Isa na namang bagong season ng PODKAS ang paparating. Dahil nalalapit na ang eleksyon, sisipatin natin ang ilang mga usapin sa kasalukuyan gamit ang kasaysayan. Kaya naman ang pamagat ng ating bagong season ay, "Hindi nabago 'yan! Current Events from a Broader Historical Perspective". Bawat linggo simula October 23, may mga makakasama tayong mga experts mula sa iba't ibang mga disiplina upang tulungan tayong unawain ang mga paksa natin. At kami namang mga historyador ang mag-uugat at magko-contextualize nito sa kasaysayan.
Magkita-kita tayo sa October 23!