Ang 19-years na si Tong Shao, ay ipinanganak sa busy coastal city ng Dalian, sa northeast ng China. Tahanan ng mahigit 6 milyong tao. Nag-iisang anak siya nina Tong Shang at Yang Shui. At sobrang close nilang tatlo. Bata pa lang ay nagpakita na ng kahusayan si Tong Shao. Siya ay napaka-malikhain, at masining, analytical, at academic. Tumutugtog din siya ng piano, at sumasayaw. Sa pag-asa na balang araw ay maging isang biologist, o isang Sculptor. Pero ang totoo sabi ng mga kaibigan at pamilya, dahil sa napaka talented at matalino, kaya talaga niyang gawin anumang naiisin niya. Nag aaral siya sa Dalian Yoming Senior High School, na itinuturing na isa sa pinakamahusay na mataas na paaralan sa lungsod. Sa paglipas ng mga taon, ang paaralan ay nakakuha ng isang mahusay na reputasyon, para sa pag produce ng mga top scorer sa mga college entrance exam. Karaniwang kilala bilang GAOkao. Ang mga studyanteng mananalo ng mga special awards at patuloy na nag eexcel, ay maaaring mabigyan ng admission sa isang university nang hindi na kinakailangang kumuha ng GAOkao. Ang kasintahan ni Tong noong panahong yon, ay nanalo ng isang award upang makapasok sa isang mahusay na University sa kanilang bansa. Habang si Tong, ay nakakalungkot na hindi. At nalungkot talaga siya dahil dito. Nagpakahirap at nagpakahusay siya sa pag aaral para makapasok sa pinakamagandang university sa bansa, pero nabigo pa rin siya. At nabigo lahat ng magaganda niyang mga plano. Ngayon, Kailangan na niyang pag-isipang muli kung saan siya pupunta, at kung anong kurso ang kukunin. Ito narin ang naging dahilan ng pahihiwalay nila ng kanyang kasalukuyang kasintahan. Nagpasya siyang gumawa ng isang malaking hakbang, at itulak ang sarili sa labas ng kanyang comfort zone kaysa dati. Sa pamamagitan ng pagpaplano sa paglipat sa United States, para pumasok sa Iowa State University. At mag-aral ng chemical engineering.
Sinupurtahan naman siya ng kanyang mga magulang. At ibinigay sa kanyan ang life savings ng mga ito, katumbas ng isang daang libong dolyar, upang suportahan ang kanyang plano, at ang malaking hakbang. Kailangan niyang makakuha ng ilan pang mga bagay, kabilang ang pagsusulit sa English foreign language. Noong July 2011, sa Beijing habang nag-aaral para sa pagsusulit, nakilala ni Tong si Xinyan Lee, na nag-aaral din ng English. Nakatakda ring pumunta si Lee sa United States, sa Rochester Institute of Technology, sa New York. Naging mag kaibigan ang dalawa, na nagbabahagi ng maraming pagkakatulad. Lalo na, dahil pareho din silang mag aaral sa parehong bansa. Di nagtagal ay nakilala ng mga magulang ni Tong si Li. . At sinabi na bagaman, si Li ay parang magalang, mahiyain, at tahimik, hindi nila naiisip na ang na magsasama ang dalawa sa mahabang panahon. Nagbahagi din ng parehong pananaw ang ilan tungkol sa kanila ni Li.. Ngunit tiniyak ni Tong sa lahat, na hindi sila exclusive o official na magkasintahan ni Li. At dagdag pa ni Tong, na ang mga bagay sa pagitan nila, ay casual lang naman.