PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A THOUGHT A DAY | February 7, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    8 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 6, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Pebrero 6, 2023 

    Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Mark 6:53-56

    Pagkatawid ni Hesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang bangka. Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Hesus ng mga tagaroon at patakbo nilang ipinamalita ito sa lupaing iyon. Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.

    Pagninilay:

    Sa Ebanghelyong ating narinig, maliwanag na kumalat na sa mga bayan ng Galilea ang mga pagpapagaling ni Jesus sa mga maysakit. Marami na rin ang nakaaalam sa mga ginawa Niyang himala tulad ng pagpaparami ng tinapay. Kaya maraming tao ang naghihintay sa Kanyang pagdating, at sumusunod sila saan man Siya magpunta. Sa pagdating nila ng Kanyang mga alagad sa pampang ng Genesaret, nakakita ng pagkakataon ang mga tao roon, upang ihingi ng lunas ang mga may karamdaman. Naniniwala kasi silang gagaling ang mga maysakit, kahit mahipo man lamang nila ang laylayan ng damit ni Jesus. Mga kapatid, hindi lang noon, kundi maging sa panahon natin ngayon, napakaraming tao ang maysakit. Araw-araw, marami ang nagtetext sa akin, nagmemesage sa social media na humihingi ng panalangin para sa kagalingan ng iba’t-ibang karamdaman. Kaya, katulad noong panahon ni Jesus, dinadagsa ang sinumang mabalitaan nilang nakapagpapagaling. Pero alalahanin natin mga kapatid na kung nakapagpapagaling man sila, ito’y hindi dahil sa kanilang sariling kakayahan. Kundi ito’y biyaya ng pagpapagaling na nagmumula sa Panginoong Jesus. Kasangkapan lamang sila ng Diyos sa gawaing ito. At totoong tanging ang Diyos lamang ang tunay na makapagdudulot sa atin ng kagalingang pisikal, at espiritwal. Siya na pinagmulan ng ating buhay, ang may ganap na kontrol ng ating pag-iral sa mundo. Kaya Niyang pahabain o paiksiin ang ating buhay ayon sa Kanyang itinakda. Hilingin natin sa Diyos ang biyaya ng kagalingan, sa lahat ng ating mga pisikal at espiritwal na karamdaman. Manalangin tayo. Panginoon, iunat Mo po sa akin ang Iyong mapagpagaling na kamay at hipuin ang bahagi ng aking katawan na matagal nang may karamdaman. Amen.



    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | February 6, Feast of St. Dorothy, Patroness of Gardeners

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Dorothy, Patroness of Gardeners | February 6

    In Roman Martyrology, there is a saint named Dorothy, whose day of birth and early life are not known, but whose martyrdom is significantly recorded. She died in 311 A.D., just two years before the Edict of Milan was promulgated, the decree which gave freedom and tolerance to the practice of Christianity. Dorothy, whose name in Greek means “gift of God”, was a beautiful girl who, besides being attractive, was a Christian endowed with humility, prudence, kindheartedness, and wisdom. She lived in Caesarea, Cappadocia in Asia Minor and was admired by many.  A man named Theophilus fell in love with her and proposed marriage. But Dorothy refused because he was a pagan, and challenged him to become a Christian first. But the refusal angered Theophilus and reported her for being a Christian, to Fabritius, Governor of Caesarea. Soon, some soldiers came to Dorothy’s home to arrest her. They almost dragged her and then threw her into a dirty dungeon. The guards left the dungeon laughing saying that Dorothy will change her mind when she is brought before the Governor, and consequently, will sacrifice to the idols while giving up her faith. Left alone in the dungeon, Dorothy knelt and prayed to Jesus and the Holy Spirit, asking for help. The Lord gave her great courage and fortitude. The next day, when she faced the Governor, she was ridiculed and threatened. “If you do not sacrifice to the idols, you will die.” “Be it so; then the sooner shall I stand in the presence of Jesus Christ, whom I most desire to behold,” was her answer. These words surprised the Governor and instead of ordering them to kill her at once, she was brought back to the dungeon. Then, he sent two women, Callista and Christeta who earlier were also arrested, being Christians, but then gave up their faith after being questioned and imprisoned. The two boldly entered the dungeon and said: “Do you believe all those Catholic foolishness, do you? Come, and follow us and all will be well. “Follow you to Hell?” responded Dorothy. The two women laughed, “Ha, ha, ha! There is no Hell.”  They argued strongly, but Dorothy was kind and patient. She prayed to the Guardian Angels of the two to help them come back to their faith. After a short while, the two women were seen weeping, asking God’s forgiveness for having denied Him. They asked Dorothy to pray that they will be forgiven. Dorothy assured them of her prayer. The two left shouting that they were Christians and belong to Jesus Christ. When it was reported to the Governor, they were summoned and immediately chained and burned before Dorothy’s eyes. Thus, two martyrs died a glorious death through the prayers of Dorothy. Meanwhile, when Theophilus saw Dorothy being led to the torture chamber, he said: “Now, you are going to meet Jesus, your bridegroom! Send me some apples and roses from His garden.” “I will send you some,” Dorothy answered, “and I will wait for you in the garden from which they come.”  Then the guards dragged her and brought her out to be beheaded. After her death, someone came (who must have been an Angel) with a basket with three apples and three roses and gave them to Theophilus. Amidst sarcasm, Theophilus ate the apples and with great amusement, kept the roses. But Dorothy’s prayers were truly powerful. Soon, Theophilus was converted and died a martyr’s death. Today, St. Dorothy is venerated as the patron of gardeners, brewers, florists, brides, and patroness of Prussia and Pescia, Italy. Her feast day is February 6.

    Prayer: St. Dorothy, pray that our faith may be stronger in these times of trials and uncertainties.

    Point for Reflection: As a committed Christian, am I faithful in following the Commandments of God?

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | February 6, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    5 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 5, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Pebrero 5, 2023 

    Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo:  Mt 5:13-16

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawa at pupurihin nila ang inyong Amang nasa Langit.”

    Pagninilay:

    Inihahalintulad ng Panginoon ang kanyang mga alagad, kabilang na tayo, sa asin at ilaw. Masasabing mga eksperto tayong mga nanay sa silbi ng asin sa ating tahanan. Isa itong preservative. Ginagamit ito sa paggawa ng tuyo, daing at kahit tinapa. Nagbibigay din ng lasa ang asin sa kahit gaano kasimpleng pangkain. Subukan nyo’ng magprito ng itlog at wag maglagay ng asin. Di masarap, di po ba? Sabi nila, nung unang panahon, iwiniwisik ng mga ninuno natin ang asin sa kanilang paligid upang palayasin ang masasamang espiritu. Ganoon katindi ang power nang asin!  Ang halaga ng ilaw ay di rin matatawaran. Paano natin magagampanan ang mga gawain natin kung walang ilaw?  Dahil sa ilaw, naipagbubukod ang liwanag at dilim. Mga kapanalig, kung ihinahalintulad tayo ng Panginoon sa asin, dapat, nakapagbibigay tayo nang buhay sa pananampalataya ng mga taong nasa paligid natin. At bilang ilaw, tungkulin nating magpaliwanag at ipalaganap ang Salita nang Diyos sa paraang mauunawaan ng lahat. Di na natin kailangang magmisyon sa malalayong bansa o magpatotoo sa gitna ng daan o sa loob nang bus at mga tren. Ang pinaka-epektibong pahayag ay ang paraan ng ating pamumuhay – kung paano tayo nagmamahal, nagpapatawad at nagmamalasakit sa kapwa.  Dapat nating tandaan na maaring di maalala ng mga tao ang ating sinasabi, pero maaalala nila ang ating ginagawa. Then let our lives be our testimony. Pero di tayo superheroes. Dumarating ang panahong napapagod din tayo at minsan ay nawawalan ng gana. Huwag mag-alala. Magpahinga lang tayo sandali at lalong kumapit sa Panginoon.  Dahil tanging ang grasya niya ang makapagpapatingkad sa ating “alat” at “kinang” bilang mga asin at ilaw sa mundong ating ginagalawan.

    Manalangin tayo:

    Panginoon, alam po namin na mahalaga ang aming responsibilidad sa pagpapalaganap nang Iyong banal na salita sa aming kapwa. Bigyan mo po kami nang lakas nang isip at katawan, upang di kami madaig ng pagod o pagkabigo o mga tukso man ng kaaway. Lukuban nawa kami nang Iyong Banal na Espiritu upang sa lagi-lagi ay maging maningning kaming mga ilaw at malalasang asin sa pagtupad ng aming misyon, AMEN.

    Lulu Pechuela, APC


    5 min
  • A THOUGHT A DAY | February 5, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 

    Sabado sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo:  Mark 6:30-34

    Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.  Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming tao na nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.


    Pagninilay:

    Kapanalig, na-imagine nyo ba ang dami ng tao na humahabol kay Jesus Maestro? Time to rest and pray na sana para sa kanya. Me-time ng ating Panginoon, o “our time” na kasama ng mga disciples. Kaso, hindi Niya kayang ipikit ang Kanyang mga mata sa nauuhaw at nagugutom na mga tao. Pag-usapan natin ang self-sacrifice at ang self-care. Ang buhay ng ating Jesus Maestro, total self-sacrifice. Buong buhay ibinuhos para sa ating lahat. His life was dedicated to exhausting Himself through offering his time, strength, and his entire life. Wala tayong maririnig sa Kanya tungkol sa Kanyang sariling ambisyon, posisyon sa lipunan, kayamanan, at iba pang pansariling tagumpay. Ang ginawa niyang pagpapakasakit, hindi para sa Kanya. Nakaugat ito sa Ama na nagsugo sa Kanya. Tulad ni Jesus, kay gandang isipin na bawat isa sa atin, may misyon. Halimbawa, kung ikaw ay isang teacher, buong lakas iniaalay mo sa pagtuturo. Kung farmer ka, bawat paggising mo sa umaga, iniisip mo ang kondisyon ng iyong mga pananim. Kung isa kang doctor, kahit Sunday, nagrorounds ka sa iyong mga pasyente. Kung nag-laLazada ka, kahit gabi hawak mo ang device mo para tumanggap ng orders. Ang mga millennials nga, maliliksi sa kanilang paggawa ng design, o busy sa kung ano ang kanilang “Myday” o pagproduce para sa kanilang vodcast. Ang gandang isipin na okupado ang buong araw mo sa pag-aasikaso, sa pagpaplano, sa pagtatrabaho. Pero hanggang kailan natin ito gagawin? Saan tayo humuhugot ng lakas? Gaano kawagas ang layunin natin? Bigyan natin ng puwang ang “self-care”. Ito ang pagbibigay puwang sa pangangailangan ng ating kaluluwa, ng ating kalusugan, ng ating isip. Walang makagagawa nito kundi tayo mismo.  Maiwasan sana natin ang ma-burn-out.   Yun bang feeling mo, nagka-crash na ang willingness mo na gumawa. Madalas na nagiging irritable na. Parang frozen na ang pang-unawa mo. Ayaw mo na ring makakita ng nakakatoxic na tao, kaya nagwiwithdraw ka. Kaya “self-care” ang kailangan. Una, spend moments to be alone with God. Pakiramdaman natin ang init na nirerenew ni Lord sa ating sarili. Magdasal. Magsimba. Ikalawa, learn how to laugh out loud, kasama ng iyong mga good friends. Coffee lang o tea ang katapat na may biscuit, ok na. Basta nagkukumustahan, nagkukwentuhan, nagkakatuwaan. Ikatlo, talk to yourself. Magbutterfly embrace ka sa self mo. Say, “I care for you”. Befriend your stress. Ito ang mga paraan para sa “self-care”. Self-sacrifice at self-care. Dalawang mahalagang bagay na kailangan nating isabuhay.

    - Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | February 4, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • Month Dedicated to the Holy Family | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp

    Month Dedicated to the Holy Family | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp

    The month of February is dedicated to the Holy Family. This special devotion, which proposes the Holy Family of Jesus, Mary, and Joseph as the model of the virtue of all Christian households began in the 17th century. It started almost simultaneously in Canada and France: the Association of the Holy Family was founded in Montreal in 1663, and by the Daughters of the Holy Family in Paris in 1674. This devotion soon spread and in 1893, Leo XIII expressed his approval of a feast under this title and himself composed part of the Office. On account of the flight into Egypt, this feast has been observed by the Copts from early times. The feast was welcomed by succeeding Pontiffs/ as an efficacious means for bringing home to the Christian people the example of the Holy Family at Nazareth, and by the restoration of the true spirit of family life, stemming, in some measure, the evils of present-day society.

    Honoring the Holy Family beginning during its traditional month, February, is a major way to restore the family to its truly God-given place. We easily remember that October is the month dedicated to the Holy Rosary; May is the month dedicated to our Blessed Mother; and June is to the Sacred Heart.  Monthly dedications don’t stop there. But for a number of recent years, we have let slip such months as February.

    But how much do we remember or hear that February is a month dedicated to the Holy Family? Friends, this February we should restore that devotion. It would both honor the Holy Family and at the same time becomes a reminder to strengthen our own family life. After all, the Church has taught how the Holy Family is the model, the example, for all families. As St. John Paul II said, “the family of Nazareth is a model for every home.”

    Honoring the Holy Family throughout February — and continuing beyond the month — and beginning to imitate them in our own families, we will, as John Paul II told us in his Letter to Families, “come to appreciate the grandeur of the goods of marriage, family and life; so that [we] will come to appreciate the great danger which follows when these realities are not respected, or when the supreme values which lie at the foundation of the family and of human dignity are disregarded.”

    30 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 3, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Pebrero 3, 2023 

     Biyernes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Mark 6:14-29

    Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus sapagkat tumanyag na ang kanyang pangalan. May nagsasabing nabuhay si Juan Bautista mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan. Sinabi naman ng iba: “si Elias nga ito,” “Ito ay isang propeta gaya ng mga ibang propeta noon.” Nang mabalitaan ito ni Herodes ay sinabi niya: “Nabuhay nga sa mga patay si Juan na pinapugutan ko ng ulo.” Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi ka puwedeng pumisan sa asawa ng iyong kapatid.” Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos makinig kay Juan, gayunma'y gusto pa rin niya itong marinig. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito, “ibibigay ko sa iyo ang anumang hingiin mo, at kahit na ang kalahati ng aking kaharian.” Lumabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista.” Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.” Nasaktan ang hari dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita ngunit ayaw niyang tumanggi. Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin ang ulo ni Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay naman ito ng dalagita sa kanyang ina.

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, namatay si Juan Bautista dahil binatikos niya ang pangangalunya nina Herodes at Herodias. Naging buo ang loob niya, matatag ang pananampalataya, at naging tapat sa kanyang misyon ano man ang maging kapalit nito. Suriin naman natin ang ating sarili. Malakas din ba ang loob nating magsalita kung may napapansin tayong hindi tama sa kalakaran sa lipunan o sa komunidad na ating ginagalawan? Handa ba tayong manindigan sa tama, mabuti at kalugod-lugod sa Diyos? kahit nangangahulugan pa ito ng pagtakwil at pag-uusig… at kahit manganib ang ating buhay? Sinasabi nga na namamayagpag ang kasamaan sa lipunan dahil sa pananahimik ng mabubuting taong takot manindigan. Totoo, na mahirap magsalita lalo na kung ang binabangga mo isang taong makapangyarihan katulad ni Herodes. Pero, kung nasa puso mo ang Panginoon, at para sa kapakanan ng nakararami ang iyong ipinaglalaban, kakayanin mong maging bagong Juan Bautista sa tulong ng Banal ng Espiritu.

    CL. JOHN CESAR CAALEM, SSP

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.