Mga Teorya ng Pagkahulog

Mga Teorya ng Pagkahulog

By Edgar Calabia SamarArtsBooks
Download on the App Store

Mga Teorya ng Pagkahulog episodes

  • Episode 31: Naaalala Mo Ba Ako?
    Habagat at alamat at ibayong pag-iingat. Narito ang pagbasa ko sa ikapitong kabanata ng Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon at kung bakit hindi tayo dapat makalimot gaano man karaming unos ang pagdaanan natin.
    43 min
  • Episode 30: Q&A Tungkol sa Walong Diwata ng Pagkahulog
    Narito ang panayam sa akin ng dalawang mag-aaral mula sa San Pablo, sina Keisha Castillo at Ronald Pesigan, tungkol sa Walong Diwata ng Pagkahulog. Ibinahagi ko ang ilang impluwensiya sa pagsusulat ng nobela, ilang mahahalagang alaala nang panahong isinusulat iyon, at ilan pang bagay paalala kaugnay ng pagiging malikhain.
    1 hr 14 min
  • Episode 28: May Totoo sa Nararamdaman Ko
    Para akong nakalutang––pero saan? Sa panibagong kawalan, kawalan ng mga ugnayan ng mga bagay-bagay at nitong mismong pag-iral. Ganito yata talaga kapag wala kang personal na kakilalang personal na nakikita nang ilang buwan na. Ilang buwan na, at ilang buwan pa ba? Kapag pinag-iisipan ko ang isang bagay, kapag iniisip ko iyon nang napakatindi na halos nararamdaman ko na ang sakit, nagiging totoo ba iyon?
    31 min
  • Episode 26: May Pangako’t Pag-asa ng Muling Pag-uwi
    Hindi ito basta fantasya ng pagtakas sa realidad, sapagkat mula sa pagbabasa’y bumabalik akong lagi sa mundong ito nang hindi mapalagay at may higit na aktibong pagdanas sa paligid: may natuklasan akong ibang bagay sa pagbabasa at hindi ko na matingnan ang mundo na tulad nang dati—lumawak ang hinahangad ko sa daigdig. May kailangan akong gawin upang upang punuan ang mga puwang na iyon. Narito ang ikaapat na bahagi ng aking MGA AKLAT NG TULAMBUHAY tampok ang Sa Kasunod ng 909 at Halos Isang Buhay.
    26 min
  • Episode 24: Paalam ang Sinasabi ng Lahat ng Tula
    May kumatok, pinagbuksan ko at pinatuloy, kahit hindi kami sigurado pareho kung magtatagal ba siya sa loob ko. Walang nakakulong sa amin, nakabukas ang pinto, at malayang lumisan anumang oras, pero pinipili namin ngayong manatili.  Narito ang pagbasa ko sa limang tula mula sa ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN.
    30 min
  • Episode 23: Magkabilang Kanto ng Kalungkutan at Paninindigan
    Hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakatakot na parang ang daming nagbago mula noon pero parang wala rin naman talagang nagbago. Nagsusulat hindi dahil may lumilisan. Nagsusulat dahil may mga hindi tayo iniiwan. May mga nagdaang di man lang nagpaalam na lilisan kaya para tayong laging naiiwang nakalutang sa kawalang-katiyakan. Kaya kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapagsulat pa rin sa araw-araw.
    33 min
  • Episode 22: Kung Nasaan ang Dulo’t Simula
    Ang pangunahing katapatan ng manunulat ay sa katotohanan ng kaniyang inaakda. Hindi ko maaaring hubugin ang isang tauhang paniniwalaan ng mambabasa kung hindi siya kinatha ng isang partikular na kondisyong ekonomiko’t panlipunang kinasasadlakan niya. Narito ang pagpapakilala ko at pagbabasa sa unang kabanata ng unang aklat ng Janus Silang Series.
    44 min

About Mga Teorya ng Pagkahulog

From the publisher's feed

"Mahal pa rin kita kahit may mga araw na parang hindi iyon ang pinakamahalaga. Ang totoong kalungkutan ay araw-araw na pagkaligaw at gabi-gabing pananahanan sa kung saan-saan. Hindi namamatay ang…