
Sign up to save your podcasts
Or


Si Celine ay isang single mom. Ang anak niyang si Irish ay nagsumbong tungkol sa pang-aabuso ng kapitbahay at ng bagong kinakasama ni Celine na si Roco. Nang mapansin ng lola ang mga pasa ni Irish, nalaman niyang totoo ang mga sinabi ng apo. Naikuwento ng Lola kay Celine na siya rin ay napagsamantalahan noon ng sarili niyang ama.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Bata pa lang si Yssa ay close na siya sa kanyang Lolo Tacio at Lola Ayda. Gustong-gusto niyang kasama sila tuwing bakasyon sa probinsya, lalo na kapag nag-aalaga sila ng love birds. Isang araw, namatay ang love bird na si Pula at sumunod din ang kapares nitong si Dilaw. Nang pumanaw si Lola Ayda, sumunod din agad si Lolo Tacio. Tulad ng love birds, malalim din ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Jessa ay isang mapagmahal na ate sa kanyang mga kapatid. Magkakasundo ang tatlong babae, maliban sa kanilang panganay na kuya na si Roman. Inaakusahan ng bunsong si Richanne na sakim sa pamana ang kuya nila. Isang gabi, matinding alitan ang nangyari sa kanilang magkakapatid.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Mula pagkabata, naramdaman ni Shiena ang walang hanggang pagmamahal ng kanyang inang si Rosie. Si Nanay Rosie lang ang nagpalaki sa kanilang magkapatid. Nang magkasakit si Nanay Rosie ng leukemia, tila tumigil ang kanilang mundo.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Lala ay isang nurse na nangangailangan ng kahati sa upa. Kalaunan, nagkaroon din siya ng roommate, si Daniella. Nagkaroon sila ng pirmadong agreement na bawal magdala ng jowa sa apartment. Nang mahuli niya si Daniella na nagdadala ng lalaki sa kanilang apartment, nagalit si Lala at pinalayas ang dalawa.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Theo ay isang engineer na umuwi sa probinsya para sa reunion. Dito muling nagkita ang magkababatang sina Theo at Shiela na may pinangako sa isa’t isa noon. Nang tanungin ni Shiela si Theo tungkol sa pangakong hihintayin niya ito, nagulat si Theo na pinanghawakan pala ni Shiela ‘yun. Dahil hindi pa handa si Theo, ipinangako niyang magiging worth the wait siya para kay Shiela.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si West ay crush na crush ang kanyang katrabahong si Veronica, isang maganda at matalinong babae. Naging magkaibigan sila kahit lumipat si Veronica ng kumpanya, ngunit si West ay nagdududa kung may tinatagong kahinaan ito. Nang iniwan si Veronica ng kanyang boyfriend noong Valentine's, si West ang sumama sa kanya. Sa kabila ng nangyari sa kanilang dalawa, inamin ni West na sinusubukan niya lang si Veronica na labis na ikinagalit ng dalaga.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Emily na girlfriend ni Miles ay isang abalang flight attendant ngunit nagagawa nilang mapanatili ang kanilang relasyon. Dahil sa pangungulit ng ina, nag-propose si Miles kay Emily, pero nang malaman niyang dalawang buwan na lang ay kasal na sila, naging matamlay ang dalaga. Isang araw bago ang kasal, ipinarating ni Emily sa pamamagitan ng kanyang kuya na hindi pa siya handa magpakasal kay Miles.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Sina Dan at Len ay maagang nagpakasal dahil nabuntis si Len. Ngayong may anak na sila, naisip ni Dan kung na-mi-miss ni Len ang kanyang pagkadalaga. Pinayagan niya itong lumabas kasama ang kaibigang galing ibang bansa, ngunit naging dahilan ito ng kanilang alitan.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Danica ay masipag na nagtrabaho upang makabili ng sariling sasakyan at suportado siya ng boyfriend na si Allan. Isang araw, napansin ni Danica ang mga kakaibang gamit sa kanyang kotse, kaya nagpatulong siya sa kaibigan upang subaybayan si Allan. Nalaman nilang may ibang babae si Allan.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
From the publisher's feed
Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulog mong puso!

64 Listeners

1 Listeners

2 Listeners

0 Listeners

0 Listeners