LuponWXC Podcasts

LuponWXC Podcasts

By Luponwxc KumuComedyComedy Interviews
Download on the App Store

LuponWXC Podcasts episodes

  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 44 (Pwendlie)

    "Hello po mag susumbong lang po ako about po sa nagugustuhan ko. School mate ko po sya dati tsaka friend po sya ng friend ko so kilala ko po sya so ayun na nga po nag simula po ito nung nag lakas loob ako na ichat sya. Mahiyain po talaga ko ih kaya dati di ko sya makachat. Nung nakachat ko po sya okay naman po kwentuhan ganun ganyan tapos nung tumagal ng ilang months parang pansin ko na papunta na to sa pagiging friendzone na naman so ako tinapangan ko na umamin ako sa kanya then sya nagulat kasi first time lang daw na may umamin sa kanya. Dumaan ang ilang linggo ng pag amin ko parang nag iba yung nangyari parang naging cold sya ganun alam mo yung feeling na naiilang ganun po ang nangyari. Ano po ba ang dapat kong gawin and pano po makaalis sa pagiging friendzone?"

    31 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 43 (Mimay)

    "Meron po akong ka-chat at mahigit 3 yrs na kaming nag-uusap. Palagay naman ang loob namin sa isa’t isa and we care for each other. Para kaming nasa isang non-committal/no label relationship. Napapasaya naman po niya ako at masaya naman ako sa tuwing nagkakausap or magkasama kami. Pag minsan napag-uusapan din namin ang future namin pero pag dating sa pagkakaroon ng formal relationship, sinasabi niyang di pa siya ready mag-commit kasi may mga priorities pa siya sa buhay like family and personal goals/career niya. Sapat po bang dahilan na masaya ako sakanya para tanggapin na parang hanggang sa ganito lang kami?"

    27 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 42 (Torn)

    "Ganito po yun my ka live in po ako ngayon at my anak napo kami 1yr old, mahal ko naman po ang partner ko kasi kahit ilan beses nya na ako niloko eh nagawa kopa din patawarin at tanggapin sya, siguro hindi na ganun kabuo un tiwala ko pero bilang asawa ginagawa ko lahat para maramdaman nya na mahal ko sya, kahit minsan pag lasing sya eh sinasaktan nya ako, ilan beses ko sya pinatawad dahil sa anak namin, pero minsan nakakaubos na din pala ng pasensya nakakapagod , minsan gusto ko ng kumawala. kapag galit sya sasabihan nya akong Walang Kwentang asawa, minsan gusto sabihin sakanya kung wala akong kwenta hindi ako magpapakatanga at titiisin lahat ng sakit ng pinararamdam nya. Then ito nga my ex ako nagkausap ulit kami after 2yrs, naghiwalay lang kami dahil sa misunderstanding, my anak na din sya at kinakasama pero sabi nya mahal na mahal pa din nya ako.. Kasi ako lang naman talaga ang bumitaw dati kahit ayaw nya kung para sakin sya un lalaki perfect guy. Sakanya ko naranasan lahat kung paano ituring princessa, kung paano ako pahalagahan at igalang. Pinagsisihan ko naman talaga nung binitawan ko sya kasi naging mahina ako pero siguro ito un sinasabi nilang KARMA, nasa tamang tao kana sana kaso sinayang kopa..

    At  dahil sa lagi na kami magkausap sakanya ko lagi nakukuwento yun problema ko, hanggang naisip namin magbalikan, kahit my mga kinakasama kami.  Alam kong mali pero diko alam kapag kausap ko sya masaya ako, nababawasan un lungkot ko.. Tama ba na ipagpatuloy kopa din un koneksyon ko sa ex ko. Gusto ko na din kasi bumitaw sa partner ko kasi pagod na talaga ako kaso iniisip ko din ung anak ko ayuko din kasi sana sya lumaki na Broken family.. Diko alam kung magstay pa din ako ba ako na aasa na magbago pa. Sana matulungan nyu ako."

    32 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 41 (T2)

    "Hello po. Hihingi lang po sana ako ng payo. Lalaki po ako and nasa late 20's na po ako. Syempre po sa edad ko na ganito, madalas may pamilya or may ipon na po. Kaya po ako humihingi ng payo sa inyo kasi lahat po ng tropa ko pag iniimbita ako, lagi pong either kasal / binyag po ang inattendan ko. Tapos po lahat ng kasama don is either ka-batch ko ng college na pamilyado na o mga kaibigan ko din. Tapos ang laging bungad sakin, "tol kelan ka papakasal? tanda na natin ah" Eh syempre po ineexpect po lagi nila yun kasi lagi nila ako binibigyan ng "+1" kapag iniimbita ako in-case na meron daw ako kasama eh madalas wala po talaga akong kasama. Hindi ko naman po minamadali yung buhay ko pero parang nape-peer pressure po ako kasi ako nalang yung hindi pamilyado sa tropa namin. Pati po magulang ko tinatanong ako kelan po ako magkaka-asawa ganun. Eh ang dahilan ko po kasi kaya di pa po ako nag-aasawa is alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ready and yung laman ng bangko ko eh hindi din po ready hehe sana po matulungan niyo ako mga kuya, ate at tito!"

    23 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 36 (Kuys)

    "Just call me nalang po "kuys" kase un naman po tawagan namin..Yes Im A Bi pero diko feel tawagin na gay..my bf po ako at ung bf ko andami palang kinakatagpo. Sobrang durog ang puso ko ung parang ice sa Halo Halo.at ang masakit pa mga Bi/gays ang katagpo niya.sinabi naman niya sa akin na kaya lang naman ginawa niya is dahil sa pera. Sana maunawaan niyo ako kung ano dapat gawin. Nagmamahal lang po ako"

    58 min

About LuponWXC Podcasts

From the publisher's feed

This is the official Kumu channel for all original entertainment shows starring your favorite talents. Currently showing Isumbong mo kay Kute, but also shows Patalinuhan and Tamang Usapan both on the…