
Sign up to save your podcasts
Or


Si Edna ay isang cashier sa supermarket na nililigawan ni Dolfo, isang bagger. Sa kabila ng mga bangayan nila, nahulog ang loob ni Edna at nagsama sila ni Dolfo, ngunit nalaman nilang may asawa’t anak na ito sa probinsiya. Nang malaman ni Edna na buntis siya, iniwan siya ni Dolfo at nag-resign ito.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Matagal nang may gusto si Sean kay Belle. Nang makipaghiwalay si Ken kay Belle, naging sandalan ni Belle si Sean at kalaunan ay sinagot niya ito. Pagkalipas ng ilang taon, nalaman ni Sean na may relasyon pa rin si Belle sa ex niyang si Ken, ngunit sa kabila nito, pinatawad pa rin niya si Belle.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Jaime ay isang mapagmahal at responsableng anak at ate sa kanyang pamilya, lalo na sa nanay niyang may sakit. Parating pagod at puyat si Jaime ngunit inuuna pa rin niya ang kanyang pamilya habang ang kapatid ay puro luho. Isang araw, pinapili siya ng nobyo niyang si Grayson. Pipiliin ba ni Jaime ang isang buhay na maginhawa kasama siya o ang kanyang pamilya?
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Rey ay isang mapagmahal na anak at kuya, ngunit malaki ang galit niya sa amang palaging lasing at nananakit. Nang magkasakit ang bunsong kapatid, kinailangan niyang ibenta ang katawan niya para mapagamot ang kapatid dahil walang tumutulong sa kanila. Isang gabi, nadatnan na naman ni Rey na nambubugbog ang kanyang ama.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Mila ay isang masipag na dalaga na gustong makaahon sa hirap kaya naman nagtatrabaho siya kahit nag-aaral pa. Madalas siyang pinapakialaman ng kapitbahay niyang si Lyndon tungkol sa kanyang mga plano sa buhay na may kasamang panlalait. Sa kabila nito, nagpursigi pa rin si Mila.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Tiffany, Dana, at KC ay magkakaibigan na mula pa no'ng high school. Sa araw ng graduation, nangako silang wala munang magjojowa sa college. Pagkatapos ng ilang buwan, nalaman nina Tiffany at Dana na may boyfriend na si KC at nabuntis pa ito.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Tonyo, isang ampon, ay inalagaan at pinalaki ni Joy na parang tunay niyang anak matapos siyang bilhin mula sa kanyang ina. Sa kabila ng pagmamahal at sakripisyo ni Joy, lumaking bulakbol at sugapa sa sugal si Tonyo. Nang bumalik si Tonyo matapos maglayas at hanapin ang kanyang tunay na ina, nalaman niyang namatay na si Joy dahil sa sakit sa puso matapos ang kanilang pagtatalo.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Si Kris ay isang ina na may online shop at asawang seaman na si Fred, kaya naman napapag-aral nila ang anak na si Anna sa private school. Dahil pinapatayo pa nila ang kanilang bahay, nakikitira muna sila sa ina ni Kris, ngunit nagkaroon ng tensyon nang hilingin ng ina at kapatid ni Kris na pag-aralin din sa private school ang pamangkin niyang si April. Tumanggi si Kris dahil sa limitadong kakayahan na naging dahilan ng samaan nila ng loob mag-ina.
See omnystudio.com/listener for privacy information.
From the publisher's feed
Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulog mong puso!

64 Listeners

1 Listeners

2 Listeners

0 Listeners

1 Listeners