
Sign up to save your podcasts
Or


Mary’s Life, Model in Loving God | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
#WordAndSongs #Paulines #Mary #God #Catholic
Mabuting Balita l Oktubre 27, 2023 – Biyernes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12:54-59
Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Kapag nakita ninyong tumataas ang ulap sa kanluran, kaagad ninyong sinasabi, ‘Uulan,’ at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi ninyong ‘Magiging napakainit,’ at nangyayari nga ito. Mga mapagkunwari! Nabibigyan ninyo ng kahulugan ang anyo ng lupa at Langit ngunit bakit hindi ninyo sinusuri kung ano ang panahong ito? At bakit hindi kayo mismo ang makapagpasya kung ano ang tama? Sa pagpunta mo sa maykapangyarihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong makipag-areglo sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom at ibigay ka naman ng
Pagninilay:
Marami sa atin ang mahusay mag interpret ng mga palatandaan ng panahon pero sarado naman ang puso at isipan sa mensahe na nais iparating ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita. Minsan ang mga pangyayari sa ating buhay at ang nagaganap sa ating kapaligiran ay ginagamit ng Diyos na mga paraan upang maiparating Niya sa atin ang Kanyang mensahe. Naalala ko ang kuwento ng isang lalaki na lumabas ng isang store, at nakita sa sidewalk ang isang homeless person na naghahalungkat sa trash can. Ang homeless ay may hawak na supot na ang laman ay kalahating hamburger at ilang French fries. Lumapit ang lalaki at tinanong ang homeless. “Hindi ka pa kumain?” Umiling ang homeless. Ang wika ng lalaki, “halika, sumama ka sa akin at ibibili kita ng pagkain.” Pumasok sila sa isang fastfood at ibinili ang homeless man ng mainit na pagkain. Labis-labis ang pasasalamat ng homeless person sa kabutihang loob na ipinakita ng lalaki sa kanya. Ikinuwento niya sa lalaking tumulong, ang kanyang buhay, ang pagkamatay ng kanyang
- Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Oktubre 26, 2023 – Huwebes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12:49-53
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito! Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang pagkabalisa ko hanggang hindi ito nagaganap! Sa akala ba ninyo’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, Kundi paghihiwa-hiwalay! Sapagkat mula ngayo’y magkakahati-hati ang limang nasa isang sambayanan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; magkakahati-hati sila; ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa
A Thought A Day | October 26, 2023
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
#pray #withme #gospel #reflection
#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
Send your donations and love offerings to:
G-CASH: 09686313280
METROBANK (Dollar Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
SWIFT CODE: MBTCPHMM
METROBANK (Peso Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
SWIFT CODE: MBTCPHMM
BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 002620011465
Mabuting Balita l Oktubre 25, 2023 – Miyerkules l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12:39-48
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isipin ninyo ito: kung nalaman lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana n’ya pababayaang looban ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat dumarating ang Anak ng Tao sa oras na hindi Ninyo inaakala.” Sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino mo ba sinasabi ang talinhagang ito, sa amin ba o sa lahat?” Sumagot ang Panginoon: “Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katiwala na pangangasiwaan ng panginoon sa kanyang tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kanyang panginoon
Pagninilay:
Ang Mabuting Balita sa araw na ito ay napakahalagang paalala at pagsusuri ng ating sarili, sa kung papano natin ginagawa ang mga bagay na ipinagkakatiwala sa atin. Maganda rin namang masabihan kang napaka-responsable mong tao. Pero hindi lang ang pagiging responsable at magaling ang mahalaga kay Hesus, kundi higit sa lahat, ang pagiging tapat o (faithful). Katapatan na bunga ng buong tiwala, at pagpapahalaga sa malalim na relasyon, ng isang taong nagbibigay ng tiwala sa Kanya. Ang taong tapat ay responsable, hindi lang sa trabaho, kundi may pagpapahalaga din ito sa kapakanan ng mga kasama nito sa anumang gawain – dahil sila rin ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Nawawala ang pagiging makasarili sa ganitong disposisyon. Mas katiwa-tiwala at laging handa sa pagdalaw ng Diyos sa ating buhay.
Manalangin tayo: Panginoong Hesus, gabayan nawa kami ng aming pananampalataya sa iyo para maging tapat at may pagpapahalaga sa lahat ng bagay at mga taong ipinagkakatiwala Ninyo sa amin. Amen.
- Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | October 25, 2023
Mabuting Balita l Oktubre 24, 2023 – Martes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12,35-38
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maghintay kayong bihis at handang maglingkod, na may nakasinding mga lampara. Maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang Panginoon. Pauwi s’ya mula sa kasalan at agad nilang mabubuksan ang pinto pagdating n’ya at pagkatok. Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating n’ya. Maniwala kayo sa akin, isusuot n’ya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. Dumating man s’ya sa hatinggabi o madaling-araw at matagpuan n’ya silang ganito, mapalad ang mga iyon!”
Pagninilay:
Be prepared! Siyempre alisto, o Laging handa! Ito ang Motto ng Boy Scout. Ito ang bilin ni Robert Baden-Powell, na tagapagtatag ng Boy Scouts. Kanyang isinulat na “dapat, maging laging handa, sa katawan at isipan para magawang mabuti ang mga tungkulin.” Parang ganito ang mensahe ng narinig nating Mabuting Balita ngayon, na tungkol sa pagkilos, pagiging handa o kahandaan para sa anumang agarang aksyon. Sinasabi nito sa atin, na dumarating ang Diyos sa pinaka hindi inaasahang panahon ng ating buhay. Kaya hinihikayat tayong maging mas mapagmasid sa ating kapaligiran. Bagama't nakakaalarma ang mensahe ng Mabuting Balita, lalo na para sa mga taong hindi magawa ng maayos ang kanilang mga trabaho bilang isang lingkod ng Diyos. Mga kapanalig, ang paghahanda mismo ay hindi dapat maging dahilan upang matakot tayo sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sa halip, tanggapin ito bilang ating pagganyak na gawin ang pinakamahusay ayon sa mensahe ng Diyos. At pagdating ng araw na iyon, ipinagdarasal natin ang kahandaan ng lahat na sumagot at maglingkod sa Diyos kapag tinawag niya tayo. Gaya ng nabanggit ko kanina, ang original na intention ni Baden-Powell na motto, “laging handa” ay para lamang sa survival ng mga scouts. Pero naihanda rin sila nito na harapin ano man ang iniaalok na hamon sa kanila ng buhay. Nawa, tayong lahat ay maging “laging handa” sa anumang nais sa atin ng Panginoong
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Anthony Mary Claret, Patron Saint of all Weavers | October 24
Much can be said about St. Anthony Mary Claret, our saint for today, the founder of the Claretians, but due to our limited space we shall concentrate only on the most essentials. Anthony Mary Claret was born in Sallent, Barcelona, Spain on December 23, 1807. As a child, he was educated in his village. His father was a weaver so at eighteen, Anthony specialized as a loom programmer, at the same time, he studied
Archbishop Claret wrote 144 titles of books and he distributed many. He also possessed extraordinary gifts. Witnesses say they saw him transfigured while preaching or while praying. He would also levitate. He stopped earthquakes in Cuba while placing his palms on the earth as he prayed. He also stopped terrible storms by blessing the storm clouds. On September 3, 1895, he claimed that Jesus told him about the
In 1869, Anthony Mary Claret retired and stayed at the Cistercian abbey at Narbonne, France, where he died shortly after on October 24, 1870 at the age of 62. He was beatified on February 24, 1934 by Pope Pius XI and was canonized 16 years later, on May 7, 1950 by Pope Pius XII. The Claretians, spiritual sons of St. Anthony Mary Claret, are present in Europe, South America, Africa and Asia. His feast day is October 24.
Virtue: piety, humility, adaptability, honesty, obedience, fortitude, integrity, charity and forgiveness
A Thought A Day | October 24, 2023
Mabuting Balita l Oktubre 23, 2023 – Lunes l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12:13-21
Sinabi kay Hesus ng isa sa karamihan: “Guro, sabihin mo nga sa aking kapatid na hatian ako ng mana.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya: “Kaibigan, sino ang nagtalaga sa akin bilang hukom o tagapaghati ninyo? “At sinabi niya sa mga tao: “Mag-ingat kayo at iwasan ang bawat uri ng kasakiman sapagkat magkaroon man ng marami ang tao, hindi sa kanyang mga ari-arian nakasalalay ang kanyang buhay.” At idinagdag pa
Pagninilay:
Narinig natin sa Mabuting Balita ang isang babala, na mag-ingat sa kasakiman. Ayon sa Aklat na- Anak ng Pitong Sala na sinulat ni Fr. Joseph Mendoza, ang kasakiman ay ang labis na paghahangad sa kayamanan at mga materyal na bagay. At ayon pa sa kanya, meron itong pitong anak – ang panlilinlang, pandaraya, kasinungalingan, pagsumpa nang walang katotohanan, pagkabalisa, karahasan at kawalang-awa. Kaya marami tayong nababalitaang magkakapatid na nag-aaway-away at nagpapatayan pa, dahil sa agawan ng mana. Kapag may isang sakim sa magkakapatid, pinag-uugatan ito ng karahasan at pagkabalisa sa pamilya. Kaya binibigyan tayong babala ng Mabuting Balita ngayon: “Sikapin ninyong mag-ingat sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang ari-arian” (from verse 15). Kapag namatay tayo, hindi naman natin madadala ang kayamanan sa kabilang buhay. Iiwan natin ito dito sa lupa kasama ng mga alaala kung paano tayo nakipamuhay. Ikaw Kapanalig, anong alaala ang nais mong iwan? Hindi naman masama ang mag-ipon para sa ating kinabukasan. Ang ayaw ng Diyos ay ang labis na paghahangad ng kayamanan na nag-uudyok sa tao upang maging bulag sa pangangailangan ng kapwa, at mangdaya o manlinlang ng kapwa upang higit pang kumita ng mas maraming pera. Kapanalig, meron ka rin bang tendency na maging sakim? Isa lang ang lunas dyan, ang pagiging bukas-palad o pagtulong sa kapwa.
- Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul
From the publisher's feed