Dear LOVE

Dear LOVE

By Love Radio ManilaFictionDrama
Download on the App Store

Dear LOVE episodes

  • Inabuso ako ng pamilya ng GF ko | Dear LOVE

    Mahal na mahal ni Josh ang girlfriend na si Ara, at kahit takot siya, ipinakilala siya ni Ara sa kanyang pamilya. Nang makilala siya, sinamantala ng pamilya ni Ara ang yaman ni Josh. Hiningian siya ng pabor at gamit, pati na ng pera. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Ara, napaisip si Josh kung kaya niyang ipagpatuloy ang relasyon nila dahil sa ugali ng pamilya ni Ara.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    16 min
  • Nagbabait-baitan ang asawa ko | Dear LOVE

    Si Lisa ay isang masipag na housewife ngunit araw-araw siyang nakakaranas ng mga insulto mula sa asawang si Dennis. Kapag nasa harap ng iba, tulad ng ina ni Lisa o mga katrabaho, ay nagpapanggap si Dennis na mabait at ulirang asawa. Kapag sila na lang dalawa, puro panunumbat at panlalait ang inaabot ni Lisa. Kalaunan, sinabi ni Lisa na pagod na siya sa kaplastikan ni Dennis.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min
  • Nahuli ko ang kabit ni Mama | Dear LOVE

    Habang nasa ibang bansa ang ama ni Lina, inatasan siyang bantayan ang nanay niyang si Lydia. Mahilig mag-ayos at magpabango si Lydia ngunit walang malasakit sa mga gawaing bahay. Nang bumalik sa abroad ang ama, nakita ni Lina si Lydia na nakikipag-date sa isang binatang halos kaedad niya. Kaya naman iniisip niya kung sasabihin niya ang katotohanan sa kanyang tatay.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    14 min
  • Na-scam ako ng jowa kong foreigner | Dear LOVE

    Si Nanay Vilma ay isang mahigit 60 years old na bagong retiree na mahilig sa social media. Isang araw, may nag-message sa kanya sa Facebook na si George Burns, isang surgeon mula California, USA, na naghahanap ng kausap. Nangako si George na pupunta sa Pilipinas matapos siyang pahiramin ni Vilma ng pera, ngunit sa araw ng kanilang pagkikita sa airport, walang dumating na George Burns.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min
  • Paano ba mag-move on? | Dear LOVE

    Si Mika ay nirereto na sa kanyang kinakapatid na si Cairo, bata pa lamang sila. Naghiwalay sila pagkatapos ng ilang taong relasyon, pero nanatiling magkumare ang kanilang mga ina at gumawa ng paraan para paglapitin sila muli. Kalaunan, pinagtagpo muli ang dalawang magkababata. 

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    13 min
  • Ayaw akong pakasalan ng BF ko | Dear LOVE

    Sa 8th year anniversary ng magjowang si Mara at Alex, napag-isipan ni Alex na dalhin si Mara sa isang beach sa Batangas kasama ang kaibigang magjowa rin para payagan si Mara ng kanyang mahigpit na ina. Habang naglalaro sila ng Truth or Dare, natapat kay Alex ang tanong kung plano na ba niyang pakasalan si Mara pagka-graduate. Nang sagutin niya ito ng hindi pa dahil marami pa siyang pangarap, nag-walkout ang dalaga at tuluyan na silang nag-away.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    16 min
  • Pinaampon ako ng mga magulang ko | Dear LOVE

    Iniwan si Lia ng kanyang ina sa bahay ampunan noong siya ay tatlong buwan pa lamang. Sa loob ng 15 years, wala pang pamilyang nais kumupkop sa kanya, kaya madalas niyang subukang tumakas. Isang araw, dumating si Cynthia sa ampunan, hinahanap ang kanyang anak na si Lia.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    14 min
  • Nabuntis ng BF ko ang kapatid ko | Dear LOVE

    Si Jamie ay nag-iimpake dahil lilipat siya ng trabaho. Kahit malayo ito, suportado naman siya ng pamilya at nobyong si Jay. Dahil sa maganda ang kita, tinanggap niya ito at si Jay na lang ang madalas bumisita sa bahay nila kahit wala siya. Sa paglipas ng panahon, naging malapit si Jay sa ate ni Jamie na si Connie. Kalaunan, nabuntis ni Jay si Connie.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    14 min

About Dear LOVE

From the publisher's feed

Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulog mong puso!

More shows like Dear LOVE

Barangay Love Stories by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

64 Listeners

Dear MOR by MOR Entertainment

Dear MOR

1 Listeners

Raqi’s Secret Files by Love Radio Manila

Raqi’s Secret Files

2 Listeners

Mga Katas ng Nakalipas by Love Radio Manila

Mga Katas ng Nakalipas

0 Listeners

Papa Dudut Stories by Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Papa Dudut Stories

0 Listeners