
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita | Enero 29, 2023
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:1-12
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Enero 28, 2023
Sabado sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 4:35-41
Kinahapunan ng araw na iyon, sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.” Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Jesus sa bangkang inuupuan niya. At may iba pang mga bangka na kasabay nila. At nagkaroon ng malakas na ipuipo. Hinampas ng mga alon ang bangka at halos lumubog na samantalang tulog siya sa kutson sa hulihan. Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at balewala sa iyo!” Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tumahimik, huwag kumibo.” Nabawasan ang hangin at nagkaroon ng ganap na kapayapaan. At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo! Bakit? Wala pa ba kayong paniwala?” Ngunit lalo silang nasindak at nag-usap-usap: “Sino ba ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?”
Pagninilay:
Ano ba ang ibig sabihin ng unos? Marahil kung ating pagmamasdan sa konteksto ng buhay maikukumpara natin ito: Una, sa isang problema kung saan tayo nahahadlangan upang mailayo tayo sa ating pagtitiwala sa Diyos. Ikalawa, pwede ring mga makamundong bagay na kung saan nalulunod tayo upang hindi natin mapansin ang kagandahan, kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos.
Kaya nga sa ating ebanghelyo sa araw ay nagpapaalala satin na lagi natin kasama ang Diyos sa bawat unos ng ating buhay. Ang tanging lang natin gagawin ay lumapit tayo sa Kanya, kagaya ng ginawa ng Kanyang mga alagad, Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig.
Ginising nila si Hesus dahil ang kanyang mga alagad ay nakaramdam ng takot dahil di nila alam ang kanilang gagawin, at dahil na rin naramdaman ni Hesus na natatakot ang kanyang mga alagad, Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”
Kung ating makikita, tayo ay tinuturuan ni Hesus na matututo tayong lumapit sa Kanya kapag nasa gitna tayo ng ating mga malalakas na unos ng ating buhay, at kumapit sa Kanyang grasya upang sa ganoon tayo at lumago at lumakas ang ating pananampalataya, dahil nga kung tayo patuloy lang magtititwala sa ating kakayahan na niniwala po ako ito ay kulang at mabilis po tayong lalamunin ng mga malalakas na alon ng ating buhay. Pero kung ilalagay natin sa sentro ang Diyos sa ating buhay, tayo ay magiging matapang at malakas dahil kasama natin ang Diyos at naniniwalang control Niya ang lahat.
- Br. Nicholas Maria, MMHC | Marian Missionaries
Walking with the Saints Podcast | January 28, Feast of St. Thomas Aquinas, Patron Saint of Catholic Schools and Students
St. Thomas Aquinas besides being a Theologian is called The Angelic Doctor because of his angelic wisdom, angelic piety, and his writing on Angels. Thomas, son of Landulph, Count of Aquino, was born in 1224 in Roccasecca, Kingdom of Sicily, Italy. At five years of age, he was placed at the Monastery in Monte Casino for his Education. Late, he was sent to the University of Naples where he studied philosophy. While studying, he kept himself pure and virtuous. At age seventeen, he entered the Dominican Order, but his parents opposed it since the order live in absolute poverty and renunciation. He was abducted and kept at home for two years. Once, his brothers, who wanted to dissuade him from becoming a priest, brought a prostitute I his room. But Thomas refused to touch her and immediately drove her out with a torch. In 1245, when he was set free, Thomas went to Paris and studied Theology and Philosophy at a Dominican Monastery under the future Saint Albert the Great (Albertus Magnus). “In 1252, he obtained his doctorate in Theology. Due to his modesty, he was often silent and called him the “dumb ox,”
Albert the Great came to his defense and said: “You call this young man a “dumb ox” but his writings in due time will resound throughout the world. “Thomas was able to reconcile theology and philosophy (faith and reason), saying that they are compatible and collaborate with each other in proving the existence of God. One morning in 1273 he had a vision. He heard a voice coming from the Crucifix saying: “Thou hast written well of me, Thomas, what reward wilt thou have? “He answered: “None, other than thyself, Lord.” In January 1274, he traveled to Lyon, France, on foot, to serve at the Second Council, but he fell ill and lodged at the Cisterian Monastery in Fossanova, Italy, where he died on March 7, 1274. St Thomas wrote some 60 important and popular works. Foremost among his books are Summa Theologiae and Summa Contro Gentiles.
There are about 6,000 written commentaries about his works. He also wrote Beautiful Eucharistic hymns. St Thomas is also called the Universal teacher for the breathed and depth of his teachings. He was canonized by Pope John XXll on July 18, 1323. His Feast day is January 28. Let us pray the prayer of St Thomas.
“Grant to me, O Lord God, a vigilant heart that no subtle speculation may ever lead me from You; a noble heart that no unworthy affection may draw me from you; an upright heart that no evil purpose may turn me from you.” Do I pray to my Guardian Angel to protect me from unworthy affections and from impure thoughts and behavior?
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Synodality in the Mind of St. Paul | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
Mabuting Balita | Enero 27, 2023
Biyernes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 4:26-34
Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.
Pagninilay:
Ang Mabuting Balita ngayon ay paghahalintulad ng paghahasik ng binhi sa bukirin. Ito ay isang talinghaga na madalas ginagamit ni Hesus sa kanyang pangangaral. Bakit sa pamamagitan ng talinghaga? Sapagkat ito ay pang araw-araw na karanasan ng tao. Madaling mauunawaan ng mga tagapakinig ni Hesus ang kanyang sinasabi dahil karanasan nila ito at gawain. Si Hesus, ang tinatawag na dakilang manghahasik. Ang binhi ay unti-unting tutubo, halos hindi natin mamamalayan ang paglago at paghitik ng bunga. Kung tayo ay magtatanim alam natin kung paano ang maghintay. Alam natin kung kelan ang tamang pag-ani. Sa ating karanasan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, nangangailangan din ng paghihintay. May mga panalangin tayo na hindi natin alam kung kelan sasagutin ng Panginoon. Pero tayo ay maghihintay at harinawa ay hindi mainip sa paghihintay sapagkat batid ni Hesus kung kelan ang tamang oras ng pagtugon sa ating hiling at kung ito sa makakabuti sa atin. Sa tagal na ng panahon na isinilang si Hesus. Hindi ba natin napapansin na unti-unti, dahan-dahan ang pagkilos ng paghahari ng Diyos? Sabi sa ikalawang sulat ni San Pedro, ang isang araw ay tulad ng isang-libong mga taon. (2 Peter 3:8) Kaya matututo tayong maghintay sapagkat mangyayari, darating paghahari ng Diyos.
- Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Enero 26, 2023
Huwebes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 4: 21-25
Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Dumarating ba ang ilaw para takpan ng salop o para ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi! Inilalagay ito sa patungan! Walang nalilihim na di nabubunyag at walang tinatakpan na di malalantad. Makinig ang mga may tainga! Isip-isipin n’yo ang inyong naririnig. Sa sukatang ginamit ninyo, susukatin ang para sa inyo at higit pa ang ibibigay sa inyo. Bibigyan pa nga ang meron na ngunit kung wala siya, aagawin sa kanya kahit na ang nasa kanya.”
Pagninilay:
Sinabi ni San Pablo sa simbahan ng Corinto; “Sawi ako kung ‘di ko ipangangaral ang ebanghelyo.” (1Cor. 9:16b). Ang pahayag ni San Pablo ay ayon sa sinabi ni Hesus sa ating ebanghelyo na ang liwanag ng salita ng Diyos ay dapat maipahayag. Mariin na ang salita ng Diyos ay hindi dapat ikimkim o itago o maipapahayag lamang kung may kapalit ito gaya ng isang may propesyon. Natural lamang na may kapalit na sahod o allowance o bayad ang ating pagtatrabaho. Subalit may mga bagay sa buhay-paglilingkod na hindi dapat sa bayad o pera lamang ang syang unang dahilan nito. Gaya na lamang sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Una sa lahat, ang pagpapahayag ay isang pribilehiyo. Ano ang ibig sabihin nito? Ang pagpapahayag ay isang pribilehiyong makapaglingkod at makatulong sa kapwa natin upang maiabot ang liwanag ni Hesus. Sinabi ni Hesus sa banal na ebanghelyo ngayon, “ang liwanag ay inilalagay sa patungan at hindi para takpan o ilagay sa ilalim ng higaan.” Ang liwanag ay isang biyaya ng Diyos upang sa paglakbay natin, maliwanagan ang ating pananampalataya. At kahit pa dadaan tayo sa madilim na lambak, alam natin na nariyan ang liwanag ng Diyos, ang tanglaw ng Salita na gumagabay sa atin tungo sa pagkamit ng buhay na walang hanggan. Pangalawa, ang pagpapahayag sa liwanag ay walang dapat na hinihintay ng anumang kapalit. Bakit? Sapagkat napapaloob na, o kalakip sa ating paglilingkod ang isang pagpapala ng Diyos. Sinasabi sa libro ni propeta Isaiah 52:7, “How beautiful are the feet of those who bring good news”. (Ang ganda sa mga bundok ang pagdating ng tagapagbalita…) isang napakadakilang bagay ang ibahagi ito sa iba. Samakatuwid, ang tagapagbalita ay punong-puno ng sigasig, punong-puno ng pasasalamat habang ipinapahayag nito ang Salita ng Diyos, ang liwanag na dala ni Hesus sa sanlibutan. Ang tagumpay sa pagbibigay ng liwanag ng Salita ng Diyos ay nakadepende rin sa kagustuhan nating maipahayag ito bilang isang pribilehiyo at walang inaasahang kapalit ng kahit anong bagay. Dapat nating subukan na maipadama ang liwanag na s’yang nagpapalaya sa atin bilang mga anak ng Diyos.
- Fr. Euclid Balosbalos | Prelature of Basilan
From the publisher's feed