
Sign up to save your podcasts
Or


"Yung una is yung balak na mag double job (which is advise ni kuya D) kaso not possible kasi dito sa pinas bawal ang dalawa ang fulltime job lalo na kung yun ang nasa contract. possible lang sya if one of the job is freelance.
"Sumbong ko lang po yung mga bestfriends ko na hindi ko na naramdaman simula nung nagka jowa silang lahat. Parang ang lungkot po kasi na kami kami yung nagpapasaya sa isa't isa nung kami kami magkakasama kaso ngayon na malungkot ako, parang wala akong mga kaibigan dahil lang sa mga jowa nila. Paano po ba mababalik yung dati na masaya kami lahat?"
"Good evening po ate & kuya sumbong ko lang po yung bebecakes na bet ko na nag chachat lang pag maglalaro kami pero after ng game isiseen nalang ako na parang walang nangyare kahit wins streak naman kami lagi, sobrang bet ko kasi siya at gusto kong mas mapalapit loob niya sakin. Thankyou po."
"Matagal Na Kong May Nililigawan Na Isang Babae Sa School Namin Almost 3 Years Na Pero Dahil Sa Mga Ginawa Kong Kapalpakan Dati At Kalokohan Nagalit Siya Sakin Tiyaka Di Na Kami Nag Usap Recently Nagpunta Ako Sa Kanila Dahil Birthday Niya Pero Galit Parin Siya Sakin But She Showed Hospitality Naman Parin Ewan Ko Ba Mga Cer Hirap Din Ako Kung Dapat Ko Bang Ituloy Or Hindi"
"Gusto ko lang isumbong boss yung tropa ko na lagi kong kalaro sa dota, kapag matatalo na po kami dahil sa kanya, minumute niya po kami kunware di niya kami naririnig. Tas biglang magddc sa discord para hindi masisi. Nagagalit pa siya kase raw nasa mid raw siya pero bakit daw walang nagbibigay ng tango kahit binibigyan ko naman."
"Actually hindi po ito sumbong, kundi hihingi lang ng advice kung ipagpapatuloy ko ba ang pangarap kong maging pro player sa edad ko na 22. o harapin nalang ang totoong hamon ng buhay na 9 hrs empleyado?"
"20 yrs old ako from San Jose, California. Medyo kilala ako ng mga dating follower ng wxc sa twitch as chero. May girlfriend ako, 18 yrs old from DLSU. Medyo childish siya nung una nung naguumpisa palang kami kasi nga first time niyang magkaroon ng karelasyon na mas matanda sakanya. Our lifestyle is very different since I came from a not-so-blessed family, not even middle class, tapos siya elitista so tanggap ko yung pagiging childish and spoiled niya. So nung umpisa, hindi kami okay. Sobrang toxic namin dahil sanay nga siya na every away, break. So everytime na nagbebreak kami, umiinom ako lagi kasi nga stressed na sa school, stressed pa sa work, sleep-deprived pa. So wala talaga akong mapaglalabasan ng sama ng loob hanggang sa nakita ako ng nanay ko sobrang wasted ko kasi nalaman ko na bumagsak ako sa board exam ko, and at the same time, nakipagbreak sakin yung gf ko. Tapos I tried killing myself. Yun nalang naging resort ko, napigilan ako ng mom ko, nagsorry yung gf ko. Naging okay na lahat. Kaso dumating yung point na kinausap na ng nanay ko yung gf ko na itigil na namin dahil nga hindi na maganda yung epekto niya sakin, hindi kami bumitaw, nagpaka matured kami pareho, okay na sa mama ko, tapos ngayon yung fam naman niya yung may ayaw sakin."
From the publisher's feed