
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | October 23 2023
Mabuting Balita l Oktubre 22, 2023 – Ika-29 l Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 22:15-21
Umurong ang mga Pariseo at nagpulong kung papaano nila huhulihin si Hesus sa sarili niyang salita. Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Hesus: “Guro, nalalaman naming na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng daan ng Diyos; hindi ka napadadala sa iba at nagsasalita hindi ayon sa kalagayan ng tao. Kaya ano ang palagay mo, ayon ba sa Batas na magbayad ng Buwis sa Cesar? Dapat ba tayong magbayad sa kanya o hindi?” Alam naman ni Hesus ang masama nilang pakay, at sinabi niya sa kanila: “Mga mapagkunwari! Bakit ninyo ako sinusubukan? Ipakita ninyo sa akin
Pagninilay:
Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ng mga pinuno ng Israel si Hesus kung tama bang magbayad ng buwis sa Emperador, na isang kontrobersyal na paksa sa panahong iyon. Kung sasabihin ni Hesus na oo,
- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila
A Thought A Day | October 22 2023
Mabuting Balita l Oktubre 21, 2023 – Sabado l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12,8-12
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao’y hindi rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Patatawarin ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ngunit hindi patatawarin ang lumait sa Espiritu Santo. Dalhin man nila kayo sa harap ng mga may makapangyarihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na
A Thought A Day | October 21 2023
“Hearts on Fire, Feet on the Move” | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
#WorldMissionSunday #WordAndSongs #Paulines
Mabuting Balita l Oktubre 20, 2023 – Biyernes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 12,1-7
Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari. Walang tinatakpan na di mabubunyag, walang natatago na di malalaman. Kaya naman ang sinabi n’yo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong n’yo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag. Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag n’yong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawang anuman. Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat n’yong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo ito ang katakutan n’yo. Hindi ba’t ipinagbibili nang dalawang pera ang limang maya? Ngunit isa man sa kanila’y di nalilimutan sa paningin ng Diyos. Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya.”
Pagninilay:
Nasubukan nyo na bang pakinggan ang huni ng mga ibon sa bukang-liwayway? Dito sa kumbento namin sa Pasay ay maraming mga puno at tuwing umaga – kapag hindi ako nagmamadali – nagninilay akong kasama ng mga ibon. Nakakita ako yellow oriolles, pied fantail, pied triller, mga kalapati at napakaraming maya na nabanggit ni Hesus sa Mabuting Balita. Nakatutuwang marinig ang iba’t ibang huni nila, lalo na yung oriolles na parang pumipito at nakikipag-usap kung sisipol ka rin. Kagalakan at kapayapaan ang mensaheng hatid nila sa akin, sa simula ng bagong araw – ng bagong buhay. Kapanalig, hindi ba maganda sana kung sasalubungin natin ang bagong araw tulad nila? Masaya at punumpuno ng pag-asa? Kaya lang, marami sa atin ang nagigising nang may takot at agam-agam. Nakahilerang problema at alalahanin ang nangangailan ng ating pansin, na nagpapabalisa sa ating araw. At dahil sa takot natin, nagiging duwag tayong maging totoo sa ating sarili at mga prinsipyo. Ayaw nating makita ng iba ang samu’t saring kinatatakutan natin, kaya nagbabalatkayo tayo. Nagkukunwaring OK ang lahat, baka kasi ano ang sasabihin ng iba. O kaya nama’y hindi makapagsabi ng totoo, dahil baka mapahamak hindi lang ang sarili kundi pati na ang mga mahal sa buhay. Kapanalig, alalahanin mo ang sinabi ni Hesus: “Maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. Kaya’t huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
Manalangin tayo: Panginoon, isinusuko namin sa inyo ang lahat ng aming takot at pangamba, at nananalig na hindi mo kami pababayaan dahil mahalaga kami sa iyo. Amen.
- Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | October 20 2023
Mabuting Balita l Oktubre 19, 2023 – Huwebes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 11:47-54
Sinabi ni Hesus” Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa Mga Propetang pinatay ng inyong mga ama. Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang Mga Propeta, at makapagtatayo na kayo ngayon. At sinabi rin ng karunungan ng Diyos: “Nagsugo ako sa kanila ng Mga Propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa kanila. Kayat papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong nabuhos mula pa sa pagkatatag ng mundo, mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, papapanagutin ang salinlahing ito. Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinahadlangan pa ninyo ang
Pagninilay:
Sa iilang tagpo lamang natin mababasa sa Mabuting Balita na mistulang naglalabas ng hinanaing ang ating Panginoong Hesukristo. Siguro sa mas madaling sabi—siya’y lubos lubusang naninindigan. Noong
- Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul
A Thought A Day | October 19 2023
From the publisher's feed