Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal ----
Donsol
Ang Pilipinong indie film na Donsol ay inilabas noong taong 2006 (Dalawang libo at anim) at nanalo ng ilang gantimpala. Si Adolfo Alix Jr. ang sumulat at nagdirek ng pelikula, na pinagbibidahan nila Angel Aquino at Sid Lucero. Ito ang kwento ng pag-iibigan sa panahon ng tag-araw sa bayan ng Donsol, na isang popular na lugar para pagmasdan ang mga butanding o whale shark.
Si Teresa, isang turistang bumibisita sa Donsol, ay nahulog sa pag-ibig kay Daniel, na isang gabay ng mga butanding doon. Pareho silang may pinagdaraanan, pero nagawa nilang mahulog sa isa’t isa. Si Daniel ay nasa isang pagsikad mula sa kanyang dating kasintahan na si Joan, na iniwanan siya para sa isang mayamang lalaki. Habang si Teresa naman ay nabiyuda, at nagdurusa mula sa kanser sa dibdib.
Isa sa mga nakamamanghang bahagi ng pelikulang ito ay ang napakaraming magagandang kuha ng mga butanding, karamihan ay kinunan sa ilalim ng tubig. Dagdag pa sa istorya ng pag-iibigan, marami ding mga isyu na tinukoy tungkol sa kapaligiran, tulad ng problema sa iligal na pangingisda sa Donsol, na inilalagay sa panganib ang mga butanding na nakatira doon. Sa takbo ng pelikula, inaresto ang tatay ni Daniel dahil sa mga paratang sa iligal na pangingisda, na nagdulot ng mga problema sa kanya, kasama ang mga taong gumagamit na karamihang nakatira sa bayan.
Sa kabuuan, nakatanggap ang pelikula ng anim na gantimpala at hinirang sa 18 (labingwalong) iba pang parangal. Kabilang sa mga gantimpala na napanalunan nito ay ang Tropeyo ng Balanghai para sa Pinakamahusay na Sinematograpiya at ang Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Aktres, at ang FAMAS Award para sa Pinakamahusay na Sinematograpiya at ang Spirit of the Independent Award sa Ft. Lauderdale International Film Festival.
----Formal English----
Donsol
The Filipino indie film Donsol was released in 2006 and has won a number of awards. Adolfo Alix, Jr. wrote and directed the film, which stars Angel Aquino and Sid Lucero. It's the story of summer romance in the town of Donsol, which is a popular whale shark watching area.
Teresa, a tourist who visits Donsol, falls in love with Daniel, who is a whale shark guide there. Both of them are going through a rough time, but they manage to fall for each other. Daniel is on the rebound from his ex-girlfriend, who left him for a wealthy man. Teresa's husband died, and she is suffering from breast cancer.
One of the most breathtaking parts of this movie is the numerous beautiful shots of the whale sharks, many of which were taken underwater. In addition to the romance, there are also a lot of issues broached in the background, like the problem of illegal fishing in Donsol, which is endangering the whale sharks that live there. During the course of the movie, Daniel's father is arrested on charges of illegal fishing, which in turn causes problems for him with the people who employ most of those who live in the town.
In all, the film received six awards and was nominated for eighteen others. Among the awards it won were the Balanghai Trophy for Best Cinematography and Best Actress Performance, the FAMAS Award for Best Cinematography, and the Spirit of Independence Award at the Ft. Lauderdale International Film Festival.
---------------------------
Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!