PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 10, 2023 – Biyernes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 16:1-8

    Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para

    magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng
    liwanag.”

     Pagninilay:

    Isinulat ni Sr. Gemmaria dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebangheyo.  Magaling. Magaling ang Katiwala. Nagbigay siya ng discount sa patubo sa mga nangungutang sa kanila. Pinagaan niya ang kanilang utang. Ginawa niya ito dahil nalaman na ng may-ari ang ginagawa niyang pandaraya. Ite-terminate na siya. Mahusay siya, maabilidad.  Bumilib nga ang ating Hesus Maestro sa style niya, dahil advance siyang mag-isip. Take note. Magkaiba ang mahusay, sa mabuti. Naiiba rin ang maabilidad, sa matuwid. Hindi pinupuri ng Diyos ang dishonesty ng katiwala. Hindi rin Niya tayo ini-encourage na gawin iyon. Ang

    gustong ipaliwanag sa atin ay kailangan tayong maging magaling para na rin sa ating benefit. Hindi dito sa lupa kundi para sa buhay sa kabila. Oo, nagkasala tayo. Nadisplease natin ang ating Panginoon, dahil natuon tayo sa makamundong yaman, makamundong relasyon, makamundong kapangyarihan. Ang mahalaga, at the moment, may plan of action, at constant ang mabubuting strategies para ma-redeem ang nagawa nating mali.  Para hindi na rin natin maulit ang kasalanan nating nagawa. Mag-invest tayo para maging welcome tayo sa eternal home ng ating Ama.

    5 min
  • A Thought A Day | November 10, 2023

    A Thought A Day | November 10, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 9, 2023 – Huwebes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 9, 2023 – Huwebes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Juan 2:13-22

    Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon pa Jerusalem si Hesus. Natagpuan niya sa patyo ng templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. Kaya gumawa si Hesus ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit sa

    pagtataob ng mga mesa. At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin ninyo ang mga ito! Huwag na ninyong gawing bahay-kalakalan ang Bahay ng aking Ama.” Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Naglalagablab sa akin ang malasakit sa iyong Bahay.” Sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipakikita mo sa amin? Ano ang magagawa mo?” Sinagot sila ni Hesus: “Gibain ninyo ang Templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” Sinabi naman ng mga Judio: “Apatnapu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templo ng kanyang
    katawan ang tinutukoy ni Hesus. Nang bumangon siya mula sa patay, naalala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Hesus.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, paano kung pumunta si Hesus ngayon sa Quiapo? Hahambalusin niya rin kaya ang mga nagtitinda ng damit ng Sto. Niño? Titigpasin niya din ba ang mga sampaguitang ibinebenta ng batang maliliit para sa kanilang pagkain sa maghapon? Paano kung sa Baclaran? Itatapon ba ang mga pantalong nasa kariton? Mga batya, tabo at hanger na paninda ng aleng nagsisikap upang may pantustos sa pang araw-araw na kailangan ng kanyang pamilya? Lupit naman nun! Normal po noong panahong iyon na

    magtinda ng ilang hayop sa labas ng templo. Ito'y iniaalay ng mga tao sa bilang hain sa Diyos. Pero maling kalakaran ang nagaganap. Pinapatungan ng mas malalaking halaga ang hayop na hain. Ang templong dapat nagpapaalala sa atin ng pagkakaisa sa pagmamahal ng Diyos ay naging kuta ng mga MANDARAMBONG at GANID. Kaya ito ang ikinagagalit ng Panginoon, ang kawalan ng paggalang sa Templo ng Diyos
    bilang bahay-dalanginan.  Nawa’y sa tuwing pumapasok tayo sa Simbahan para magdasal, ibigay natin ang nararapat na
    paggalang sa templo kung saan katatagpuin natin ang Diyos para manalangin.

     

     

    -       CL. VIN AURELLANO, SSP l Society of St. Paul

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | November 9, 2023

    A Thought A Day | November 9, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2023 – Miyerkules l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Lucas 14:25-33

    Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Hesus,

    humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa
    pagsunod sa akin. “At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Hindi ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon
    at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’ At paano kung may haring nakikipagharap sa ibang hari? Hindi ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya
    niya at ng sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para makipag-areglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging
    alagad ko ang di tumatalikod sa lahat sa kanya.”

     

    Pagninilay:

    Naranasan nyo bang maging fan ng isang celebrity? Isa ka bang

    ARMY? – mga fans ng BTS – isang sikat ng korean boy band; o isa ka bang SWIFTY? – mga fans ni Taylor Swift, isang American pop singer. Nakakabilib ang suporta nila sa kanilang lodi – marami silang isinasakripisyo, nag-iipon para makapanood ng concert, o para makabili ng album at ibang merchandise. Sa dami nila, hindi na sila nakikilala ng kanilang idol. Sabi sa Mabuting Balita ngayon, “sumama kay Hesus ang napakaraming tao.” So, parang celebrity si Hesus at meron siyang mga loyal followers.
    Pero ibang-iba siya sa mga artista at kilalang singers. Hinarap niya ang mga sumusunod sa kanya at sinabi na hindi madali ang maging alagad niya. Mahirap ang requirements: Kailangan, siya ang number one sa buhay mo – hindi ang magulang, kapatid, asawa’t anak, maging ang sarili. At hindi lang yan. Kailangan ding magpasan ng krus para makasunod sa kanya. Tanong nga ng mga
    kabataan, “keri bells ba natin yan?”  Kapanalig, hindi biro ang maging alagad ni Hesus! Pero alam n’yo ba? Kapag tinalikuran mo ang lahat ng mahalaga at minamahal mo para kay Kristo, ibabalik niyang lahat nang mas ganap sa iyo, wastong sukat, siksik,
    liglig, at umaapaw ang biyaya dito sa lupa pati na sa langit! 

    Kaya, tara na!

    Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo kami ng

    lakas at tibay ng loob upang sundan ka sa araw-araw. Amen.

     

     -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

    5 min
  • A Thought A Day | November 8, 2023

    A Thought A Day | November 8, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 7, 2023 – Martes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 7, 2023 – Martes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: LUCAS 14,15-24

    Sinabi kay Hesus ng isa sa mga inanyayahan: “Mapalad ang mga makakasalo sa bangkete ng Kaharian ng Diyos!” Sumagot si Hesus: “May isang taong naghanda ng isang malaking bangkete at marami siyang kinumbida. Sa oras ng handaan, pinapunta

    niya ang kanyang katulong para sabihin sa mga imbitado: ‘Tayo na’t handa na ang lahat. Ngunit parang sabay-sabay namang nagdahilan ang lahat. Sinabi ng una. ‘Bumili ako ng bukid at kailangan kong pumunta para tingnan iyon. Pasensya ka
    na.’ Sinabi naman ng isa. ‘Bumili ako ng limang pares na bakang pang-araro at pasusubukan ko ang mga ito. Pasensya ka na.’ Sinabi ng isa pa: ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakapunta.’ Pagbalik ng katulong, ibinalita niya ang lahat ng ito sa kanyang panginoon. Galit na galit ang maysambahayanan at sinabi sa
    kanyang katulong: ‘Pumunta ka agad sa mga liwasan at mga lansangan ng lunsod at papasukin mo rito ang mga dukha, mga balewala, mga bulag at mga pilay.’ At pagkatapos ay sinabi ng katulong: ‘Nagawa na ang ipinag-utos mo at may lugar pa
    rin.’ Sumagot sa kanya ang panginoon: ‘Lumabas ka sa mga daan at mga bakuran at pilitin mong pumasok ang mga tao para mapuno ang bahay ko.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo: walang sinuman sa mga ginoong iyon na kinumbida ko ang makakatikim
    ng aking handa.’”

     

    Pagninilay:

    Napakahilig nating mga Pilipino sa mga handaan. Lahat ng okasyon – kaarawan, binyag, kasal, at libing – tiyak hindi kumpleto, kung walang salo-salo. Pagkatapos ng Misa, mesa! Kaya kung may magkukumbida sa pista o kainan, napakahirap tumanggi, lalo na kung mahalaga o minamahal natin ang

    nag-anyaya. Sa Mabuting Balita, natunghayan natin kung paanong inihambing ni Hesus ang Kaharian ng Diyos sa isang malaking piging na kung saan ang lahat ay imbitado. Ang nakalulungkot rito, ang maituturing na “mortal sin” sa ganitong okasyon: ang tumanggi! Ang nagpatindi pa rito, may iba’t ibang prayoridad ang mga inimbita kaysa makasama at makasalo ang lalaking nagmagandang-loob na anyayahan sila.   Mga kapanalig, araw-araw tayong inaanyayahan ng Diyos na makapiling Siya sa
    piging ng pagmamahal. Hindi po ito nangangahulugang araw-araw tayong magsisimba! Sa halip, sa tuwing pinipili nating ibigin ang ating makulit na asawa’t mga anak, magulong kamag-aral o ang nakakainis at toxic na katrabaho, nakikiisa at nakikisalo tayo sa Diyos, na unang tumatawag at unang umiibig sa atin. Ito ang sikreto ng kabanalan!  Sa araw na ito, hilingin natin sa Diyos na maging sensitibo sa Kanyang mga paanyaya’t inspirasyon, upang makatugon tayo nang buong pagmamahal. Huwag nawa natin palampasin ng pagkakataong makasama ang Diyos ngayon; piliing umibig – piliing maging banal.

     

     -Cl. Russel Patolot, SSP l Society of St. Paul

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | November 7, 2023

    A Thought A Day | November 7, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 6, 2023 – Lunes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Nobyembre 6, 2023 – Lunes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo Lucas 14:12-14

    Sinabi ni Hesus sa Puno ng mga Pariseo na nag-aanyaya sa kanya:

    “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga
    balewala, mga pilay, at mga bulag ang kumbidahin mo. At magiging mapalad ka; dahil hindi ka nila masusuklian. Ngunit sa pagkabuhay ng mga mabubuti ka nila susuklian.”

    Pagninilay:

    Isa sa mga napakagandang awitin na isinulat ng sikat na Heswitang kompositor, na si Fr. Manoling Francisco, ang Panalangin sa Pagiging bukas Palad, na hango sa Panalangin ni San Ignacio de Loyola.  Sinasabi sa awit: “Panginoon,

    turuan Mo akong maging bukas-palad, Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo, Na magbigay nang ayon sa nararapat, Na walang hinihintay mula sa 'Yo.” Tugon ito sa hamon ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon. Nais Niyang ipaalala sa atin ang kanyang handog na bukas at malayang puso. Pusong may kakayahang magbigay na hindi naghihintay ng anumang kapalit. Pusong may kakayahang makita ang mga pangangailangan ng iba. Pusong may kakayahang makipag- ugnayan, hindi lamang sa mga kaibigan o kapamilya, mga taong mabuti sa atin, kundi lalo’t higit, sa mga taong walang kakayahang suklian ang ating kabaitan o pagka mapagbigay. Karaniwan na sa atin, ang scenario ng mga
    pakalat-kalat na mga batang kalye, mga namamalimos, mga nakahiga sa tabi ng kalsada. Dahil halos araw-araw, ganito ang nakikita natin sa paligid, parang normal na, at nakagawian na ng marami sa atin ang pagsasawalang-bahala. Tunay na alam ni Hesus, kung ano ang nasa puso ng bawat isa, kaya nagpa-alala
    siya tungkol sa mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, mga bulag, mga taong binabalewala sa lipunan. Mga kapanalig, nawa’y manaig sa atin ang pusong bukas atmalaya, upang bigyang-pansin ang mga taong nasa laylayan ng ating lipunan; silang karaniwa'y hindi kasama sa bilang, dahil walang maiaambag sa komunidad; silang walang kakayahang suklian ang anumang kabutihan mula sa atin. Matanto nawa natin, na ang lahat ng tinatamasa natin sa ngayon, handog at pagpapala din mula sa Panginoon, na nag-aanyaya sa atin na maging daluyan ng Kanyang pagpapala sa ating kapwa, lalo na, sa higit na nangangailangan. 

    -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

     


    5 min
  • A Thought A Day | November 6, 2023

    A Thought A Day | November 5, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.