
Sign up to save your podcasts
Or


"Feeling ko pineperahan niya na lang ako at nanghingi pa ng pang spin sa laro niya."
"Gusto ko po kasi humingi ng advice kung paano ihandle ang anxiety sa isang relationship. May bf ako ngayon at LDR po kami, never pa nagkita in person. Sobrang hirap talaga kasi ako masyado akong nag ooverthink kapag wala syang time sa akin or di nya nasasagot ang calls ko. Dati kasi dumating na kami sa point na halos 1 beses sa isang buwan na lang sya kung magcontact sa akin dahil daw sobrang busy nya sa work kaso para sa akin hindi naman yun enough reason para di makapagbigay ng time. Nadepress ako nung time na yun to the point na gabi gabi ako umiiyak tapos apektado ako emotionally for 8 months pero tiniis ko yun. Ngayon tuloy sa tuwing wala syang time sa akin natatakot ako at bumabalik sa akin yung dati na baka maulit nanaman yung time na maiwan ako sa ere. Andami kong naiisip at mga tanong na "bakit" sa isip ko. Nag bbreak down ako kaagad kapag nag ooverthink ako at dumadating na tuloy sa point nanaaaway ko na yung bf ko kapag di na nasasagot ang calls ko or di sya nakakapagpaalam sa akin. Alam ko nagiging toxic na ako dahil sa anxiety ko pero I can't help it, gusto ko lang naman maramdaman na paglaanan ng oras at maramdaman na mahalaga ako. Hindi ko sure kung masyado lang ba akong demanding or sya ba ang nag kulang. Dati hindi naman ako ganito. Mula kahapon hanggang kanina buong araw ako tumatawag pero di sinasagot, ayun tuloy nakapagbitaw ako ng masasakit na salita sa text. Tapos ngayon naman nag aalala ako kung anong mararamdaman nya doon. Kaso kung hindi ko kasi ilalabas sobrang bigat. Immature po ba ako? Or dapat ko na bang kalimutan yung nangyari dati at magtiwala na lang sa partner ko ngayon? Ang hirap kasi talaga ng LDR sa totoo lang, palaging misunderstandings."
"Meron akong girlfriend,6 months na kame. Ang cold na niya kausap. Tapos neto lang march nagkaproblema kaming dalawa,kesyo napapagod na daw siya. (Cut ko na yung story) there's a girl na crush niya,workmate niya. And gumamit siya ng dummy account para dun sila magchat siguro,kase nasaken main account niya. And ang reason niya is ayaw daw niya kong mag isip ng kung ano ano or ayaw niua kong masaktan. Valid ba yun? Parang ang sakit na nga sa part ko na may nagustuhan na nga siyang iba,kailangan pang magtago"
"Hingi sana ako advice sa inyo kung sino ba talaga pipilion ko ang ama nang anak ko o yung jowa ko ngayon na naging ama narin nang anak ko ganito kasi yan yung unang lalaking minahal ko na ama nang anak ko nasa malayo siya nag tatrabho inamin nya sa akin na meron na daw siyang ibang mahal halos 3 buwan akong na baliw sa kakaisip nuon kung anong kulang sa akin dahil ba nasa malayo ako kaya nakahanap siya nang mas malapit 3 buwan nang naka lipas may nakilala akong lalaki 23 yrs old constraction rin siya oo aminin ko sinagot ko lang siya dahil gusto korin malimutan ang ex partner ko kaibigan siya nang barkada ko pinakilala lang nila sa akin dahil binata daw tanggap namn niya anak ko habang tumatagal napamahal narin ako sa kanya dahil napa ka sweet nya at maalaga inaalagan niya kami nang anak ko haggang umaabot kami nang 1 taon bigla nalng tumawag yung ama nang anak ko na uuwi daw siya para makapagsimula kami ulit sinabi ko sa kanya na may mahal na ako pero hindi siya nag paawat pumupunta siya sa amin para kmxtahin ang anak namin minsan humihingi siya nang sorry sa akin kung pwede daw ibalik namin ang dati naming relasyon pero sinabi ko sa kanya na ayaw kuna dahil napamahal narin sa akin ang jowa ko umaabot nang 2 buwan patuloy parin siyang humihingi nang tawad nagbaka sakaling balikan ko siya minsan lumuluhod siya sa harap ko alang alang daw sa anak namin pero naawa rin po ako sa jowa ko ngayon dahil siya ang tumawayong ama nung iniwan niya kami hindi ko alam kung san ako plsss Bigyan nyo sana ako na magandang advice."
"Eto sumbong ko. Nakipag break sakin yung long time girlfriend ko na 7 years. Since 2nd year college kami na hanggang 2021. Naiintindihan ko naman yung reason niya bakit siya nakipag break. Since pandemic nasa 10 times lang ata kami nakapag kita, sa tarlac trabaho niya and once a month lang nakakauwi , and both narin naming nararamdaman na fall out of love sa isat isa. Pero ang pinaka regret ko lang is yung kapatid niya na 9 years old. Simula 2019 nung nag start ako sa work ako na nagaalaga sa kanya magkatabi lang yung bahay nila at yung workplace ko. Ang nung pandemic nga halos dun na ako tumira sa bahay nila ako na rin nagtuturo sa kanya sa modules niya. Pag free time naman namin sinasamahan ko siya maglaro ng fortnite dun ko naramdaman maglaro bilang bata na literal na play for fun lang talaga. 1 month since breakup 1 month na din ako hindi napunta dun and everyday ako tinatawagan nung kapatid niya na maglaro kami. In good terms naman kami ng ex ko. Ano dapat gawin ko mga kuya ate or tito."
"Need ko lang po ng advice, 4 months naging kami ng ex at nakipag hiwalay siya sa akin dahil maiinit daw ang ulo like lahat ng galit ko sa kanya ko binubuhos, mahal na mahal ko po talaga siya kahit almost 1 year na kaming wala, ano po ba ang gagawin ko?"
"Gusto po namin mag bayad ang sumira sa pangalan ng pamilya namin , Isang pamilya ang nag kakalat na mangkukulam ang mga pinsan ko , pati tito kong namatay dinadamay pa nila ,lalong lalo na ang lola kong patay nadin na ipinag kakalat nilang pinang galingan ng kulam. Sirang sira na sila sa baranggay nila dahil don , nilapit na din sa Baranggay para mg reklamo pero ang sabi nila ay mag kapatawaran nalang dahil hindi naman daw talaga naniniwala yung video na mangkukulam pamilya namin ,gumawa pa po sila ng mga video na kunwari ay kinukulam sila ng kamag anak namin ,which is nag aact silang kinikulam at sinasaniban kaya nalaman (daw) nilang sila ang nang kukulam."
"I badly need some advice from extroverts. I lost lots of opportunities because of me, doubting myself. The thought of socialising makes me feel strange and panicky , I don't even know how to start a conversation or communicate without stammering. I'm grade 12, freshmen college next S.Y. I should gotta overcome my shyness!"
"Diko alam itatitle siguro hihinge lng tlaga ako ng advice? I have a boyfriend for almost 2months. Di ko alam kung bakit sobrang mahal na mahal ko na sya agad lahat ng bagay na kaya kung gawin ginagawa ko just to make him happy pero one time diko naman sinasadyang di magpaalam alam mo yung feeling na parang dahil lang isang kasalanan mo pakiramdam ko kaya na nya ako agad iwan. Marami din naman akong reason awayin sya tulad ng ang dami nyang gc at group page na puro babae kasali pero inintinde ko yun hinayaan ko lng sya kase mahal ko. Pero bakit ako isang pag kakamali ko lang parang kaya na nya agad akong iwan ... Sobrang mahal ko sya pero Mahal ba talaga nya ko?"
"Magiincoming college nako soon but then undecided parin ako sa kukunin ko. Ako yung tipo ng tao na mabilis mawalan ng interest sa mga bagay bagay. Walang matinong gusto. Sabi nila pagtumuntong kana sa k-12 dun muna malalaman talaga ang gusto mo but until now wala padin naman nagbabago not until pinag usapan na namin ng mga magulang ko tutal doctor naman yung inaaral ng ate ko they reccommend what if lawyer or engineer kukunin ko daw hindi naman nila ako pinipilit pero parang syempre fulfilling gapag natupag mo gusto ng mga parents mo hindi din naman ako nagrereklamo but natatakot ako kase kailangan talagang magsunod ng kilay sa napili nilang course so what if diko pala makaya or magawa baka madissappoint lang sila."
From the publisher's feed