PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

All PAULINES episodes

  • Mabuting Balita | Pebrero 12, 2022 – Sabado

    Mabuting Balita | Pebrero 12, 2022 – Sabado

    Sabado ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 8:1-10

    Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay at para sa pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila nabusog at tinipon ang mga natirang pira-piraso-pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad upang pumunta sa lupain ng Dalmanuta.

    PAGNINILAY:

    Naranasan mo na ba sa buhay ang kapusin? Kapusin ng pagkain, oras, pera? Kapusin ng suporta, kalinga’t pagmamahal? Ano ang iyong naging tugon? Dumalangin ka bang taimtim sa Diyos upang ika’y mapunan?

    Ipinamalas ng Diyos ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami niya ng tinapay. Sumamba ang marami at naniwala sa kanya, kaya nama’y napunan sila. Ang daan sa ating kaligtasan ay walang iba kundi ang ating taus-pusong pananampalataya sa kanya. Gayunpaman, hindi tayo natatapos sa pananampalataya. Bilang mga tagasunod ni Hesus, habang tayo’y napunan niya, ang misyon natin ay punan din ang iba.

    Mga kapanalig, ito ang nais sa atin ipabatid ng Ebanghelyo: Hindi tayo matitiis ng Diyos. Alam niya ang ating mga pangangailangan. Hindi niya tayo pababayaan. Kaya naman ito rin ang hamon sa atin: Kaya mo din bang matiis ang kapwa? Kaya mo bang balewalain ang kanilang pangangailangan? Kaya mo bang pabayaan sila? Habang palapit tayo sa araw ng mga puso. Maging busy sana tayo na punan ang bawat isa ng pagmamahal—katulad ng ginawa ni Hesus: Binusog niya tayo ng pagmamahal ng Diyos. Amen.

    - Cl. Cesar Caalem, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 11, 2022 – Biyernes

    Mabuting Balita | Pebrero 11, 2022 – Biyernes

    Biyernes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 7:31-37

    Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos hindi makapagsalita. At hiniling nila kay Hesus na ipatong dito ang kamay. Matapos siyang ihiwalay ni Hesus sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntong hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi'y “Buksan.” Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid. Tinagubilinan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: ”Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.”

    PAGNINILAY:

    Sa Mabuting Balita ngayon, mga kapanalig, ma papa-jump ka siguro sa tuwa kung makikita mong face-to-face ang pag-restore ng kakayanang makapagsalita ng pipi. Ganundin ang kakayanang makarinig ang bingi. Saan ito hinugot ni Jesus? Sabukal ng Kanyang Dakilang Awa. Ngayong Araw ng pagdiriwang natin ng Mahal na Birhen ng Lourdes at araw-pananalangin para sa mga maysakit, pinaaalalahanan tayo ni Pope Francis magkawang gawa sa mga may karamdaman. Ito ang tulong bunga ng awa. Ito ang pagpapatunay at pagpapadama sa winika ni Jesus na “Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.” Sila ang nagkakaloob ng kanilang precious time para saklolohan ang mga may binabata na peligrosong karamdaman tulad ng Covid na may panibagong strains, ng bagong florona disease, ng cancer, ng malubhang sakit na hindi pa ma-diagnose. Na kapag bumigat ang puso ng kapwa, sila ang nagpapagaan. Kapag napuno ng takot, sila ang nagiging lakas ng loob. Naniniwala ako na ikaw, kapanalig, kaya mo ring salatin ang nangangatal na laman ni Kristo sa mga may karamdaman. Hindi man pisikal na pagdampi ng kamay o paghimas sa noo, ang presensya mo ang magsisilbing miracle oil sa matinding pinagdadaanan ng kapatid nating maysakit. Sa iyong mukha, maaaninag nila si Kristo, ang Diyos ng Awa.

    -  Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul


    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 10, 2022 - Huwebes

    Mabuting Balita | Pebrero 10, 2022 - Huwebes

    Huwebes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 7:24-30

    Lumayo si Hesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirapa sa kanyang paanan. Isa siyang paganong taga-Sirofenicia. At ipinakiusap niya kay Hesus na palayasin ang demonya sa kanyang anak. Sinabi naman niya sa kanya: ”Bayaan mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang ang tinapay sa mga bata at itapon sa mga tuta.” Sumagot ang babae: ”Totoo nga Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” At sinbi sa kanya ni Hesus: ”Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” Kaya umuwi ang babae at nakita niya ang bata na nakahiga sa kama; lumabas na nga ang demonyo.

    PAGNINILAY:

    Isa sa mga pinakapalasak na kasabihang Pilipino ay ang mga katagang “May awa ang Diyos”. Ngunit sa harap ng hirap at pasakit ng pang araw-araw na pamumuhay, lalo na ngayong panahon ng pandemya, mukhang napakadaling mawalan ng pag-asa sa habag ng Diyos para sa atin. Ganitong-ganito ang naranasan ng ina sa Ebanghelyo ngayon. Tila ba siya’y pagsakluban ng langit at lupa dahil maliban sa inaalihan ng demonyo ang kanyang anak, siya’y isang dayuhan. Pati si Hesus mismo ay hindi siya agad pinagbigyan – na-reject siya! Ngunit hindi siya nagpatinag; lalo siyang kumapit kay Hesus, at siya’y nabiyayan ng paggaling ng kanyang anak. Sa ibang bahagi ng mga Ebanghelyo, maaalala nating sinabi ni Hesus na “Ask and you shall receive” – pero walang sinabi na ito’y agad-agad mapagbibigyan. Tulad ng ina sa ating tagpo ngayon, huwag nawa tayong magsawa sa panalangin at pananalig na lagi tayong niyayakap ng isang mahabagin at mapagmahal na Diyos. Hilingin natin sa Diyos na tayo nawa ay magkaroon ng matinding pananalig sa kanya upang lagi nating makita ang pagdaloy ng biyaya sa lahat ng pagkakataon. Amen.

    - Cl. Russel Matthew Patolot, SSP | Society of St. Paul



    4 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 9, 2022 – Miyerkules

    Mabuting Balita | Pebrero 9, 2022 – Miyerkules

    Miyerkules ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 7:14-23

    Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila: ”Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang may tainga.” Pagkalayo ni Hesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhagang ito. At sinabi niya: ”Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi n'yo ba nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok sa tao mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.” (Sa gayo'y sinabi niya na malinis ang tanang mga pagkain.) At idinagdag niya: ”Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin-kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.”

    PAGNINILAY:

    Mga kapanalig, mga ginigiliw kong kapatid kay Kristo, ang Mabuting Balitang narinig natin, ay isang patunay na “hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos, kundi ang nagmumula sa kanya. “Dahil anumang pagkaing ipinapasok natin sa bibig, hindi nananatili sa ating katawan, lalo’t hindi pumapasok sa ating puso. Dahil matapos itong pumasok sa tiyan, at magbigay nourishment sa ating katawan, idinudumi natin.  Ang dapat nating bantayan ay kung ano ang lumalabas sa ating bibig dahil nanggagaling ito sa puso.  Sinasabi nga sa Mateo 12:34 “Out of the abundance of the heart, the mouth speaks.” Kaya kung ano ang nilalaman ng ating puso, siya ring ating bukambibig. Sa puso nga natin nanggagaling ang masasamang hangarin at isipang/ nag-uudyok sa atin upang magkasala sa Diyos at sa ating kapwa. Kapanalig, ano ba ang nilalaman ng puso mo?  At ano ang lumalabas sa bibig mo?  Kapag nagsasalita ka ba, nabi-bless ang kausap mo…maraming kang taong napapasaya, na-iinspire magpakabuti, at nailalapit sa Diyos. O kabaliktaran nito ang nangyayari.  Kapag nagsasalita ka, parang lason ang lumalabas sayong bibig mo– dahil puro negatibong pananaw at pananalita ang nilalaman nito, nagpapakalat ka ng fake news, at naninira ka ng kapwa…  Kapanalig, inaanyayahan tayo ng Mabuting Balita ngayon na suriin ang sarili sa aspetong ito.



    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 8, 2022 – Martes

    Mabuting Balita | Pebrero 8, 2022 – Martes

    Martes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 7:1-13

    Nagkatipon sa paligid ng Hesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem. Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya nang may maruming kamay, na hindi naghuhugas ayon sa seremonya. Sinusunod nga ng mga Pariseo pati na ng mga Judio ang tradisyon ng kanilang mga ninuno at hindi sila kumakain nang hindi muna naghuhugas ng kamay. At hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito nililinis, at marami pa'ng dapat nilang tuparin, halimbawa'y ang paglilinis ng mga inuman, mga kopa at pinggang tanso. Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas:” Bakit hindi isinasabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” At sinabi sa kanila ni Hesus:” Tama ang propesiya ni Isaias tunkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat sa 'Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.' “Pinababayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao.” At sinabi ni Hesus:” Mahusay na pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos para tuparin ang inyong tradisyon. Sinabi nga ni Moises: 'Igalang mo ang iyong ama at ina,' at 'patayin ang sinumang susumpa sa kanyang ama o ina.' Ngunit sinasabi n'yo sana kung may magsasabi sa kanyang ama o ina, 'Inialay na ang puwede kong itulong sa inyo,' wala na siyang magagawang anuman—ayon sa palagay ninyo—para sa kanyang ama at ina. Kaya pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa tulong ng sarili n'yong tradisyon. At marami pa ang mga ginagawa ninyong ganito.”

    PAGNINILAY:

    Sa ating Ebanghelyo ngayong araw, ipinakilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang kaganapan ng batas at tradisyon mula sa lumang tipan. Hindi lumipas ang luma, kundi sa pagdating ni Hesus—binigyan niya ito ng kaganapan. Dahil sa pagpapakilalang ito hindi siya matanggap ng mga Pariseo’t Eskriba. Para sa kanila ang mga makasarili nilang pamamaraan pa din ang marapat tupdin at sundan. Ang ginawa ngayong araw ni Hesus sa Ebanghelyo ay maaaring paalala na din sa atin: Ano ba ang aking mga pagpapaimbabaw? Totoo ba akong sumusunod sa liwanag at katotohanang hatid ni Hesus? Habang tayo ay nasa kalagitnaan ng Karaniwang Panahon magandang itanong sa ating sarili kung handa na ba tayong magpakumbaba at yakapin ang lahat ng katotohanang inihayag ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus?

    - Cl. John Christian Lacap, SSP | Society of St. Paul

    PANALANGIN:

    Panginoon, patagin mo ang aming mga kayabangan at pagmamataas sa buhay upang lumawak ang aming paningin na ika’y lubhang maibigin lalung-lalo na sa mga yaong hindi pinapansin, inabandona, makaslanan at mga nawawala. Amen.



    5 min
  • Prayer for 2022 Local and National Elections

    Prayer for 2022 Local and National Elections | Sr. Monina Baybay, fsp  

    #Panalangin2022 #PanalanginParaSaBayan #PrayForPH #PrayTogether #PrayWithUs 

    Lord Jesus, you have full knowledge of every person, of our national problems and their causes, and you know the longings of our hearts.  Lord, in the coming election, help us know and examine the track record and qualifications of candidates. Enlighten us to elect the right public servants to address our national problems, and may they invite public participation in the process.  

    Lord, in the face of election anomalies, like vote-buying and the use of government funds to the campaign, enable us to speak out the truth and act accordingly as upright citizens and practicing Christians; so we can witness in words and actions, the faith of 500 years You have gifted our country. Amen.

    2 min
  • PANALANGIN para sa HALALAN 2022

    PANALANGIN para sa HALALAN 2022  | Sr. Monina Baybay, fsp 

    #Panalangin2022 #PanalanginParaSaBayan

    Panginoong Hesus, batid Mo ang kalooban ng bawat tao, ang mga problema ng aming bansa at ang mga sanhi nito, at alam Mo ang pananabik ng aming mga puso.  

    Panginoon, sa darating na halalan tulungan Mo kaming alamin at suriin ang track record at kwalipikasyon ng mga kandidato. Bigyan kami ng liwanag na maihalal ang mga tamang lingkod-bayan na tutugon sa mga problemang pambansa, at nawa'y mag-anyaya sila ng pangkalahatang pakikilahok sa proseso.  

    Panginoon, sa harap ng mga nangyayaring anomalya sa halalan, tulad ng pagbili ng boto at paggamit ng pondo ng pamahalaan para mangampanya, bigyan kami ng lakas ng loob na magsalita ng katotohanan at kumilos nang naaayon bilang mga matuwid na mamamayan at tapat na mga Kristiyano; upang maipakita namin sa salita at gawa, ang pananampalataya ng 500 taon na ipinagkaloob Mo sa aming bansa. Amen.

    3 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 7, 2022 – Lunes

    Mabuting Balita | Pebrero 7, 2022 – Lunes

    Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: MARCOS 6:53-56

    Pagkatawid ni Hesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang bangka. Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Hesus ng mga tagaroon at patakbo nila itong ipinamalita sa lupaing iyon. Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.

    PAGNINILAY:

    Mga kapanalig, tunay na ang Panginoong Hesus ang Banal na Manggagamot.  Taglay Niya ang dakilang pagmamahal na kusang nakapagpapagaling, mahipo lamang Siya o kahit na ang Kanyang balabal.  Sa narinig nating Mabuting Balita, maliwanag na kumalat na sa mga bayan ng Galilea ang mga pagpapagaling ni Hesus sa mga maysakit.  Marami na rin ang nakaaalam sa mga ginawa Niyang himala tulad ng pagpaparami ng tinapay. Kaya maraming tao ang naghihintay sa Kanyang pagdating, at sumusunod sila saan man Siya magpunta.  Kaya sa pagdating nila ng Kanyang mga alagad sa pampang ng Genesaret, nakakita ng pagkakataon ang mga tao roon, upang ihingi ng lunas ang mga may karamdaman.  Naniniwala kasi silang gagaling ang mga maysakit, kahit mahipo man lamang nila ang laylayan ng damit ni Hesus. Kapanalig, kumusta ang pananalig mo sa kapangyarihan ng Panginoong Hesus na magpagaling ngayong panahon ng pandemya?  Buo pa ba ang iyong tiwala na kaya Niyang hilumin ang buong mundo sa sakit na covid?  O nagdududa ka na rin sa Kanyang kapangyarihang magpagaling? Dahil halos dalawang taon na tayong nananalangin, pero patuloy pa rin ang banta ng sakit na covid at variants nito. Hindi pa rin tayo malayang makagala saan man natin gustuhin… At marami na ang nahihirapang magpatuloy sa buhay dahil sa abnormal na takbo ng ating buhay.   Hindi man natin batid ang dahilan ng Diyos kung bakit hinahayaan Niya pang maranasan natin ang mga pagsubok na dulot ng pandemya, pero manalig tayong may ginagawa Siyang paghihilom sa mundong sinira ng kayabangan ng tao.  May ginagawa Siyang pagpapanibago sa sangnilikhang dumaraing dulot ng samu’t saring pang-aabuso at paglapastangan ng tao sa Inang kalikasan.  Manalig tayo, that God will make all things new in His perfect time! Sama-sama tayong magsumamo, O Panginoong Hesus na aming Dakilang Manggagamot, patawarin Mo po kami sa pangkalahatang kasalanang nagawa namin Sa’yo at sa sangnilikha.  Mahabag po kayo sa amin.  Hilumin Nyo na po ang buong mundo sa sakit na covid at variants nito. Amen.

    5 min
  • Mabuting Balita | Pebrero 6, 2022 – Linggo

    Mabuting Balita | Pebrero 6, 2022 – Linggo

    Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: LUCAS 5:1-11

    Dinagsa si Hesus ng napakaraming taong nakikinig sa Salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo ng kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog n’yo ang inyong mga lambat para humuli.”  “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog ang mga iyon.  Nang makita ito ni si Simon Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Hesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” Talaga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na nga mga kasama ni Simon. Ngunit sinabi ni Hesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” Kaya nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kanya.

    PAGNINILAY:

    Kadalasan tumatanggi tayo sa tawag ng Diyos. Iniisip kasi natin na hindi tayo kaparat-dapat. Sa lumang tipan po, noong tinawag ni Yahweh si Propeta Jeremias ang sagot niya ay: “Hindi ako makapagsalita, masyado pa akong bata!” Tinawag din ni Yahweh si Propeta Isaias ngunit ang tugon niya’y: “Ako’y taong may maruming bibig, hindi ako karapat-dapat.” Tinawag din si Propeta Amos at sinabi: “Panginoon, ako’y hamak na pastol lamang.”

    Sa ating Ebanghelyo tinawag din si Pedro, siya’y tumugon: “Lumayo ka sa akin Panginoon, sapagkat ako’y lubhang makasalanan! (Lc 5:8).” Mga kapanalig, sa mundong ito sino ba naman ang karapat-dapat? Marahil ang mahal na birheng Maria lamang. Gayunpaman, tulad ng mga banal at santo sa ating simbahan lahat tayo’y makasalanan. Madalas nating pagdudahan ang ating kakayahang maglingkod sapagkat takot tayong mapuna ang ating kahinaan. Ngunit, kilala tayo ng Diyos nang higit kaysa sa ating sarili. Alam niyang kaya natin, kung magiging bukas lamang tayo sa kanyang grasya. (Hindi naman sa mga pari, madre at relihiyoso’t relihiyosa lamang ang tawag ng paglilingkod.) Inaanyayahang tayong maging misyonero ng kaharian ng Diyos, kahit sa ating payak na pamamaraan. Alalahanin lamang natin na bagamat makasalanan tayo, mahal tayo ng ating dakilang Diyos at Handa Siyang magtiwala sa Iyong kakayahan na maging partner Niya sa paghahatid ng Kanyang kaligtasan. Amen.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    6 min
  • Getting to know Venerable Thecla Merlo - a woman of Great Faith & Unwavering Hope

    Word and Songs | Getting to know Venerable Thecla Merlo - a woman of Great Faith & Unwavering Hope

    with Sr. Lines Salazar, fsp

    Happy month of love to each one of us!  In this episode of Word and Songs, join us Daughters of St. Paul in praise and thanksgiving to God/ as we commemorate the 58th death anniversary of Venerable Thecla Merlo, the first Superior General of the Pious Society of the Daughters of St. Paul.  Her ultimate desire to become a saint determines the program of her life, how she would live it until the end.  She was described by Fr. Silvano Gratilli, ssp in one of his writings, as a strong-willed, energetic, wise, and ardent woman… precisely because she knew how to “die in Christ”/ so as to live with Him and thus become a messenger of life.  Prima Maestra once said: “When our hearts are filled with the love of God, we cannot help/ but pour this love out on the world.”  I’m Sr. Lines of the Daughters of St. Paul inviting you to join me for half an hour, as we get to know Venerable Thecla Merlo - her thoughts, virtues, and values worth emulating so as to become a saint. Her life was a song of God’s love. A love so immense to the point of exclaiming, “If I had a hundred lives, O Lord, I would give all to you.”

    29 min