PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Ikatlong

    Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B)   


    Ebanghelyo: Lk 24:35-48   

    Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig? (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.) Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila:

    “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa
    lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.”

    Pagninilay:

    Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Natunghayan natin sa Mabuting

    Balita, ang paglalakbay ng dalawang alagad na takot na takot. Tumatakas sila mula sa Jerusalem papuntang Emaus. Bitbit nila ang panghihinayang dahil para sa
    kanila, ang kanilang kinikilalang Mesiyas ay wala na. Kaya nga ‘t balot ng lungkot at pighati ang kanilang paglisan sa Jerusalem, ang lugar nang kanilang “pagkabigo”.  Pero ang kanilang pagkabahala ay pinawi ni Hesus. Siya mismo ang tumagpo sa kanila sa daan, upang iparamdam na hindi sila iniwan. (Nakisabay si Hesus sa kanila; ipinaliwanag ang
    Kasulatan, at binuksan ang kanilang isipan sa “Paghahati ng Tinapay.” Doon nila naunawaang ang Diyos pala ay “kapiling nila!)  Mga kapanalig, (ito rin ang sinasabi sa
    atin, na sa bawat krisis na pinagdadaanan sa paglalakbay ay madali sa atin ang lisanin ang Jerusalem, lugar ng pagdududa at takot; at sa bandang huli ay tumakas papuntang Emmaus, lugar naman ng kawalan ng pag-asa.) Isa lang ang nais ipahiwatig sa atin ni Hesus—hindi niya tayo bibiguin!  Matiyagang uunawain niya ang ating kahinaan at mananatiling kapiling siya upang bigyan tayo ng lakas at pag-asa! Magandang paalala ito sa ating lahat, na may Diyos na matiyagang nakikilakbay sa atin.
    Amen.

            

    5 min
  • A Thought A Day | April 14, 2024

    A Thought A Day | April 14, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 13, 2024 – Sabado

    Mabuting Balita l Abril 13, 2024 – Sabado

    Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo:  Jn 6:16-21

    Lumusong ang mga alagad ni Hesus sa aplaya. At pagkasakay sa bangka ay nagpunta sa kabilang ibayo ng lawa tungo sa Capernaum. Dumilim na at wala pa si Hesus: at nagising ang lawa dahil sa malakas ang ihip ng hangin. Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa lawa at

    palapit sa bangka. Nasindak sila. Ngunit sinabi naman niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” Kaya gusto nila siyang isakay sa bangka, ngunit ang bangka ay bigla nang nasa pampang na patutunguhan nila.


    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Kapag natatakot ka at hindi mo malaman kung ano ang gagawin, ano ang ginagawa mo? Nagtatago ka ba sa isang sulok at

    nagtatalukbong ng kumot? Nagpapanggap ka bang matapang at hinaharap anuman ang kinatatakutan? O tumatakbo ka ba kay Hesus upang humingi ng saklolo?  Sa ebanghelyo ngayon, naglalayag ang mga alagad, nang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. Madilim na, at nakita nilang papalapit si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Natakot sila. Pero sinabi ni Hesus: “Huwag kayong matakot; Ako ito!”  Natural na matakot tayo sa mga bagay na hindi natin kontrolado. Kapag nagkasakit ka ng malubha tulad ng cancer. Kapag nawalan
    ka ng trabaho, at ang dami mo pang mga bayarin. Kapag nagkakagulo at may sigalot sa pamilya. Kapag bigla ka na lamang tinalikuran ng kaibigan, kasintahan, o asawa, nang di mo nalalaman ang dahilan. O kapag may peste sa
    bukid, may bagyo’t baha, el Niño at iba pang mga kalamidad.  Kapanalig, anuman ang iyong kalagayan, tandaan ang sinabi ni Hesus, “Ako ito; huwag kang
    matakot." Kung nakalakad si Hesus sa tubig sa gitna ng isang bagyo, makakasama mo rin siya sa gitna ng mga napakabigat mong mga problema. Walang
    imposible sa Diyos na nagmamahal sa iyo. Pero hindi ito nangangahulugan na palaging babaguhin ni Hesus ang iyong kalagayan. Ibig sabihin lang, na kapag
    nakita mo si Hesus sa iyong bagyo, papalitan ng pananampalataya ang takot, at magkakaroon ka ng kapayapaan.

    Manalangin tayo:

    Panginoon, makita ka nawa namin sa gitna ng mga unos ng buhay, at bigyan mo kami ng lakas ng loob na magtiwala at sumunod sa iyong paggabay. Amen.

    5 min
  • A Thought A Day | April 13, 2024

    A Thought A Day | April 13, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes

    Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes

    Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay 

    Ebanghelyo:  Jn 6:1-15
    Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginawa niya sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad niya; malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio. Kaya pagkatingala
    ni Hesus, nakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam na niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para
    sa pagkarami-raming tao?” Kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus
    at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin n’yo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin.

    Pagninilay:

    Isinulat ni Fr. Mikhael Sandoval ng Archdiocese ng Lipa ang pagninilay sa ebanghelyo.  Tayong lahat ay makakapagpatunay na may himala kapag tayo ay tumatanggap ng pagpapala. Mangyayari ang himala, kapag nagsama ang Kanyang Pagpapala at ang ating pagtitiwala. Kaya nga ang paanyaya ng Mabuting Balita, hindi na mahalaga na tayo ang makilala, kundi ang Diyos

    dapat ang makilala. Ibinibigay niyang halimbawa sa Mabuting Balita ang isang bata, na may dalang tinapay at isda na pinakain sa madla. Kaya hindi natin pwedeng
    sabihing tayo ay walang-wala, dahil sa simula’t simula pa, nag-uumapaw na ang kanyang biyaya at pagpapala. Gayundin naman, hindi rin dapat natin binabale-wala
    ang kakayanang sa atin ay ipinagkatiwala. Kaya pagsumikapan nating pagyamanin ito, at manalig na lahat ay makakatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na Dakila,
    kung bawat isa ay makikita ang Kaligtasang dala ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Isang napakagandang Biyaya at Pagpapala na sa kanya lagi magtitiwala.

    5 min
  • A Thought A Day | April 12, 2024

    A Thought A Day | April 12, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

    Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

    Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay     

    Ebanghelyo: Jn 3:31-36     

    Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa

    lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtitibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos ang mga Salita ng Diyos, sapagkat walang sukat na binibigyan siya ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May Buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.”


    Pagninilay:

    Sa halos dalawang buwan ko pong pagkaka-assign, na mag-assist sa mga pasyente sa hospital, na-realize ko ang

    karupukan ng buhay. Habang nag-miminister po kami sa mga maysakit, at nasa banig na ng kamatayan, makikita’t mararamdaman mo ang takot, kaba, minsan payapang disposisyon ng maysakit. Iba-iba man, pero masasabi mong hiram nga lang naman talaga ang buhay. Ang kaganapan ng buhay ay wala sa haba, kayamanang
    nakamkam, lupaing inutang, sasakyang ni-loan, tayog ng napag-aralan, o kahit na mga parangal, kasikatan, impluwensyang ating nakamit. Lahat nagiging pantay-pantay sa harap ng kamatayan. 

    Mga kapanalig, sa ating Mabuting Balita, ito rin ang itinuturo sa atin ni Hesus. Kung ang pag-unawa natin

    sa buhay ay mula sa perspektibo ng mundo—edi makamundong buhay ang ating konsepto. Pero, kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo
    ni Hesus—gagawin natin ang lahat upang maging makabuluhan ang bawat sandali nito. 

    Mga kapanalig, sinasabi ng liturhiya sa atin sa tuwing may misa ng patay, ang ganda po noon sa prepasyo…” Indeed for your faithful, Lord, life is changed not ended, and, when this earthly dwelling turns to dust, an eternal dwelling is made ready for them in heaven.” Sana po huwag na nating hintayin ang kamatayan, bago pa tayo magpasyang magpakabuti. Ngayon, simulan na natin ang

    ating mabuting pamumuhay, upang masalamin natin ang pangakong buhay ni Hesus sa langit. Gawing langit ang mundo.

     

    5 min
  • A Thought A Day | April 11, 2024

    A Thought A Day | April 11, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Abril 10, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Abril 10, 2024 – Miyerkules

    Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Jn 3:16-21

    Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. “Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa

    pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na
    Anak ng Diyos. “Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag subalit higit pang minamahal ng tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang
    kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman
    lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.”



    Pagninilay

    Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ang ating Mabuting Balita ngayon ay naglalarawan ng dakilang pagmamahal ng Diyos Ama sa buong sangkatauhan.  Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mahatulan, kundi sa pamamagitan Nya ay maligtas ang daigdig. Mga kapanalig, ang pananampalataya ay isang regalo sa ating lahat. At kalakip ng regalong ito, ang handog na kalayaan.  Malaya tayong yakapin o balewalain ang pananampalatayang handog sa atin ng Diyos. Sa

    pagbibigay sa atin ng bugtong na Anak ng Diyos, binigyan tayo ng liwanag.  Pero ang nakakalungkot, marami sa atin ang piniling manatili sa dilim at nahulog sa kasalanan. Sabi nga ni Mahatma Gandhi, Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Kung sa pang araw-
    araw nating buhay ang init ng ulo ang pinaiiral natin, hindi ito makalulutas ng isa pang mainit ang ulo. Sa buhay may- asawa halimbawa, kung si misis ay galit na galit, harinawang si mister ay maging mahinahon, at hindi papatulan ang galit ni misis. Pansinin natin, na kadalasan ang kasamaan o karahasan, ay nangyayari sa gabi, kung saan laganap ang dilim, at hirap tayong makakita sa
    dilim.  Sa pagkakataong ito, kailangan natin ang matibay na determinasyon na piliin ang liwanag at manatili sa liwanag. Ayon pa kay Martin Luther King “In the midst of darkness, light persists. Sa bawat kadiliman, may munting liwanag tayong mababanaagan.

    Manalangin tayo:  Panginoon, bigyan Mo nawa kaming lagi ng lakas ng loob, na piliing tahakin ang landas ng liwanag. Ang Iyong salita ay tiyak na gagabay sa amin, upang manatili sa liwanag. Maging matatag nawa kami sa

    pagharap ng maraming tuksong dumarating sa aming buhay. Amen.



    5 min
  • A Thought A Day | April 10, 2024

    A Thought A Day | April 10, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.