PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Marso 31, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Marso 31, 2024 – Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (ABK)

    Ebanghelyo: Juan 20:1-9

     Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal

    ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa
    pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya
    pumasok.   Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.
    Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan niyang magbangon mula sa mga patay.

     

    Pagninilay:

    Ayon sa kautusan, dalawang araw pa ang kinailangang hintayin ni Maria Magdalena bago muling madalaw ang libingan ni Hesus. Matindi ang kanyang lungkot at pagkasabik na muli itong makita. Pero, lalo pang nadagdagan ang kanyang takot at pagkalito, nang makitang wala na si Hesus sa libingan. Ganito rin ang naramdaman ni  Pedro, na ngayoý hindi rin tiyak kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay. Wala na ang kanyang

    maestro na sinusunod at minamahal.  Pero, kahanga-hanga ang talas ng paningin, at lalim ng paniniwala ng alagad na
    sinasabing mahal ni Hesus. Bakit? Dahil kahit mas mabilis at una niyang narating ang libingan kaysa kay Pedro, hindi siya pumasok agad. Binigyan niya ng pagkakataon ang sarili, na makita at lubos na madama ang kanyang paligid. At gaya ng sinabi sa ebanghelyo, “At nakita niya, at naniwala siya.”  Mga kapatid, ano ang mga ebidensyang maari nating panghawakan, na tunay ngang nabuhay si Hesus.  Una, natanggal ang napakabigat na batong nakaharang sa bukana ng libingan; Ikalawa, naiwan ang mga telang lining nakatakip sa katawan ni Hesus; Ikatlo, at marahil, ang pinakamahalaga sa lahat, ang panyong nakatalukbong sa may ulunan ni Hesus, maayos na nakatiklop.
    Sinasabi na para sa mga karpintero ng panahong iyon, sagisag ng pagtatapos ng kanilang gawain ang maayos na pagtitiklop ng kanilang tuwalya at pagpatong nito sa ginagawa.  Siguro, hawig ito sa ginagawa ng mga Nanay ngayon, na pagtatago sa walis at pagsasampay sa nilabhang basahan sa pagtatapos ng paglilinis ng bahay. At para kay Hesus, natupad na rin ang kanyang misyon para sa kanyang Ama. 

    (Manalangin tayo. 

    Panginoon, tulungan Mo po akong mapahalagahan ang mga tao, bagay at maging ang kalikasan na bahagi ng aking pang-araw-araw na buhay. Loobin mong matuto rin akong tumigil at magmasid at makinig upang sa mga detalyeng itoý,
    mabatid ko ang iyong kalooban para sa akin, Amen.)

     

    5 min
  • A Thought A Day | March 31, 2024

    A Thought A Day | March 31, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Marso 30, 2024 – Sabado Santo

    Mabuting Balita l Marso 30, 2024 – Sabado Santo

    Ebanghelyo:  Marcos 16:1-17

    Pagkatapos ng araw sa unang pahinga, Si Maria Magdalena at si Mariang Ina ni Jaime  at si Salome ay bumili ng mga pabango, upang pumunta at pahiran si Hesus at dumating sila sa libingan kinamagahan ng unang araw ng San linggo, pinag uusapan nila ay Sinong magpapagulong at aalis sa malaking bato sa bukana ng libingan. Ay Sino nga? Sino? Ngunit pagtingin nilay nakita nilay naigulong na ang bato at napakalaking nga non.

    Kaya pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang naka puti at naka upo sa kanan. At nagtaka sila, Ngunit sinabi niya sa kanila. Huwag kayong matakot. Diba si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus ang Hinahanap ninyo, binuhay siya at wala siya rito. Iyan ang lugar. Kung saan Siya inilagay, ngunit
    humayao kayo at sabihin sa mga alagad niya at pati kay Pedro na mauuna siya sa inyo sa galilia, doon nyo siya matatagpuan gaya ng sinabi niya sa inyo” Agad silang lumabas at tumakas mula sa libingan. Inalihan sila ng takot at sindak at wala silang sinabi kaninuman. Takot na takot nga sila.

     

    Pagninilay:

    Makailang beses ko na ring narinig sa mga speakers

    sa recollection o retreat na kapag daw nanlalamig na tayo sa ating relasyon sa Diyos at maging sa ating bokasyon, kailangang bumalik tayo sa ating Galilee. Bakit sa Galilee? Anong meron doon? Sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig
    natin na nagpunta ang tatlong babae sa libingan ni Hesus upang pahiran ang katawan nito ng pabango, pero laking gulat nila nang wala na roon ang katawan ni Hesus. Bagkus isang binatang nakaputi ang nakita nila na nagsabing nabuhay syang muli at mauuna na sa Galilee. Sa Galilee nya unang tinawag ang
    kanyang mga alagad at sa Galilee muli niya silang kakatagpuin matapos siyang mabuhay namang muli. Kapanalig, ano ang ipinahihiwatig nito sa atin, at sa ating pananampalataya? Sa palagay ko, kung nanghihina o lumalamig na ang ating
    relasyon sa Diyos o sa ating bokasyon, balikan natin yung unang tagpo at pagkakataon na naramdaman nating tinatawag tayo ng Panginoon. Alalahanin natin ang galak na dulot nito sa ating mga puso. Baka kasi sa dami na ating pinagkakaabalahan natabunan na ang galak ng masalimuot na karanasan natin sa buhay. Kahit sa mga mag-asawa, kapag nanlalamig na kayo sa isa’t-isa, balikan nyo rin yung unang sulyap nyo sa inyong napangasawa, sariwain nyo yung kilig na dulot nito sa puso nyo. Ano’ng nakita mo sa kanya na nagpatibok sa iyong puso? Nandiyan pa ba? Baka natabunan lang. Reclaim it!

    5 min
  • A Thought A Day | March 30, 2024

    A Thought A Day | March 30, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 29, 2024 - Biyernes Santo

    Mabuting Balita l Marso 29, 2024 - Biyernes Santo

    Ebanghelyo: Jn 18:1-19:42

    Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni

    Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa Ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap ang isa pang Kasulatan, at sinabi niya: “Nauuhaw ako!” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniit nila sa
    kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo ibinigay ang espiritu.

    Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas

    dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa
    krus. Pagkasapit nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi
    kaya maniwala kayo.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ngayon ay Biyernes Santo. Araw ito ng kalungkutan, pero higit pa rito, isang araw ito ng pag-ibig.

    Pag-ibig na hindi nagdalawang-isip na mag-alay ng buhay para sa atin. Pag-ibig na hindi natin karapat-dapat na tanggapin, pero ibinigay sa atin nang walang kapalit. Ano ang tugon natin sa ganitong pag-ibig? Ano ang maaari nating
    maibahagi sa ating Panginoon na nagbigay ng lahat para sa atin? Hindi ba't ang pinakamainam na tugon ay ang pagmamahal din sa kanya at sa ating kapwa? Hindi ba't ang pinakamagandang alay ay ang ating sarili, ang ating puso, ang ating buhay?  Mga kapanalig, ngayong Biyernes Santo, magpasalamat tayo sa Diyos
    sa kanyang dakilang pag-ibig. Tumugon tayo sa kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating pag-ibig. At ipagdiwang natin ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating buhay.

     

     

    5 min
  • WALKING WITH THE SAINTS | FEAST OF ST. BERTHOLD, THE FOUNDER OF THE CARMELITE ORDER l MARCH 29

    WALKING WITH THE SAINTS l FEAST OF ST. BERTHOLD, THE FOUNDER OF THE CARMELITE ORDER l MARCH 29

     

    The Carmelites are among the famous religious Orders in the world. They live community life, contemplate, pray, give service, and due to their practice of exceptional poverty, they are regarded as one of the four mendicant Orders of the Church. Today, we shall trace its birth and origin through the life of St.

    Berthold, the saint who despite the fact that he never claimed to be the initiator of the Order, is however considered by many historians as the founder of the Carmelite Order. St. Berthold, also known as Bartoldus of Calabria (instead of “Westerner”) was born in Limoges, France, in 1155, the son of a Count. He was a brilliant student at the University of Paris. After his ordination to the priesthood, he and his uncle Aymeric, the Latin patriarch of Antioch, joined the third Crusade, a movement to reclaim the Holy Land from the Muslims. While Berthold was in the Holy Land, he travelled to Mount Carmel where he found a
    group of hermits living in separate cells or huts. These monks observed strict silence, seclusion, austerity, abstinence and made penances. Berthold gathered the hermits scattered all over Palestine and together they formed a group to live in a common hermitage in honor of the Prophet Elijah. Berthold managed the
    building of a church and the first Carmelite monastery dedicated to the Prophet Elijah, who defeated the priests of Baal many years earlier at Carmel as told in the Old Testament. The monks professed to imitate the way of life of the prophet Elijah whom early Christian writers considered as the originator of
    monasticism. The holy life of Berthold inspired his companions and they regarded him as a trustworthy leader, so Aymeric appointed Berthold to be the superior of the group, a position he held until his death. Berthold guided the first group of Carmelites for many years until 1195. He knew what was to be done and worked firmly to accomplish the task before him. The people around were drawn to prayer and penances following his examples. Many concluded that it was the life and work of St.
    Berthold that laid the foundation for the Carmelite Order, but Berthold distanced himself from this title, although unknowingly, he had done great things very special for the Order.  Earlier, he
    started to compose a rule to be followed, but he died and did not complete it. His successor, St. Brocard petitioned St. Albert, the Latin patriarch of Jerusalem, to complete the work Berthold had begun. He codified and completed the work and it was approved by Pope Honorius III in 1226. It is considered to be the primitive rule that became the foundation of the Order of Mount Carmel. The feast of St. Berthold is celebrated on March 29. A few
    years after the death of St. Berthold in 1195, Mount Carmel became unsafe for the Western hermits. In 1240 they set out for France, England, Cyprus and Sicily. The first general chapter of the Order was held in England in 1247 under St. Simon Stock, the saint to whom Our Lady entrusted the devotion of wearing the Brown Scapular. In the year 1452, the first group of Carmelite nuns was founded. The most important movement in the Carmelite Order was the reform initiated by St. Teresa of Avila with the cooperation of St. John of the Cross.

    His outstanding Virtues are:

    piety, humility, charity, courage, commitment, perseverance, integrity and obedience

     “Lord, through the intercession of St. Berthold,

    help us to imitate his humility and detachment from worldly honors and
    recognition.”

        

     

     

     

     

     

     

    .

     

    6 min
  • A Thought A Day | March 29, 2024

    A Thought A Day | March 29, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 28, 2024 – Huwebes Santo

    Mabuting Balita l Marso 28, 2024 – Huwebes Santo

    Ebanghelyo:  Jn 13:1-15

    Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras. Naghahapunan sila at naipasok na ng

    diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik.

    Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit siya kay Simon Pedro, sinabi nito sa kanya. Hinding hindi mo huhugasan ang aking mga paa magpakailanman. Sumagot si Hesus sa kanya “Kung hindi kita

    huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin. Sinabi sa kanya ni simon Pedro. “Panginoon hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo ko.Sinabi sa kanya ni Heus “Mga paa lamang ang kailangan hugasan ng naligo  na dahil malinis na ang buo niyang sarili, malinis na nga kayo subalit hindi lahat”. Kilala n ani Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong mga paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa.”   “Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.”

     

     Pagninilay:

    Naalala pa ba ninyo ang pagbisita sa bansa natin ni Pope Francis? Noong taong 2015, habang nandito si Pope Francis sa bansa natin, binisita siya ng kanyang mga kapatid na Heswita sa

    kanyang tinutuluyang bahay.  Bago umuwi ang mga Heswitang Pilipino,  meron silang inihandog na kanta para sa mahal na santo papa, ang Amare et Servire, “To love and Serve the Lord”.  Simple, pero malalim ang mensahe ng kanta, at ito rin ang
    ipinahahayag ni Hesus sa araw na ito: In everything, love and serve the Lord. Ito ang nagbigay ng mahabang pasensya kay Hesus, sa kahinaan ng pag-unawa ng mga alagad sa Kanyang mga salita, habang itinatag niya ang Banal na Eukaristiya. Gayundin, pagmamahal at paglilingkod ang dahilan, kaya hindi
    inalintana ng Panginoon ang marumi at mabahong paa ng Kanyang mga alagad na buong kababaang-loob niyang hinuhugasan. Sadyang mas malakas ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng ating mga kahinaan dahil sa kasalanan. Kaya, katulad ni Hesus, kung ninanais natin na palaging masaya, malakas at
    hindi mapagod gumawa ng kabutihan, gawin natin ito nang may buong-pusong pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at kapwa. Amen.   

     

    5 min
  • A Thought A Day | March 28, 2024

    A Thought A Day | March 28, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Marso 27, 2024 – Miyerkules Santo

    Mabuting Balita l Marso 27, 2024 – Miyerkules
    Santo

    Ebanghelyo: Mt 26:14-25

    Pumunta sa mga Punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Magkano ang ibibigay

    ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo?  Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito
    ng pagkakataong maipagkanulo siya.   Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Hesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?”  Sumagot si Hesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya: 
    'Sinabi ng Guro:  malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad.’”

    At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Hesus at inihanda ang Paskuwa.  Pagkalubog ng araw, nasa hapag si Hesus kasama ng Labindalawa.  Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo:  ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.”  Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat

    isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong
    nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin.  Patuloy sa kanyang daan ang anak ng Tao ayon sa isinulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong ito kung hindi na siya ipinanganak pa.”  Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa
    kanya: “Ako ba, Guro?”  Sumagot si Hesus:
    “Ikaw na ang nagsabi.”

     

     

    Pagninilay:

    Si Hesus ay nakatakdang mamatay sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan. Ito ang kalooban ng Diyos Ama, at

    ang pangunahing dahilan ng pagparito Niya sa daigdig. Pero, para maisakatuparan ito at mapagtibay pa ang akusasyon ng mga Pariseo laban kay Hesus, kailangang may magtakwil sa kanya - isang taong malapit sa kanya. Kahit sino naman sa
    labindalawang apostol ay pwedeng magkanulo kay Hesus; pero si Judas Iscariote ang pinakamalapit sa tukso, dahil siya ang may hawak ng pondo ng kanilang samahan.  Bilang ingat-yaman o treasurer, natural lang na pera ang kanyang pangunahing alalahanin. Si Hesus, para sa kanya ay isang investment, na itinaya niya sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Si Hesus
    para kay Judas ay matalino at makapangyarihan. Naniniwala siyang, kayang-kayang lusutan ni Hesus ang mga Pariseo, pero alam naman natin na iba ang nangyari.  Hindi lubos na naunawaan ni Judas ang totoong misyon ni Hesus,
    at ang plano ng Diyos, kaya siya ang naging “kontrabida” sa kasaysayan ng Kaligtasan. Alam ni Hesus na mangyayari ito kay Judas, at nais sana niyang bigyan pa ito ng pagkakataong magbago ng isip. Binigyan Niya ng babala si Judas, nang sabihin niyang “kahabag-habag ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao.
    Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak.” Kapanalig, huwag nating tularan si Judas. Unawain natin ang sinasabi ni Hesus. Pakinggan ang bulong ng Espiritu Santo sa ating mga puso.

    Manalangin tayo. Halina, Espiritung Banal, bigyang liwanag ang mga isipang naguguluhan. Patahimikin ang mga pusong nangangamba, at ihanda kaming papasukin

    si Hesus sa aming buhay. Amen.

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.