Kape’t Tsaa

Kape’t Tsaa

By Asia WaveArts
Download on the App Store

Kape’t Tsaa episodes

  • Pelikulang Pilipino, itinanghal sa Beijing
    Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng
    Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyon ng
    Pilipinas at Tsina, magkakasunod na itinanghal Hulyo 1 at 2, 2016 ang mga
    pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo at Heneral Luna. Sa episode na ito ng
    Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), mapapakinggan po natin ang ibat-ibang personahe
    sa likod ng pagtatanghal na ito at ang reaksyon ng ilang kaibigan dumalo at
    unang nakapanood ng mga multi-awarded Filipino movies na
    ito.
    30 min
  • Ang Rizal Shrine sa Jinjiang
    Ang Rizal Shrine sa Jinjiang ay
    itinayo bilang pagkilala sa mga ninunong Tsino ng
    pambansang bayani. January 2003 natapos ang Rizal Shrine at ito ay nasa loob ng
    People's Cultural Plaza sa Shang
    Guo Village ng Jinjiang City. Ito ay may lawak na limang hektarya.
    Yari sa Jinjiang granite stones ang replika ng monumento. Mas mataas ito at may
    sukat na 18.61 meters na batay sa taong 1861 na kapanganakan ni Rizal. Ang
    orihinal na monumento ni Rizal sa Luneta ay may taas na 12 metro. Alamin po ang
    detalye ng aktibidad sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    30 min
  • Tsina sa mata ng mamamahayag na Pinoy
    Sa kanyang pagdalaw sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, sinabi ni Carla Lim, Diplomatic Correspondent ng TV5, na marami siyang natutunan sa kanyang pagdalo sa isang maikling kurso hinggil sa takbo ng media ng Tsina.Ani Lim, natutuwa siya dahil, marami siyang nalinawang miskonsepsyon hinggil sa tunay na papel ng Chinese media.
    30 min
  • Bong Antivola: Usaping Legal para sa mga OFW
    Sa loob ng sampung taong pagtatrabaho sa Tsina, isa sa payong laging ipinaaalala ni Bong Antivola sa mga Pilipino at dayuhang nakikilala sa Tsina ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng legal na estado. Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    31 min
  • [SPT] Zhoukoudian ng Beijing: dating tirahan ng sinaunang sangkatauhan
    Marami ang mga lugar na panturista sa Beijing, ilan ay kilala dahil sa magandang tanawin, ang iba naman ay kilala dahil sa mahabang kasaysayan. Ang Zhoukoudian ay may pinakamahabang kasaysayan, kung saan natuklasan ang dating tirahan ng mga sinaunang tao na tinatawag na "Peking Man," mga 700,000 hanggang 200,000 taon ang nakalipas.
    30 min
  • Drone na pan-deliver?
    Madalas nating makita sa telebisyon ang mga Unmanned Aerial Vehicle (UAV) o mga drone. Ang mga ito ay ginagamit ng military at pulisya sa surveillance, at iba pang mga misyon na napakadelikado para sa mga tao. Malaki ang tulong ng mga ito upang maraming buhay ng ating mga Kasundaluhan at Kapulisan ang hindi mabubuwis.Pero, alam ba ninyo, marami pang praktikal na aplikasyon ang mga UAV o mga drones? Kung tawagin ay consumer drones, marami nang kompanya ngayon ang sumusubok na gamitin ang mga ito sa maraming bagay na tulad ng photography, aerial reconnaisaince, paghahanap ng hurricane o buhawi, 3D mapping, pagprotekta sa wildlife, paglalagay ng pestisidyo sa mga tanim, at sa Tsina, sa maniwala kayo o hindi, patok ito sa pagde-deliver ng produkto.
    30 min
  • Bong Antivola : Paraiso ang Xiamen
    Bong
    Antivola : Paraiso ang Xiamen
    Sa isang
    salita inilalarawan ni Bong Antivola  ang
    Xiamen bilang  paraiso. Sa paraisong ito
    unti-unting natupad ang marami niyang mga pangarap. Sa programang Mga Pinoy sa
    Tsina ibinahagi  ni Bong Antivola ang
    naging takbo ng kanyang pamumuhay sa lunsod ng Xiamen sa loob ng halos 10 taon.
    Alamin ang maraming artistic endeavors ni Bong Antivola sa radio interview ni
    Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    30 min
  • Yoga sa Tsina
    Mga kaibigan, kapag sinabing Yoga, ano ang
    unang pumapasok sa isip nyo? Sa ating lipunan ngayon, marami sa atin ang may
    persepsyon na ang Yoga ay isang uri ng ehersisyo at maganda ang naidudulot nito
    sa ating katawan. Sa isang banda, totoo ito. Pero, ang Yoga ay may mas malalim
    pang kahulugan kaysa sa alam natin.
    Sa totoo lang may 6 na uri ng pundamental na Yoga: at ang Yoga na
    palagi nating nakikita sa mga gym, telebisyon at mga parke ay ang Hatha Yoga
    – Ito ang uri ng Yoga na ideyal para sa mga nagsisimula. Ito ang Yoga
    na may mga postures (asana), at may breathing techniques (pranayama). Ito ay
    para madebelop ang inyong flexibility, balanse at epektibong paghinga sa bawat
    posture. Kaya naman, ito ay nakakarelaks at nagdudulot ng magandang
    pangangatawan.  Ayon sa isang pag-aaral
    na isinapubliko ng  Journal of Nursing
    Research, 90 minuto ng Hatha Yoga ay nakakapagpababa ng stress sa mga
    kababaihan.
    30 min
  • Karera ng Dragon Boat
    Mga kaibigan, sigurado akong narinig na ninyo ang Dragon Boat
    Festival. Taun-taon, nagkakaroon tayo ng kompetisyon ng pabilisan ng pagsagwan
    ng bangka sa mga ilog, at madalas dyan sa Manila Bay.
    Alam ba ninyo, ang ating Philippine national dragon boat team ay
    nanalo na ng maraming parangal? Para sa episode na ito ng DLYST, aalamin natin
    ang pinagmulan, kahalagahan, at mga kustombre sa pestibal na ito.
    30 min

About Kape’t Tsaa

From the publisher's feed

Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…

More shows like Kape’t Tsaa

轻阅读 by 南海之声

轻阅读

18 Listeners

中华养生 by 华语环球广播

中华养生

0 Listeners

成长你我他 by 华语环球广播

成长你我他

2 Listeners

Songs on demand of CRI Myanmar service by CRI Asia Wave

Songs on demand of CRI Myanmar service

46 Listeners

直播中国 by 中文环球

直播中国

4 Listeners

边走边看 by 环球资讯广播

边走边看

1 Listeners

直播世界 by 环球资讯广播

直播世界

0 Listeners

Weekend Hits by Hit FM

Weekend Hits

0 Listeners

Morning Hits by Hit FM

Morning Hits

0 Listeners

资讯非常道 by 环球资讯广播

资讯非常道

0 Listeners