PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 14, 2023 – Sabado l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Lucas 11:27-28

    Habang nagsasalita pa si Hesus, isang babae mula sa dami ng tao ang malakas na nagsabi sa kanya: “Mapalad ang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa iyo.” Ngunit sumagot si Hesus: “Kaya talagang mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito.”

     

    Pagninilay:

    Natural sa atin na magbigay papuri sa mga magulang, kung ang kanilang mga anak ay naging matagumpay sa propesyon na kanilang pinili, kung naging maunlad sa buhay o sa business, at lalo na kung naging isang pari o relihiyoso. Sa parehong paraan, kapag ang isang anak ay naligaw ng landas, kinukuwestiyon natin ang tila kawalan ng responsibilidad ng magulang sa paggabay ng anak upang maging isa itong mabuting Kristiyano at mamamayan ng bansa. 

     

    Sa Mabuting Balita natin ngayon, narinig natin ang maigting na papuri na sinabi ng isang babae kay Hesus. Marahil, tumimo nang malalim sa puso ng babae na ito ang mga sinasabi ni Hesus, kung kaya di na niya napigilan ang kanyang sarili at napasigaw nang ganito: “pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo…” Ang papuring ito ay tumutukoy kay Maria, na ating Ina, dahil siya ang nagdala kay Hesus ng siyam na buwan sa sinapupunan. Pero sinagot ni Hesus ang babae ng ganito: “Oo, ang totoo, higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito.” Totoo, pinagpala si Maria sa pagdadala kay Hesus sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan at sa paggabay sa kanyang paglaki. Pero, binigyan diin ni Hesus na mas pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito. Kung magmumuni-muni tayo ng malalim sa sinabing ito ni Hesus, tumutukoy din sa Mahal na Ina ang mga salitang ito. Sa simula pa lang, naging Ina ni Hesus si Maria dahil siya’y nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.  Mga kapanalig, ang pagiging blessed o pinagpala natin ay di nasusukat sa mga accomplishments, yaman, o katayuan sa lipunan, na ating kinabibilangan. Pinapaalalahanan tayo ng Mabuting Balita ngayon, na ang pinakamahalagang bagay na ating makakamit bilang tagasunod ni Kristo, ay ang manatiling bukas ang ating puso at kalooban, sa Salita ng Diyos at isabuhay ang itinuturo nito araw-araw.

     

    -     Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

     

     



    5 min
  • A Thought A Day | October 14 2023

    A Thought A Day | October 14 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    5 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 13, 2023 – Biyernes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 13, 2023 – Biyernes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo:  Lucas 11:15-26

    Nang nakapagpalayas si Hesus ng demonyo, sinabi ng ilan sa mga tao: “Pinalalayas n’ya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Gusto naman ng iba na subukin si Hesus at humingi sila sa kanya ng isang tanda galing sa Langit. Alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi n’ya sa kanila: “Mabubuwag ang bawat Kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan. Ngayon, kung nagkakahati-hati si Satanas, paano magtatagal ang kanyang kaharian? Hindi nga ba’t sinasabi n’yo na nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako

    nagpapalayas ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng inyong mga kaanib ang mga ito? Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos. Kung may sandatang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Ngunit kung salakayin siya ng mas makapangyarihan sa
    kanya at talunin s’ya, maaagaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. Laban sa akin ang hindi panig sa akin, at nagpapangalat ang hindi nagtitipong kasama ko.” Kapag lumabas sa tao ang maruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Ngunit wala s’yang natatagpuan at sinasabi niya: ‘Babalik ako sa inalisan kong tirahan.’ Pagdating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. Kaya naghahanap s’ya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa sa kanya; pumapasok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling kalagayan ng taong iyon kaysa dati.”

     

     

    Pagninilay:

    Kapanalig, naranasan mo na bang gumawa ng kabutihan sa kapwa, pero ikaw pa ang minasama? Ganito ang naranasan ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Marami Syang pinagaling na inaalihan ng demonyo, pero pinagbintangan pa Syang kaanib ng mga demonyo. Marahil isang strategy ng demonyo ang sirain ang credibility ni Hesus upang hindi na Niya ipagpatuloy sa Kanyang misyon. Sa panahon natin ngayon, high tech na rin ang demonyo. Ginagamit nya ang social media, upang sirain ang mga taong gumagawa ng kabutihan sa pamamagitan ng mga mapanirang fake news. Isa itong paraan upang yurakan ang dignidad, at alisan ng credibilidad ang mga taong gumagawa ng kabutihan at lumalaban sa kasamaan. Kaya, lumalabas na masama ang mabuti at pilit pinagaganda ang public image ng gumagawa ng masama. 

    Kapanalig, huwag sana tayong maging mapanghusga sa kapwa, dahil lamang sa mga nababasa natin sa social media. Sa halip, manaliksik at maging mapanuri bago maniwala. Hindi lang yan Kapanalig, huwag rin

    sana tayong magpadala sa bugso ng ating galit sa taong gumawa sa atin ng masama, dahil maaari itong maging entry point ng demonyo sa ating buhay. Sa halip, patuloy po tayong gumawa ng mabuti, kahit sa taong gumawa sa atin ng masama. Ipagdasal din natin ang kanilang pagbabalik-loob sa Diyos, upang mabawasan ang mga naghahasik ng fake news at mapanirang puri sa social media at sa ating Lipunan.

     

    -        Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul

     

     


    5 min
  • A Thought A Day | October 13 2023

    A Thought A Day | October 13 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp. This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/HELP US MAINTAIN THIS PROGRAMSend your donations and love offerings to:G-CASH: 09686313280METROBANK (Dollar Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1SWIFT CODE: MBTCPHMMMETROBANK (Peso Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6SWIFT CODE: MBTCPHMMBDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 12, 2023 – Huwebes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 12, 2023 – Huwebes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: Lucas 11:5-13

    Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo s’ya sa hatinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.’ At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo upang bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man s’ya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin s’ya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa iyong pagpupumilit sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbubuksan ang kumakatok. Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hinihiling nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang masasama’y marunong magbigay ng mabuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa Langit? Tiyak na ibibigay n’ya ang banal na Espiritu sa mga hihingi sa kanya.”

     

    Pagninilay:

    Mayroon po akong nabasang magandang article, the 7 Habits of a persistent person. Una, They have a vision and a goal. Yun daw ang nagmomotivate sa kanila. Ikalawa, They always find way. Sa tagalog na kasabihan ‘yan e “Kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan. Ikatlo,They have an inner confidence. Hindi sila madaling ma-sway ng mga “bashers”, they are true to their intention. Ikaapat, They master their habits. “Motivation is what gets you started; habits are what keeps you going.” Ikalima, Ability to adjust and adapt. Nakikinig, nakikibagay, sa kung ano ang mabuti at totoo. Ikaanim, Always teachable and coachable. At ang Ikapito at panghuli, They have people who they consider as their mentor or guide. Open silang matuto, at mapuntuhan ang mga kamalian, para sa mas ikabubuti. Sa ating Mabuting Balita, napakaganda pong tinuturuan tayo ng “persistence.” Kung mapapansin po ninyo, bihira ang mga taong persistent sa kanilang pananampalataya. Para bang ang Diyos ang pinakamabisang bitawan sa oras ng pangangailangan. Hindi ho. Baliktad. Ang Diyos ang pinakamarapat nating kapitan sa oras ng kagipitan. Opo, madalas, para bang iba ang kalooban ng Diyos sa ating nais—pero lagi sana nating isipin na

    hindi naman Niya pinangakong magiging madali ang lahat. Ang pinangako Niya’y Siya’y Emmanuel— “Ang Diyos na lagi nating kasama’t kapiling, sa hirap man o ginhawa.”

     

    -      Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul

     


    5 min
  • A Thought A Day | October 12 2023

    A Thought A Day | October 12 2023
    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This

    podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission
    to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images,
    voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 11, 2023 – Miyerkules l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo:  Lucas 11:1- 4

    Isang araw, nananalangin si Hesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung papaanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Hesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”

     

    Pagninilay:

    Kapanalig, bakit humiling ang mga alagad na turuan silang manalangin? Ano ang secret ng ating Hesus Maestro?  Ang tugon na hanap nila? Pagmamahal at Kapanatagan ng loob. Malamang naaninag ng mga alagad ang busilak na puso ng ating Panginoon. Saksi sila sa Kanyang awakening at unconditional love. Hindi nga ba’t lahat sila may nakaraan at may pinagdaraanan? Maging sino man sila, pinili pa rin sila na mapabilang sa circle of friends.  Nag-alab ang kanilang puso kung paano sila pinatawad at tinanggap, sa oras na nati-trigger ang kanilang inner wounds o nasasagi ang kanilang ego. Nauuwi sa pagtatalo o

    samaan ng loob at si Hesus Maestro ang kanilang referee. Si Hesus Maestro rin ang nagbigay sa kanila ng matatag na kalooban sa oras ng pag-aalinlangan at ng mga panganib. Ito ang Langit sa lupa dahil kay Hesus Maestro nila nakita ang “Love Personified”. Kaya naman, tinuruan sila ng priceless secret: Ang Prayer of Love. Sinabi ng ating Hesus Maestro na manalangin straight from the heart at nang may pananampalataya sa Ama. Sa Prayer of Love tayo huhugot para tumalima sa kalooban ng Ama, makapagpapatawad at hihingi ng tawad. Ang tag ng Prayer of Love is priceless. Walang effect ang Gcash, dahil walang makakabayad ng sapat sa value nito. Kung ang kantang Price Tag sinasabi na: Everybody look to their left. Everybody look to their right. But I tell you, everybody look straight to Hesus. Everybody feel the heart of the Father. “It’s not about the money, money, money. We don’t need your money, money, money. We just wanna make the world dance. Forget about the price tag.” Hindi nabibili ang Tahanan ng Diyos
    Ama, kundi pinipili at kinakandili. Kaya don’t worry about the daily supply of food for our heart and strength for our soul kayang-kaya itong ibigay ng ating Diyos Ama. 

     

    -  Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

     

     




    5 min
  • A Thought A Day | October 11 2023

    A Thought A Day | October 11 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp. This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDayFor more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/HELP US MAINTAIN THIS PROGRAMSend your donations and love offerings to:G-CASH: 09686313280METROBANK (Dollar Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1SWIFT CODE: MBTCPHMMMETROBANK (Peso Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6SWIFT CODE: MBTCPHMMBDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 10, 2023 – Martes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 10, 2023 – Martes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: Lucas 10:38-42

    Pumasok si Hesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”

     

     

    Pagninilay:

     “I feel you Marta, damang dama po kita.” Ito ang nais kong sabihin kay Marta sa kanyang sobrang pagkaligalig at pagiging abalang-abala sa paghahanda, sa Mabuting Balita ngayon. Lahat-lahat ng kanyang pagluluto, paghahanda at pagsisikap, nais niyang gawin para sa Diyos. Alam niyang galing ang Panginoong Hesus sa isang mahabang lakbayin, kaya nais niya itong ipaghanda ng espesyal at masarap na pagkain. Pero, sa kabila ng kanyang sobrang ka busyhan at pagod, sinabihan siya ng Panginoon, na pinili ng kapatid niyang si Maria ang mas mainam at mas mahusay na bahagi. Tunay naming makararamdam si Marta dito ng kabiguan. Mga kapanalig, madalas, abalang-abala rin tayo sa mga gawain natin sa buhay, at hindi tayo mapirmi sa isang tabi. Kapag huminto tayo para magnilay, o magmuni-muni tungkol sa ating buhay, iniisip pa nating nagsasayang lang tayo ng oras, at isa itong katamaran. Pero bilang taga sunod ni Kristo, kailangan din natin maging isang Maria, na mauupo sa paanan ni Hesus upang makinig sa Kanyang salita, to listen to the Word of God. Pagkatapos makinig at makipag-usap sa Diyos sa panalangin, mahalagang isabuhay natin ang bunga ng ating pagdarasal, sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa tao.  May awa ang Diyos sa lahat ng kanyang nilikha. At sa gitna ng ating kalungkutan, at sobrang pag-aalala sa buhay dulot ng samu't saring suliraning kinakaharap natin – kinakaawaan rin niya tayo. Si Hesus ay nagpakita ng awa, pagmamahal at kahinahunan sa waring nabigong si Marta; kaya dapat din nating piliin si Hesus at magpakita ng pagmamahal at awa sa iba.

     

    -  Fr. Edward Dantis, SSP l Society of St. Paul





    5 min
  • A Thought A Day | October 10 2023

    A Thought A Day | October 10 2023
    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This

    podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission
    to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images,
    voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.