Kape’t Tsaa

Kape’t Tsaa

By Asia WaveArts
Download on the App Store

Kape’t Tsaa episodes

  • Glenn Penaranda, inilahad ang plano ng Pilipinas sa 2nd CIIE
    Ang relasyon ng Pilipinas at Tsina ay nasa mabuting kalagayan. Patunay dito ang masiglang kalakalan, dumaraming mamumuhunan at lumalawak na kooperasyon sa magkaka-angkop na sektor at industriya ng dalawang bansa.Aming kinapanayam si Commercial Counsellor Glenn Penaranda upang ibahagi ang plano ng Philippine Trade and Investment Center Beijing hinggil sa isang plataporma na pwedeng gamitin ng negosyanteng Pinoy para makapasok sa napakalaking pamilihan ng Tsina. Ito ang 2nd China International Import Expo na gaganapin sa Nobyembre.Noong 2018 sa 1st CIIE, matagumpay ang pagsali ng Pilipinas. Ayon sa datos ng PTIC-Beijing umabot sa US$124 Million ang benta ng mga produktong Pinoy. Ngayon taon, muling sasali ang Pilipinas para itampok ang mas maraming de-kalidad ng agri-products.Bukod dito ibinahagi rin ni Ginoong Penaranda ang papel na gagampanan ng mga industrial parks at growth areas sa Pilipinas upang makaakit ng mga Chinese investors. Narito po ang one on one interview.
    20 min
  • Glenn Penaranda, hinimay ang plano para sa kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa Industriya ng Konstruksyon at Bakal
    Mabunga ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina dahil sa bumubuting relasyon ng dalawang bansa.Sa nakaraang pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ginanap ang Philippine-China Business Forum. Sinabi ng Pangulong Pilipino na umaasa siyang maisusulong ang partnership ng 2 bansa sa mga industriya ng bakal at konstruksyon.Umaasa ang panig Pilipino na kasabay ng paglaki ng mga Chinese enterprises sa ibayong dagat, mas lalaki rin ang pamumuhunan nila lalo na sa sektor ng konstruksyon. Naniniwala ang mga opisyal ng Pilipinas na ang patuloy na pagganda ng ekonomiya at ang construction boom ng bansa ay nag-aalok ng maraming magandang oportunidad.Ito ang tinutukan ng Mga Pinoy sa Tsina. Pakinggan po natin ang interview kay Commercial Counsellor Glenn Penaranda ng Philippine Trade and Investment Center Beijing.
    19 min
  • Joe Santiago: Paano maging Entre-Pinoy sa Shanghai
    12 taon nang naninirahan sa Tsina si Joe
    Santiago. Hindi siya OFW. Sa Shanghai, masuwerteng nakuha ni Joe ang visa na
    alok ng Shanghai para sa mga entrepreneurs. Taliwas sa ideya ng marami, hindi
    kinailangan ni Joe ang malaking pera para magsimula ng kanyang kumpanya. Ano
    ang puhunan? Kaalaman at kakilala. Sa interview ni Mac Ramos kay Joe Santiago,
    ipinakikilala nito ang sariling global sourcing and consultancy company at ang
    isang venture na tinatawag na Green Thumb. Layunin ng Green Thumb na tumulong
    sa mga magsasaka sa Pilipinas na makahanap ng pagbabagsakan ng mga produkto at
    paninda. Alok din nito ang investment opportunities sa mga OFW na gustong
    palaguin ang kanilang pera. Ang mga detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    20 min
  • Joe Santiago: Di nagpaiwan sa “The Day I Ran China”
    Ipalalabas ng Discovery Channel ang bago nitong TV program na The Day I Ran China.  Isa reality program na nakatuon sa teknolohiya at pagpapatakbo ng negosyo sa Tsina. Isang Pilipino na nakabase sa Shanghai ang masuwerteng nakasali sa reality program na ito. Ipalalabas ang TV show di lamang sa Tsina kundi sa maraming bahagi ng mundo.  Bawal ang spoilers, pero ikinuwento ni Joe Santiago kung paano siya nagpakitang gilas habang tinatapos ang mga challenges sa programa. Ano ang edge ng isang China based contender? Anong diskarte ang ginawa ng Team Pinas para malayo ang marating sa labanang susubok di lamang sa kakayahan kundi maging sa talino rin. Alamin sa Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.
    21 min
  • Imee Acosta: Pagtatagumpay sa mga pagsubok ng working mom sa Beijing
    Taong 2000 nang maakit na magtungo ng Tsina si Imee Acosta. Isa siyang guro at buong tapang na sumuong sa hamon ng alok mula sa di pamilyar na bansa. Dumating siya sa panahong kakaunti ang gurong dayuhan sa Tsina, mataas ang demand kaya naman kahit may takot, sinimulan niya ang bagong karera sa Beijing. matapos ang 19 na taon, si Imee Acosta ay kasalukuyang librarian sa Dulwich College Beijing, 13 taon na siyang nagtatrabaho sa sikat na international school. Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina, ibinhagi ni Imee Acosta kung paano niya napagtagumpayan ang mga pagsubok ng isang working mom.
    20 min
  • Imee Acosta at ang FilChurch Performing Group
    Sa nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Philippine embassy sa Beijing, itinanghal ang mga katutubong sayaw mula sa rehiyon ng Luzon, Visayas at Mindanao. Apat na grupo ang game na game na nagpakita ng kanilang mga hidden talents at nagbuhos ng kanilang oras para sa pag-eensayo ng naturang palabas.
    21 min
  • John Carlo Combista: Akda at awit, pagpapakita ng pagka-Pinoy
    Kasalukuyang
    kumukuha ng Bachelor in Clinical Medicine sa Peking University Health Science
    Center si John Carlo Combista. Tubong Cebu, at graduate ng Pharmacy, pinili ni
    John Carlo na mag-aral sa Tsina upang isakatuparan ang pangarap na maging
    doktor. Swerte naman at nakuha niya ang full study grant mula sa Chinese
    Scholarship Council.
    Sa ikalawang episode
    ng Mga Pinoy sa Tsina tungkol kay John Carlo, aming napagkwentuhan ang kanyang
    pagsali sa mga aktibidad ng Tomorrow’s Leader School sa Peking University.
    Kabilang dito ang fund raising para sa Beijing Hearing Society.
    23 min
  • Ambassador Jose Santiago Sta. Romana at Kevin Deng, kapwa hilig ang calligraphy
    Agosto 2018, sumali si Deng Chengpu o Kevin Deng sa Ni Hao Philippines. Ang Ni Hao Philippines ay regular na aktibidad ng embahada para sa mga Tsino at dayuhang estudyante na nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa Pilipinas. Ang grupo na kinabilangan ni Kevin ay binuo ng 64 na kabataan. Kabilang sila Little Chinese Digital Culture Ambassador summer camp ng Embassy Business and Culture Net. Isang calligraphy na gawa mismo ni Kevin ang kanyang iniregalo sa Pasuguan ng Pilipinas.
    20 min
  • Masterclass ni Brillante Mendoza sa SIFF, mabungang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan
    Sa 22nd Shanghai International Film Festival (SIFF), isa sa mga inabangan na event ang master class ni Brillante Mendoza. Nakilala si Brillante Mendoza Helmer, sa pelikula niyang Kinatay na nagpanalo sa kanyan ng best director prize sa Cannes Film Festival noong 2009. Pakinggan sa Mga Pinoy sa Tsina ang naging talakayan sa pagitan nila Brillante Mendoza at sa mga dayuhan at Chinese film industry movers and shakers.
    20 min

About Kape’t Tsaa

From the publisher's feed

Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…

More shows like Kape’t Tsaa

轻阅读 by 南海之声

轻阅读

18 Listeners

中华养生 by 华语环球广播

中华养生

0 Listeners

成长你我他 by 华语环球广播

成长你我他

2 Listeners

Songs on demand of CRI Myanmar service by CRI Asia Wave

Songs on demand of CRI Myanmar service

46 Listeners

直播中国 by 中文环球

直播中国

4 Listeners

边走边看 by 环球资讯广播

边走边看

1 Listeners

直播世界 by 环球资讯广播

直播世界

0 Listeners

Weekend Hits by Hit FM

Weekend Hits

0 Listeners

Morning Hits by Hit FM

Morning Hits

0 Listeners

资讯非常道 by 环球资讯广播

资讯非常道

0 Listeners