Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong Kabanalan kaysa mga guro ng batas at mga Pariseo, hinding hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay. Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang manuya sa kanyang kapatid. Nararapat lamang itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. “Narinig na ninyo na sinabing: Huwag kang makiapid. Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: ang sinumang tumingin nang may pagnanasa sa isang babae ay nakiapid na rin sa kanyang puso “Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang sisira sa iyong sinumpaan. Tuparin mo ang sinumpaang pangako sa Panginoon. Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: huwag kayong manumpa sa ngalan ng Langit pagkat naroon ang trono ng Diyos, ni sa ngalan ng lupa pagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa, ni sa ngalan ng Jerusalem pagkat ito ang lunsod ng Dakilang Hari. Huwag kang manumpa ni sa ngalan ng iyong ulo pagkat ni hindi mo kayang paputiin o paitimin ni isang hibla ng iyong buhok. Sabihin mo 'oo' kung oo at 'hindi' kung hindi. Ano pa mang sasabihin mo'y sa demonyo na galing.”
Sino sa atin ang nakaranas nang pangakuan pero napako ang pangako? Ilan sa atin ang umasa sa binitawang salita, pero naghintay sa wala? Marami na sa atin ang naka-experience ng “ghosting”. Ito ang now-common phenomenon, na bigla na lang nagdidisappear sa dating magandang relationship. Walang trace kung bakit o saan na napunta. Ang nangyayari, walang confrontation, walang closure, walang communication at all. Hindi lang ito nangyayari sa romantic relationships, sa mga “more-than-just-friends relationships din, o mismo sa pamilya. Sabi nga ng iba, hindi na raw November lang ang Halloween, anytime na raw, may mga “ghostings” na. Tungkol ba ito sa kulang sa commitment? O basta hindi lang kayang alagaan ang ugnayan? Halimbawa, sa kaibigan, sa important person na pinagsasabihan mo ng “I love you”, o lalo na sa iyong pinakasalan? Magkahawak kamay pa na nagpromised: “to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. Sasabihin pa na “I will love and honor you, all the days of my life”. Kay sarap pakinggan, pero ang pagtupad, hanggang kailan? Mga kapanalig, ang commitment, galing sa kaloob-looban natin. Ito ang matibay na pagpapasya at pagsusumikap na maging tapat. Kapag sinabing gagawin, tutuparin! Kapag nang-aakit na ang tukso, umiiwas! Kapag may senyales na humihina ang pagmamahal, magdasal! Two days na lang, araw na ng puso. Valentines Day. Araw na binibigyan tayo ng pagkakataon na magpasyang tunay na nagmamahal. Oo, nakakatulong ang chocolates, o flowers, o kahit na ano’ng masasarap na pasalubong sa pamilya, pero naiiba ang maging tapat, ang maging committed. Galing sa puso ang pagpromise. Remember, sa bawat pinangangakuan natin, hindi lang witness si Jesus Maestro, kundi sa Kanyang ngalan na rin tayo nangangako.