PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 - – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

    Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko

    Ebanghelyo: Lucas 2:22-35

    Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa
    Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at maka-Diyos ang taong iyon. Hinihintay n’ya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi s’ya mamamatay hangga’t hindi n’ya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya.

    Pagninilay:

    Maligayang Pasko sa inyong lahat!  Ngayong ika-limang araw ng

    Octave of Christmas, narinig natin sa Mabuting Balita ang
    pagtungo nina Jose at Maria sa templo ng Jerusalem, kasama ang sanggol na si Hesus, upang tuparin ang seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises. Sa templo, nakatagpo nila si Simeon isang lalaking matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nang makita ang sanggol, napabulalas si
    Simeon at nagpuri sa Diyos: “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng
    bansa”.   Mga kapanalig, tinuturuan tayo ni Simeon ng isang mahalagang aral. Ito ay ang halaga ng pananampalataya at pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Ganap na nagtiwala si Simeon na ang Tagapagligtas ay darating, at nangyari nga ito.  Anong biyaya ang natanggap mo ngayong Pasko?  Anong kahilingan mo ang ipinagkaloob ng Diyos?  Anong pangako
    ang kanyang tinupad sa iyong buhay?  Katulad ni Simeon, magpasalamat tayo at magpuri sa Diyos dahil sa kanyang katapatan at pagmamahal sa atin. 

     

    -FR. ROLLY GARCIA JR.

    4 min
  • A Thought A Day | December 29, 2023

    A Thought A Day | December 29, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan

    Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan

    Ebanghelyo: Mateo 2: 13-18

    Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin mo ang

    sanggol at ang kanyang  ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya inutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”

     

    Pagninilay:

    Kumusta po ang Pasko ninyo? Nawa’y naging masaya ito at

    payapa kasama ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Umawit ang mga anghel noong unang Pasko ng “Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban!” Pero hindi kapayapaan ang naging tugon ni Herodes,
    kundi galit at kalupitan. Ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito, mula sa gulang na dalawang taon pababa. Hindi ba ganyan din ang nangyayari ngayon? Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Prinsipe ng Kapayapaan, libu-libong mga bata ang namamatay sa Israel at sa
    Gaza, dahil sa digmaan. “Tinig ng pananangis at ng malakas na panaghoy” ang maririnig doon. Maraming tao ang nagdurusa dahil sa maling paggamit ng kapangyarihan.  Ano ang nararamdaman mo sa pagkakataong ito? Nakikita mo ba ang kawalang-katarungan sa mundo sa paligid mo? Ano ang sinasabi at ipinagagawa ni Hesus sa iyo? 

     Manalangin tayo: Panginoon, buksan Mo ang aking puso, sa mga pamilyang nahaharap sa kalungkutan. Gabayan Mo ako, upang magbigay ng saya sa gitna ng kanilang luha, at nang masumpungan ka, ang Emmanuel, ang Diyos na lagi naming kasama. Amen.

     -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter’s of St. Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | December 28, 2023

    A Thought A Day | December 28, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista

    Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista

    Ebanghelyo: Juan 20:1a, 2-8

    Patakbong pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus si Maria Magdalena. Sinabi n’ya sa kanila, “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya

    sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig sa pagkakataong ito, inaanyayahan tayo na suriin ang ating sarili. Hanggang saan ang ating paniniwala sa Diyos? Naniniwala ba tayo na buhay ang Diyos? Naniniwala ba tayo na kaya Niyang gawin, kahit pa ang pinaka imposibleng bagay?  Naniniwala tayong may Diyos, na sinugo ng Diyos si Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, at pagkalooban tayo

    ng buhay na walang hanggan, sa kabila ng kamatayan. Kung hindi tayo natatakot na mamatay, ito ang ating panghawakan. Ito rin ang pinanghahawakan ng mga taong hindi natatakot mamatay. Nagtitiwala sila na madaratnan nila ang mas maganda, mas mapayapa at mas maligayang buhay kasama ang Diyos. Nawa’y ito rin ang ating panghawakan.   Tulad ni San Juan, dapat nating palalimin ang ating pananampalataya. Magnilay tayo sa ating mga
    buhay, kung paano kumikilos ang Diyos.  At hari nawa’y, maging Malapit tayo sa Kanyang mga salita na ating naririnig at pinagninilayan.

     Manalangin tayo:  Panginoon, tulad ni San Juan turuan mo po kami na lumalim pa ang aming pananampalataya sa Iyo upang makapamuhay kami ayon sa iyong kalooban. Amen.

     

    -MS. RONALYN DE GUZMAN – Lector Commentator, Minor Basilica of Saint Dominic – San Carlos City, Pangasinan

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | December 27, 2023

    A Thought A Day | December 27, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martesl Kapistahan ni San Esteban l unang martir

    Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martes l Kapistahan ni San Esteban l unang martir

    Ebanghelyo: Mateo 10:17-22

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat sa mga tao, ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan Ninyo. Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas kayo

    maliligtas.

     

    Pagninilay:   

    Kahapon, ipinagdiwang natin ang pagsilang ni Hesus sa

    sanlibutan, isang pagdiriwang na punong-puno ng kasiyahan. Ngayon naman, ipinagdiriwang ng Inang Simbahan ang kapistahan ni San Esteban, Unang Martir. Marahil, itatanong natin, bakit ganun, kahapon ang saya-saya, kasi pagsilang ang ating ipinagdiwang, tapos ngayon, kamatayan agad? Pero kung tutuusin, hindi kamatayan ang ating ipinagdiriwang sa kapistahang ito ni San Esteban, kundi ang kanyang pagsilang sa walang hanggang buhay. Oo, ibang uri ng pagsilang. Pagsilang
    ito sa buhay na walang hanggan na kung saan, makakapiling natin ang Panginoong Diyos magpakailanman. At iyon ang dahilan, kung bakit isinilang si Hesus na katulad natin. Nang sa gayon, maipakita sa atin ang tamang daan patungo sa Ama sa langit, at tubusin tayo sa ating mga kasalanan.  Mga kapanalig, narinig natin sa Mabuting Balita, ang mga pagsubok na mararanasan at titiisin ng mga tagasunod ni Hesus. Ang mga pagsubok na ito ay naranasan ni San Esteban, at ng marami pang mga tagasunod
    ni Hesus, mga banal at mga martir na nag- alay ng kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya at pagsasabuhay sa Mabuting Balita.   Gayundin naman sa panahon natin ngayon. Maraming mga Katoliko Kristiyano ang nakararanas ng persecution at nagiging marginalized, sa lipunang kanilang kinabibilangan,
    dahil vocal sila sa kanilang pananampalataya, at hindi nila itinatago ang pagsasabuhay nito. Minsan, ang pang-uusig ay ginagawa sa mga banayad na paraan, pero ramdam mo na ginigipit o inuusig ka. Meron ding mga pagkakataon, na ang
    pag-uusig ay hayagan, at nauuwi sa pagbubuwis ng buhay. Marami na ring beses na nangyari ang ganito, lalo na sa mga bansang minoridad ang Kristyano, at ipinagbabawal ang pagsasabuhay ng pananampalatayang katoliko. Sa harap ng ganitong sitwasyon, nawa'y mabigyan tayo ng lakas at pag-asa ng mga salita ni Hesus: “huwag mabahala, sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.” Amen

     -SR. PINKY BARRIENTOS, FSP

     

    5 min
  • Walking with the Saints l Feast of St. Stephen, Patron Saint of all Deacons l December 26

    Walking with the Saints l Feast of St. Stephen, Patron Saint of all Deacons l December 26



    If we do not know the story of St. Stephen and we see his statue for the first time, we might be surprised to see why he is carrying stones, or in  other representations, he has a stone on each shoulder and one on the head. St. Stephen was born in 5 B.C. and died in 34 A.D. Since his name “Stephanos” is Greek, it is assumed that he was a Hellenistic (Greek) Jew, who converted to Christianity.  According to the Acts of Apostles, he was one of the seven deacons appointed by the Apostles to distribute food and aid to poorer members of the Christian community. They were chosen due to the dissatisfaction of the Greek speaking Jews, saying that the Hebraics were given

    preference in the distribution of food and aid. Stephen was the eldest and was called “archdeacon.” Being full of faith and the Holy Spirit he performed miracles among the people and he went around preaching in various synagogues about Jesus Christ. His sermons enraged the Jewish Cyrenian, Alexandrian and Cilician
    groups who challenged his teachings, but he defeated them in debate. They were humiliated and accused Stephen of preaching blasphemy against Moses and God.

    His accusers dragged him to the Sanhedrin but Stephen looked unperturbed, and his face shone “like that of an angel.” Before the Sanhedrin, the legal judges of the Jews, Stephen presented his view of the history of Israel and the stories of the patriarchs and mentioned Israel’s disobedience to God. He disproved their disbelief in Jesus Christ and assured them that Jesus came to

    fulfill the customs of Moses and not to destroy them. Stephen also accused the Jews for being stiff-necked and murderers of the prophets. With this the crowed became more enraged, and began to stone him. But Stephen looked up and cried: “Look, I see heaven open and the son of Man standing on the right hand of God.” More people picked up stones to kill him. They laid their coats at the feet of a young man named Saul of Tarsus, the Roman citizen, who later converted to Christianity and became St. Paul, the Apostle. Stephen prayed that the Lord would receive his spirit and forgive his killers. He then fell to his knees and died. After his death, his companions fled to Antioch and to other distant places.

    Speaking about St. Stephen, Acts 8: 2 says: “Godly men buried Stephen and mourned deeply for him.” The location for his stoning must have been either on the northern gate or the eastern gate of Jerusalem. Where he was buried was not recorded. In

    415 a priest named Lucian proclaimed that he dreamt where the remains of St. Stephen were buried in Beit Jimal, Jerusalem. Later, and  they were brought to the Church of Hagia Sion
    on December 26, which became his feast day. In 439, the relics were translated to a church north of the Damascus Gate. The relics were finally transferred to Rome by Pope Pelagius II during the construction of the Basilica of San Lorenzo fuori le mure. There, he was interred with the remains of St. Lawrence. Many churches around the world have been built in honor of St. Stephen. In the Roman Catholic Church, December 26 is “St. Stephen’s Day.” 
    Virtues: piety, humility, innocence, honesty, bravery, fortitude and integrity

    Prayer:

    “St. Stephen, pray for those whose faith in God and the Trinity are being attacked by doubts and perverse teachings.”

    Reflection:

    Am I ready to face persecution because of my Christian faith?



    6 min
  • A Thought A Day | December 26, 2023

    A Thought A Day | December 26, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

    Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

    Ebanghelyo: Juan 1:1-18

    Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya,

    walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa
    pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n’ya nagawa ang mundo. Hindi s’ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s’ya pumarito at hindi siya tinanggap
    ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Jesucristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang
    katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.

     Pagninilay:

    Sa wakas dumating na ang pinakahihintay nating araw ng

    Pagsilang ng ating Panginoon.  Kaya kahit puyat tayo sa midnight Mass, mahalagang magsimba pa rin tayo sa araw na ito bilang pasasalamat sa Panginoong Hesus na unang nagbigay ng Kanyang Sarili noong Unang Pasko.  Nagkatawang tao ang
    Diyos upang mamuhay kasama natin, para tubusin tayo sa kasalanan. Hindi ba isa itong dakila at napakalaking regalo mula sa Diyos? Pinawi ng Diyos ang dilim at pagkatakot na bumabalot sa ating mundo sa pamamagitan ng pagsilang ng Ilaw ng
    Sanlibutan, si Hesus-Emmanuel, Panginoon at Diyos na laging sumasaatin.   Dahil sa pasko, nagkaroon ng ibayong pag-asa
    ang sangkatauhan.  Hindi nananaig ang kadiliman dahil dumating ang Salita ng Diyos at nagkatawang tao na siyang Liwanag ng sanlibutan.  Dahil sa pasko, alam nating tunay tayong minamahal ng Diyos.

    Manalangin tayo.  O Diyos Amang Mapagmahal, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa araw na ito ng Pasko, kung saan sinasariwa namin ang kapanganakan ng Iyong kaisa-isa at pinakamamahal na Anak na si Hesus sa aming piling. Tanda

    ng Iyong wagas at dakilang pagmamahal sa bawat isa sa amin.  Salamat po sa pagpadala Mo sa amin ng Iyong Anak na si Hesus, ang katuparan ng Iyong pangakong Tagapagligtas.  Sa pagdiriwang po namin ngayon ng Pasko ng Pagsilang ng Iyong Anak, magdulot nawa ito sa amin ng panibagong pag-asa na
    kailanman, hinding-hindi mo kami iiwan at pababayaan, lalo na sa matitinding pagsubok sa buhay.  Salamat po, O Diyos Ama.  Salamat po.  Amen.

     

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.