PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Mayo 16, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 16, 2024 –  Huwebes


    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo: JUAN 17, 20-26

    Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at

    nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang
    nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama
    ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi
    kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at
    ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.”

     

    Pagninilay:

    Sa ilang taon ko bilang conductor ng isang parish choir, ang isa sa mga pinakamahalagang kasanayang dapat matutunan ng bawat miyembro ay ang unison

    singing o ang pagkakanta ng sabay-sabay ng iisang himig. Iba ang ganda at kilabot-effect ng isang grupo ng magkakaibang mga tao at tinig ay nagkakaisa.
    Ayon pa nga sa mga siyentipikong pag-aaral, kapag ang koro ay kumakanta, maging ang kanilang paghinga at pagtibok ng puso ay nagiging isa! Iisang himig, iisang
    tinig, iisang pusong pumipintig! Ito mismo ang
    panalangin ni Hesus para sa lahat ng nananampalataya sa Kanya: ang pagkakaisa na nakaugat sa pagmamahalan nila at ng Ama. Walang ibang hangarin ang umiibig
    kundi ang laging makapiling ang iniibig, kaya isinugo ni Hesus ang Espiritu Santo, ang pag-ibig ng Ama at ng Anak, upang kahit ngayon ay maransanan natin ang mamuhay sa pagmamahal. Kung gayon, iisa lamang pala ang tibok ng puso natin at ng puso ng Diyos!

    Mga kapanalig, maraming pagkakataong susubukin ang pagkakaisang pinapangarap ni Hesus para sa atin. Sa

    tuwing natutukso tayong makita lamang ang kahinaan ng isa’t isa, nawa’y hilingin nating mapalalim ang ating pananatili sa puso ng Diyos upang mapanibago ang ating pananaw at lumawak ang ating pag-unawa. Kapag kay Hesus tayo naka-focus, hindi magwawagi ang pag-aaway; pagkakaisa ang bonus basta’t pag-ibig ay tunay.    

     

    5 min
  • A Thought A Day | May 16, 2024

    A Thought A Day | May 16, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280-


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Isidore, the farmer l Patron Saint of ALL Farmers | May 15

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Isidore, the farmer l Patron Saint of all Farmers | May 15

     

     

    There are two famous saints by the name of Isidore, one

    is the Archbishop of Seville, and the other is Isidore, the farmer. We shall speak today about St. Isidore, the farmer or laborer. He is also called San Isidro de Labrador.  St. Isidore, whose real name is Isidro Quintana de Merlo was born in Madrid from poor but devout Catholic parents and was baptized with the name of St. Isidore of Seville. As a young boy, he learned from his parents that devotion to God is the most important duty, followed by helping one’s neighbors. At an early age he was at once employed as a farm help in the vast estate outside the city of San Juan de
    Vargas. He was humble, kind and charitable. Early every morning, he would go to church to attend Mass and he had the habit of visiting the churches around Madrid. Isidore married Maria Torribia known in Spain as Santa Maria de la Cabeza. (Her canonization is still to be confirme). The couple had one son who later died in his youth. It is related that when this son was just a small boy, he fell into a deep well, and his parents prayed hard for his safety. Miraculously, the water of the well rose to
    the level of the ground bringing the child with it. The couple was greatly thankful to God, and in thanksgiving vowed sexual abstinence and lived in separate
    houses. Isidore continued his farm work but he would often come late for work so the other farm helps complained about it to their master. When the master
    went to the fields to investigate, he found that an angel was ploughing the field while Isidore was in deep sleep. The master therefore concluded that angels were helping Isidore that’s  was why his part of the field was two times better and fruitful than those of his companions. Other miracles happened even while Isidore was still alive. Before he and his wife vowed (abstinence) continency and took separate lodgings, Maria always kept stew on their humble fireplace for the poor people Isidore would
    bring home to feed. One day, he brought more people and the stew Maria prepared was not enough. Isidore told her to check the pot again, and behold there was enough stew and they were able to feed everyone. On another occasion, when Isidore was going to the mill to ground wheat for their consumption, he saw a flock of pigeons scratching vainly for food but there was none because it was snowy. Isidore poured half of the wheat in his sack and the birds enjoyed their meal. Those who saw him laughed and mocked him for such stupidity. However,
    when he reached the mill, the bag was full again and when it was milled, it produced double the expected amount of flour. Other miracles happened while he was still alive and more after his death. St. Isidore died on May 15, 1130. He was beatified on May 2, 1619 by Pope Paul and was canonized on March 12, 1622. He is venerated as the patron saint of Madrid, of farmers, peasants and of the
    US National Catholic Life Conference. Many churches in the Philippines are named after him.

    Virtue: piety, humility, charity, generosity, continence, confidence

    Prayer: “Pray for us St. Isidore that we may love God the way you did and our neighbors as ourselves.”


    5 min
  • Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules

    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


     

    Ebanghelyo: JUAN 17:11b-19

    Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Wala na ako sa

    mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila
    gaya natin. “Nang kasama nila ako, iningatan ko sila sa Ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili; marapat ngang maganap ang Kasulatan. At ngayon, bago ako pumunta sa iyo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. “Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang mundo sapagkat hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, kundi pangalagaan mo sila sa masama. “Hindi sa mundo sila galing, gaya nang hindi ako sa mundo galing.
    Pabanalin mo sila sa katotohanan. Ang wika mo ay katotohanan. Kagaya nang ako’y sinugo mo sa mundo, gayundin naman sinugo ko sila sa mundo. At alang-alang sa kanila’y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.”

     

     

    Pagninilay:

    Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Isidro Labrador, isang magsasaka at patron ng mga magsasaka. Bago pumunta si Isidro sa kanyang sinasaka ay nagsisimba muna sya kaya tanghali na syang dumarating sa farm. Dahil dito isinumbong sya ng kanyang kapwa manggagawa sa kanilang landlord.  Nagsurprise visit ang landlord sa farm upang alamin ang katotohanan. Wala nga si Isidro pero may anghel na nag-aararo habang nagsisimba si Isidro. Kaya po makikita natin sa imahen ni San Isidro ang anghel at kalabaw. Kapanalig, ito ang sinasabi ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Hindi

    dahil tagasunod nya, ligtas na sa mapang-usig na mundo. Darating pa rin ang mga problema at pagtitiis sa buhay natin subalit kung tayoý na kay Cristo pupunuin
    Nya tayo ng grasya na makayanan at malagpasan ang mga ito. Usigin man tayo ng mundo dahil sa pagsunod sa Kanyang mga utos, ang kapayapaan at galak sa ating
    mga puso ay hindi maglalaho. Hingin natin ang panalangin ni San Isidro na manatili rin tayong tapat kay Hesus.

    -Sr. Lourdes Ranara, fsp l Daughters of St. Paul




    5 min
  • A Thought A Day | May 15, 2024

    A Thought A Day | May 15, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes

    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay



    Ebanghelyo: Juan 15, 9-17

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang

    kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa
    pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing
    na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo
    ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin Kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at
    manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”

    Pagninilay:

    "Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo, at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo."

    Katulad ng labindalawang apostol na nauna sa kanya, pinili din at hinirang ng Diyos si San Matias na maging malapit na tagasunod ni Kristo. Sa apostolic exhortation

    ni Pope Francis na pinamagatang Gaudete et Exsultate (Magsaya at Magalak) sinabi niya, na hindi kailangang maging obispo, pari o madre para maging banal. Madalas
    kasi, iniisip natin na ang kabanalan ay para lang sa mga taong lumalayo sa mundo para magdasal nang buong araw. Hindi po! Tinatawag tayong maging banal sa
    pamamagitan ng pamumuhay na punung-puno ng pagmamahal, at sa pagpatotoo sa mga aral ni Kristo saan man tayo naroroon.  May asawa ka ba? Maging banal ka sa pagmamahal at pag-aaruga sa iyong asawa gaya ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan. Nagtatrabaho ka ba? Maging banal ka sa pagsisikap na magawa ang trabaho mo nang may katapatan at buong galing, bilang serbisyo mo sa buong mundo. Isa ka bang magulang? Maging banal ka sa pagmamahal mo at pagtuturo sa mga anak mo kung paano sumunod kay Jesus. Nasa posisyon ka ba ng kapangyarihan? Maging banal ka sa pagtataguyod ng ikabubuti ng mas nakararami, at sa pagtalikod sa anumang bagay na makasarili. Digital creator ka ba o social media user? Gamitin mo ang kakayahan mo sa pag-spread ng
    katotohanan at pag-asa, hindi ng tsismis at puro nega.  Sundan natin ang halimbawa ni San Matias na nagpalaganap ng salita ni Kristo hanggang sa maging martir siya para sa Panginoon. San Matias, ipanalangin mo kami.

    5 min
  • A Thought A Day | May 14, 2024

    A Thought A Day | May 14, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes

    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Juan 16: 29-33

    Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang

    nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na naming ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo.
    Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito’t parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n’yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n’yo ang loob, nagtagumpay ako sa
    mundo.”

     

     

    Pagninilay:

    Maraming uri ng pagsubok ang dumarating sa ating buhay. Marami tayong mga balita na nababasa at naririnig tungkol sa maraming klase ng violence na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Minsan ito ay nagaganap

    rin mismo sa sariling pamilya, sa komunidad, o sa ating lipunan. Sa ngayon, may mga bansang katulad ng Ukraine at Russia, Israel at Hamas na patuloy pa rin ang
    giyera. Marami nang tao ang namatay, nasugatan, mga pamilyang nagkawatak-watak, mga infrastructures at important landmarks na nasira, dahil lamang sa walang saysay na giyerang ito. Kapanalig, ang kapayapaan ay matatamo lamang natin kung ang ating puso at kalooban ay malapit na kaisa ni Hesus. Ang kawalan ng kapayapaan ay di lamang nangyayari kung may mga physical violence na nagaganap sa buhay. Pero puede rin tayong mawalan ng kapayapaan kapag ang ating puso ay puno ng poot sa ibang tao at wala nang puwang ang pag-ibig ng Diyos.
    Ang negative na gamit ng social media ay nagiging hadlang rin para manahan ang kapayapaan sa ating puso. Sa kabila ng mga kaguluhan at mga pagsubok na
    dumarating sa buhay natin, sikapin nating maging kaisa ni Hesus sa bawat sandali para Manahan sa ating puso at kalooban ang tunay na kapayapaan na tanging siya lamang ang makapagbibigay.

     

    4 min
  • A Thought A Day | May 13, 2024

    A Thought A Day | May 13, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 12, 2024 - Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 12, 2024

    Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay        

    Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon

    Araw ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan

               

    Ebanghelyo: Marcos 16,15-20

    Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan,

    magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon
    at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.

     

    Pagninilay

    Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin kung papaano kinatagpo ni Hesus ang kanyang mga alagad sa Galilea at inatasan sila: “Humayo kayo sa buong mundo at

    ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.” Sa Galilea sila unang tinawag, sa Galilea din sila isinusugo. Ang tawag ng Simbahan ngayon ay ang “New Evangelization”. Sabi ni Papa San Juan Pablo II, sa kanyang liham ensiklikal na Redemptoris Missio, may tatlong katangian daw ang Bagong Ebanghelisasyon: bagong paraan, bagong pagpapahayag, at bagong sigla. Sabi naman ni Papa Francisco, ang Bagong Ebanghelisasyon ay nangangailangan ng personal na pakikilahok ng bawat isa sa mga binyagan. Tayong
    lahat ay mga disipulong isinusugo, mga missionary
    disciples.  Ang bawat Kristiyano na nakaranas ng pag-ibig ng Diyos kay Hesukristo ay misyonero.  Mga kapanalig, tandaan natin, katulad ng mga alagad na kinatagpo ni Hesus sa Galilea bago siya umakyat sa langit, tayo rin
    ay kanyang isinusugo upang ipangaral ang Magandang Balita”.

    -      Fr. Rolly Garcia

     

    4 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.