Kape’t Tsaa

Kape’t Tsaa

By Asia WaveArts
Download on the App Store

Kape’t Tsaa episodes

  • De-kalidad na produktong Pilipino, mabibili na sa JD.com: Pambansang Pabilyon ng Pilipinas, inilunsad
    Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa mga pinakamalaking business-to-consumer (B2C) e-commerce na plataporma ng Tsina.
    20 min
  • Chai Roxas: Wuhan balik-normal, disiplina at bayanihan susi laban COVID-19
    Pitong taon nang nagtatrabaho sa Wuhan, Tsina si Chai Roxas. Assistant Manager siya sa trading company na Wuhan Wong Xing Gong Hui. Sa kasagsagan ng outbreak ng pandemiya ng COVID-19 pinili ni Chai na manatili sa Wuhan at hindi sumama sa mga OFW na nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation ng pamahalaan. Sa okasyon ng unang anibersaryo ng pag-alis ng lockdown kontra COVID-19 sa Wuhan, kinapanayam si Chai ng Mga Pinoy sa Tsina.
    18 min
  • Pagtuturo ng Arnis sa Tibet
    Sa kauna-unahang pagkakataon, naibahagi kamakailan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet, Tsina ang Arnis o Eskrima, pambansang laro, sining pananggalang, at isa sa pinakamahalagang pamanang kultural ng mga Pilipino sa mundo.  Upang maisalaysay ang kanyang karanasan sa pagbabahagi ng sining na ito sa mga estudyanteng Tibetano, at iba pa, lumahok si Rhio Zablan, mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG) sa programang Round Table ng CMG English Language Programming Center.
    53 min
  • Napapanahong pagpapalitan ng impormasyon at balita, kailangan ng media ng Pilipinas at Tsina – Embahador Jose Santiago Sta. Romana
    Beijing – Sa eksklusibong panayam ng China Media Group – Filipino Service (CMG – FS) kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina sa sidelines ng ASEAN Media Partners Forum, Hulyo 14, 2021, sinabi niyang napakahalaga ang nasabing kaganapan dahil ito ang magsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, lalo na sa larangan ng rehiyonal na pag-unlad at mutuwal na pagkakaunawaan. “Ito ay partikular na mahalaga, kasabay ng pagpo-promote ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), mutuwal na kalakalan, at pag-unlad sa bawat bansa,”aniya. Di-mahahalinhang papel ng media sa pagpapasulong ng kalakalan, pagtitiwalaan at pagkakaunawaan Sinabi ni Sta. Romana, na ang papel ng media ay may di-matatawarang halaga sa pagsusulong ng pambansang kamalayan at importansiya sa pagpapabuti ng ekonomikong pag-unlad. “At kasali rito ang pag-promote ng kalakalan sa ibat-ibang trade partner; kaya naman, mahalaga ang kooperasyong pang-media, dahil kailangan nating isulong ang mutuwal na pagtitiwalaan, mutuwal na kompiyansa, at mutuwal na pagkakaunawaan,”anang embahador. Aniya pa, ang ASEAN at Tsina ay magkapit-bahayan at malapit sa isat-isa: may pinagbabahaginang karagatan at may pinagbabahaginang hangganang panlupa, kaya nararapat lamang na ang papel ng mga media ng kapuwa panig ay higit na mas malaki sa pag-u-ulat lamang ng mga balita tungkol sa kani-kanilang bansa, bagkus, kailangang maisiwalat nila ang mga pag-unlad na nangyayari sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon tungo sa pagtatatag ng mas mainam na pagkakaunawaan. “Sa prosesong ito, hindi lang natin maipo-promote ang rehiyonal na pagkakaunawaan at istabilidad, kundi, maisusulong din natin ang rehiyonal na pag-ahon," diin ni Sta. Romana. Napapanahong pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina, hinihikayat Para naman sa mga media ng Pilipinas at Tsina, iminungkahi ng embahador na kailangang magkaroon ng napapanahong pagpapalitan ng impormasyon at balita. Bagamat mayroon pa ring pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na naglilimita sa pagbibiyahe ng mga mamamahayag, sinabi ni Sta. Romana, na sa bawat lugar, mayroon pa ring mga diyornalista, at sila ang nakakapag-ulat kung ano ang nangyayari sa Tsina at Pilipinas. Mahalaga aniyang magkaroon ng malakas na kooperasyon ang dalawang bansa sa larangang ito. “Para roon ay magkaroon ng mas maraming balita na first hand, kung ano talaga ang nangyayari sa isang lugar, papaano kinokontrol ang pandemiya sa Tsina, papaano nagawa ng Tsina itong halos balik sa normal nang situwasyon, papaano nasugpo iyong virus. At sa [dako naman ng] Pilipinas, papaano matututo [mula] sa Tsina, at papaano rin mapapahusay pa ang trabaho sa Pilipinas,”dagdag ng embahador. Ipinagdiinan niyang kailangang magkaroon ng pagpapalitan ng karanasan at pagpapalitan ng balita, upang sa ganoon, hindi lamang mas malawak na pananaw sa isang komunidad ang maisusulong, kundi, mapapalawig din ang ating pagkakaunawa sa rehiyonal at internasyonal na lebel. “Partikular ngayong panahon ng pandemiya, ito ay may napakahalagang katuturan. Hindi man tayo maaaring magbiyahe, pero, sa pamamagitan ng media, mas maraming makikita ang ating mga mata, at mas marami tayong matututunan mula sa karanasan ng ibang bansa,”hayag ng embahador. Kaugnay nito, sa pag-uusap nina Sta. Romana at An Xiaoyu, Direktor Heneral ng Asian and African Languages Programming Center ng CMG bago magsimula ang porum, sinabi ni An, na may mga pribadong media sa Pilipinas na hindi direktang kumukuha ng impormasyon mula sa mga media ng Tsina, at sila ay dumedepende lamang sa mga kanluraning media. Dahil dito, ani An, naibabalita sa mga Pilipino ang ilang hindi aktuwal  at hindi tamang impormasyon hinggil sa Tsina. Dagdag ni An, ang mga kanluraning media ay may maliwanag na pagkiling laban sa Tsina. Tungkol dito, sinabi ni Embahador Sta. Romana, na kailangan talagang mapalakas pa ang pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina upang maiwasan ang mga situwasyong nabanggit. “Ang mahalaga diyan ay mahusay na paraan ng pagbabalita. Kailangan din ay matuto tayo kung papaano mag-ulat sa paraan na makukuha ang interes ng mga tao – maiintindihan nila. Kaya, ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming balita upang mas marami tayong matutunan, at mas itaas ang kakayahan ng mga mamamahayag at palawakin ang impluwensiya ng mga media ng dalawang bansa,” dagdag niya. Hindi aniya ito madaling gawin, at kailangan ang maraming pagpupunyagi at pondo, pero upang makamtan ang layuning ito, kailangang isagawa ang pagbabahaginan ng karanasan at  mas maraming pagpapalitan. “Ang pinakamahalaga sa tingin ko ay mas malawak at mas matapat na pag-uulat. Ang lahat ay hindi perpekto, kaya kailangan lamang ay i-ulat ang mga pangyayari sa makatarungan at balanseng paraan,” saad ni Sta. Romana. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay idinaos bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina’t ASEAN sa taong ito. Sa ilalim ng temang“Kooperasyon ng Media at Pagtutulungang Panrehiyon,”inilunsad ng CMG at mga ASEAN media organization sa porum ang mas pinalakas na partnership para maisulong ang kooperasyon sa pagpapalitan ng mga balita at materyales, magkasamang produksyon, magkasabay na pagtangkilik ng mga aktibidad, pagtutulungan laban sa COVID-19, at pagpapasulong ng kasaganaan ng Tsina't ASEAN. Bukod kay Embahador Sta. Romana, lumahok din sa pagtitipon si Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), at iba pang 100 panauhin mula sa mahigit 30 media at organisasyon. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay itinaguyod ng CMG.
    12 min
  • Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman
    Magandang magandang araw sa inyong lahat. Ito muli si Rhio Zablan, nagbabalik para saprogramang imported pa mula sa Beijing, na naghahatid sa inyo ng mgamakabuluhang impormasyon at sari-saring kaalaman tungkol sa Tsina at relasyongSino-Pilipino – ito po ang Dito Lang ‘Yan Sa Tsina (DLSYT). Kamakailanay pinalad po tayong makapaglakbay sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina para magingisa sa mga pangunahing tauhang itatampok sa isang dokumentaryo hinggil sa pagbabahaging kulturang Pilipino at wikang Pilipino sa mga mamamayang Tibetano, atsiyempre, pagbabalita ng mga pangyayari roon.
    20 min
  • Dr. Rommel Banlaoi: CPC, mas creative, innovative at mas engaging ngayon
    “Naging creative, innovative at mas engaging ngayon ang Communist Party of China. Ang kanilang mga polisiya ay masasabi kong may maidudulot na kagandahan di lamang sa Tsina kundi pati na rin sa buong mundo.”Pinulsuhan ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS), ang 100 taong pag-unlad ng Communist Party of China (CPC). Paliwanag ni Prof. Banlaoi, ang CPC sa kasalukuyan ay nagsusulong ng sustainable development, environmental protection, mitigating climate change at alleviating poverty. Nag-adapt ito sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo at patuloy na nag-aadapt at nag-i-innovate. Hinggil sa mataas na tiwala ng mga tao sa CPC, ang dahilan nito sa palagay ni Prof. Banlaoi ay ang kakayahang maghatid ng mga pangangailangan ng mga mamamayan. “Nang ma-achieve ang national unity, ngayon nangako ang CPC na iahon sila (ang mga mamamayan) sa kahirapan. At na-achieve yan ng CPC,” pahayag ni Banlaoi. Performance politics ang sandigan kung bakit ang tiwala ng mga Tsino ay nasa partido, dagdag niya.Hangad ni Banlaoi na magpapatuloy ang diyalogo ng PDP-Laban ng Pilipinas at CPC para ang kagandahan ng ugnayan sa pagitan ng mga partido at pamahalaan ay mag-spill over sa people-to-people relationship.
    14 min
  • Mahigit isanlibong taong ugnayang Pilipino-Sino, buhay na buhay: Forum on Philippines-China Post-Pandemic Economic Cooperation, idinaos sa Xiamen
    Upang maipakilala sa
    mga negosyanteng Tsino ang mga kapakinabangang maidudulot ng pagtatayo ng
    negosyo sa Pilipinas matapos ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019
    (COVID-19), idinaos kamakailan sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, dakong
    timogsilangan ng Tsina ang “Forum on Philippines-China Post-Pandemic
    Economic Cooperation” at iba pang kaugnay na aktibidad.
    Sa pangunguna ni  Jose Santiago L. Sta. Romana, Embahador ng
    Pilipinas sa Tsina; naglahad, nagtalumpati at nakipagtalakayan ang delegasyong
    pang-ekonomiya ng Pilipinas sa mga negosyanteng Tsino mula sa Xiamen at
    lalawigang Fujian, upang ipakita ang mga bentaheng maaaring idulot ng
    pamumuhunan sa bansa.
    21 min
  • Rafaela “Apples” Chen: Kasabay ng pag-unlad ng Pudong, umunlad din ang hospitality industry
    Noong 1992 puro talahib at tatlo lang ang internatonal hotels sa Pudong. Ngayong 2020, meron ng 300 international hotels at 600 local hotels at inns sa Pudong, financial hub at sentrong pang-inobasyon sa Shanghai, Tsina. Ganito inilarawan ni Rafaela “Apples” Chen ang napalaking pagbabago at mabilis na pag-unlad ng distrito sa Shanghai nitong tatlong dekadang nakalipas.Tatlumpu’t apat na (34) taon nang naninirahan sa Tsina si Apples Chen at kasalukuyan siyang General Manager ng International Hoteliers & Associates (Shanghai) Ltd. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, nagbalik-tanaw ang hotel executive at ibinahaging noong Dekada 90 may 100 Pilipino lamang sa lunsod. Ngayon higit 8,000 na ang mga Pilipino na nagtatrabaho, nag-aaral at nagbukas ng sariling negosyo sa Shanghai.
    20 min

About Kape’t Tsaa

From the publisher's feed

Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…

More shows like Kape’t Tsaa

轻阅读 by 南海之声

轻阅读

18 Listeners

中华养生 by 华语环球广播

中华养生

0 Listeners

成长你我他 by 华语环球广播

成长你我他

2 Listeners

Songs on demand of CRI Myanmar service by CRI Asia Wave

Songs on demand of CRI Myanmar service

46 Listeners

直播中国 by 中文环球

直播中国

4 Listeners

边走边看 by 环球资讯广播

边走边看

1 Listeners

直播世界 by 环球资讯广播

直播世界

0 Listeners

Weekend Hits by Hit FM

Weekend Hits

0 Listeners

Morning Hits by Hit FM

Morning Hits

0 Listeners

资讯非常道 by 环球资讯广播

资讯非常道

0 Listeners