
Sign up to save your podcasts
Or


Late recording ulit kami kasi nakalimutan namin magrecord. Pinagusapan namin sa episode na 'to ang nangyaring trahedya sa 0ceanGate Titan. Condolence sa mga namatayan. Ano nga ba ang naging dahilan ng trahedya na 'to? May iba pa bang pwedeng gawin ang magtatay para sa Father's Day? Colorum nga ba ang sinakyan nilang submarine?
Late recording dahil tulad ng ibang tatay, uminom din si Richard nung Father's Day kaya rin ang nagrecord para sa episode na ito ay sina Rico at Rhian. At syempre, ano pa ba ang paguusapan kung hindi yung tatay nila? Ano ba ang opinyon nina Rico at Rhian sa tatay nila? May perfect dad nga ba? Dapat ba magcelebrate ng father's day ang mga tatay na nang-aabuso ng anak? Sino nga ba ang paboritong anak?
May nagalit sa last episode namin kung saan pinagusapan namin ang Eat Bulaga kaya naman Eat Bulaga ulit ang pinagusapan namin sa episode na 'to at nagimbita pa kami ng backup para hindi lang kami ang mukhang engot. Ito ang part 1 ng ultimate crossover ng mga podcasts na 2 Bottles, Source Street at Gusto Lang Namin. Mapapakinggan nyo yung part 2 sa Source Street at yung part 3 sa Gusto Lang Namin.
Nakapagrecord na ulit kami kahit parang napipilitan na lang pero napagusapan namin ang pag-resign ng mga hosts ng eat bulaga dahil sa nangyaring pagpigil sa kanila na magpalabas ng live. Pinagusapan na rin namin ang mga experiences sa buhay namin na napilitan din kami. Ano nga ba ang totoong dahilan ng sapilitang pag-resign ng mga hosts ng eat bulaga? Kaya ba sila palitan nina Paolo Contis at Betong Sumaya? Napipilitan na nga lang ba kami magrecord ng podcast?
Dahil ayaw na talaga ni Rico kausap si Richard, napilitan ulit mag-guest ang supercute na si Rhian at nagprepare ulit kami ng questions para mapagkwentuhan at pagtawanan sa episode na 'to. Sino nga ba si Supercute? Ano ang paboritong hayop ni Rhian? Nag-uusap nga ba ang aso at pusa?
Nakapasok si Richard sa wild card stage ng Comedy Manila Open Mic Stand Up Comedy Competition na gaganapin sa May 2 sa Wicked Dogs BGS kaya mas wild na rin ang kaba nya. Ito na rin ang pinagusapan namin sa episode na ito. Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng stage fright? Paano ba ito maiiwasan? Kailan pwede maglabas ng baril habang nasa stage?
Di kami nagrecord last week dahil walang gana si Richard kasi sobrang kabado na sa parating na Comedy Manila Stand Up Comedy Competition na mangyayari sa April 24-26, 2023. Kaya pinagusapan na rin namin ang mga bagay tungkol sa competition. Importante ba ang manalo sa competition? Gaano ba kahalaga ang may sumusuporta sa'yo? Anong pinagawa kay Richard nung nag-audition sya sa PBB?
Dahil Linggo ng Pagkabuhay, hindi muna kami nagrecord dahil baka masunog lang kami. At dahil Holy Week, yun na rin ang pinagusapan namin at para mas masunog na kami, isinama na namin ang Ten Commandments. Sana ay hindi maubos ang ligtas points namin at mapatawad pa kami sa mga pinagsasabi namin sa episode na ito.
Pinagusapan namin ang nangyari sa isang estudyante sa dorm nya sa dasmarinas, ang pagnanakaw sa lugar namin at ang mga dapat gawin para maging safe. Ano ba ang mga dapat i-consider para masabing safe ang isang lugar? Ano ang dapat gawin kapag nasa byahe? Ano ang hindi dapat pinopost sa social media para di ka magmukhang tanga?
Pinagusapan namin ang pinuntahan ni Rico na school event kaya naman napunta ang usapan sa mga parties na napuntahan ni Richard kasi wala pa masyadong napuntahan si Rico na party. Ano nga ba ang ginawa ni Rico sa school event nila? Anong nangyari kay Richard nung nalasing sya? Kapag ang nanay ba ay nalasing at sumuka, ang tawag sa kanya ay puking ina?
From the publisher's feed