PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Walking with the Saints Podcast | February 3, Feast of St. Blaise, Patron Saint of Wool Combers and Throat Disease

    Walking with the Saints Podcast | February 3, Feast of St. Blaise, Patron Saint of Wool Combers and Throat Disease

    The blessing of the throat on February 3, the feast of St. Blaise, has become a popular devotion in many countries of the world. It originated with the miraculous healing by St. Blaise of a young boy with a big fishbone stuck to his throat. Many more healings of the sickness of the throat were attributed to him. St. Blaise is a martyr of the 4th century, but unfortunately, the Church knows very little about his life, except that he was born into a noble family, was educated in the Christian faith, and studied to be a doctor. He afterward became a Bishop of Sebaste, Armenia, now modern Sivas, Turkey. Because of his great love of God and his virtuous life, God gave him extraordinary graces to cure not only maladies of the body but also of the soul. People came flocking to him to be cured of their illnesses. St. Blaise died in 316, five years after the Edict of Milan was promulgated in 311 A.D. by Emperor Constantine. This Edict gave freedom to the practice of Christianity in the Roman Empire, but there was still persecution in Armenia at that time because Emperor Licinius, who governed some parts of the Eastern Roman Empire hated the Christians. To avoid persecution, Bishop Blaise went to a cave and lived there as a hermit. People came to him for healing. But one sunny day, some animal hunters discovered his cave and surprisingly saw him kneeling in prayer, surrounded by animals and beasts. Animals and beasts loved Bishop Blaise. He could command them to behave properly so he was reputed as “the beast tamer. "Upon this discovery by the hunting soldiers, the Bishop was immediately reported to the authority and was arrested. The governor of the place persuaded him to sacrifice to the idols, and when he refused, he was fiercely beaten. Then, he was tied and suspended on a tree, and using iron combs, the soldiers scratched his flesh and his body was greatly injured. Finally, when the governor failed to convince him with all sorts of promises to give up his faith, he ordered that the Bishop beheaded. Miracles followed his martyrdom and he was acclaimed as a saint. He was particularly invoked to cure the illnesses of the throat. The cult of St. Blaise soon spread out. Today, he is honored in Armenia, Spain, Portugal, Germany, Brazil, Great Britain, Croatia, Iceland, India, and other countries, including the Philippines. Many churches are named after him. In iconography, St. Blaise is represented with two candles in his hands, the instruments used when blessing the throat on his feast day. The candles used by the Church on the February 3 ceremony are blessed the previous day during the feast of the Lord’s Presentation or Candlemass. These candles tied by a red ribbon are held by a priest in a crossed position over the head of the faithful or across the throat. The red ribbon represents the martyrdom of St. Blaise. While blessing, the priest says the following prayer: “Through the intercession of Saint Blaise, bishop and martyr, may God deliver you from every disease of the throat and from every other illness.” The priest then makes the sign of the cross over the faithful being prayed over. It has been proven that this blessing is very effective, not only in curing throat diseases but also as protection against other illnesses. St. Blaise is also invoked as the healer of the inability to sleep, obstruction of sleep, and other sleep disorders.

    Prayer: St. Blaise, you who pleased God with your life of prayer and penance, obtain for us the grace to be converted and live a holy life.

    Point for reflection: Do I strive to defend my Christian belief when it is being criticized by non-believers?

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | February 3, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    9 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 2, 2023 – Huwebes

    Mabuting Balita l Pebrero 2, 2023 – Huwebes

    Kapistahan ng Pagdadala kay Jesus na Panginoon sa Templo



    Ebanghelyo: Lucas 2:22-32

    Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Hesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hanggat hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya, kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos at sinabi “Mapapayaon muna ang iyong utusan Panginoon nang may kapayapaan, ayon na rin sa yong wika pagkat nakita na ng aking mata ang iyong pag liligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa. Ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.

    Pagninilay:

    Naranasan mo na bang umasa? O pinaasa? Ano ba ang iyong inaasahan? O sino ba ang iyong inaasahan? Bakit madalas lagi tayong disappointed sa ating inaasahan? Dahil siguro, hindi naman pang-forever ang ating inaasahan. Sa ating Mabuting Balita ngayon, umaasa si Propeta Simeon na makikita niya ang tagapagligtas. Natupad ito nang dinala nina Maria at Jose ang batang Hesus sa templo. Buong buhay ni Simeon ang kanyang tanging ninanais ay makilala at makita ang ating Panginoong Hesus. At habang hinihintay niya ito, siya’y naging tapat at kailanma’y hindi nawalan ng pag-asa na matutupad ito. Mga kapanalig, ipinapaalala lang sa atin ngayon na katulad ni Simeon, sana hangarin din natin ang ating Panginoon sa ating buhay, dahil siya ang simula at katapusan. Ibig sabihin sa kanya lang natin makakamtan ang buhay na walang hanggan. Kapag umasa lang tayo sa mga bagay na pansamantala, kailanma’y hindi tayo makukuntento. Dahil kapag nakuha na natin ito, at nawala ulit, maghahanap na naman tayo at aasang muli. Tunay na nakakapagod, nakaka-disappoint, nakakainis, di ba? Ayaw mo nang maranasan ang mga bagay na ito. Kaya simula ngayon, ang Panginoon lamang ang atin naisin at asahan, dahil sa kanya lang natin mararanasan ang tinatawag na forever. Forever na kapayapaan, forever na kasiyahan at forever na pagmamahal, Amen.

    - Bro. Sylvester Ma. Bay ng Marian Missionaries of the Holy Cross

    5 min
  • A THOUGHT A DAY | February 2, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    7 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 1, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Pebrero 1, 2023 

    Miyerkules sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Mark 6:1-6

    Pumunta si Hesus sa kanyang bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: ''Ano't nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanya mga kamay? Hindi ba't siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba't narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?'' At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: ''Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.'' At wala siyang ginawang himala roon. Ilang maysakit lamang ang pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay. At namangha siya sa kawalan nila ng paniniwala.

    Pagninilay:

    Natutuwa ka ba kapag nakikita mong umuunlad o nagtatagumpay ang isa sa iyong kababayan, kaibigan o kamag-anak? Kinikilala mo ba ang kanyang angking galing, at nakikisaya dahil sa kanyang tinamong tagumpay? Kung “Oo” ang sagot mo, magpasalamat ka sa Diyos dahil pinagkalooban ka ng pusong marunong kumilala sa kakayahan ng iba. Kung “hindi” naman ang sagot mo, suriin mo ang iyong sarili, dahil baka may bahid ng inggit sa’yong puso, kung bakit hindi ka natutuwa sa tagumpay ng iyong kapwa.  Ito marahil ang karanasan ng Panginoong Jesus sa Mabuting Balita ngayon. Kaya’t sinabi Niya, na “Sa Kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At namangha Siya sa kawalan nila ng pananampalataya.

    Mga kapanalig, ang crab mentality ang isa sa mga hindi magandang pag-uugali nating mga Filipino. Sagabal ito sa pag-unlad ng bayan, hadlang sa mabuting samahan at higit sa lahat, taliwas sa Kristiyanong kaugalian. Ang isang Kristiyanong utak talangka, hindi natutuwa sa tagumpay ng kapwa; sinisiraan at pilit na ibinabagsak ang sinumang nag eexcel sa anumang larangan; at ayaw patalo at nakikipag-paligsahan maiangat lamang ang sariling pangalan. Ang inggit at sakit na “comparisonitis”, yun bang mahilig ikumpara ang sarili sa iba – ang ilan pang senyales na utak talangka ang isang tao. Suriin natin ang ating sarili kung, in one way or another, meron din tayong ganitong tendency. Bakit kaya hindi tinanggap ng mga kababayan niya si Jesus, sa kabila ng mga himalang kanilang nasaksihan at mahusay na pagtuturo na kanilang napakinggan? Marahil ang ilan sa kanila, merong crab mentality; naiinggit sa mga kamangha-mangha Niyang himala at pagtuturo; gayong ordinaryong tao lamang siya, katulad nila.

    Mga kapanalig, kung tayo man may senyales ng crab mentality, hilingin natin ang tulong ng Panginoon na baguhin tayo at hilumin sa kahinaang ito. Awareness at acceptance ang unang hakbang para mahilom tayo sa ganitong tendency. Pangalawa, matutong kilalanin ang galing ng iba; makisaya sa kanilang tagumpay, i-encourage at suportahan sila. Makabubuti ring alamin, ang sekreto ng kanilang tagumpay. At kung ito’y natamo sa paraang matuwid at kalugod-lugod sa Diyos – tularan natin sila, at gawing inspirasyon ang kanilang pagsisikap nang tayo di’y umunlad ng paunti-unti katulad nila. Ikatlo, maging mapagpasalamat tayo sa Diyos sa mga talentong ipinagkaloob Niya sa atin. At pagtuunang pansin kung gaano tayo ka-bless at patuloy na bini-bless ng Panginoon. Nang sa gayon, maiwasan nating mainggit at ikumpara ang sarili sa iba; at mamumuhay tayong masaya, mapayapa at may magandang pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa, Amen.

    5 min
  • A THOUGHT A DAY | February 1, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • Mabuting Balita | Enero 31, 2023 – Martes

    Mabuting Balita | Enero 31, 2023

     Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Marcos 5:21-43

    Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Jesus kasama n’ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s’yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n’ya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Jesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.’ At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.

    Pagninilay:

    Noong simulan ng ating Panginoong Hesus ang kanyang ministeryo dito sa mundo maibabalangkas natin ang kanyang mga ginawang pagmimilagro sa limang uri: Healing, miracles, nature Miracles, raising death to life, exorcisms, at resurrection.

    Sa Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang dalawang uri ng milagro: Ang Pagpapagaling sa babaeng nagdurugo at ang pagbuhay muli sa babaeng anak ni Jairo.

    Dalawang bagay lamang: Una, pananampalataya - ito ang laman ng puso ng bawat taong dumudulog kay Hesus sa tuwing lumalapit sila at humihiling ng biyaya. Ikalawa, pag-asa - sana kasabay ng ating pananamapalataya ay ang masidhing pag-asa na ipagkakaloob ng Diyos ang ating kahilingan sapagkat siya ang maylikha at may kapangyarihan sa ating buhay.

    Dumulog tayo sa kanya ng may pananampatalaya at pag-asa, upang magkamit tayo ng lubusang paggaling mula sa anumang karamdamang ating pinagdadaanan.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • A THOUGHT A DAY | January 31, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    9 min
  • Mabuting Balita | Enero 30, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita | Enero 30, 2023  

    Lunes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Mark 5:1-20

    Dumating si Hesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Sa mga puntod siya nakatira at di siya maigapos kahit na ng mga kadena. Madalas nga siyang ikinakadena at ipinuposas ang mga paa ngunit nilalagot niya ang mga kadena at sinisira ang mga posas sa paa kaya walang makasupil sa kanya. Nasa kaburulan siya araw gabi, sa mga libingan. Nagsisisigaw siya at sinasaktan ang sarili sa mga bato. Pagkakita nito kay Hesus sa malayo, patakbo itong lumapit at nagpatirapa sa harap niya at sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa akin Hesus na Anak ng Diyos? Hinihiling ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na huwag mo akong pahirapan. Hukbo nga ako marami kasi kami.” At hiningi niya kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: ''Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyon.'' At pinahintulutan sila ni Hesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo'y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao upang alamin ang nangyari. Kaya pinuntahan ng mga ito si Hesus at nakita nila ang dating inaalihan ng demonyo na nakaupo at nakadamit, matino na siya na sinapian ng hukbo. Kaya natakot sila. Ibinalita naman sa kanila ng nakakita kung ano ang nangyari sa inalihan ng demonyo at pati sa mga baboy. Kaya't hiniling nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain. Pagsakay ni Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Hesus, kundi sinabi niya: ''Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo. ''Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat.

    Pagninilay:

    Gumawa si Hesus ng napakalaking kabutihan. Pinalaya niya ang taong nagmistulang halimaw dahil nasasapian ng maruming espiritu. Naging normal ulit ang tao. Natuwa ba ang mga Geraseno? Hindi. Pinaalis nila si Hesus. Bakit? Dahil nalugi sila sa pagkalunod ng kanilang dalawang libong baboy. Para sa kanila, mas mahalaga ang mga baboy kaysa tao! Kasi kayamanan nila iyon. Hindi ba iyan rin ang nangyayari ngayon sa mundo? May mga taong sobrang nagproproteka ng kanilang business o ari-arian at binabalewala ang mga mahihirap na nasasaktan. Inuusig ang mga mga alagad ni Hesus na lumalaban para sa kapakanan ng mga maralita at inaapi. Mga kapatid, iniimbitahan tayo ni Hesus, ating Maestro, na gayahin siya. Tumulong tayo sa mga mahihirap nang walang takot na mawawalan tayo. Ang Diyos ang may-ari ng lahat. Hindi tayo magkukulang.

    – Sr. Vangie Canag, fsp | Daughters of St. Paul

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | January 30, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    8 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.