Dear LOVE

Dear LOVE

By Love Radio ManilaFictionDrama
Download on the App Store

Dear LOVE episodes

  • Single mom | Dear LOVE

    Sina Penny at Greg ay magkatrabaho. Madalas silang magharutan, ngunit sinasabi ni Penny na ‘di naman seryoso ang mga landian nila. Si Greg din naman kasi ay may asawa’t anak. Kalaunan, nagkaroon pa rin sila ng relasyon at nabuntis si Penny.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    16 min
  • Ice cream | Dear LOVE

    Si Jelyn ay 17 years old lamang. Siya ay naging breadwinner ng pamilya at natutong kumita sa pag-freelance online. Nakikipag-usap siya sa mga sugar daddy mula sa iba't ibang bansa. Nang magipit ang kanyang pamilya, binantaan niya ang mga ito na ikakalat ang kanilang videos kung hindi sila magpapadala ng malaking pera, at nakalikom siya ng 300K pesos.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min
  • Blended family | Dear LOVE

    Limang taon nang hiwalay si Joy sa kanyang asawa. Naging single mom siya sa anak niyang si Mae. May mga nanliligaw naman sa kanya. Ang pinakapursigido ay si Alvin, isang single dad din. Nang magkatuluyan sila, tila naging isang malaking pamilya. Kalaunan, unti-unting nagbago si Alvin at iniwan silang mag-ina nang walang pasabi.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    16 min
  • Tiwala | Dear LOVE

    Si Atoy ang nag-iisang nagtatrabaho para sa kanila ng misis niyang si Ella. Laging pinapaalalahanan ni Ella na magtipid at unahin munang bayaran ang mga responsilidad nila sa bahay. Kalaunan, nagsimula si Atoy bumili ng mga mamahaling gamit at mula raw iyon sa sobrang pera. Hanggang sa isang araw, naputulan sila ng kuryente at tubig, Dagdag pa rito ang pagsugod ng kanilang landlady dahil tatlong buwan na silang ‘di nagbabayad ng upa.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min
  • Todo-bigay | Dear LOVE

    Si Niel ay masipag at mapagmahal na asawa kay Weng. Ang problema, masyadong malaasa ang pamilya nito sa kanila. Si Neil lang ang medyo nakaangat sa buhay, kaya madalas silang hingan ng kanyang pamilya. Isang araw, napuno na si Wena at sinabi kay Neil na kung hindi niya kaya limitahan ang pag-abuso ng kanyang pamilya, mas mabuting umalis na rin siya sa kanilang bahay.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    15 min
  • OFW | Dear LOVE

    Si Pam ay isang OFW. Siya ay bumili ng lupa at nagsimulang magpatayo ng bahay sa tulong ng kanyang pamilya. Nang bumalik siya sa Pilipinas para sorpresahin sila, nalaman niyang ibinenta nila ang kanyang dream house para sa sariling mga pangangailangan. Parang binagsakan ng langit at lupa si Pam nang malaman ito.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    17 min
  • Abandonada | Dear LOVE

    Si Vanessa ay isang maybahay na laging mainitin ang ulo at pinaghihinalaang may babae ang asawang si Gabby. Dahil sa pagod at irita, si Gabby ay lumapit sa katrabahong si Carmi na halos kabaliktaran ni Vanessa. Kalaunan, unti-unti nang nahulog si Gabby kay Carmi at nagkaroon sila ng relasyon. 

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    16 min
  • Tsinelas | Dear LOVE

    Si Lea ay lumaki sa mga lolo’t lola niya. Hindi maganda ang trato nila kay Lea lalo na't bunga siya ng maagang pagkabuntis ng kanilang anak. Bumalik ang kanyang tunay na ama upang magpakilala at bawiin siya. Pinili pa rin ni Lea na manatili sa kinalakihang pamilya kahit hindi maayos ang kanilang relasyon. Kalaunan, naglakas-loob din si Lea na ipahayag ang kanyang sama ng loob sa kinalakihang pamilya.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min
  • Obligasyon | Dear LOVE

    Si Fatima ang unang asawa ni Miguel. Tatlong taon na sila, pero ‘di pa rin sila nagkakaanak. Dahil dito, nagkasundo silang magkaroon ng pangalawang asawa si Miguel. Muslim sila at pinapayagan ng kanilang relihiyon ang polygamy. Nang mabuntis ang pangalawang asawang si Fricha, mas napag-isipan ni Miguel ang kanyang sitwasyon at ang pagod na nararamdaman niya sa pag-aayos sa dalawang pamilya.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    13 min

About Dear LOVE

From the publisher's feed

Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulog mong puso!

More shows like Dear LOVE

Barangay Love Stories by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

64 Listeners

Dear MOR by MOR Entertainment

Dear MOR

1 Listeners

Raqi’s Secret Files by Love Radio Manila

Raqi’s Secret Files

2 Listeners

Mga Katas ng Nakalipas by Love Radio Manila

Mga Katas ng Nakalipas

0 Listeners

Papa Dudut Stories by Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Papa Dudut Stories

0 Listeners