PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • WALKING WITH THE SAINTS l FEAST OF ST. LEA, PATRONESS OF ALL WIDOWS l MARCH 22

    WALKING WITH THE SAINTS l FEAST OF ST. LEA, PATRONESS OF ALL WIDOWS l MARCH 22

     

     

    Our saint for today is St. Lea, a widow. Although she is not well-known like many other figures of devotion in our contemporary

    time, she is considered extraordinary because she left her great wealth behind, entered consecrated life and attained great holiness through prayer and penances. There is nothing biographical written about her. We will only know that
    through a letter, a testimony of her friend, St. Jerome, the scholarly Latin translator of the Bible (the Vulgate). St. Jerome wrote about Lea in 384, when she died while reciting Psalm 73. It is said that after the death of her husband Lea was left
    with great fortunes. She gave up her high social standing and donated all her riches to the needy and led a poor and austere life. The letter of St. Jerome was addressed to Marcella, a mutual friend, another aristocratic Roman who left her life of nobility after she was widowed in order to serve the Lord. St. Jerome praised Lea so as “To hail with joy the release of a soul which has trampled Satan underfoot, and won for itself, at last, a crown of tranquility.” He described Lea as a very innocent and humble person: “She was accounted the servant of all… She was careless of her dress, neglected her hair, and ate only the coarsest food. Still, in all that she did, she avoided ostentation that she might not have a reward in this world. St. Jerome continues by saying that Lea stopped beautifying her face and body with any cosmetics and avoided adorning her head with shining pearls. She gave up her beautiful dwelling and occupied a small corner in a poor house with only the most necessary furniture. She also changed her mode of speaking and ceased to be like one who commands in order to be obeyed. According to St. Jerome, the conversion of Lea to the Lord was so complete. When she became superior of a monastery, she acted and showed herself a true mother to the other Sisters. She wore sackcloth instead of a soft and comfortable garment, spent long hours of prayer even during the night.  In the letter, St. Jerome also retells Jesus’
    parable of Lazarus and the rich man, with Lea in the place of the poor and suffering beggar. He also compares her with a rich consul who had wallowed in wealth and in the end found himself in agony in the next life. The letter ends with St.  Jerome urging Marcella to imitate the examples of Lea: “We must not allow money, position, comforts, pleasures to weigh us down, or lean upon the staff of worldly power. We must not seek to possess both Christ and the world. No; things eternal must take the place of things transitory; and since, physically speaking, we daily anticipate death, if we wish for immortality, we must realize that we are but mortal. Lea, who seemed poor, a woman of austerity, prayer and penances and of little worth in the world and whose life was accounted madness triumphs in heaven. Lea is welcomed into the choirs of angels, clothed in her triumphal robe and comforted in the bosom of Abraham.” The feast day of St. Lea is celebrated on March 22. She is the patroness of widows.

    Virtue: piety, humility, simplicity, innocence, austerities, great penances and detachment

    Prayer: “Heavenly Father, how attractive are the things of this world and how easily we are caught up by power, position, comfort, pleasure, popularity, money and honor. Protect us and

    allow us to be committed to heavenly things in imitation of the evangelical perfection followed by St. Lea. Amen.”     

     

     

     

     

     

     

     

     



     


    6 min
  • A Thought A Day | March 22, 2024

    A Thought A Day | March 22, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma                 

    Ebanghelyo: Jn 8:51-59

    Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga.

    Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Hesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita.

    “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.”

    Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.” Kaya

    dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Hesus at umalis sa Templo.

     

     

    Pagninilay:

    Ang mamuhay ayon sa Salita ng ating Hesus Maestro, may forever. Ligtas siya mula sa kamatayan. Si Hesus na ating Guro at

    ang Kanyang Salita, iisa.  Di ba, sa simula pa lang ng Mabuting
    Balita ni Juan nasusulat na “Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos”? Nakasulat din ang pagpapatunay nito sa Aklat ng Pahayag. Nasasaad: “Suot Niya ang balabal na winisikan ng dugo at ang pangalan Niya ay Salita ng Diyos”. Siya na Tagapagligtas, nagdudulot ng walang hanggang buhay. Sa
    cyberspace, kapansin-pansin ang information overload, nakaka-overwhelm. Hahanga ka sa creativity ng mga communication scientists and technologists.  Innovative at progressive ang kanilang inventions tulad sa Artificial Intelligence. Ask anything, anywhere. Ask Chatbot assistant, free ka nang magresearch. Save ang time mo, save na rin sa effort. Pero hanggang doon na
    lang ba ang kailangan natin? Kung may information overload sa communication technology, sa ating Hesus Maestro, hindi information overload kundi Word of God overflowing. Siya ang Perfect Communicator at abundant life ang dulot Niya.
    Tatlong araw na lang, Holy Week na. Dadalhin tayo ng Salita ng Diyos, na nag-cocommunicate ng great offering of life ng ating Hesus Maestro. Kaya’t pagnilayan nating mabuti at maging buhay na saksi tayo ng Kanyang Banal na Salita.  Totoong may forever ang Salita ng Diyos. Hindi lang itonagdudulot ng pagbabagong-loob, kalinisan ng budhi, at katiwasayan ng
    kaluluwa. Kundi nagbibigay sa atin ng pag-asa na makakapiling natin ang ating Panginoon sa buhay na ganap at kasiya-siya.   

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | March 21, 2024

    A Thought A Day | March 21, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 20, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 20, 2024 –  Miyerkules sa Ikalimang Linggo ng

    Ebanghelyo:  Juan 8:31-42

    Sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniwala sa kanya: “Kung

    mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at malalaman Ninyo ang katotohanan, at magpapalaya sa inyo ang katotohanan.” Sumagot sila sa kanya: “Binhi ni Abraham kami at hindin-hindi kami nagaalipin kaninuman. Paano mo masasabing magiging malaya kayo?' Sumagot sa kanila si Hesus:
    “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ngunit hindi nanatili ang alipin sa pamamahay magpakailan man. Ang anak ay mananatli magpakailanman. Kaya kung Anak ang nagpapalaya sa inyo,
    totoong magiging malaya kayo. Alam kong binhi kayo ni Abraham. Ngunit hangad ninyo akong patayin, sapagkat walang lugar sa inyo ang aking salita. Ang nakita ko sa Ama ang sinasabi ko, at ang narinig ninyo mula sa inyong ama ang inyo namang ginagawa.”   Kaya sumagot sila sa kanya: “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung mga anak kayo ni
    Abraham, ang mga gawa ni Abraham ang inyo sanang paggagawain. Ngunit ngayon ay hangad ninyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ito gawa ni Abraham, mga gawa nga ng inyong ama ang inyong ginagawa.” Kaya sinabi nila sa kanya: “Kami ay hindi mga anak sa labas. May isang ama lamang kami--ang Diyos.”

    Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung ang Diyos nga ang inyong ama, mamahalin sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako

    galing, at ako'y pumarito. Dumating ako hindi sa ganang sarili ko, kundi siya ang nagsugo sa akin.”

     

     

    Pagninilay:

    May isa akong kaibigan na nagreveal sa akin ng lihim, ng kanyang tunay na estado sa buhay. Hindi ito alam ng iba naming kaibigan. Minsan, nasukol sya, sa dami ng tanong ng isa pa naming kaibigan, kaya nagdesisyon siyang sabihin na ang totoo, dahil aniya kapag hindi nya sasabihin ang totoo, marami pa syang kasinungalingang sasabihin. Natuwa ako sa kanyang desisyon, kaya tinawag ko ang isa pa, upang mapakinggan ang kanyang rebelasyon. Kapanalig, ang taong nabubuhay sa kasinungalingan, ay hindi malaya. Kailangan niyang magtagni tagni ng maraming kasinungalingan, upang pagtakpan ang isang kasinungalingan. Samantalang ang pagsasabi ng

    katotohanan ay nagpapalaya at nagpapagaan ng pakiramdam. Hindi naman masama, at lalong hindi naman kasalanan ang lihim ng kaibigan ko, pero kapag hindi pa nya sinabi ang totoo, kakailanganin nyang magtagni tagni ng maraming
    kwentong kasinungalingan, upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa ating Mabuting Balita ngayon, ipinahayag ni Hesus na ang pagpapanatili sa kanyang salita ang magdadala sa atin tungo sa pagiging tunay Niyang alagad. Kapag babad tayo sa salita ng Diyos, walang puwang ang
    kasinungalingan sa buhay natin dahil si Hesus ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.

    Kapanalig, sa panahon ngayon na laganap ang fake news sa social media, higit nating kailangang manindigan sa

    katotohanan. Kung alam natin ang totoo, magsalita tayo at manindigan gaya ni Hesus kahit hindi siya pinaniwalaan ng mga Hudyo. Maaari tayong ma-bash at usigin ng mga bayarang trolls, pero kung magpapatalo tayo sa takot, higit na mamamayagpag ang mga kampon ng hari ng kasinungalingan. Hahayaan ba natin sila?

     

    5 min
  • A Thought A Day | March 20, 2024

    A Thought A Day | March 20, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes

    Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

    Ebanghelyo: Jn 6:52-59 

    Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako

    naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum.

               

     

    Pagninilay:

    Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Binigyang diin sa Mabuting Balita ngayon, ang kahalagahan ng pagtanggap natin sa katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, sa Banal na komunyon. Sinabi Niya, na ang sinumang hindi kakain ng laman ng Anak ng Tao, at hindi iinom ng kanyang dugo, hindi magkakaroon ng buhay. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya may mga bagay na hindi kayang maunawaan ng ating isipan, pero kayang damhin ng ating

    puso. Sa pagtanggap natin sa banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, matapos ang isang maayos na pagbabalik loob sa Diyos sa kumpisal, mapapansin
    natin na lumalakas tayo sa lahat ng bagay, lalo na sa pisikal at espiritwal na aspeto ng ating buhay. Ugaliin nawa natin ang regular na pagkukumpisal, upang
    may malinis na puso tayong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Kung malapit tayo sa ating Panginoong Hesus, at may maayos na pakikipag-ugnayan sa Kanya, madarama ito ng ating mga kasama sa tahanan, pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Malay mo, sila din ay mahikayat na magkaroon ng mabuting ugnayan sa
    ating Panginoong Hesus, dahil sa’yong pagsaksi sa buhay na pananatili ng Diyos sa’yong salita at gawa. Maging daluyan nawa tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa, at maging kamanlalakbay tungo sa walang hanggang buhay.

    Manalangin tayo:  Panginoon Hesus, salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng Iyong katawan at dugo sa Banal na Eukaristiya. Manatili nawa kaming matatag sa aming pananampalataya. Maging larawan nawa kami at gabay ng pagsunod sa Iyo ng aming kapwa sa tulong ng iyong mga biyaya. Amen

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma  

    Ebanghelyo:   Lucas 2:41–51
    Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga
    araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha
    sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang
    hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila.  Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at
    patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.

     

    Pagninilay:

    “Thy will be done. Mangyari nawa ang kalooban mo.” Ito ang mga katagang nasambit ng mga ilang karakter sa bibliya.

    Ilan dito ay sina Maria at Hesus . Sagot ni Maria “Thy will be done” noong kinausap siya ng Anghel na siya ang maging ina ng Mesiyas (cf Luke 1:38).
    Nasambit naman ni Hesus habang siya ay nagdarasal sa hardin ng Getsemani, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban” (Mt 26:42)

    At ngayon ay si San Jose, na maaaring kahit isang salita mula sa kanya ay walang naisulat sa bibliya, pero sa kanyang

    gawa ay kitang-kita at ramdam na ramdam ang naisin ng kanyang puso’t isipan—ang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Try to imagine the situation of Joseph, bago ang pagpapakasal niya kay Maria. Sigurado ako na marami na siyang plano, bago pa man sila magsama: pakakasalan niya si Maria; magpapagawa ng bahay (tandaan karpintero siya), magsasama at titira roon at magkakaroon marahil ng maraming
    mga anak na tatawaging Joseph Jr. o Joseph II o little Josie. But wait, lahat ng mga ito ay gumuho, noong nalaman niya ang kundisyon ng kanyang magiging asawa na buntis na pala; at marahil mismong si Maria ang nagkuwento kay Jose kung
    paano siya nabuntis dulot ng Espiritu Santo. Ang hirap unawain di ba? Kung kayat nagdesisyon siyang hiwalayan niya ito ng tahimik. Pero nagbago ang lahat noong siya ay nanaginip, at doo’y nagpakita sa kanya ang anghel at sinabi ang kalooban ng Diyos. Sa kanyang paggising ay binigyang katuparan ang mithiin
    ng Diyos. Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose, bilang kabiyak ng puso ni Maria, tinatanong tayo,
    ‘sumusunod din ba tayo sa kalooban ng Diyos?’ Tandaan, sa bawat pagdasal natin ng Ama Namin, lalong lalo na sa bahagi ng ‘sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit’, isa rin itong pagpapaalala na dapat ang kalooban ng Diyos ang masunod. Kung kayat bilang anak ng Diyos,
    tularan natin si San Jose na kayang isantabi ang mga makasariling hangarin, at gampanan ang kalooban ng Poong Maylikha. Amen.

     


    6 min
  • A Thought A Day | March 19, 2024

    A Thought A Day | March 19, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Marso 18, 2024 - Lunes

    Mabuting Balita l Marso 18, 2024 -  Lunes sa Ikalimang

    Linggo ng Kuwaresma        

    Ebanghelyo: Jn 8:1-11

    Pumunta si Hesus sa Bundok ng mga Olibo. Maaga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya, nagaral siya sa kanila. Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babae, na huling-huli sa

    pakikiapid. Pinatayo nila siya sa gitna, at sinabi kay Hesus: “Guro,
    hulinh-huli ang babaeng ito sa pakikiapid. Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang mga ganitong babae; ano naman ang sabi mo?” Sinabi nila ito bilang pagsubok sa kanaya upang may maisakdal sila laban sa kanya. Yumuko naman si Hesus at nagsulat sa lupa gamit ang kanyang mga daliri. Nang
    magpatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala ang unang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa. Ang mga nakarinig naman ay isa-isang nag-alisan magmula sa matatanda, at siya'y
    naiwang mag-isa pati na ang babae na nasa gitna. Tumindig si Hesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan na sila? May humatol ba isa iyo?” At sumagot siya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula
    ngayon, huwag ka nang magkasala pa.”

     

    Pagninilay:

    Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya, ang totoong kwento sa likod ng Mabuting Balita ngayon ay hindi naman tungkol sa babaeng nahuli sa pangangalunya, kundi tungkol ito sa patibong ng

    mga Pariseo para kay Hesus. Isang laro tungkol sa usaping legal, kung paano ba dapat parusahan ang taong nagkasala.  Kung sasagot si Hesus na “Dapat, batuhin ang babaeng nangalunya”, taliwas ito sa pinangangaral Nyang pagpapatawad. Pero kapag sasagot naman siya na, “Hindi dapat batuhin”, lalabas
    naman siyang lumalabag sa kautusan ni Moises. Pinili ni Hesus na hindi sumagot, pero hindi pa rin siya tinigilan ng mga Pariseo, kaya sinabi niya sa kanila. “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan, ang maunang bumato.” Hindi sila nakasagot at umalis silang talunan, dahil pinagtaksilan sila ng sarili nilang kasalanan. Bilang mga ordinaryong mananampalataya, tingnan natin
    ang Mabuting Balita sa panahon natin ngayon. Sa panahon ng social media at makabagong paraan ng komunikasyon, madali na ang magpahayag ng sariling opinyon. Marami na ang nagiging mga “modernong Pariseo”. Sila ang mga tinaguriang “Bashers” o “Cyberbullies”. Lagi silang may negatibong komento sa
    anumang taliwas sa kanilang sariling pamantayan. Kadalasan nauuwi ito sa pagkasira ng buhay ng iba. Kahit na may karapatan tayo sa malayang pamamahayag, isipin pa rin natin na may kaakibat itong responsibilidad.

    Manalangin tayo, Panginoon, patawarin po ninyo kami sa mga pagkakataong naging dahilan kami ng pagkasira ng buhay ng iba at ng aming mga sarili. Tulungan po ninyo kaming bumangon sa aming mga kasalanan at pagkakamali. Amen.

     

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.