’.   Kaya nang mahugasan niya ang kanilang paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa. Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.”


    Pagninilay:

    Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Ang hapag Kainan ang isa sa pinaka importanteng bahagi ng isang tahanan. Dito nagsasalo-salo ang pamilya at maging ang malalapit na kaibigan natin. At hindi lang pagkain ang pinagsasaluhan dito, maging ang mga kwento, saya at mga problema. Sa ganitong paraan din nararamdaman natin na kabahagi tayo ng isang pamilya.  Sa ganitong paraan din itinaguyod ni Hesus

    ang Banal na Eukaristiya. Sa isang hapunan, itinuro niya sa kanyang mga alagad ang tunay na pag-aalay ng sarili. Tinuturuan tayo ni Hesus na mahalin at paglingkuran ang kapwa, katulad ng kanyang ipinakita sa kanyang paghuhugas ng kanilang paa. At sa paghahain ni Hesus ng kanyang sarili, Ito ang aking katawan…at dugo na inihahain para sa inyo.” Tinatawag din tayo para magiging pagkain para sa ating kapwa. Pagkain na nagbibigay kasiyahan at pag-asa, katulad ng pagbibigay ni Hesus ng kanyang sarili.

     


    5 min
  • A Thought A Day | April 6, 2023

    A Thought A Day | April 6, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    7 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Vincent Ferrer, Patron Saint of all Construction Workers l April 5

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Vincent Ferrer, Patron Saint of all Construction Workers l April 5





    You must have seen statues of St. Vincent Ferrer with wings. Well, it is just a representation to symbolize his swiftness and eagerness to answer the call of anyone in need. Tradition, however, recalls that one day while he was preaching, the people saw him flew away, with wings like an angel, but at the same time he continued his sermon. Afterwards, it was revealed that he went to a certain place to cure a sick person. Many more miracles are attributed to him even now. St. Vincent was a Dominican friar, born in Valencia, Spain on January 23, 1350. He was brought up as a devout Catholic so much so that even as a child he would fast on Wednesdays and Fridays and distribute alms to the poor. At eight he began his classical studies and at fourteen, he studied philosophy and theology. Then, he entered the Dominican Order when he was eighteen. After religious profession, he dedicated three years in reading and studying the Scripture. He was ordained a priest in Barcelona in 1379. Eventually, he earned his Masters and then Doctorate degrees in theology. For some years St. Vincent preached the word of God and other theological subjects. Many people came to listen to him. As a noted preacher, he travelled to England, Scotland, Ireland, France, Switzerland Italy and other Spanish cities. It was also said that he converted 25,000 Jews to Catholicism. One of the rabbis whom he converted became an archbishop and former Jewish synagogues were transformed into Catholic churches. He also converted Mohammedans and heretics.

    During the lifetime of St. Vincent, two scourges devastated the Church. First was the Black Death or Spanish flu which killed many people in Europe including clergy and religious. In order to fill up the needed priests in the parishes, even those with no vocation were admitted into the seminaries. This resulted in so much irregularities and laxities in the practice of religion. St. Vincent worked hard to instruct the people and to reform the clergy and the religious orders. The second scourge was the Western Schism, when the pope moved to Avignon due to political problems and urged by the influence of the King of France. The absence of the papacy from Rome for 67 years is called the “Babylonian Captivity.” St. Vincent worked very hard to influence the pope to end the schism. But all these had negative effects on him that he got seriously ill. His room was suddenly filled with heavenly light and Jesus Himself shining like the sun, surrounded by a multitude of angels, together with St. Dominic and St. Francis, came and made known to him His desire: “My will is
    that you preach the Gospel to Gaul and Spain, reprove the sins of men and bid them prepare for the great judgment. Though wicked men will oppose you, fear
    nothing. I will be with you.” Thus St. Vincent was miraculously healed and continued to preach in France and Spain and in some parts of Europe for many
    more years. When St. Vincent preached to the nuns of Colette of Corbie, Sr. Colette prophesied that he was going to die in France. And indeed, it happened.
    While in Brittany, he got very ill and unable to return to Spain, he died in Vannes, Brittany on April 5, 1419 at the age of 69. St. Vincent was buried in the Basilica Catedral de San Pedro, Vannes, France. He was canonized by Pope Callixtus III on June 3, 1455. He is invoked in many difficult circumstances in life.
    His outstanding Virtues are:   piety, humility, charity, bravery, fidelity, obedience, generosity and fortitude.

     “St. Vincent, please assist me in all the works I do, deliver me from all dangers, and help me to love and help the poor and the needy.”

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 5, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Abril 5, 2023

    Miyerkules Santo


    Ebanghelyo:  Mateo 26:14-25

    Pumunta sa mga Punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Magkano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo?  Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito ng pagkakataong maipagkanulo siya. Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Hesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?”  Sumagot si Hesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya:  'Sinasabi ng Guro:  malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad.'” At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Hesus at inihanda ang Paskuwa.  Pagkalubog ng araw, nasa hapag

    si Hesus kasama ng Labindalawa.  Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo:  ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.”  Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsasawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin.  Patuloy sa kanyang daan ang anak ng Tao ayon sa isinulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong
    ito kung hindi siya ipinanganak pa.”  Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Guro?”  Sumagot si Hesus: “Ikaw na ang nagsabi.”

     


    Pagninilay:

    Ang hapunang Pampaskuwa na pinagsaluhan ni Hesus at ng kanyang mga alagad, ay isang pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagtitiwalang nagbubuklod sa kanila.  Tunay ngang nakalulungkot na nasira ng pagtataksil ang buklod na ito.  Hindi lamang kasakiman ang dahilan ng pagkakanulo ni Hudas.  Higit sa lahat, bunga ito ng nasirang pananampalataya.  Hindi na rin niya iniisip na kaibigan niya si Hesus.  Ipinagbili niya ito at humanap siya ng pagkakataong maipagkanulo ang kanyang Panginoon.  Kapatid, naranasan mo na bang maipagkanulo ng iyong kaibigan, mahal sa buhay o pinagkatiwalaang tao?  Isang napakasakit at napakalungkot na karanasan ang maipagkanulo, lalo na ng mga taong malapit sa ating puso.  Sinayang nito ang tiwala at winasak ang pagkakaibigan. Tanging ang mga mahal natin sa buhay at mga taong ating pinagkakatiwalaan ang maaaring magkanulo sa atin.  Pero kung malalim ang ating pinagsamahan at wagas ang pagmamahalan sa isa’t isa, magagawa nating magpatawad, sa tulong na rin ng Panginoon.  Ganito kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa

    atin. Kahit paulit-ulit natin Siyang sinasaktan at ipinagkakanulo dahil sa ating kasalanan, patuloy Niya tayong minamahal at pinapatawad. Hilingin nating
    matularan Siya sa Kanyang walang kundisyong pagmamahal.  Panginoon, tulungan Mo po akong magpatawad sa mga taong nagkanulo, nagtaksil at labis na nakasakit ng aking damdamin.  Amen.


    5 min
  • A Thought A Day | April 5, 2023

    A Thought A Day | April 5, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.



    8 min
  • Mabuting Balita l Abril 4, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Abril 4, 2023

    Martes Santo



    Ebanghelyo: Juan 13:21-33, 36-38

    Nabagabag sa kalooban si Hesus, at nagpatotoo: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Nagkatinginan ang mga alagad at hindi nila malaman kung sino ang tinutukoy niya. Nakahilig sa dibdib ni Hesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Hesus. Kaya tinanguan ito ni Simon Pedro upang usisain si Hesus kung sino ang kanyang tinutukoy. Kaya paghilig niya sa dibdib ni Hesus, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, sino ba iyon?” Sumagot si Hesus: “Iyon siyang ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pagkasawsaw ng kapirasong tinapay, ibinigay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. Kasama ng kapirasong ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Hesus: “Gawin mo agad ang gagawin mo.” Walang nakaunawa sa mga nakahilig sa hapag kung bakit sinabi niya iyon sa kanya. Kaya pagkakuha niya ng kapirasong tinapay, agad siyang lumabas. Gabi noon. Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Hesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. At luluwalhatin sa kanya ang Diyos, at agad niya siyang luluwalhatiin. Mga munting anak, sandali na lamang ninyo akong kasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga Judio: ‘Hindi kayo makaparoroon kung saan ako pupunta,’ sinasabi ko rin sa inyo ngayon. Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Hindi ka makasusunod ngayon sa akin sa pupuntahan ko; susunod ka pagkatapos.” Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi kita masusundan ngayon? Maiaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyo.” Sumagot si Hesus: “Maiaalay mo ang iyong Buhay alang-alang sa akin? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang manok hanggang maitatuwa mo akong makaitlo.”


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Fr. Oliver Par ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Kalayaan ang siyang pinakatampok na regalo sa atin ng Diyos nang likhain Niya tayo. Malaya kang magdesisyon sa kung ano ang gusto mong gawin—kasama na diyan ang pagpili kung gagawa ka ng mabuti o gagawa ka ng masama. Pero bawat desisyon mo din ay may kaakibat na “consequences” o “resulta.” Ang masamang desisyon ay mauuwi sa kasalanan, at ang mabuti nama’y magdudulot ng grasya. Kahit sino sa atin ay maaring maging katulad ni Hudas Iscariote sa tuwing pinipili natin ang panandaliang saya ng

    kasalanan. Kahit gaano pa katiyak ang magandang buhay na pangako sa atin ng Diyos, sa huli tayo pa rin ang pipili kung saan tayo papanig: sa mabuti  o sa masama, sa Diyos o kay Satanas, sa Buhay na walang hanggan o sa kamatayan. Kaya pag-isipan mong mabuti ang bawat desisyon mo.

    Manalangin tayo: 

    Panginoon, kasihan Mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu, nang lagi kong piliin ang tama, mabuti at kalugod-logod Sa’yo.  Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya, upang mapanindigan ko ang bawat desisyong aking gagawin sa Ngalan Mo, Amen.

    5 min
  • A Thought A Day | April 4, 2023

    A Thought A Day | April 4, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.



    8 min
  • Mabuting Balita l Abril 3, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Abril 3, 2023

    Lunes Santo       



    Ebanghelyo: Juan 12:1-11

    Anim naaraw bago mag-Paskuwa, pumunta si Hesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Hesus mula sa mga patay.  Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya.  Naglilingkod si Marta at si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Hesus.  Kinuha ni Maria ang isang libra ng mamahaling pabangong mula sa tunay na nardo at pinahiran niya ang mga paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa nito.  Napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay. Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano ito?  Maipagbibili sana ang pabangong ito sa halagang tatlundaang denaryo para maibigay sa mga dukha.”  Sinabi niya ito, hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; hawak niya ang pananalapi at nangungupit doon. Kaya sinabi ni Hesus: “Bayaan mo na siya; inilaan na niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin.  Kasama ninyong lagi ang mga dukha, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.” Marami sa mga Judio ang nakaalala na naroon siya.  At dumating sila hindi dahil lamang kay Hesus kundi upang makita nila si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay.  Pinag-usapan naman ng mga Punong-pari ang pagpatay pati na kay lazaro, sapagkat marami sa mga Judio ang lumilisan dahil

    sa kanya at naniniwala kay Hesus.


    Pagninilay:

    Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  (Sabi ng iba, kapag nagmamahal ka, huwag mong
    ibubuhos ang lahat. Magtira ng konti for yourself para may reserba ka. May huhugutin ka pa kapag ang ibinuhos mong pagmamahal hindi nasuklian. May punto, di ba? Pansinin natin, na naiiba ang Mabuting Balita sa atin ngayon. Kapag tunay mong mahal ang isang tao, magiging maluho ka sa pag-aalay. Ibubuhos mong lahat para masiyahan ang iyong minamahal. Maluho nga ang magmahal. Pumasok tayo sa tagpo.) Si Maria na kapatid ni Marta at ni Lazaro, nagbuhos ng mahalimuyak at mamahaling nardo sa paa ni Jesus Maestro. Precious oil for the precious and sacred feet. Ito ang paa na tatahak paakyat sa bundok ng kalbaryo.  (Malamang dahil best friends sila, na-iconfide sa kanilang magkakapatid ang tatahakin ni Jesus Maestro na pagpapakasakit at pagkamatay.  Nakakatawag-pansin din na sariling buhok ang ginamit ni Maria para manuot ang mabangong langis sa mga balat ni Jesus Maestro. Crowning glory niya ipinampunas para bigyang dangal ang Panginoon. Isang decisive moment ito kay Maria.)  Minahal siya nang lubos. Ngayon naman, magarbong buhos ang ipinalit niya. Mga kapatid, ngayong Mahal na Araw, ano’ng mahalimuyak at mahalagang alay ang idudulog natin sa paa ng ating
    Panginoon? Mahalimuyak kaya ng langis ng pagpapakumbaba? O ang dating mahalagang pag-rerelax na ngayon kakayanin nating i-let go dahil mas mahalaga
    sa atin ang pagtahak sa mga Istasyon ng Krus? O ang mahalagang pagpapatulo ng pawis para tulungan ang naghihirap? Maging maluho tayo ngayong Mahal na Araw. Tapatan natin ang mahal at maluhong pagtagas ng dugo na ipinanghugas sa ating kasalanan.  Maluho Siyang magmahal.  Iginayak Niya ang Kanyang buong buhay para magmistulang pambayad para sa ating kaligtasan.

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.