PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | November 19, 2023

    A Thought A Day | November 19, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    8 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 18, 2023 – Sabado l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 18, 2023 – Sabado l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Lucas 18:1-8

    “Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob”—ito ang

    sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad sa isang talinhaga. Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban sa aking kalaban.’ Matagal siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, igagawad ko pa rin ang katarungan sa biyudang ito na bumubuwisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pagpunta-punta niya.’” Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pakinggan ninyo ang sinabi ng di matuwid na hukom. Hindi ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao, makakakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”

     Pagninilay:

    Ngayong araw nakikiisa tayo sa buong simbahan sa pagdiriwang ng Pagtatalaga ng Basilika nina San Pedro at San Pablo sa Roma.

    Kapag sinabi po nating pagtatalaga o dedication, “ibinubukod at inilalaan ang isang gusali o simbahan para sa isang sagradong layunin.”  Isinalaysay ni Hesus sa ating ebanghelyo ang
    isang talinghaga upang ituro sa kanyang mga alagad na dapat maglaan ng panahon para manalangin. Bilang mga tagasunod ni Kristo, tama din namang tayo’y “naglalaan at nagbubukod” ng oras sa pagsisimba at pagsasamba sa Banal sa Sakramento. Pero inaanyahan din tayo na ilaan at ialay sa Diyos, maging ang
    ating panahon sa pag-aaral, sa pagtatrabaho, at pati na rin sa paglilibang, nang sa gayon ang ating buhay ay nababalot ng panalangin.  At sa pagbabalik ng Anak ng Tao, nakasisiguro
    tayong may daratnan siyang mga taong may tunay at buhay na pananampalataya.

     Manalangin tayo:  Panginoon, tulungan Mo po akong lumago sa

    aking buhay panalangin. Mapuspos nawa ng pagdarasal ang aking araw-araw na pag-iral sa mundo.  Matutunan ko nawang
    ialay Sa’yo anumang gawaing ginagampanan ko at matupad ko nawa ito bilang paraan ng pagpupuri Sa’yo, Amen.

     

    5 min
  • A Thought A Day | November 18, 2023

    A Thought A Day | November 18, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 17, 2023 – Biyernes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: LUCAS 17:26-37

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tulad ng nangyari sa

    panahon ni Noe, gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Kumakain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kumakain
    sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim at nagtatayo. At nang lumabas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa Langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. Ganito rin sa araw na ibubunyag ang Anak ng Tao. Sa araw na iyon, huwag nang bumaba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang
    kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Mawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagsisikap na magligtas nito at ang mawawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. Sinasabi ko sa inyo: kung may dalawa sa isang higaan sa gabing iyon, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa; kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa.” At itinanong naman nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya: “Kung nasaan ang katawan, doon nagtitipon ang mga buwitre.”

     

    Pagninilay:

    May isang dalagang nagdi-discern ng kanyang bokasyon na

    nakipag-usap sa akin. Para daw kasing tinatawag siya ni Hesus na magmadre. Nagtanong siya: “Sister, kapag pumasok ako sa kumbento, pwede pa rin ba akong mag-ayos ng kilay?”  Nabigla ako – akala ko’y mali lang ang dinig ko, kaya’t nagtanong ako: “Ha?”  Patuloy niya: “Alam mo naman, Sr. Rose, ‘kilay is life’!!! At sabay kaming nagtawanan.  Magandang pagnilayan natin ngayon kung ano nga ba ang mahalaga sa ating buhay? Ipinapaalala sa atin ni Hesus ang asawa ni Lot sa Mabuting Balita, at sinabi niya: “Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito.” Noong inililigtas ng anghel ang pamilya ni Lot sa pagkawasak ng Sodom at Gomora, sinabihan sila na huwag lilingon. Lumingon ang asawa ni Lot sa kanilang mga ari-arian at lahat ng nakasanayan niya, at siyaý
    naging haliging asin! Kapanalig, hangga’t hindi tayo maka-usad mula sa mga bagay na ating pinanghahawakan, lahat ng nagbibigay sa atin ng security, hindi natin matitikman ang kalayaan ng mga anak ng Diyos. Mawawala itong lahat na parang
    bula, at maninigas tayong tulad ng isang estatwang asin. Pero kung tatalikdan nating ang lahat ng ating ari-arian, ang nakasanayang buhay, pati na ang lahat ng galit at sama ng loob, malaya tayong makakaharap sa kinabukasang puno ng pag-asa, pagmamahal at pagkakaisa.

     Manalangin tayo: Panginoon, salamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob mo sa amin. Maging bukas nawa kaming talikuran ang kahapon upang buong-puso naming tanggapin ang malayang bukas na iniaalay mo sa amin. Amen.

       

     Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

     

     

    6 min
  • A Thought A Day | November 17, 2023

    A Thought A Day | November 17, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 16, 2023 – Huwebes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 16, 2023 – Huwebes l Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 17:20-25

    Tinanong si Hesus ng mga Pariseo kung kailan darating ang

    paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng Kaharian ng Diyos; di masasabing ‘Narito o naroroon,’ nasa inyo na nga ang Kaharian ng Diyos.” Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan
    ninyong makita ang isa sa mga pagpapakita ng Anak ng Tao at hindi naman ninyo makikita. At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako
    ng Langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Subalit kailangan muna niyang magtiis nang marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan.”

    Pagninilay:

    Narinig natin ang malinaw na tugon ng Panginoon sa tanong ng mga Pariseo, “Nasa inyo na nga ang Kaharian ng Diyos.”  Totoo ito mga kapatid. Sumasaatin na nga ang Kaharian ng Diyos nang dumating ang Panginoong Hesus. Pero ang kaganapan ng Kaharian ng Diyos, darating pa sa wakas ng panahon.  Sa ngayon, nasa kalagitnaan tayo ng dalawang magkahiwalay na panahon – ang panahong natapos na, at ang panahong darating pa.  Tinatawag ito sa Teolohiya na “already but not yet.”  At habang namumuhay tayo sa gitna ng dalawang panahon, tinatawagan tayong maging saksi ng paghahari ng Diyos sa lupa, sa pamamagitan ng pagpapasan ng ating krus nang may pagmamahal katulad ng Panginoong Hesukristo.  Mga

    kapanalig, nang ialay ng Panginoon ang Kanyang buhay para sa ating kaligtasan, sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, pagkamatay at Muling Pagkabuhay – itinatag Niya ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa.  Ang Simbahan ang kumakatawan sa Kahariang ito.  Ang Simbahan ang nagpapatuloy sa mapanligtas
    na gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga Sakramento. Siya ang nagiging daluyan ng biyaya at pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng mga Sakramentong ating tinanggap at patuloy na tinatanggap.  Tayong mga mananampalataya, ang Simbahang tinipon ng Diyos na inatasan Niyang mamuhay sa pagmamahal at pagpapakabanal.  Bilang kasapi ng Simbahang itinatag ng Panginoong Hesus dito sa lupa, nahaharap tayo sa hamong maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa salita at gawa.   Nahaharap tayo sa hamong isabuhay ang Salita ng Diyos nang magbunga ito ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya sa ating pamilya at kapwa. 

    Manalangin tayo:  Panginoon, papagningasin Mo po ang apoy ng Banal na Espiritu sa aking puso, nang maging marapat na saksi ako ng Iyong paghahari dito sa lupa.  Amen.

     


    6 min
  • Walking with the Saints l St. Gertrude the Great, Patron Saint of the West Indies, Peru and Mexico l November 16

    Walking with the Saints l St. Gertrude the Great, Patron Saint of the West Indies, Peru and Mexico l November 16

    Do you pray for the souls in Purgatory? We must pray for them so that they can enter Heaven at once. The holy souls are also praying for us even if we do no ask them. St. Gertrude, our Saint for today loved to pray for the holy souls. Gertrude was born on January 6, 1256 in Eisleben, Thuringia of the Roman Empire.
    Orphaned at the age of four she was admitted at the school of the nuns as a student. Gertrude was confided to the care of Mechtilde, younger sister of the Abbess, also named Gertrude. The young Gertrude later joined the monastic community in 1266. She received a thorough education, knowing in fact the Scripture, the Fathers of the Church and the writings of some saints like St.
    Gregory the Great and St. Bernard of Clairvaux. She was fluent in Latin and well-versed in rhetoric.

    In 1281, at the age of 25, she experienced the first of a series of visions that continued throughout her life. Gertrude devoted herself strongly to personal prayer and meditation, and began writing spiritual treatises though only some survive today. The longest survival is the  The Herald of Divine Love or The Herald of God's Loving-Kindness, and her collection of Spiritual

    Exercises. A work known as Gertrudian Prayers is a later compilation, made up partly of extracts from the writings of Gertrude and partly of prayers composed in her style. It is also
    very possible that Gertrude was the author of a part of the revelations of Mechtilde of Hackeborn, the Book of Special Grace. Gertrude became one of the great mystics of the 13th century. She practiced together with her friend and teacher Mechtilde a spirituality called “nuptial mysticism,” seing
    herself as the Bride of Christ.

    She also wrote Spiritual Exercises. The importance of the Spiritual Exercises extends to the present day because they are grounded in the themes and rites of Catholic liturgy for occasions of baptism, conversion, commitment, discipleship, union with God, praise of God, and preparation for death. Gertrude's Spiritual

    Exercises can still be used by anyone who seeks to deepen spirituality through prayer and meditation. Gertrude was an early devotee of the Sacred Heart of Jesus. Book 2 of the Herald of Divine Love is notable within the history of Christian devotion because its vivid descriptions of Gertrude's visions show a
    considerable elaboration on the long-standing veneration of Christ's heart. This veneration was present in the belief that Christ's heart poured forth a redemptive fountain through the wound in his side, an image culminating in its most famous articulation by St. Bernard of Clairvaux in his commentary on the
    Song of Songs.

    ·Gertrude reported a vision on the Feast of John the Evangelist. She was resting her head near the wound in the Christ's

    side and hearing the beating of his heart. Afterwards, she asked John if on the night of the Last Supper he had felt these pulsations, why he had never spoken  about it. Gertrude died at Helfta, near Eisleben, Saxony on November 17, 1302. Her feast day is November 16. She is patron of the West Indies, Peru and Mexico. Gertrude showed "tender sympathy towards the souls in purgatory" and urged prayers for them. She is therefore invoked for suffering souls in purgatory. The following prayer is attributed to St. Gertrude, and is often depicted on her prayer card: “Eternal Father, I offer Thee the Most Precious Blood of Thy Divine Son, Jesus, in union with the Masses said throughout the world today, for all the Holy Souls in Purgatory, for sinners everywhere, for sinners in the universal Church, for those in my own home and
    in my family. Amen.”

    Virtues: piety, humility, obedience, charity, honesty, temperance, fortitude

    Prayer: “St. Gertrude, help us remember to pray always for the souls in Purgatory.”


     

     

     

    6 min
  • A Thought A Day | November 16, 2023

    A Thought A Day | November 16, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 15, 2023 – Miyerkules l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 15, 2023 – Miyerkules l Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: LUCAS 17:11-19

    Habang papunta si Hesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang lumabas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Hesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa

    kanila ni Hesus. “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nangyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita niyang gumaling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus, sa pagpapasalamat sa kanya. Isa siyang samaritano. Kaya sinabi ni
    Hesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”

     Pagninilay:

    Naranasan mo na bang magpaunlak sa isang kahilingan, pero di ka man lang pinasalamatan ng taong iyong tinulungan?  Medyo, masakit, di po ba? Sa Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin kung paano nagmakaawa ang sampung ketongin kay Hesus, na

    pagalingin sila. Sumigaw sila. “Hesus Panginoon, maawa ka sa amin.” Sa halip na ibigay agad ang kanilang kahilingan, sinabihan sila ni Hesus na magpakita sa mga pari. Habang nasa daan, sila ay nagsigaling…” Bumalik ang isa sa kanila, upang magpasalamat kay Hesus. Kaya, nagtanong si Hesus: “Di ba sampu ang aking pinagaling. Nasaan ang siyam?” Bakit nga kaya, hinanap pa ni Hesus, ang siyam na Kanyang pinagaling?  Mga kapanalig, mahalaga ang pagkilala sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos, na patuloy Niyang ipinamamalas sa atin. Isa ba tayo, sa siyam na
    ketongin na nakakalimot magpasalamat sa Diyos?  Hindi inaasahan ng mga ketongin na makakamtan agad, ang kanilang kahilingan, kahit di pa nila natutupad ang utos ni Hesus. Nagpapatunay ito, na si Hesus nga, ang nagpagaling sa kanila. Pero nakalimutan nilang magpasalamat kay Hesus.
    Marahil tayo rin, sa kagandahang-loob ng Diyos, ay nakatatangap ng kahilingan, nang di natin inaasahan. Kung minsan, sa gitna ng ating kasiyahan, nakakalimutan nating magpasalamat sa Diyos, na Siyang nagkaloob sa atin ng mga biyaya.  Naalala ba nating magpasalamat sa Diyos sa ating buhay at sa pagkain, na ipinagkakaloob Niya sa atin, araw-araw?  Nabanggit din
    sa Mabuting Balita na ang nagpasalamat kay Hesus, ay isang Samaritano. Sila ay itinuturing na kaaway ng mga Hudyo. Nais ipahayag ni Hesus, na wala Siyang itinatangi. Ikaw at ako, makakatanggap ng kagalingan kay Hesus, dahil ang Kanyang habag at awa, ay para sa lahat.  Mga kapanalig, tulad ng Samaritano, sana, manalig tayo, at ugaliing magpasalamat, sa mga biyayang ating tinatanggap, mula sa Panginoon. Amen.

     

      -Sr. Divinia de Claro, fsp l Daughters of St. Paul

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.