Kape’t Tsaa

Kape’t Tsaa

By Asia WaveArts
Download on the App Store

Kape’t Tsaa episodes

  • Rev. Fr. Aristotle Dy: Xavier China Experience
    Sa
    kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ni Mac Ramos ang Pangulo ng Xavier
    School na si Rev. Fr. Aristotle Dy. Kanyang ibinahagi ang panukat ng tagumpay
    sa kanilang programang Xavier China Experience at kung bakit ito itinuturing na
    "defining feature" ng  Xavier
    education. Ipinahayag din ni Fr. Ari na isang mainam na tulay ang Xavier China
    Experience ng masiglang pagpapalitan  ng
    mga Tsino at Pilipino. Ang buong interview ay mapapakinggan sa programang Mga
    Pinoy sa Tsina.
    21 min
  • “Pasko” nina Juvy at JM1
    Panahon
    na ng Kapaskuhan. Sa Beijing, inilunsad kamakailan ang awiting Pasko. Original
    composition ito nina Juvy Leonore, Juren Mabulay at Kenny Leonore at available
    na online. Ang kanta ay handog nila sa lahat ng mga kababayan, lalo na yung
    malayo sa pamilya. Pakinggan ang Pasko at ang kwento sa likod ng kanta sa
    programang Mga Pinoy sa Tsina.
    21 min
  • Marjorie Joy Olea: Pinoy Delegate sa 4th China ASEAN Youth Summit
    Isa sa mga Pinoy delegates sa 4th China ASEAN
    Youth Summit si Marjorie Joy Olea. Kinatawan siya ng Beijing International
    Studies University. Bilang Masters student ng Tourism Management, nag-alok ito
    ng magandang pagkakataon para mapalawig ang kaalaman niya hinggil sa Tsina,
    kung saan may 2 taon na rin siyang naninirahan, at matutuhan ang importanteng
    mga usapin na kinakaharap ng kabataan mula sa mga bansang Southeast Asian. Sa
    episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina, napagkwentuhan din ang pagsali ni
    Marjorie Olea sa mga tourism promotion events ng Tsina at maging ng Kagawaran
    ng Turismo ng Pilipinas sa Beijing. Ito'y mga karanasan na nakadagdag sa mga
    teorya ng turismo na natutunan niya sa loob ng unibersidad.
    20 min
  • Marjorie Joy Olea: Pinoy Scholar sa Beijing International Studies University
    Tubong Davao si Marjorie Joy Olea. Nang
    mabalitaang may alok na scholarship ang Tsina para sa mga kabataang Pinoy,
    sinubukan niyang mag-apply. Pinili ang kursong Master in Tourism Management at
    ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Beijing International Studies University
    (BISU). Ang tsikahan sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina ay nakatuon sa
    bentahe ng pag-aaral sa Beijing. Ano ang competitive edge ng BISU sa ibang mga
    unibersidad sa ibang bansa? At higit sa lahat paano pinagyayaman nito ang
    kaalaman at kakayahan ni Marjorie Joy Olea sa larangan ng turismo.
    20 min
  • Jenny Marcos: higit isang dekadang pagtuturo sa Beanstalk International Bilingual School
    Public school teacher sa Cordillera si Jenny Marcos, pero nang alukin
    para magtrabaho sa Tsina 13 taon na ang nakalilipas, tiningnan niya ito bilang
    oportunidad na magpapabuti sa kalagayan ng kanyang pamilya. Sa Beijing,
    kasalukuyang librarian si Jenny Marcos sa Beanstalk International Bilingual
    School. Alamin ang life and work principles ni Jenny Marcos na susi sa kaniyang
    matagumpay na pamumuhay sa Beijing sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
    20 min
  • Jenny Marcos: Grupo ng mga Igorot sa Tsina
    Si Jenny Marcos ay full blooded Igorot. Itinatag niya kasama ng ilang
    mga kababayan ang grupong BIMPAAK. Kumakatawan ito sa mga Beijing based OFW na
    tubong Benguet, Ifugao, Mountain Province, Abra, Apayao at Kalinga. Isa sa
    kanilang adhikain ay itaguyod ang kapatiran at pagtutulungan. Ipinagmamalaki
    nila ang kanilang mga tradisyon, kaya habang nasa Tsina, ipinakikilala rin ng
    BIMPAAK ang kulturang Cordillera. Nagpaunlak si Jenny Marcos ng panayam sa
    programang Mga Pinoy sa Tsina. Pakinggan ang naging kwentuhan nila ni Mac Ramos
    tungkol sa mga aktibidad ng BIMPAAK.
    21 min
  • Rod Camposagrado at kaniyang 31 taong pamumuhay sa Beijing
    Dekada
    80 nang ipadala ng kanyang hotel sa Maynila si Ginoong Rodrigo Camposagrado. Isang taon lang ang
    usapan pero hindi niya inakalang aabot ng 3 dekada ang kanyang pamamalagi sa
    Beijing. Tanging Beijing lang, sa buong Tsina, ang kanyang lunsod na
    pinagtrabahuan at tinirahan. Bakit? Ito ang ikinuwento ni Mr. Roridgo
    Camposagrado, Food and Beverage Consultant ng Pan Pacific Hotel Beijing sa
    programang Mga Pinoy sa Tsina.
    20 min
  • Rodrigo Camposagrado: Hospitality Industry ng Tsina pinulsuhan
    31
    taon sa Beijing, China. Saksi sa mga mahahalagang tagpo ng kasaysayan. Bahagi
    ng pag-unlad ng sektor ng hospitality sa bansa. Siya po ay walang iba kundi si
    Ginoong Rodrigo Camposagrado, Food and Beverage Consultant ng Pan Pacific Hotel
    Beijing. Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina kanyang ibinahagi ang mga pananaw sa
    galaw ng industriya kasabay ng mabilis na pag-unlad ng Tsina.
    20 min
  • Agriculture Counsellor Ana Abejuela: Tropical Fruits ng Pilipinas patuloy na tinatangkilik sa Tsina, pamumuhunan isusulong pa
    Panauhin sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina si  Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina. Laman ng interview ni Mac Ramos ang mga good news hinggil sa pagluluwas o exports ng Pilipinas ng mga produktong agrikultural sa pamilihan ng Tsina. Sa kasalukuyan hawak ng saging mula sa Pilipinas ang higit kalahati o 54% ng market share.  At patuloy ding tinatangkilik ng mga Tsino ang mga iba pang mga tropical fruits gaya ng pinya at mangga.  Inalam din ni Mac Ramos ang  update  sa mga nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng agrikultura ang mga detalye sa  one on one interview kay Agriculture Attache Ana Abejuela.
    20 min

About Kape’t Tsaa

From the publisher's feed

Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…

More shows like Kape’t Tsaa

轻阅读 by 南海之声

轻阅读

18 Listeners

中华养生 by 华语环球广播

中华养生

0 Listeners

成长你我他 by 华语环球广播

成长你我他

2 Listeners

Songs on demand of CRI Myanmar service by CRI Asia Wave

Songs on demand of CRI Myanmar service

46 Listeners

直播中国 by 中文环球

直播中国

4 Listeners

边走边看 by 环球资讯广播

边走边看

1 Listeners

直播世界 by 环球资讯广播

直播世界

0 Listeners

Weekend Hits by Hit FM

Weekend Hits

0 Listeners

Morning Hits by Hit FM

Morning Hits

0 Listeners

资讯非常道 by 环球资讯广播

资讯非常道

0 Listeners