Ang 24 years old na si Annie Le, ay ipinanganak sa San Jose, California. At lumaki, sa isang malaking pamilya. Inilarawan siya ng mga nakakakilala sa kanya, bilang matapat, magalang, at palakaibigan sa lahat ng kanyang nakikilala. Mula sa murang edad, kilala siya bilang isang natatanging estudyante. Valedictorian siya noong high school. At binoto siya ng mga kaklase niya, bilang ang pinaka-malamang, na susunod na einstein. Nakakuha siya ng 160 000 dollars scholarship. At nagpatuloy upang makuha ang kanyang undergraduate degree, sa cell development biology mula sa Rochester University. At dito, nakilala niya si Jonathan Wadowski. Ang dalawa, ay hindi mapaghihiwalay mula sa mga get-go. Sabi ni Annie, best friend daw niya si Jonathan. At hindi nagtagal, nag propose si Jonathan sa kanya. Ang Setyembre 13, 2009, ay ang siyang araw na napili nila. At mabilis na plinano ang kasal nila. Matapos ang lahat ng mga taon ng napakatinding pagsusumikap, natanggap si Annie sa prestihiyosong, Ivy League school, Yale university. Umaasa na makuha ang kanyang titulo ng doctorate sa pharmacology. Palagi siyang hands-on, sa loob ng campus. Sumasali sa iba't ibang ekstra kurikular activity. Sumulat pa siya ng isang artikulo, tungkol sa kaligtasan sa Campus, na may pamagat na crime and safety in new haven, para sa magazine ng Yale medical school. 76 miles ang agwat nina Jonathan at Annie noong panahong yon. Si Jonathan ay nasa Columbia University. Nag aaral din sa sarili niyang doctorate.
Setyembre 7, 2009. Nasa huling taon na ngayon si Annie sa Yale. Limang araw na lang bago ang kanyang kasal. Kaya’t mas lalo pang naging abala si Annie ay abala kaysa dati. Nararamdaman na niya ang labis na stress. Kaya’t tinawagan niya ang kanyang kaibigang si Jennifer, para may maka usap. Ayon kay Jennifer, tinanong siya ni Annie, kung sa tingin niya ba ay napakabata pa ba nila ni Jonathan para magpakasal? Pero sinabi sa kanya ni Jennifer na normal talaga ang manerbiyos, na sinamahan pa ng labis stress ng University. Sinabi sa kanya ni Jennifer, na ganap namang tama ang desisyon nilang dalawa ni Jontahan. Nagpasalamat si Annie sa kaibigan sa pagsasabi sa kanya, sa kung ano ang kailangan niyang marinig. Nag-hang up na siya, at nagpatuloy sa kanyang araw.