PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Nobyembre 23, 2023 – Huwebes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 23, 2023 – Huwebes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 19:41-44

    Nang malapit na siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Hesus: “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. Iguguho ka nila sa iyong mga anak at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ang pangalan ng lungsod ng Jerusalem ay may pagkakaugnay sa salitang kapayapaan.  Ang nakakalungkot, tila

    hindi pinahahalagahan ng mamamayan nito ang pagkamit ng kapayapaan.  Katunayan, tinanggihan nila at hindi kinilala ang tagapaghatid ng tunay na kapayapaan na nagmula sa Langit, walang-iba kundi ang Panginoong Hesus.  Ang katigasan ng
    puso ng mga taga-Jerusalem, ang nagpaiyak kay Hesus.  Umiyak Siya, hindi dahil naawa Siya sa Kanyang sarili; kundi naawa Siya sa mga taong ayaw magbukas ng puso sa pagmamahal ng Panginoon at sa kapayapaang handog ng pagmamahal na ito.  Tinanggap nga Siya ng mga tao noong pumasok Siya sa lungsod ng Jerusalem, pero hindi bilang tagapaghatid ng kapayapaan,
    kundi bilang isang mandirigma na inaasahan nilang magpapalaya sa kanilang pagka-alipin mula sa mga kamay ng Romano. 
    Pero hindi iyon ang misyon ng Panginoong Hesus.  At dahil dito, nagsimula na silang magalit sa Panginoon at gumawa ng mga paraan upang Siya’y ipapatay.  Ang mga pangyayaring ito sa buhay ng Panginoon ay patuloy pa ring nangyayari ngayon sa ating panahon. Mayroon tayong sariling plano sa buhay; at kahit ang Diyos ayaw nating makikialam.  Para bang tayo ang may kontrol ng lahat; at kung hindi natin makakamit ang gusto natin, nagrereklamo tayo at sinisisi ang Diyos.  Mga kapatid, nais natin ng kapayapaan, pero ayaw naman nating tanggapin ang inihahandog na kapayapaan ng Panginoon. Ito’y sa dahilang nais din nating makamit ang inihahandog ng mundo, na kalimitang naghahatid sa atin ng kaguluhan ng isip at sakit ng puso.  Manalangin tayo:  Panginoon, hangad ko pong maghari ang Iyong kapayaan sa aking puso, nang maging tagapaghatid din ako ng kapayapaan sa iba.  Sikapin ko nawa laging iayon ang aking buhay Sa’yong mahal na kalooban, nang makamit ko ang tunay na
    kapayapaan.  Amen.


    5 min
  • A Thought A Day | November 23, 2023

    A Thought A Day | November 23, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 22, 2023 – Miyerkules l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 22, 2023 – Miyerkules l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 19:11-28

    Malapit na sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya'y agad na ipakikita ang Kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad sa kanila ni Hesus. Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pumunta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig-iisang baryang

    ginto at sinabi sa kanila: 'Ipagnegosyo ninyo ito hanggang sa aking pagbalik.’…Gayon pa ma'y bumalik siya pagkahirang bilang hari. Ipinatawag niya ang mga katulong na binigyan niya ng baryang ginto para malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. Humarap ang una at sinabi: 'Panginooon, tumubo pa ng sampu ang barya mong ginto.’ Sumagot siya: 'Magaling, mabuting utusan; dahil naging tapat ka sa maliit na bagay, mapamamahala kita sa sampung lunsod.'…Dumating ang isa pa at sinabi: 'Panginoon, narito ang iyong baryang ginto. Binalot ko ito sa
    isang panyo at itinago. Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinukuha mo ang di mo idineposito at inaani ang di mo inihasik.' Sinabi sa kanya ng panginoon: 'Masamang utusan, sa sarili mong mga salita kita hahatulan. Alam mo palang mapaghanap ako, na kinukuha ko ang hindi ko idineposito at
    inaani ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo idineposito sa bangko ang aking baryang ginto? At makukubra ko sana iyon pati na ang interes pagbabalik ko.' At sinabi niya sa naroon: 'Kunin sa kanya ang baryang ginto at ibigay sa may sampu.' …‘Sinasabi ko sa inyo: bibigyan ang meron pero aalisan ang wala, kahit na ang meron siya ay kukunin sa kanya. Ngunit dalhin n'yo rito ang aking mga
    kaaway na ayaw akong maghari sa kanila at patayin sa harap ko.'” Pagkasabi nito, umuna si Hesus sa kanila pa-Jerusalem.


     Pagninilay:

    Ang isang bagay lalo’t hindi pinaghirapan, madalas hindi pinanghihinayangang mawala o maubos. Pero kung ang bagay o ari- arian man ay pinaghirapang makamtan, hindi mo ito basta-basta wawaldasin o itatapon. Ang Mabuting Balita ay usapin tungkol sa pagpupunyagi, pagsisikap at pagtitiwala. Nakita natin

    na pinagkatiwaan ang mga utusan ng kanya- kanyang bilang ng salaping ginto. Sa una, ang ginto ay nagtubo ng sampu.  Sa ikalawa, lima naman ang tinubo. Sa ikatlo, dahil sa takot sa Panginoon ay itinago ang ginto at wala itong tinubo. Ang tatlong utusan ay pinagkatiwaan, pero iba iba ang kanilang naging sulit sa Panginoon.  Mga kapanalig, kung minsan, ang takot ay nagiging
    hadlang sa ating paglago at pag- unlad tulad ng nangyari sa ikatlong utusan. Maging matatag nawa tayo sa mga gawaing ipinagkatiwala sa atin. Gamitin nawa natin ang lahat ng talino, husay at angking lakas upang lumago sa ating buhay.

    Manalangin tayo:  Panginoon tulungan Mo po kaming gamitin ang angking talino at lakas upang magampanan namin ang anumang ipinagkatiwala Mong gawin namin dito sa lupa nang naaayon sa Iyong banal na kalooban. Maging masikap nawa kami sa pag-unlad ng buhay upang makapagbigay kami ng maayos na sulit sa Iyong harapan. Amen

     

    Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

     


    6 min
  • A Thought A Day | November 22, 2023

    A Thought A Day | November 22, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    8 min
  • A Thought A Day | November 29, 2023

    A Thought A Day | November 29, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 21, 2023 – Martes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mateo12:46-50

    Nagsasalita pa si Hesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. Kaya may nagsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makausap.” Sumagot si Hesus: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. Ang nagsasagawa ng kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.”


    Pagninilay:

    Ayon sa tradisyon ang pangalan ng mga magulang ng ating Mahal na Birheng Maria ay sina Sts. Joachim at Anne. Kahit na matagal na silang mag-asawa, hindi sila mabiyayaan ng isang anak dahilan sa baog si Sta. Ana. Dahil sa masidhing kagustuhang magka-anak

    pumunta si San Joaquin sa Templo at humiling na magka-anak. Matapos ay tumungo’t nanatili sya sa iisang lugar upang walang tigil na manalangin. Malungkot si Sta. Ana, hindi niya makita ang kanyang asawa. Alam niya ang dahilan. Kaya naman, siya rin ay nanalangin at nangako sa Diyos. “Panginoon, kung ako ma’y bibiyayaan mo ng isang anak, siya’y iaalay ko upang iyong maging lingkod.” Matapos ang kanilang masidhing panalangin, nagpakita ang anghel ng Panginoon sa mag-asawa at binalitang sila’y bibiyayaan ng anak. Masaya sila sa pagdating ni Maria, kaya noong siya’y tatlong taong gulang, si Maria ay inialay sa templo,
    bilang pagtupad sa pangako ng kanyang Inang si Sta. Ana.

    Mga kapanalig, sa tuwing tumatanaw tayo ng biyayang buhat sa Diyos, namang iba pang masasabi ang puso kundi magpasalamat.

    Matuto tayo sa pamilya nina Sta. Ana, Maria at San Joaquin—ang kani-kanilang buhay na kapwa itinalaga para sa Diyos. Dahil, kung tayo rin ay mag-aalay ng buhay tulad nila, walang ibang salitang sasambitin ang ating mga puso kundi—salamat!

    -       CL. VINZ AURELLANO, SSP l Society of St. Paul

    4 min
  • A Thought A Day | November 21, 2023

    A Thought A Day | November 21, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 20, 2023 – Lunes l Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Lucas 18:35-43

    Nang malapit na si Hesus sa Jerico, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, itinanong niya kung bakit. At may nagsabi sa kanya: “Sina Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan.”

    Kaya sumigaw siya: “Hesus, Anak ni David, maawa ka sa akin.” Pinagsabihan siya at pinatahimik ng mga nauuna pero lalo naman niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin.” Kaya tumigil si Hesus at ipinadala ang bulag sa kanya at nang malapit na ay itinanong: “Anong gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi nito: “Panginoon, makakita sana ako.” At sinabi ni Hesus: “Manumbalik ang paningin mo, iniligtas ka ng iyong pananalig.” Agad siyang nakakita at niluluwalhati ang Diyos na sumunod kay Hesus. At nagpuri sa Diyos ang lahat ng nakakita rito.

     

    Pagninilay:

    Mahirap maging bulag.  Bukod sa napapagkaitan siya ng ganda ng paligid, kailangan niya ng gabay para umakay sa kanya. Kaya naman mistulang nanlimos ng paningin ang bulag. Humiyaw siya nang may pagmamakaawa. Habang sinasaway siya, lalo siyang nagsusumamo. Kaya nang lumapit sa kanya ang ating Hesus Maestro, nagmakaawa siya. Iisa lang ang hiling niya. “Bigyan n’yo po ako ng paningin”. Mulat siguro tayong lahat tungkol kay Ate Elvie na nabulag dahil minaltrato ng kanyang mga amo. Ganundin sa isang pulis na hinataw ng isang police colonel gamit ang kopita.  Natamaan sa mata. Nabulag. Nakakadepress ang mawalan ng paningin, di ba? Paano na lang kung ang pagtingin natin sa Diyos ang mabulag? Lunod na tayo sa kinang ng yaman, sa pagkalugod sa edukasyong natanggap at kabantugan ng propesyon, sa security ng kapangyarihan at katanyagan. Minsan,

    may nagsabi sa akin na “unless na hindi ko feel, hindi ako magsisimba. Parang wala kasi akong nakikitang hiwaga.” Mayroon din na sa hapag-kainan, home-cooked man ang pagkain o inorder online, nakakaligtaan nang handog ito ng Diyos at wala nang prayer before and after meals. Tandaan natin ang sinabi ni Antoine di Saint Exupery. “It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eyes.” Kaya’t humingi rin tayo ng tawad sa mga panahon na wala tayong nakikitang kahulugan sa tinitingnan natin. Ipagsumamo rin natin sa ating Hesus Maestro na bigyan ng liwanag ang paningin ng ating puso. Bigyan din ng alab ng pananampalataya ang ating kalooban. Naniniwala ako na hindi pa tayo humihiyaw ng “Panginoon, maawa ka sa akin.” iginagawad na Niya sa atin ang Kanyang sariling mapagmahal na paningin.   

     

    Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

     


    5 min
  • A Thought A Day | November 20, 2023

    A Thought A Day | November 20, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 19, 2023 – Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 19, 2023 – Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Mateo 25, 14-15. 19-21

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipagpalagay natin na may isang tao, na bago mangibambayan ay tinawag ang kanyang mga katulong at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang mga ari-arian. Limang talentong pilak ang ibinigay niya sa una, dalawa naman sa isa pa, at isa sa pangatlo, batay sa kaya ng bawat isa. At saka umalis. Pagkaraan ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga katulong na ito at hiningan sila ng pagsusulit. Kaya lumapit ang nakatanggap ng limang talento dala ang tinubong lima pang bareta. Sumagot ang amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa

    kaligayahan ng iyong panginoon.’ Sa bandang huli, dumating ang nakatanggap ng isang talento at nagsabi: ‘Panginoon, alam kong mahigpit kang tao, inaani mo ang di mo itinanim at nililikom ang hindi mo ipinagnenegosyo, natakot ako kaya itinago ko yong talento sa lupa. Heto ang sa iyo.’ Ngunit sinagot siya ng
    kanyang amo: ‘Masama at walang kuwentang katulong. Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim at nililikom ang hindi ko ipinagnenegosyo. Sana’y dinala mo sa bangko ang aking pilak at mababawi ko ang sa akin pati na ang tubo pagdating ko. Kaya kunin ang talento sa kanya at ibigay ito sa may sampu pa. Sapagkat sa sinumang meron, bibigyan pa s’ya at magkakaroon ng sagana, ngunit ang wala, maging ang sa kanya ay aagawin sa kanya. Para sa walang silbing katulong, itapon siya sa dilim kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin.’”

     

    Pagninilay:

    Ngayong Linggo ay World Day of the Poor. Inaanyayahan tayo ni

    Pope Francis na ilaan ang araw na ito para sa pananalangin at pagtulong sa mga kapatid nating dukha.  Sa ating Mabuting Balita ngayon, ipinaliwanag ni Hesus ang kahalagahan ng wastong paggamit ng ating mga talento at yaman sa pamamagitan ng isang talinghaga. Tulad ng mga tauhan sa talinghaga, binigyan tayo ng Diyos ng mga biyaya, hindi lamang para sa ating sariling kapakanan, kundi upang maglingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Sa pagdiriwang natin ng World Day of the Poor, inaanyayahan tayo na maging mas sensitibo sa mga pangangailangan ng mga maralita sa ating paligid. Ito ay pagkakataon natin na ibahagi ang ating yaman at kakayahan, sa mga taong nangangailangan ng tulong at pagmamahal. Hindi po lahat ay may parehong kakayahan at yaman, pero ang mahalaga ay ang pagiging handa nating mag-ambag sa abot ng ating makakaya. Ang anumang maitutulong natin, gaano man ito kaliit, ay may halaga sa mga mata ng Diyos.

     

      Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila

     


    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.