Ang kasong ito ay naganap sa Florida Dade Correctional Institution, noong June 23, 2012. Si Darren Rainey ay isang 50 years old na lalaking nagsisilbi nang oras sa bilangguan. Noong August ng 2011, nasentensiyahan si Darren. At binigyan ng dalawang taong sentensiya, para sa isang minor non-violent illegal substance charge. Inilarawan ng ibang mga bilanggo si Darren bilang isang disenteng preso, na hindi nagdudulot ng labis na gulo sa bilangguan. Siya ay isang relihiyosong tao, na madalas na nakaupo sa loob ng kanyang selda, at nagbabasa ng kanyang Qur-an. Nagdurusa din si Darren ng malubhang mga isyu sa kalusugan ng isip, lalo na ang schizophrenia. Madalas siyang magkaroon ng mga episode, pero umiinom ng ilang gamot upang mapaglabanan ang mga ito. Bilang resulta ng kanyang kondisyon, nakakulong si Darren sa inpatient care unit, at pinanatili sa ilalim ng pangangasiwa. Makakalabas na si Darren sa July ng 2012. Pero sa kasamaang palad, hindi ito mangyayari. Noong June ng 2012, kinuha ng mga prison guard kay Darren ang kanyang Qur-an, at itinapon. Nagdulot ito ng pagbaba ng kalusugan ng isip ni Derren, at lalo siyang naiirita. Marami sa mga guwardiya ang nagbanggit, na pagkatapos ng insidenteng yon ay ganap na nagbago ang pag-uugali ni Darren. Noong June 23, bandang 7:30 pm, nasa selda niya si Darren. Isang correctional officer na nagngangalang Ronald Clark, ang dumating upang icheck siya. Pero natagpuan niya si Darren na nagpapahid ng dumi nito sa buong selda, at katawan.