Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2023 – Huwebes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 25:31-46
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga
kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako’y
hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?’ Sasagutin sila ng
Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta
sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di Ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, may sakit o nakabilanggo at di namin pinaglingkuran?’ Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo, anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang
buhay naman ang mga makatarungan.”
Sa aming pastoral exposure sa Catarman, Samar, inaatasan
kami ng kura paroko na basbasan ang mga puntod ng mga yumao sa mga baryong kinasasakupan ng parokya sa araw ng Undas. At dahil magkakalayo ang mga puntod, inabot din po kami ng halos buong araw sa paglalakad. Habang kami ay tumatawid
ng ilog pauwi, meron kaming nakasalubong na bata, siguro mga walo or siyam na taong gulang. At tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan. “Usting,” sagot ng bata. ‘Yon po ang kanyang palayaw ang kanyang totoong pangalan ay Justin. Bigla ko pong naalala ang yumaong seminarista na kasama ko sa seminary
noon na ang pangalan din ay Justin. Iniisip ko na baka papatawid na din si Justin sa ilog ng purgatoryo patungo sa pampang ng buhay na walang hanggan. Sa ebanghelyong ating narinig, sinasabi na sa Araw ng Paghuhukom, pagbubukud-bukurin ang mga tao, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga
kambing. Ang mga tupa ay “makakatawid ng ilog” patungo sa kaharian ng Diyos at ang kambing ay mananatili sa “madilim na tubig” ng kapahamakan. At papaanong makakatawid ang mga tupa patungo sa buhay na walang hanggan? Dahil nakita nila
ang mukha ng Diyos sa mga taong nagugutom, nauuhaw, walang maisuot, nasa bilangguan, may karamdaman, at tinugunan ang kanilang pangangailangan. Sila ang mga taong iniwan ang pampang ng pagkamakasarili at tumawid patungo sa pampang
ng pagbibigay ng sarili. Habang tayo’y nananalangin sa pagtawid ng ating mga mahal sa yumao patungo sa buhay na walang
hanggan, hingin din natin ang kanilang tulong at paggabay sa mga pagtatawid natin sa mundong ito—na lisanin ang pampang ng kasakiman patungong pagiging bukas-palad, na lisanin ang ilog ng kapalaluan patungong pampang ng kapakumbabaan, na lisanin ang pampang ng kadiliman ng kasalanan at tumawid