PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

All PAULINES episodes

  • Mabuting Balita | Pebrero 28, 2022 - Lunes

    Mabuting Balita | Pebrero 28, 2022 - Lunes

    Lunes sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon

    EBANGHELYO: MARCOS 10:17-27

    Isang tao ang patakbong sumalubong kay Hesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama’t ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Hesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”

    PAGNINILAY:

    Butas ng karayom. Hmmm. Maliit. Masikip. Pero ‘di ba kailangang matatag ang sinulid para makalusot sa mata ng karayom? Pwedeng basain mo ang sinulid para dumiretso o kaya gamitan mo ng wax. Success na iyon para masisimulan mo na ang pagtahi, ang pagsusulsi, ang pagkumpuni, ang pagpapanauli. Ang tanong, paano mo mapapatatag ang sinulid? Kapanalig, tatlong W ang kailangan. Una, Willing ka. Oo nga, pro-life ka, faithful ka sa pinakasalanan mo, no-no sa iyo ang pagnanakaw, totoo ang sinasabi mo, iginagalang mo ang parents mo, tulad ng batang lalaki sa Mabuting Balita. Willing kang gawin ito, at “nagsu-swear” ka na ginagawa mo ito. Ikalawa, ang Wisdom. Nangangahulugan na may taos naugnayan ka kay Kristo. Patuloy ang pagbata mo sa mga challenges sa buhay. Sa dami ng karanasan, marami ka nang natutuhan. Sa dunong nanaimbak mo, nagiging creativeka sa pagbahagi ng kung ano ang ikakabuti at kasiya-siya sabuhay ng iba. Ikatlo, ang Witnessing sa hirap na binabata mo para sa kapwa, nararamdaman sa iyo ng mga naghihirapang yakap ng Diyos. Ang mahawakan ang kamay ng Diyos sa iyong mga kamay sa gitna ng panganib. W-W-W. Willingness, Wisdom, Witnessing. Ito ang magpapatatag sa sinulid na kailangang tumagos at makatawid sa kabilang panig. Sinulid na tapat sa misyon para masulsihan ang napinsalang ugnayan, para makumpuni ang kapayapaan sa bawat kalooban, para mapanauli ang sigla sa pagtatag ng walang hanggang tahanan.

    - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul





    6 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 26, 2022 - Sabado

    Mabuting Balita | Pebrero 26, 2022 - Sabado

    Sabado sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 10:13-16

    May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya s kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila.

    PAGNINILAY:

    Marami na pong video sa facebook ang nagtetrending kung saan nilalapitan ng mga maliliit at inosenteng mga bata si Pope Francis habang siya’y nagtatalumpati o ‘di kaya tuwing mayroon siyang general audience. Nakakatuwa pong panoorin dahil sa maraming pagkakataon ay mukhang may mga nais pumigil sa mga bat ana lumapit sa Santo Papa. Ngunit, ang Santo Papa pa nga ang masayang yumayakap, humahalik, nakikipaglaro—at gayundin tulad ni Hesus sa ating ebangheylo ngayong araw—ipinapatong ng Santo Papa ang kanyang mga kamay sa kanilang ulo at pinagpapala sila.

    Mga kapatid, kinalugdan at iniibig ni Hesus ang bawat kabataan. Batid ng Diyos na Dalisay ang kanilang kalooban, walang bahid ng pagkukunwari, totoo kung magmahal. Habang tayo’y nagkakaedad—itong mga simpleng katangian ng isang bata ang tila ba nawawala sa ating buhay. Narurumihan ng ating pagkamakasalanan, kayabangan, at pagmamataas.

    Ngayong araw mga kapanalig, siyasatin natin ang ating sarili: childlike ba tayo o childish? Tularan nawa natin ang mga katangian ng bata—sa kabilang banda pahalagahan din natin sila—ang kanilang karapatang mabuhay, mag-aral, kumain at kalingain. Kung tayo’y tutulad sa kanila at pangangalagaan din naman sila, imposibleng hindi ipapatong ng Diyos ang kanyang mga mapagpala’t mapagkalingang kamay din sa atin. Amen.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul



    4 min
  • Love Never Fails

    Word and Songs | Love Never Fails

    with Sr Lines Salazar, fsp

    Love bears all things, believes all things, it hopes all things, endures all things. Love never fails. Love is so powerful that it is able to withstand whatever threatens it. In these Covid-19 times, love in our families has been demonstrated and proven in so many varied and countless ways. We have felt the pain and the agony of having a member or members of our family suffer its onslaught, but with much courage and hope; and we who await their healing keep hope alive with our prayers, enduring the uncertainty by holding on to our faith. Even those of us who have lost loved ones in the pandemic are able still to trust in the Lord and believe that His love and mercy envelop our dear ones. In these Covid-19 times, many of our front liners have gone beyond their own fears to express their love in service to others; they feared for their own families and constantly battle the possibility of being infected by the virus, and yet they reported for work and served the many who suffered. In many families, the younger ones feel the responsibility of protecting their seniors from being infected and thus overcome their own fears as they run errands for the family. The list could go on and on. Fathers, mothers, family members, all had countless ways of attesting to love the bears all things, believes all things, hopes all things, and endures all things. 


    Scriptwriter: Sr. Melba Grace Lobaton, fsp

    30 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 25, 2022 – Biyernes

    Mabuting Balita | Pebrero 25, 2022 – Biyernes

    Biyernes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 10:1-12

    Nagpunta si Hesus sa probinsiya ng Judea, sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. At napakaraming tao naman ang nagdatingan. At muli niya silang tinuruan gaya nang dati. At lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises” At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.” Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. Ngunit sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magigigng iisang katawan ang dalawa. Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking magpaalis sa kanyang asawa at saka magpakasal sa iba, nakiapid siya. At kung ang babae naman ang magpaalis sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya.

    PAGNINILAY:

    Kapatid, sang-ayon ka ba sa divorce? Isa ito sa mga maiinit na issue na hanggang sa ngayon ay pinagdedebatehan. Tinanong din ng mga Pariseo si Jesus tungkol dito, at malinaw ang sagot niya: “Iiwanan ng lalaki ang tatay at nanay niya para maging isa sila ng asawa niya. At ang dalawa ay magiging isa, kaya di na sila dalawa kundi iisa na sila. Ang pinagsama ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng kahit na sino.” Natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mag-asawa na may edad na pero sweet pa din sila sa isa’t isa. Katunayan, nagdiwang ang mga magulang ko ng ika-50 taong anibersaryo ng kanilang kasal at marami ang nagtanong kung ano ang sikreto nila. Hindi ko na matandaan ang eksaktong sagot nila, pero hindi ito nalalayo sa sinabi ni Pope Francis sa Amoris Laetitia#126: “Mararanasan ng mag-asawa ang kagalakan kahit sa gitna ng kalungkutan. Kasama dito ang pagtanggap na ang pag-aasawa ay pinaghalong kasiyahan at pakikibaka, tensyon at pahinga, sakit at ginhawa, kasiyahan at pananabik, inis at kasiyahan, ngunit nananatili ang pagkakaibigan, na nagbibigay inspirasyon sa mga mag-asawa na alagaan at mahalin ang isa't isa.” Ang huling labanan daw sa pagitan ng Panginoon at ng paghahari ni Satanas ay tungkol sa kasal at ang pamilya, ayon kay Sr. Lucia, isa sa visionaries ng Fatima. Huwag daw tayong matakot… dahil ang sinumang nagsisikap para sa kabanalan ng kasal at ng pamilya ay palaging tutulan at kakalabanin sa lahat ng paraan. Gayunpaman, dinurog na ng ating Mahal na Birhen ang ulo ng ulupong.” Kaya, kapit lang, mga kapatid!

    -Sr. Rose Agtarap , fsp | Daughters of St. Paul



    6 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 24, 2022 – Huwebes

    Mabuting Balita | Pebrero 24, 2022 – Huwebes

    Huwebes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: Mc 9:41-50

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo hindi siya mananatiling walang gantimpala. “Ngunit kung may tumisod at magpadapa sa isa sa mga maliliit na ito, mas makabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg. “Kung kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pingkaw sa buhay kaysa matapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno nang may dalawang kamay. At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa buhay kaysa matapon sa impiyerno nang may dalawang paa. At kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, itapon mo ito. Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa Kaharian ng Diyos nang may isang mata kaysa matapon sa impiyerno nang may dalawang mata, kung saan walang tigil ang mga uod sa kanila at walang kamatayan ang apoy. Buburuhin nga ang apoy ang lahat. Mabuti ang asin ngunit kung tumabang ang asin, paano n'yo ito mapapaalat uli? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapayapaan sa isa't-isa.”

    PAGNINILAY:

    Ilan sa mga salita at pagsasalarawang ginamit ni Hesus sa ating Ebanghelyo nagayon ay nakakabahala. Nais ni Hesus na pag-isipang mabuti at ang mga desisyon natin sa buhay. Sapagkat ang tanging hangad niya para sa atin ay makamit ang buhay na siya rin naman ang nagkamit para sa atin—ang buhay na walang hanggan na kapiling siya.

    Tanungin natin ating sarili: Ang aking pag-iral at pagkilos ba ay may kinalaman lamang sa kung ano ang mabuti para sa akin o ako ba ay may pakialam sa mga tao sa aking paligid? Madalas hindi tama o Mabuti ang ating pinipili. Gayunpaman, sana huwag tayong duwag na bumangon at manindigan muli upang tuluyang magtagumpay sa ating pamumuhay ang kalooban ng Diyos.

    - Cl. Ronel Soriano, SSP | Society of St. Paul

    PANALANGIN:

    Panginoon, buksan mo ang aking mga mata upang maunawaan ko ng "lubusan" ang iyong kalooban. Tulungan mo akong lumaban sa tukso upang maganap ko ang Mabuti at nararapat. At kung ako ma’y nasadlak tulungan mo nawa akong makabangon at ipamalas mo sa akin ang dakila mong awa’t habag. Amen.



    4 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 23, 2022 – Miyerkules

    Mabuting Balita | Pebrero 23, 2022 – Miyerkules

    Miyerkules sa Ikapitong Linggo sa karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 9:38-40

    Sinabi ni Juan kay Hesus: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Hesus: “Huwag n'yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang di natin kalaban.”

    PAGNINILAY:

    Sinasabing ‘NO one has monopoly of the Holy Spirit’. Kaya ang ating Inang simbahan bilang lsang listening Church ay tinatawag na magkaroon ng encounter o pakikitagpo sa iba upang makinig. KInakailangan nating alamin ang mga tinuturo ng Simbahan, at ng Santo Papa para maiwasan nating maging heretic. Kaya nga ang paanyaya ng Synod on Synodality na patuloy pa nating ginagawa hanggang taon 2023 ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na makinig sa isa’t-isa. Binibigyang daan ng mga pinuno ng Simbahan na marinig ang boses ng mga taong nasa laylayan ng lipunan. Ma ipahayag ang kanilang karanasan, saloobin at pananaw sa naging karanasan nila sa Simbahan. Silang mga kapatid nating sa madalas ay hindi rin nag bibigay ng pagkakataon makisangkot sa mga Gawain kahit sa kanilang parokyang nasasakupan. Mga kapatid, kailangan nating maging bukas kung nais nating tunay na makapaglingkod. Alalahanin natin na may kagandahan kahit sa ating pagkakaiba—ng relihiyon, idelohiya, pinahahalagahan, antas ng pamumuhay at pinag-aralan. Matuto nawa tayong igalang ang ating kapwa. Iwasan ang kaisipang tayo lang ang matuwid at tama. Magkakaroon ng kahulugan ang ating nais na makatagpo ang ating mga kapatid kung kinikilala din natin sa kanila ang sarili nilang kagandahan. Wala sa ating mga kamay ang kakayahang baguhin ang ating kapwa pero tayo ay may kakayahang ipadama ang pagmamahal at pagaaruga ng Dios. Sa ebanghelyo, tinuturo ni Jesus na kakampi natin ang sinumang nagpapahalaga sa mga Gawain ng Dios. Tayo ay may Isang Ama sa Langit, Siya ay Ama ng lahat. Dagdag pa ni San Pablo apostol: “nagagawa ng Dios ang kanyang mga gawa sa lahat ng uri ng tao, maging Kristiano man, iba ang reliyon at kahit sa walang relihiyon. O Jesus, dagdagan mo ang lawak ng aming pagtanggap sa aming kapwa ng kamiy tunay na makapaglingkod sa tanan. Amen.



    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 22, 2022 - Martes

    Mabuting Balita | Pebrero 22, 2022 - Martes

    Martes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MATEO 16:13–19

    Pumunta noon si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sumagot naman si Hesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”

    PAGNINILAY:

    Ngayong araw poipanagdiriwang natin ang kapistahan ng luklukan ni San Pedro—Feast of the Chair of St. Peter. Hindi po pisikal na upuan ang ang ating binibigyang parangal kundi ang pagiging katiwala ng Diyos ni Pedro na siyang binigyang kapangyarihang magturo at mamuno sa kanyang simbahan. Hindi siya tulad ng mga makapangyarihan sa mukha ng mundo—ang kapangyarihang ito ni San Pedro ay sa pamamagitan ng kanyang buong puso na pagsisilbi sa kawan ng Diyos—tuturuan at pamumunuan niya ito—at ito ay buhay at patuloy pa rin sa ating simbahan sa pamamagitan ng ating Santo Papa na siya bikaryo ni Hesus at nasa iisa, hindi napapatid na linya mula kay San Pedro magpahanggang ngayon sa katauhan ng ating Santo Papa Francisco.

    Sa ating Ebanghelyo, ipinapaalala sa atin nito ang kahalagahan ng pagkilala. Mahirap pong sumunod at sumamba sa Diyos na hindi naman pamilyar at hindi natin kilala. Bagamat marami sa ating mga binyagan ang hindi lubos maintindihan ang ating doktrina, katekesis, batas pansimbahan at iba pa. Gayunpaman, lahat tayo’y sumasamba at naniniwala sa dakilang misteryo nang pagpapakilala ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na siyang tumubos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Krus. Ito din ang narinig nating pagkilala ni Pedro kay Hesus sa ating Ebanghelyo.

    - Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul


    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 21, 2022 - Lunes

    Mabuting Balita | Pebrero 21, 2022 - Lunes

    Lunes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 9:14-29

    Pagbalik nina Hesus, Pedro, Jaime, at Juan sa mga alagad, nakita nilang napakaraming tao ang nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo naman sa kanila ang mga guro ng Batas namangha ang lahat pagkakita sa kanila at tumakbo sila para batiin siya. Itinanong naman niya sa kanila: “Bakit kayo nakikipagtalo sa mga ito? “At sinagot siya ng isang lalaki mula sa mga tao: “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki na inaalihan ng isang piping espiritu at kung hinahagip siya nito inilulugmok siya sa lupa bumubula ang kanyang bibig nagngangalit ang mga ipin at naninigas, hiningi ko sa iyong mga alagad na palayasin ito subalit hindi po nila kaya. Sumagot si Hesus “mga ligaw na tao kayo gaano pa katagal akong mananatili sa piling ninyo hanggang kailan ako magtitiis sa inyo, dalhin siya rito sakin.” At pinalipit nila siya kay Hesus pagkakita sa kanya ng espiritu pinangatog nito ang bata at inilugmok sa lupa kaya nagpagulong-gulong siya at bumubula ang bibig. Tinanong naman ni Hesus ang ama: “Gaano na katagal na nangyayari ito sa kanya?” At sumagot ang ama: “Sapul pa sa pagkabata at madalas nga siyang inihahagis sa apoy o sa batis para patayin. Ngunit kung kaya mo, maawa ka sa amin, at pakitulungan kami.” Sinagot siya ni Hesus: “Ano itong 'kung kaya mo'? Lahat ay posible sa sumasampalataya.” at agad na sumigaw ang ama ng bata sa pagsasabing “Sumasampalataya ako pero tulungan mo ang kaunti kong pananampalataya.” Nakita ni Hesus na nagsisitakbo at lumalapit na ang mga tao kaya iniutos niya sa masamang espiritu: “Pipi at binging espiritu, iniutusan kitang lumabas sa kanya at huwag nang bumalik.” Nagsisigaw ang espiritu at nilugmok sa lupa ang bata bago lumabas at animoy patay ang bata kaya marami ang nagsabing patay. Ngunit pagkahawak ni Hesus sa kamay nito, pinabangon niya ito at pinatindig. Pagkapasok ni Hesus sa bahay, tinanong siya ng mga alagad ng sarilinan:” “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sa panalangin lamang mapapalayas ang ganitong espiritu.”

    PAGNINILAY:

    Mapalad talaga tayo, kapanalig. Imagine, may secret of success na ipinagkatiwala sa atin ang ating Panginoon. Sinabi ni Jesus napanalanginang Lihim ng Tagumpay. Tagumpay para pagyamanin ang kabutihan. Kaakibat ng panalangin ang pananalig. Na sa pagdarasal, taos sa puso at matatag ang paniniwala natin na magaganap ang itinataas natin sa Kanya. Isa sa mga napatunayan ng ating Simbahan na nagsabuhay ng Lihim ng Tagumpay ay si Blessed James Alberione. Tagapagtatag siya ng Pauline Family. “Secret of Success” ang tawag niya sa written promise sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu. Isinuko ni Blessed James ang sarili at nanalig Siya nang noong oras na iyon, tinatawag siya ng Diyos na magkaroon sila ng kasunduan. Covenant. Ito ang ipinamana niya sa amin bilang pamilyang Paulino, at ipinagkakatiwala rin naming sa inyo ang lihim na ito. Una, ang paghahain ng hiling sa Panginoong Jesukristo. Ikalawa, ang pangako na harapin ang hamon ng pagtalima sa kalooban ng Diyos. Pangatlo, ang pagtanggap ng sariling kahinaan at pagtitiwala sa ispiritwal na lakas na mula sa Diyos. Ika-apat, ang pananalig naimu-multiply ni Lord ang bunga ng pagsisikap na matuto sa lahat ng nararanasan natin, ang madagdagan ang pinagsisikapan natin sa banal na gawain, at pagyamanin ang sarili naming karalitaan. Ika-lima, ang pangako sa misyon na ipalaganap ang kabutihan mula sa Diyos at ang Kaharian ng Diyos. Ito ang Lihim na hindi dapat ikimkim. Ipalaganap mo na rin.



    6 min
  • Gabay sa Paghalal ng mga Lingkod-Bayan

    Gabay sa Paghalal ng mga Lingkod-Bayan  

    MAGSAYSAY’S CREDO  

    Nananalig akong nagsisimula ang pamahalaan sa ibaba at kumikilos paitaas dahil ang pamahalaan ay narito para sa ikabubuti ng nakararami sa ating bayan.  

    Nananalig akong ang mas gipit sa buhay ay dapat mas higit sa batas.  Nananalig akong may angking karapatan ang karaniwang mamamayan sa mas higit na laman ng tiyan, mas higit na pananamit, at mas higit na sisilungan.  

    Nananalig akong ang bayang ito ay nabiyayaan ng isang pusong masigla at magiting, at nagtataglay ng lihim na galing at nakamamanghang kakayahang salubungin ang mga hamong hinaharap.  

    Nananalig akong mamamayani sa lahat ng antas ng gawain ng pamahalaan ang dakila at walang sawang pagtalima sa tawag ng kabutihan.  Nananalig akong malakas at tuwid ang pulso ng pamahalaan, at mayroong sigla ng misyonero ang mga pinuno nito.  

    Nananalig ako sa karangalan ng pamamaraang naaayon sa konstitusyon at sa batas, sa kahalagahan ng karapatang pantao.  Nananalig akong matatag ang kabuoan ng pandaigdigang panlipunan, at walang pangangailangan o dahilan upang isantabi ang karangalan ng sangkatauhan.  Nananalig akong salot ang komunismo, ganoon din ang karahasang idinudulot nito sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo.  

    Nananalig akong dapat maging halimbawa ang Pangulo ng pagkakaroon ng  pusong mahabagin, pag-iisip na tapat, likas na kakayahang magpasiya, angkop na kawalan ng tiyaga at isang walang-hanggang pagmamahal sa karaniwang mamamayan. (www.officialgazette.gov.ph)  

     ---------  

    Si Jesus na ating Tagapagligtas ay isang pinunong tagapaglingkod: 

    “Ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”

     (Mk. 10:45)    

    PANALANGIN  

    Panginoong Hesus, batid Mo ang kalooban ng bawat tao, ang mga problema ng aming bansa at ang mga sanhi nito, at alam Mo ang pananabik ng aming mga puso.  Panginoon, sa darating na halalan tulungan Mo kaming alamin at suriin ang track record at kwalipikasyon ng mga kandidato. Bigyan kami ng liwanag na maihalal ang mga tamang lingkod-bayan na tutugon sa mga problemang pambansa, at nawa'y mag-anyaya sila ng pangkalahatang pakikilahok sa proseso.  Panginoon, sa harap ng mga nangyayaring anomalya sa halalan, tulad ng pagbili ng boto at paggamit ng pondo ng pamahalaan para mangampanya, bigyan kami ng lakas ng loob na magsalita ng katotohanan at kumilos nang naaayon bilang mga matuwid na mamamayan at tapat na mga Kristiyano; upang maipakita namin sa salita at gawa, ang pananampalataya ng 500 taon na ipinagkaloob Mo sa aming bansa. Amen.  

    #PHVote #Halalan2022 #VotersEmpowerment

    5 min
  • A Guide for Electing Public Servants | 2022 Local and National Elections

    A Guide for Electing Public Servants | 2022 Local and National Elections  

    MAGSAYSAY’S CREDO 

    I believe that government starts at the bottom and moves upward, for government exists basically for the welfare of the masses of the nation. 

    I believe that he who has less in life should have more in law.  

    I believe that the little man is fundamentally entitled to a little more food in his stomach, a little more clothing on his back, and a little more roof over his head. 

    I believe that this nation is endowed with a vibrant and stout heart, and possesses untapped capabilities and incredible resiliency. 

    I believe that a high and unwavering sense of morality should pervade all spheres of governmental activity.  

    I believe that the pulse of government should be strong and steady, and the men at the helm imbued with missionary zeal.  

    I believe in the majesty of constitutional and legal processes, in the inviolability of human rights. 

    I believe that the free world is collectively strong and that there is neither need nor reason to compromise the dignity of man. 

    I believe that communism is iniquity, as is the violence it does to the principles of Christianity.  

    I believe that the President should set the example of a big heart, of an honest mind, sound instincts, the virtue of healthy impatience, and abiding love for the common man. (www.officialgazette.gov.ph) 

                                                                            _______                                                                                                                                                                                    Jesus our Savior is a servant-leader:  “For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as a ransom for many.”

     (Mk 10:45)  

    #PHVote #Halalan2022 #VotersEducation

    4 min