Kape’t Tsaa

Kape’t Tsaa

By Asia WaveArts
Download on the App Store

Kape’t Tsaa episodes

  • Itao Balay ni Juan
    Tinawag na  Balay ni Juan ang bagong bukas na spa ni Clifford Alba dahil gustong niyang ang bawat taong pumapasok sa spa ay makararamdam ng tunay na pahinga at ginahawa. Hindi madali ang karanasan niya sa pagbubukas ng Pinoy spa sa Xiamen. Alamin ang kwento ng pagkabigo at muling pagbangon ni Clifford Alba sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    30 min
  • Ang Prinsesa ng Ceylon
    Noong 1417, kasama ang kanyang pamilya at royal entourage, Naglayag
    patungo sa Tsina si Paduka Pahala, Sultan ng Sulu, kasama ng kanyang pamilya,
    upang bisitahin at magbigay-galang sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng
    Ming Dynasty, na si Zhu Di.  Sa kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas,
    nagkaroon ng malubhang karamdaman si Sultan Paduka Pahala at namatay sa bayan ng
    Dezhou, sa probinsya ng Shandong . Nang makarating kay Emperador Zhu Di ang balita, lubha itong
    nalungkot sa pagkamatay ng matalik na kaibigan. Kaya, bilang pasasalamat at
    pag-ala-ala, iniutos niya ang pagtatayo ng isang mausoleum na karapat-dapat sa
    isang emperador.Dahil dito, ilang anak na lalaki ng Pilipinong sultan ang
    nagdesisyong manatili sa Dezhou upang bantayan ang mausoleum; at magpahanggang
    ngayon, binabantayan pa rin ng kanilang salinlahi ang mausoleum ni Paduka
    Pahala, Sultan ng Sulu.
    Mga kaibigan, para sa episode na ito, isang similar na pangyayari, na
    halos katulad ng kay Sultan Paduka Pahala at kanyang mga salinlahi ang ating
    ikukuwento ngayong gabi. Pero, this time, ang royalty ay mula naman sa Sri
    Lanka.
    Limang daang taon na ang nakakaraan, isang prinsipe ng Ceylon
    (kasalukuyang Sri Lanka) ang nagpunta sa Tsina, kasama ang isang kilalang
    opisyal ng Ming Dynasty na si Zheng He.
    Naibigan ng prinsipe ang Tsina at hindi na ito kailanman nagbalik sa
    Ceylon.
    Noong 1990's, nakita ng mga archaeologists ang isang libingan ng mga
    maharlikang pamilyang mula sa Ceylon, sa Quanzhou. Dahil dito, nabuksan sa mundo
    ang isang historical case na gumimbal sa mundo ng China at Sri Lanka.
    30 min
  • Hazel Claire Tan: Buhay estudyante sa USTB
    Gusto ‘nyo bang maging iskolar sa Beijing? Alamin kung paano mula sa panayam ni Mac Ramos kay Hazel Claire Tan kumukuha ng kursong  Masters in Enviromental Science and Engineering sa University of Science and Technology Beijing.
    30 min
  • Musika at sayaw na may damdamin
    Nakarinig na ba kayo ng embahador na nagpe-perform at tumutugtog ng instrumento na parang propesyunal na miyembro ng isang banda?Kapag sinabing embahador, unang pumapasok sa isip natin ang pagiging diplomatiko, pormal, prim and proper, at marami pang iba.Pero, alam ba ninyo, ang embahador ng Republic of Trinidad and Tobago sa Tsina,na si Chandradath Singh ang siya mismong tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumento ng kanyang bansa sa ibat-ibang aktibidad? Bakit niya ito ginagawa?Naniniwala  kasi siya na ang pinakamainam na paraan upang makilala at mapalapit sa puso ng mga mamamayan ay sa pamamagitan ng pagpupundar ng pambihirang relasyon sa pamamagitan ng musika: dahil ito aniya ay malapit sa puso ng mga tao, at hinding-hindi nila ito malilimutan.
    30 min
  • Adik sa Crossfit
    Narinig na ba ninyo ang Crossfit? Isa sa mga fad o sikat na sikat na activity ngayon upang pabutihin ang pangangatawan ay ang cross fit. Isa itong uri ng exercise, na kumbinasyon ng gymnastics, pagtakbo, weight lifting at marami pang iba. pakinggan natin kung paano umuunlad ang crossfit sa Tsina.
    30 min
  • Maarte Ako--Phil Chang 张宇
    Ngayong gabi, isang beteranong man-aawit ng Taiwan ang pag-uusapan natin. Siya ay si Phil Chang, "Zhang Yu." Isinilang si Chang noong 1967, at siya ay naging kilala mula noong 1990's. Bukod sa pagkanta, siya rin ay kilalang music producer, host at actor. Marami ang kanyang awit at kabisado ng mga Tsino ang lyrics ng mga ito, Halimbawa, "Yong Xin Liang Ku"(用心良苦) "Yu Yi Zhi Xia" (雨一直下) at "Yue Liang Re De Huo"(月亮惹的祸).
    30 min

About Kape’t Tsaa

From the publisher's feed

Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…

More shows like Kape’t Tsaa

轻阅读 by 南海之声

轻阅读

18 Listeners

中华养生 by 华语环球广播

中华养生

0 Listeners

成长你我他 by 华语环球广播

成长你我他

2 Listeners

Songs on demand of CRI Myanmar service by CRI Asia Wave

Songs on demand of CRI Myanmar service

46 Listeners

直播中国 by 中文环球

直播中国

4 Listeners

边走边看 by 环球资讯广播

边走边看

1 Listeners

直播世界 by 环球资讯广播

直播世界

0 Listeners

Weekend Hits by Hit FM

Weekend Hits

0 Listeners

Morning Hits by Hit FM

Morning Hits

0 Listeners

资讯非常道 by 环球资讯广播

资讯非常道

0 Listeners