
Sign up to save your podcasts
Or


Napakabilis natapos ng Pebrero, parang kung gaano kabilis matapos ang mga totoong nagpapasaya sa atin. Sa sobrang dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung pagod ako pero masaya, o masaya ako pero pagod. May mga araw na hindi ko rin talaga alam kung ano na nga bang pagkakaiba ng takot at pagod. Nasa panahon tayo na ang mga puwede ay hindi na laging puwede, o hindi na talaga puwede, pero mabuti na lang, puwede pa rin namang malungkot, at puwedeng makinig ng kanta nang mag-isa, puwedeng magsulat at magbasa, at puwedeng hanap-hanapin kita nang sobra-sobra. Kung bakit sa tuwing sinusubukan kong bitiwan ka, ako ang patuloy na nahuhulog.
✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko rito sa episode ang pagbabasa ko sa mga libro nina Paolo Tiausas at Jannsen Cunanan. Maaari silang direktang kontakin sa Twitter para bumili ng kanilang mga libro sa @paolotiausas at @arnibaluprising. Maaari rin ninyong i-search ang bagong libro ni Pao na LAHAT NG NAG-AANGAS AY INAAGNAS sa Shopee [https://shp.ee/28h683p].
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.
Nag-Pasko at nag-Bagong Taon nang hindi namin piniling makita ang isa’t isa. Hindi ko alam kung mas iniisip kong natiis niya ako kaysa iniisip niyang natiis ko siya, pero nangyari na ang mga hindi nangyari. Sabi ko, mabuti na rin ang mga ganoong hindi pagkikita, baka nga mas madaling makausad sa bagong taong haharapin. Mahal ko pa rin siya, hindi naman basta-basta mawawala iyon nang dahil lang wala na kami. Naisip ko na kaya nga siguro ako nasasaktan sa mga isinusulat, kaya patuloy na nagsusulat kahit nasasaktan, dahil palaging nagmamahal kahit nagbabago-bago’t tiyak na patuloy na magbabago ang lahat.
✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Binanggit ko rito sa episode ang pagbabasa ko sa mga libro ni Yoko Ogawa na THE MEMORY POLICE [https://shp.ee/9x7jsb3] at REVENGE [https://shp.ee/9svc36j]. Pinakapaborito ko namang Murakami novel ang A WILD SHEEP CHASE [https://shp.ee/cafk6bj] [https://tinyurl.com/AWildSheepChase] **dahil sa masinop at payak na paghawak sa ligalig dito at mainam na introduksiyon sa mga libro niya, sa palagay ko. Pero nakaimpluwensiya nang malaki sa mga una kong kuwento ang HARDBOILED WONDERLAND & THE END OF THE WORLD [https://shp.ee/u4dz8xj], lalo na nang sinulat ko ang maikling kuwento kong "Project: EYOD" na nanalo sa Palanca noong 2003. Subalit para sa higit na mga ambisyoso niyang proyekto, maaaring dumiretso sa KAFKA ON THE SHORE [https://shp.ee/tn7byvj] **o THE WIND-UP BIRD CHRONICLE [https://shp.ee/tp54j63], na hinihintay ko pa ring maisalin nang buo sa Ingles.
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.
Hindi naging madali ang pagtatapos at pagsisimula ng taon para sa akin. Habang may dalawang pagtanaw kung nagtapos na rin ba ang isang dekada nitong 2019 o magtatapos pa lang sa dulo nitong 2020, tinapos ko na ang ilang bagay na nasa mga kamay ko ang kapangyarihang tapusin. Pero madalas, napapaisip ako kung ano nga ba ang mga totoong nasa palad natin, kung mayroon ba talaga tayong kayang pagpasyahan para sa sarili natin, o pinapapaniwala natin ang sarili na kontrolado natin ang ibang bagay upang hindi tayo araw-araw na mahulog sa balon ng kawalang-katiyakan.
✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Noong nagdaang episode, binanggit ko rin ang halaga ng pagbabalik sa THE COMMUNIST MANIFESTO. Kung interesado ka ring muling balikan ito, narito ang link mula sa Lazada: https://tinyurl.com/TheCommunistManifestoBook o Shopee: https://shp.ee/yzd3jc4. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.
Minsan, sa unang pagkikita pa lang, ramdam mo na kung makakasundo mo ang isang tao. Parang lukso ng dugo. Parang nakikilala ng loob mo ang hindi maipaliwanag basta-basta ng katwiran. Parang matagal nang kaibigan, nakalaro’t nakaiyakan noong bata, at ngayon lang ulit nakita. Sa loob mo, nalulusaw ang mga taon ng matagal na pagkakahiwalay. Puwedeng maupo uli’t mag-usap na parang kahapon lang naputol ang pagkukuwentuhan.
✨HIGHLY RECOMMENDED ✨ Kung gusto ninyong basahin ang aking Janus Silang series, simulan ninyo sa unang aklat ng series, ang SI JANUS SILANG AT ANG TIYANAK NG TABON, na nanalo ng National Book Award noong 2014 bilang Best Novel in a Philippine Language. Narito ang link sa Lazada: https://tinyurl.com/TiyanakngTabon o sa Shopee: https://shp.ee/k7ww3y3. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.
May mga araw na gusto kong mag-isa. May mga araw na hindi ko kayang mag-isa. Kinakausap kita ngayon dito, nang ganito, dahil hindi na kita nakakausap. Pasensiya na kung idinadaan ko sa ganito ang mga sandaling naiisip pa rin kita. Parang kinailangan nating magpaalam sa isa’t isa sa isang paraan na hindi ko alam kung hinayaan ba nating magkaganito sa paniniwalang hindi naman talaga iniiwan ang minamahal, na hindi naiiwan ang minamahal. Dahil minamahal ang dinadala mo sa iyong paglisan. Saan-saan na nga ba ako naligaw? Nagawa ko ba talagang matunton ang mga daan pauwi? ✨Narito na ang pagpapakilala sa bago't enhanced na Season 1 na magsisimula ngayong December 4, 2020 at lalabas tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo buong Disyembre 2020! ✨RECOMMENDED THIS EPISODE: Alam kong mahilig din kayong magbasa na tulad ko, at alam nating napakalaking tulong ng e-readers lalo na sa usapin ng portability at search capabilties. May Kindle Paperwhite na ako pero bumili pa rin ako ng Boox Nova 2 nang lumabas ito dahil 1) mas friendly ito sa PDF dahil mas malaki ang screen at puwede rin akong mag-annotate sa pages gamit ang sarili nitong pen; at 2) nagagamit ko ang Scribd app dito. Sobrang useful ng Scribd sa pag-access sa maraming libro, kahit Filipiniana! Naroon, halimbawa, ang Eight Muses of the Fall na salin sa Ingles ng nobela kong Walaong Diwata ng Pagkahulog at iba pang librong Filipino. Simula nang binili ko ang Boox Nova, mas dumami na ang librong nababasa ko. Kaya naman, kung interesado kayo sa Boox Nova 2, narito ang links mula sa Lazada: https://tinyurl.com/OnyxBooxNova2 o Shopee: https://shp.ee/ik5f6ap.
From the publisher's feed