PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | April 19, 2024

    A Thought A Day | April 19, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

    Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Juan 21, 20-25

    Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat.

     

    Pagninilay:

    "Sumunod ka sa akin." 

    Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?"  Kahit pala Santo ay usisero din si

    Pedro!  Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin
    napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang
    dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga’y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga’y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.  Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig.
    Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?

    4 min
  • Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes

    Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes

    Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo:  Jn 6:44-51

    Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw.

    Nasusulat sa Mga Propeta: ‘tuturuan nga silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. “Wala ngang nakakita sa Ama liban sa
    kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang-hanggan ang naniniwala sa akin. “Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa ilang ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”

    Pagninilay:

    Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Isa sa mga paratang sa mga unang taga-sunod ni Kristo, ay ang krimen ng kanibalismo. Ito ay ang pagkain ng laman ng kapwa

    tao. Kaya ikinukulong o ipinapapatay ang sinumang matagpuan na miyembro ng samahang ito. Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan o tsismis sa emperyo noon,
    ang mga unang Kristiyano ay nagtitipon upang kainin ang laman ng kanilang Diyos at inumin ang kanyang dugo. Ganito din marahil ang iskandalong naranasan ng mga
    Hudyo na nakikinig kay Hesus, noong sabihin niyang ang pagkain na ibibigay niya, ang pagkaing magbibigay buhay ay ang kanyang laman. Batid ng mga Hudyo ang
    tinutukoy ni Hesus na manna, o yung tinapay na nagsustena sa kanilang mga ninuno noong naglalakbay sila sa Disyerto sa loob ng apatnapung taon. At kung
    paano ito nagbigay buhay at nagsustena sa kanila, ganito din sinasabi ni Hesus sa mga nakikinig sa kanya, kung paano ang kanyang katawan ay magbibigay buhay.  Pero, hindi ba’t ito ang nangyayari sa bawat pagtanggap natin ng komunyon? Literal na tinatanggap natin ang buhay na katawan at dugo ng ating Panginoon. At ito ang paraan ng ating pakikipagkaisa kay Hesus. Ganoon kalapit, ganoon ka-personal. Kaya nga komunyon ang tawag natin
    dito, communion, pakikipagkaisa. Tayo ay nagiging kaisa ni Kristo at sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng ugnayan sa Ama.   Nawa sa bawat komunyon na ating tinatanggap, magpatibay nawa ito sa ating pakikipagkaisa kay Kristo at tunay na magbigay buhay sa atin.

     

    5 min
  • A Thought A Day | April 18, 2024

    A Thought A Day | April 18, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 17, 2024 - Miyerkules

    Mabuting Balita l Abril 17, 2024 - Miyerkules

    Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Jn 6:35-40

    Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin. Subalit

    sinabi ko sa inyo: Nakita na ninyo at hindi kayo naniniwala. “Lalapit sa akin ang anumang ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang lumalapit sa akin. Sapagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi upang
    gawin ang kalooban ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. “Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin na huwag kong pabayaang mawala ang anumang ibinigay niya sa akin; sa halip ay ibabangon ko ito sa huling araw. Ito ang kalooban ng akingAma: ang bawat nakasaksi sa Anak at naniniwala sa kanya ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.”

    Pagninilay:

    Isinulat ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ano ba ang sinisimbolo ng tinapay? Ito ay pantawid gutom, nagbibigay sa atin ng lakas at buhay, ‘di ba? Marahil, para sa ating mga Filipino, ang tinapay ay di kasing importante ng kanin. Pero di natin

    maitatatwa na ang tinapay, katulad ng kanin ay isa ring staple food, and has an important function to nourish our body and keep us alive. (Alam ninyo, mahilig akong magluto at mag bake ng cake at bread, paminsan-minsan. Simple lang naman ang baking skills ko. Hindi maikukumpara sa mga skilled bakers whose beautiful
    creations we usually see uploaded on social media. Pero ang isang bagay na nagpapataba sa puso ng isang cook o baker ay, kung ang kanyang niluluto o bine bake ay nagugustuhan ng mga kumakain nito. Gayunpaman, kahit napaka excellent ng isang baker or cook, at gaano man kasarap ang pagkain na kanyang niluto, ito ay nasisira at napapanis din after some time, ‘di ba?)  Sabi ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon: “Ako ang tinapay ng buhay…”  Ano ang gustong iparating ni Hesus sa atin sa mga katagang ito? Ito ay isang paalaala sa atin na si Hesus ang bukal ng buhay, at siya lamang ang tagapag-alaga ng ating espirituwal at pisikal na buhay. Isa rin itong paanyaya sa ating lahat, na lumapit sa kanya dahil siya lamang ang tunay na pagkain, na magbibigay sa atin ng lakas, upang malabanan at mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Sa banal na Eukaristiya, ibinabahagi ni Hesus ang kanyang sarili, bilang tinapay ng buhay.  Sa pamamagitan ng banal na Eukaristiya, binubusog ni Hesus ang ating kaluluwa ng kanyang
    sacramental presence, nananahan siya sa ating puso, at pinupuspos ang ating buong pagkatao ng kanyang walang hanggang biyaya at pagmamahal.

    5 min
  • A Thought A Day | April 17, 2024

    A Thought A Day | April 17, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes

    Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Jn 6:30-35

    Sinabi ng mga tao kay Hesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa iyo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.’” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.. “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.”

    Pagninilay:

    Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Madalas ka bang tumawag sa mga santo at santa, gaya na lang nina Padre Pio, o di kaya ni Santa Teresa, o ni Santa Ana? O maari ring ang iyong regular na nobena ay sa Mahal na Ina ng Awa. Mabuti ang pagtawag sa mga banal na ito, dahil tunay na makapangyarihan ang kanilang panalangin para sa atin. Pero, pinapaalalahanan tayo ng ebanghelyo natin ngayong araw, na ang tunay na tumutugon sa ating mga panalangin, ang tunay na nagbibigay sa atin

    ng mga grasyang kailangan natin, ay ang Diyos. Sa ating ebanghelyo, itinama ni Hesus ang maling pag-aakala ng mga apostol, na ang manna o tinapay na galing sa
    langit, ay gawa at bigay ni Moises. Ayon kay Hesus, hindi ang kapangyarihan ni Moises, kundi ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagpaulan ng tinapay mula
    sa langit. Mga kapanalig, napakagandang paalala
    ito para sa atin. Tunay na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal, ng mga santo at santa ay nakakamit natin ang mga grasyang hinihiling natin. Pero,
    mahalagang pakatandaan na ang mga santo at santa ay hindi Diyos, at hindi Niya kapantay. Tanging ang Diyos lamang ang tunay na nagkakaloob sa atin ng grasya
    at kaligtasan. Amen.

    (Manalangin tayo:  Ama, nawa’y lagi naming maalala na ikaw ang tunay na bukal ng lahat ng grasya. Sa pamamagitan ng mga hinirang mong mga santo

    at santa ng simbahan, mas mapalapit nawa kami sa iyo, at tumugon sa iyong mahal na kalooban. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, na naghaharing
    kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

    5 min
  • A Thought A Day | April 16, 2024

    A Thought A Day | April 16, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Jn 6:22-29

    Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ng

    kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus ni ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya,
    “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n’yo ako hindi dahil sa nakita n’yo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n’yo at kayo ay nabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.”

    Pagninilay:

    Isinulat ni Sr. Gemmaria Dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Noong araw, uso sa amin ang nagdedeliver ng tinapay. Potpot lang ang tunog, lalabas na kami ng bahay para bumili ng tinapay

    na pang-almusal. Mainit-init pa. Isinasawsaw pa namin sa piniritong malasadong itlog.  Busog-sarap ka nga, pero nauubos din, lumilipas. Hindi na rin aabot pa ng bukas. Sa Mabuting Balita, dumating ang ating Hesus Maestro hindi lang para pumotpot at magdeliver ng tinapay at
    paramihin ito kundi para maging Tinapay. Ano’ng sabi Niya? Gumawa kayo, upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira, at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
    Take note. Gumawa ang sinabi Niya. Ibig sabihin, may partisipasyon tayo. Sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon, Siya na ang Tinapay na hindi nasisira. At
    dahil nasa atin na Siya, binibigyan Niya tayo ng misyon, na maging saksi ng Kanyang Muling Pagkabuhay. To be bread for others. Tulad sa pakikiramay sadinaranas na hirap ng ating kapwa, sa pagpapatawad kahit isandaang sugat na ang natamo, hindi naghihiganti, sa pagbibigay ng pagkain at ikabubuhay ng mga maralita na hindi naghihintay ng kapalit, sa mga gumagabay sa mga kabataan at umaakay sa mga nakakatanda. Ang mga ito ang hindi lumilipas, dahil ang nakatatanggap nito, may ngiti at napapanatag ang kalooban. O, tayo na, at
    maging buhay na tinapay!

    5 min
  • A Thought A Day | April 15, 2024

    A Thought A Day | April 15, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.