Mga Teorya ng Pagkahulog

Mga Teorya ng Pagkahulog

By Edgar Calabia SamarArtsBooks
Download on the App Store

Mga Teorya ng Pagkahulog episodes

  • S02E03: Maraming Mundo ang Bawat Tao
    Tampok sa episode na ito ang ikaapat kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("2. Atisan"). Binasa ko rin dito ang tulang "Paskong-Pasko" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan.
    Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat via Zoom, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar para sa detalye. Mada-download ninyo nang libre ang 74-page SANTINAKPAN PATREON PRIMER na naglalaman ng paliwanag sa perks at tiers at sample contents ng lahat ng series sa site rito: i-share sana ninyo sa mga kaibigan at kakilala. At kung namimili kayo sa Lazado o Shopee, maaari ring gamitin ang mga sumusunod na link sa Lazada o Shopee para makatanggap kayo ng discount at bilang pagsuporta rin dito sa podcast. 
    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.
    40 min
  • S02E02: Mas Madalas Na Mag-isa Lang Siya

    Tampok sa episode na ito ang ikatlong kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("1. Delka Linar") at ikalawang bahagi ng aking MGA TALA SA PAGSUSULAT NG NOBELA na makatulong sana sa mga naghahanap ng inspirasyon at direksiyon para makapagsulat din. Binasa ko rin dito ang tulang "Isang Dekada ang Pagitan" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. ✨Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat via Zoom, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar para sa detalye. ✨ At kung namimili kayo sa Lazado o Shopee, maaari ring gamitin ang mga sumusunod na link sa Lazada o Shopee para makatanggap kayo ng discount at bilang pagsuporta rin dito sa podcast.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    30 min
  • S02E01: Kailan Ka Pa Ba Huling Umuwi?

    Tampok sa episode na ito ang unang dalawang kabanata ng Walong Diwata ng Pagkahulog ("Ilang Saglit" at "Atisan Boy!") at unang bahagi ng aking Mga Tala sa Pagsusulat ng Nobela na makatulong sana sa mga naghahanap ng inspirasyon at direksiyon para makapagsulat din. Binasa ko rin dito ang tulang "Sapagkat Lagi'y Tinatanong Mo Ako" mula sa librong Isa Na Namang Pagtingala sa Buwan na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat via Zoom, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar para sa detalye.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    38 min
  • S01E12: May Totoo sa Nararamdaman Ko

    Hindi ko alam kung bakit parang nawawala ang tuon ko. Minsan, lumilipas ang mga oras sa maghapon na ang mismong pinag-iisipan ko na lang, itong pagkawala ng tuon na ito. O kung ano ba ang ibig sabihin ng tuon. Kung anong ibig sabihin ng nawawala. O ng parang. O ng kung bakit. At kung bakit hindi ko alam. Ano ba talaga ang alam ko? Kailan hindi ang mga bagay-bagay. Kailan hindi ang hindi. Kung mas madali bang magsimula sa hindi o sa hindi naman talaga hindi? Ano ang hindi hindi? Oo? Talaga? Talaga ba? Alin ang unang isinilang sa dalawa? Alin ang unang binigkas. Mas una bang pinangalan ang narito o ang wala rito? Ganito, ganito umiikot ang isip ko sa maraming araw nitong nagdaang mga araw, nitong mga nagdaang linggo, nitong mga nagdaang buwan. Para akong nakalutang—pero saan? Sa panibagong kawalan, kawalan ng mga ugnayan ng mga bagay-bagay at nitong mismong pag-iral. Ganito yata talaga kapag wala kang personal na kakilalang personal na nakikita nang ilang buwan na. Ilang buwan na, at ilang buwan pa ba? 

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko sa mga nagdaang episode ang pagbabasa ko sa mga libro ni Yoko Ogawa na THE MEMORY POLICE [https://shp.ee/9x7jsb3] at REVENGE [https://shp.ee/9svc36j]. Pinakapaborito ko namang Murakami novel ang A WILD SHEEP CHASE [https://shp.ee/cafk6bj] [https://tinyurl.com/AWildSheepChase] dahil sa masinop at payak na paghawak sa ligalig dito at mainam na introduksiyon sa mga libro niya, sa palagay ko. Pero nakaimpluwensiya nang malaki sa mga una kong kuwento ang HARDBOILED WONDERLAND & THE END OF THE WORLD [https://shp.ee/u4dz8xj], lalo na nang sinulat ko ang maikling kuwento kong "Project: EYOD" na nanalo sa Palanca noong 2003. Subalit para sa higit na mga ambisyoso niyang proyekto, maaaring dumiretso sa KAFKA ON THE SHORE [https://shp.ee/tn7byvj] o THE WIND-UP BIRD CHRONICLE [https://shp.ee/tp54j63], na hinihintay ko pa ring maisalin nang buo sa Ingles.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    35 min
  • S01E11: Magkabilang Kanto ng Kalungkutan at Pananagutan

    Ang araw na pinakamahalaga para makapagsulat ay laging ngayon. Parang ang dali-daling sabihin nito kung hindi natin kailangang isipin muna kung buhay pa ba tayo maya-maya sa harap ng iba’t ibang anyo ng karahasan na ipinapataw sa mga naghihirap na nga at pinaghihirap pang lalo ng patong-patong na kawalang-katiyakan. Kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapagsulat pa rin sa araw-araw samantalang napakaraming dumaranas ng iba’t ibang anyo ng pagsupil para magawa lang makapagsabi ng nasa loob nila. Pero kailangan ko ring huminga nang malalim at isipin na baka sa ganito naman talaga ako may magagawa.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨  Alam kong mahilig din kayong magbasa na tulad ko, at alam nating napakalaking tulong ng e-readers lalo na sa usapin ng portability at search capabilties. May Kindle Paperwhite na ako pero bumili pa rin ako ng Boox Nova 2 nang lumabas ito dahil 1) mas friendly ito sa PDF dahil mas malaki ang screen at puwede rin akong mag-annotate sa pages gamit ang sarili nitong pen; at 2) nagagamit ko ang Scribd app dito. Sobrang useful ng Scribd sa pag-access sa maraming libro, kahit Filipiniana! Naroon, halimbawa, ang Eight Muses of the Fall na salin sa Ingles ng nobela kong Walong Diwata ng Pagkahulog at iba pang librong Filipino. Simula nang binili ko ang Boox Nova, mas dumami na ang librong nababasa ko. Kaya naman, kung interesado kayo sa Boox Nova 2, narito ang links mula sa Lazada: https://tinyurl.com/OnyxBooxNova2 o Shopee: https://shp.ee/ik5f6ap. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    36 min
  • S01E10: Minamahal ang Dinadala Mo sa Paglisan

    Ang katakatayak, sukat / Makapagkati ng dagat. Mahalagang paalala ito mula sa isang matandang salawikain na walang dambuhalang anuman, kahit pa isang halimaw na pamahalaan, na di kayang pangibabawan ng hindi sumusukong mga mumunting paglaban. Kaya tuloy ang laban! Para saan ang lahat ng pagmamahal kung winawasak ang bayan ng mga halimaw na dambuhala at wala tayong ginagawa? Ikaw, hanggang ngayon, gusto kitang makilala dahil gusto kong malaman kung paano nangyaring minamahal kita kahit di kita lubusang kilala. Ang bilis ng kabig ko, ano, siguro’y dahil kailangan natin ng mga ganitong talon ng damdamin para manatiling naniniwala sa pag-ibig na totoo. Totoo ang pag-ibig na totoo pero ayaw mong maniwala dahil sa pag-iisip na himala lang makapaghahatid nito sa iyo.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Kung gusto ninyong basahin ang aking Janus Silang series, simulan ninyo sa unang aklat ng series, ang SI JANUS SILANG AT ANG TIYANAK NG TABON, na nanalo ng National Book Award noong 2014 bilang Best Novel in a Philippine Language. Narito ang link sa Lazada: https://tinyurl.com/TiyanakngTabon o sa Shopee: https://shp.ee/k7ww3y3. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    36 min
  • S01E09: Hindi Na Niya Tayo Magagawang Saktan

    May isang uri ng kahibangan na natatanaw mo pa lang siya sa malayo, ni hindi mo pa nalalaman ang pangalan niya, ang nasa isip mo na agad, mahal ko na siya, siya na ang gusto mong makasama habambuhay. May ganitong kahibangan at may ganitong katotohanan. Subalit napakadali nating laging mahulog sa ganitong bitag, gayuma ng maganda at pag-asa na hindi natin nakikitang magwawakas sapagkat nasa sandali pa lamang tayo ng pangangarap masimulan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang mga gusto kong sabihin pero heto, susubukin kong ipaliwanag kahit hindi ako sigurado kung naiintindihan ko rin ba talaga ito nang lubusan. Kung bakit malabo minsan ang nagmamahal: may mga araw na gusto kong mag-isa pero hindi ibig sabihin noon ay ayaw kitang laging kasama.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Dahil napag-usapan nang kaunti ang mga tula at malatula sa episode na ito, ipo-promote ko muna ang mga sarili kong libro ng tula, ang MASKARA'T PAMBATA: MALATULAMBUHAY [https://tinyurl.com/MaskaratPambata] na inilathala ng UST Publishing House at SAMANTALANG SAKOP AT INIIBIG [https://tinyurl.com/SamantalangSakopatIniibig] na inilathala naman ng Ateneo de Naga University Press.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    34 min
  • S01E08: Lagi Tayong Nasa Panahon ng Kawalang-Katiyakan

    Sa halip na kalungkutan, katatagan sana ang ihatid sa iyo ng mga salita ko. Hindi kailangang pilitin at madaliin ang paghilom. Humugot ng lakas sa lahat ng dako. Wala ako sa tabi mo ngayon, pero laging narito lang ako. Nagsusulat dahil kailangang maligaw paminsan-minsan para matuklasang may mga ibang daan pauwi. Araw-araw tayong itinutulak ng paghahangad ng katotohanan na pakiramdam natin, di pa dumarating o nalampasan natin sa kung saan. Kaya hinahanap natin ito sa mga libro, sa lugar na dinadayo, sa minamahal, at laging tila may kulang dahil may katotohanang di natin alam ang pangalan.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Kung gusto ninyong basahin ang mga aklat ni Yuval Noah Harari na nabanggit ko rito sa episode, narito ang links sa kaniyang SAPIENS mula sa Lazada: https://tinyurl.com/SapiensHistoryBook o Shopee: https://shp.ee/f47ayy4; HOMO DEUS mula sa Lazada: https://tinyurl.com/HomoDeusBook o Shopee: https://shp.ee/sdjemik; at 21 LESSONS FOR THE 21ST CENTURY mula sa Lazada: https://tinyurl.com/21LessonsBooko Shopee: https://shp.ee/8yf4a7k. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    33 min
  • S01E07: Ilusyon na Maisasalba ng Panitikan ang Tao

    Minsan, iniisip ko kung ang pinakamasayang nangyari ba sa buhay ko ay iyung minahal mo ako dati. Nasa Pinas dapat ako ngayon dahil bakasyon dito sa Japan. Golden Week. Pero alam na natin ang dahilan kung bakit imposibleng magbiyahe, hindi lang dahil wala na tayo. Labing-isang taon na pala mula noong iniwan mo ako kahit di ka lumayo at sinabi kong imposibleng lumipas ang isang dekada na iniisip pa rin kita. At iniisip pa rin kita. Kaya kong muli’t muling harapin ang demonyo ng kabiguan at sabihin sa kaniyang hindi ako mapapagal. Hayan ka na naman, malamang na sasabihin mo, bago mo ako malamang na muling iiwan.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko ulit dito ang halaga ng pagbabalik sa THE COMMUNIST MANIFESTO. Kung interesado ka ring muling balikan ito, narito ang link mula sa Lazada: https://tinyurl.com/TheCommunistManifestoBook o Shopee: https://shp.ee/yzd3jc4. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    38 min
  • S01E06: Hindi Kalungkutan ang Kaligtasan Kahit Ito Kung Minsan ang Daan

    Buhay pa ba tayo? Matatawag pa bang búhay itong binabata natin sa araw-araw na ni hindi natin magawang makita’t mahawakan ang isa’t isa? Parang ang hirap itanong nito kung may mga totoong kamatayan sa paligid, araw-araw, at hindi na tayo makahabol sa pagbibilang. Gusto kong kumustahin ka, ang mga mahal mo, pero natatakot na ako sa magiging sagot mo. Wala naman talagang katiyakan ang buhay pero tinitiyak ng bawat araw ngayon sa atin na wala nga pala talagang katiyakan ang buhay.

    ✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Dahil napag-usapan nang kaunti ang mga tula at malatula sa episode na ito, ipo-promote ko muna ang mga sarili kong libro ng tula, ang MASKARA'T PAMBATA: MALATULAMBUHAY [https://tinyurl.com/MaskaratPambata] na inilathala ng UST Publishing House at SAMANTALANG SAKOP AT INIIBIG [https://tinyurl.com/SamantalangSakopatIniibig] na inilathala naman ng Ateneo de Naga University Press.

    DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

    35 min

About Mga Teorya ng Pagkahulog

From the publisher's feed

"Mahal pa rin kita kahit may mga araw na parang hindi iyon ang pinakamahalaga. Ang totoong kalungkutan ay araw-araw na pagkaligaw at gabi-gabing pananahanan sa kung saan-saan. Hindi namamatay ang…