Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 18-21
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin ninyo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa
kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang
May mga taong ang tiwala at pag-asa ng kanilang buhay ay nakasalalay lamang sa kanilang kapangyarihan at kayamanan. Nabubuhos ang buong kalooban sa
pag-tatamo ng mga materyal na bagay, hindi ma-satisfy kahit napakayaman na, patuloy pa rin ang pagnanasa na magkamal nang mas marami pang kayamanan. Ang
mga materyal na bagay ba, kapangyarihan at katanyagan ay makapagbibigay ng kaligayahan sa atin? Siguro marami sa atin, ang isasagot ay oo, pero anong klaseng kaligayahan? Panandalian lamang. Dahil ang mga ito ay ang kaligayahang ibinibigay ng mundo. Hindi nakaugat sa pag-ibig na nagmumula sa Diyos. Ang sabi nga ni Hesus sa Mabuting Balita na narinig natin: “kung tayo’y taga-sanlibutan, mamahalin nito tayo…” Kapanalig, napakalaking temptation talaga na ilaan natin ang buong puso at kalooban sa materialistic pursuits, to the point na nakalimutan na natin kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw. Ani Hesus, “kung ‘di tayo taga-sanlibutan, kapopootan nito tayo.” Ang ibig sabihin, kung ibibigay
natin ang buong puso at kalooban sa pagsunod sa mga yapak ni Hesus dito natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan, pero maging handa tayo kung makaranas
tayo ng persecution at kapootan ng mundo. Maraming uri ng persecution ang nangyayari sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa ating panahon ngayon. Merong mga
taong hina-harass at binu-bully ng mga matataas at ng may kapangyarihan sa lipunan dahil sa kanilang pagtulong sa mga mahihirap at inaapi. Marami ding mga Christians ang pine-persecute dahil sa pagsasabuhay nila ng kanilang pananampalataya. Talamak din ang pambu-bully na nagaganap sa social media lalo na kung ang ating
prinsipyo at paniniwala ay taliwas sa kalakaran ng mundo. May mga taong ayaw ng katotohanan, mas gugustuhin pa ang mamuhay sa kadiliman at kasinungalingan. Pero sabi ni Hesus, huwag matakot kung tayo man ay makaranas ng mga panlalait at pag-uusig, dahil ganoon din ang ginawa sa kanya.
- Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughter's of St. Paul