PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Oktubre 5, 2023 – Huwebes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 5, 2023 – Huwebes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: LUCAS 10,1-12

    Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.’ Saanmang bayan kayo pumasok at di nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa mga liwasan nito at ang inyong sabihin: ‘Pati na alikabok mula sa inyong bayan na kumapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin sa inyo. Gayunman, alamin ninyong palapit na ang Kaharian ng Diyos.’ Sinasabi ko sa inyo na magaan pa ang sasapitin ng mga taga-Sodom kaysa bayang iyon sa dakilang Araw.”

     

    Pagninilay:

    Magandang araw at maligayang kapistahan ni Santa Faustina, ang apostol ng Banal na Awa. Alam nyo ba na bente anyos lang si Helena noong pumasok siya sa kumbento ng Sisters of Our Lady of Mercy? Tinanggap niya ang pangalang Sr. Maria Faustina noong maging madre siya, at sa loob ng labintatlong taon nanilbihan siya bilang tagaluto, hardinera, at tagabantay ng pintuan o doorkeeper. Marami siyang paghihirap na dinanas at pinagkalooban siya ng Panginoon ng natatanging misyon, tulad ng pitumpu’t dalawang disipulo sa Mabuting Balita ngayon. Ipinaalala ni Santa Faustina sa buong mundo ang tungkol

    sa maawaing pag-ibig ng Diyos – ang Divine Mercy. Lumaganap ang debosyong ito na ngayoý tinatawag din nating 3 o'clock prayer.  Kapanalig, bawat isa sa atin ay may misyon sa buhay. Alam mo
    na ba kung ano ang misyon mo? Nagagampanan mo ba ito nang lubusan? Manalangin tayo:  Panginoon, salamat sa pagpapaalala ni Santa Faustina sa amin ng iyong Banal na Awa. Tibayan mo ang aming pagtitiwala sa iyo lalo na sa panahon ng pagsubok upang magampanan namin ang misyong inihabilin nyo sa bawat isa sa amin. Amen.

    -       Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul


    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Faustina Kowalska, Patron Saint of the Divine Mercy | October 5

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Faustina Kowalska, Patron Saint of the Divine Mercy | October 5

     



    I am sure you know our saint for today – St. Faustina Kowalska, the

    nun called Secretary of the Divine Mercy. She was the one to whom Jesus revealed the devotion to the Divine Mercy. The Divine mercy is about God’s compassionate love for humanity and the assistance to remedy mankind’s miseries. St. Faustina was born Helena Kowalska in Glogoweic, Poland on August 25, 1905, third among ten children to a poor but devoted family. She had only three years of formal education, but she was a virtuous and pious girl, who, at an early age wanted to become a nun, because she claimed that Jesus was calling her.

    When Helen was 19 years old, she and her sister were attending a

    dance party when the suffering Jesus suddenly appeared to her, telling her to join a convent in Warsaw. Helen was deeply moved and sat down as if she was feeling bad. The next morning she went to Warsaw, without notifying her parents and went to pray at the cathedral. A priest met her and entrusted her to the care of a lady parishioner. She knocked from one convent to another, but she was denied entrance due to her poverty and ignorance. But at last, she was accepted by the Mother Superior of the Congregation of Our Lady of Mercy on condition that she pay for her habit and other personal needs. Since she had nothing, she asked to work as a housemaid in a certain family until she was able to earn the needed amount. As promised, she was accepted by the Mother Superior and on April 30, 1926, she received the habit of the Institute and received the name Sr. Maria Faustina in honor of a Christian Roman martyr. In April 1928, she took her first vows. Then she was assigned in different houses of the Congregation sometime as cook, porter or gardener. On February 22, 1931, Jesus appeared in her cell wearing a white garment with two rays emanating from his heart: one red and one white. Jesus asked her to have the image painted with the signature
    “Jesus, I trust in You.” But the image was not immediately painted because they had to find a good painter. After her final vows on May 1st, 1933, Sr. Faustina was assigned in Vilnius where she met a holy priest, the Confessor of the community, Fr. Michael Sopocko. Sr. Faustina told in confession her visions, and the priest submitted her to a thorough psychiatric examination to know if she was not having hallucinations. The examination revealed that she was mentally sound. Soon the priest spoke lengthily with her and started to support her visions and told her to write her conversations with Jesus in a diary. He introduced Sr. Faustina to an artist and under her direction, the artist painted the image of the Divine Mercy. It was finished in June 1934. Jesus told Sr.
    Faustina that the image must be blessed on the Sunday after Easter and it must be publicly honored. Then in 1935 Jesus taught Sr. Faustina how to pray the Chaplet to the Divine Mercy. It is a prayer to obtain God’s mercy, to trust in the mercy of Jesus Christ, and to be merciful to others. Meanwhile, Sr. Faustina was contemplating to leave her congregation to establish an institute that would be dedicated to the spread and devotion to the Divine Mercy. Her superiors did not allow her to leave. Jesus told Sr. Fasutina to obey her superiors and He would do what was necessary. In fact, this congregation was founded after World War
    II with the support of Fr. Sopocko, who wrote its Rules and Constitutions. It is now the Congregation of the Sisters of the Divine Mercy. Some months before her death, Sr. Faustina suffered due to her
    fragile health.  She spent her remaining days in penance and prayer. She died on October 5, 1938 in Krakaw, Poland and her body lies at the Major Shrine Basilica of Divine Mercy in Krakaw.  She was canonized at St. Peter’s Square, Rome on April 30, 2000 by Pope St. John Paul II.

    7 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 4, 2023 – Miyeskules l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 4, 2023 – Miyeskules l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo:  Lucas 9:57- 62

    Habang naglalakad si Hesus at ang kanyang mga alagad, may nagsabi kay Hesus: “Susunod ako sayo saan ka man pumunta.” “May lungga ang mga pusang-gubat at may mga pugad naman ang mga ibon. Ang anak ng tao’y nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo.” At sinabi naman niya sa isa: “sumunod ka sa akin.” “Pauwiin mo muna ako para mailibing ko ang aking ama.” “Hayaan mong

    ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.” Susunod ako sayo panginoon pero, pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay.” “Hindi bagay sa kaharian ang Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.”

     

     

    Pagninilay:

    Ang mensahe ng ating Mabuting Balita ngayon ay ang pagtawag sa atin na maging matapat at buong-puso sa ating pagsunod kay Hesus. Hindi tayo dapat magpabaya o magpaliban sa ating tungkulin bilang mga

    alagad niya. Hindi tayo dapat maghanap ng mga dahilan o mga palusot para hindi tumugon sa kanyang hamon. Hindi tayo dapat mag-asa sa mga materyal na bagay o mga personal na relasyon para maging masaya o makuntento. Ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ay makakamit lamang natin kung tayo ay magiging tapat at buong-puso sa ating pagsunod kay Hesus. Ang kapistahan ni San Francisco ng Assisi ay isang Magandang pagkakataon para suriin ang ating sarili, kung gaano tayo katapat at buong-puso sa ating pagsunod kay Hesus. Si San Francisco ay isang halimbawa ng isang taong sumunod kay Hesus nang walang pag-aalinlangan o pag-aatubili. Siya ay nag-alay ng kanyang buhay, kayamanan, at karangalan para maging isang mahirap, mapagkumbaba, at mapagmahal na alagad ni Hesus. Mga kapanalig, sa araw na ito, hilingin natin ang patnubay at tulong ni San Francisco upang tayo ay maging katulad niya sa pagsunod kay Hesus. Hilingin natin ang biyaya na maging matapat at buong-puso sa ating pagsunod kay Hesus.
    Hilingin natin ang biyaya na maging mapagbigay at mapagmalasakit sa mga nangangailangan, lalo na sa mga mahihirap, inaapi, at pinabayaan. Hilingin natin ang biyaya na maging mapagmahal at mapag-alaga sa mga hayop, sa kalikasan, at sa lahat ng nilikha ng Diyos. Hilingin natin ang biyaya na maging mapagkumbaba at mapayapa sa lahat ng sitwasyon. At higit sa lahat, hilingin natin ang biyaya na maging masaya at makuntento sa anumang ibigay o ipahintulot ng Diyos sa ating buhay.

     

     - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila

     


    5 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 3, 2023 – Martes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Lucas 9:51-56

    Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Hesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala s’ya ng mga sugo upang mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano para ihanda ang kanyang matutuluyan. Ngunit ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta s’ya sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?” Lumingon si Hesus at pinagwikaan sila at sa ibang bayan sila nagpunta.

     

    Pagninilay:

    Hindi pinahintulutan ng mga Samaritano na dumaan si Hesus at ang kanyang mga alagad sa kanilang bayan nang malaman nila na patungo sila sa Jerusalem. Kung babalikan natin ang kasaysayan ng mga Hudyo at Samaritano, napakalalim ang pinag-ugatan ng kanilang hidwaan. Itinuturing ng mga Hudyo na marumi ang mga Samaritano dahil sa kanilang pakikipag ugnayan at pagpapakasal sa ibang lahi. Dahil ang mga Hudyo ay piniling lahi, itinuturing nila ang kanilang sarili na puro at malinis, at mas mataas sa ibang mga tao.   Kaya hindi kataka-takang magalit nang todo sina Juan at Santiago. Para sa kanila napakalaking insulto ang ginawa ng mga samaritano. Sa galit ng magkapatid agad nilang iminungkahi kay Hesus na magpabagsak ng apoymula sa langit upang matupok ang mga Samaritano. Kapanalig, nakita mo ba ang iyong sarili sa inasal nina Santiago at Juan? Ang karaniwan nating ugali pag tayo’y nasaktan ay makaganti sa kapwa. At hindi lamang basta makaganti, dapat mas matindi pa ang sakit na mararamdaman ng taong ating pinaghihigantihan. Napakasamang ugali ito, di ba? Taliwas na taliwas sa utos ni Hesus na “mahalin ang ating kapwa, at ipanalangin ang taong nakasakit sa atin.”  Kapag nakaharap natin ang isang taong itinuturing nating kaaway dahil nasaktan tayo o nakagawa ng masama sa ating pamilya, ang ating natural na reaksyon ay makaganti, gusto natin na may mangyaring masama sa taong ito na mas malala pa sa naranasan natin. 

     Pero hindi iyon ang paraan ni Hesus. Sinaway niya ang magkapatid na Santiago at Juan sa kanilang marahas na pamamaraan. Sa halip, pinili ni Hesus ang isang mahinahon na tugon, at nagpasyang baguhin ang

    direksyon upang hindi dumaan sa nayon ng mga Samaritano. Mga Kapanalig, meron ba tayong kababaang-loob na kilalanin at aminin ang ugali nating mapaghiganti sa mga nagkasala sa atin?  Ipinakita sa atin ni Hesus kung paano kumilos kapag nahaharap sa ganitong sitwasyon. Tumawag tayo kay Hesus upang tulungan tayong yakapin at sundin ang kanyang mga halimbawa.

     

    -     Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

     




    5 min
  • A Thought A Day | October 3 2023

    A Thought A Day | October 3 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 2, 2023 - Lunes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Mateo 18:1-5,10

    Lumapit kay Hesus ang mga alagad at tinanong nila s’ya: “Sino ang mas una sa Kaharian ng Langit?” Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. At nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa Karihan ng Langit. At tinatanggap naman ako ng sinumang tatanggap sa batang ito nang dahil sa aking pangalan. Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.”

    Pagninilay:

    Gaano ba kadalisa’y ang puso ng isang bata? Talaga nga bang malinis at mabuti ang ugali ng mga bata? Narinig natin sa ebanghelyo ang hamon ng Panginoong Hesus na kailangang tularan natin ang isang bata upang makamit ang Kaharian ng Langit.  Kailangan nating magpakababa katulad sa isang bata.  Paano ba magpakababa katulad ng isang bata?  Kung babalikan natin ang panahong tayo’y mga bata pa – talaga namang napakasarap maging isang bata, di ba?  Walang alalahanin sa buhay, walang problema, payapa ang isipan, malinis ang kalooban at parating masayahin.  Bilang mga musmos na wala pang alam sa buhay – nakaasa tayo sa ating magulang sa lahat ng ating pangangailangan.  Mababaw lang ang ating kaligayahan.  Kuntento na tayo sa maliliit o malalaking bagay man na ibinibigay sa atin ng ating magulang.  Kung meron man tayong nagawang kabutihan, ibinibida natin ito sa ating mga magulang at magkasama tayong nagdiriwang nang may kagalakan.  Mga kapatid, ang Diyos ang tumatayong magulang natin sa ,kasalukuyan.  Katulad ng isang bata, umasa tayo sa Kanya sa lahat ng ating pangangailangan.  Pero hindi ito nangangahulugang, uupo na lamang tayo at hindi na kikilos, at aantayin na

    lamang bumagsak ang biyaya mula sa kalangitan.  Ika nga ng isang kilalang manunulat na si Francis Cardinal Spellman, “Work as if everything depended on you… but pray, as if everything depended on
    God.”  Pinapaalalahanan tayo nito na sa lahat ng biyayang hinihingi natin sa Diyos, may kaakibat itong pagsisikap at pagtitiyaga upang makamtan natin ang ating mithiin.  Hilingin natin ang gabay at patnubay ng ating Anghel Tagatanod, nang makapamuhay tayong katulad ng isang bata – simple,mapagpakumbaba, masayahin at laging tumatalima sa kalooban ng Diyos. 





    5 min
  • A Thought A Day | October 2 2023

    A Thought A Day | October 2 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    4 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 1, 2023 – Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 1, 2023 – Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mateo 21:28-32

    Nagpatuloy si Hesus: “Ano sa palagay n’yo? May dalawang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at sinabi: ‘Anak, pumunta ka ngayon at magtrabaho sa aking ubasan.’ Sumagot ang anak: ‘Ayoko.’ Ngunit pagkatapos ay nagbagong-isip siya at pumunta. Pinuntahan din ng ama ang pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot naman ang anak: ‘Opo.’ Pero hindi siya pumunta. At tinanong sila ni Hesus: “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa gusto ng ama?” “Ang una.” “Talagang sinasabi ko sa inyo: mas nauuna sa inyo patungo sa Kaharian ng Langit ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Dumating nga si

    Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan subalit hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala naman ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Nakita n’yo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.”

     

     

    Pagninilay:

    “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa kalooban ng Ama?” At kanino ka mas nakaka relate?  sa nagsabi ng “Oo”, pero hindi sumunod? O sa nagsabi ng “Hindi” pero sumunod. Malamang na experience na natin ang malagay sa ganitong sitwasyon noong mga bata pa tayo, nung inutusan tayo ng ating mga magulang. At marahil naalala pa natin ang ginawa nating pagtugon.  Ang talinhaga ng dalawang anak ay nagpapahiwatig sa atin ng malalim na kahulugan ng “free will” o ng kalayaan na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon.  Paano nga ba natin ginagamit ang handog na kalayaan ng

    Panginoon?  Ginagamit ba natin ito para lumago sa kabutihan, kabanalan at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos?  O ginagamit natin ito para gawin anuman ang maibigan natin, kahit alam nating taliwas ito sa kalooban ng Diyos, at lubhang makakaapekto sa ating kapwa?  Pansinin natin mga kapanalig, kapag gumagawa tayo ng tama at mabuti, at namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos, tunay tayong malaya – panatag
    ang ating kalooban, masaya ang ating buhay, at wala tayong kinatatakutan saan man tayo magpunta, dahil wala tayong atraso kaninuman.  Samantalang kung namumuhay tayo sa kasalanan – sangkot sa mga
    illegal na gawain, katulad ng droga, pangungupit sa kaban ng bayan, pandaraya sa negosyo at tuwing Halalan, pang-aabuso sa kapangyarihan, pamumuhay sa kasinungalingan, at hindi pagiging tapat sa asawa o maging sa bokasyon ng pagpapari o pagmamadre na ating sinumpaan – hindi tayo tunay na malaya. Dahil laging may takot sa ating dibdib, nangangamba, na baka may makakita sa atin; na baka bukas o makalawa, mabubunyag ang kasalanan o katiwalian na ginagawa natin ng lihim. Kaya masasabi natin, na sinumang namumuhay sa kasalanan, hindi tunay malaya, lumiliit ang mundo dahil laging nagtatago, at maraming iniiwasan at kinatatakutan. Mga kapanalig, maitago man natin sa mata ng tao ang mga kasalanang ginagawa natin ng lihim, hinding-hindi natin ito maitatago sa mata ng Diyos na nakakakita ng lahat. Isa pa, hindi rin matahimik ang ating budhi sa tuwing namumuhay tayo sa kasalanan, binabagabag tayo ng ating konsensya at hindi makatulog. At ayaw ng Panginoon na masadlak tayo sa ganitong sitwasyon.

    Kaya nga ang paalala sa atin ng Mabuting Balita, panindigan natin ang bawat pagsagot natin ng “Oo” sa Diyos.  Isa itong desisyon na dapat nating panibaguhin at isabuhay araw-araw.  Kapag pinili nating

    magmahal at magpakabanal, isa itong desisyon na dapat nating i-renew araw-araw. At kung nagkataon mang humindi tayo sa Diyos, at namuhay ng taliwas sa Kanyang kalooban, may pagkakataon pang baguhin ang ating desisyon at magbalik-loob.  God is God of unending chances.  Ang bawat araw na pinapahiram sa atin ng Diyos, panibagong pagkakataon upang ayusin ang ating sarili, punan ang mga pagkukulang sa nakalipas na araw, magbalik-loob at pagsisihan, ang mga nagawang kasalanan.

    -  Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul

     

     


    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Therese of Lisieux, Patroness of the Missions | October 1

    Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Therese of Lisieux,

    Patroness of the Missions | October 1

     


    Our saint for today is a nun who died at the age of 24, lived in the convent for only 9 years but was chosen by the Church to be Patroness of the Missions, together with a great missionary, St. Francis Xavier. I’m sure you know St. Therese of Lisieux, or Therese of the Child Jesus, also known as the “Little Flower.”  Let’s try to take a swift look at the inspiring life of our Saint today. St. Therese or Marie-Francoise-Therese Martin was born on January 2, 1873 in Alencon, France to a devout couple, Louis and Zeline. God gave them nine children, four of whom

    died in infancy. The remaining five were girls, who all became nuns.

    When Therese was 4 ½ years old, her mother died and it caused her

    the greatest sorrow in life. Her father decided to live in Lisieux so that the girls could be near the relatives of their mother. Being the youngest, Therese became quite capricious. She had frightful tantrums and would even roll on the floor when she could not have her own way. She was a nervous child, was very intelligent and remembered everything. Their father, who had a nickname for all his daughters called her “My Queen.” Gradually, however, when Therese was growing up, she learned how to forget herself, tried to be charitable and resolved to make others happy. But she cried and suffered in silence when others were rude and unkind.

    After her mother’s death, her sister Pauline became Therese’s second

    mother. But when she was 9 Pauline entered Carmel. Therese was shocked and suffered nervous tremors. Pauline tried to comfort her by writing often to her.  She only got well when she said she had a vision of Mother Mary smiling to her. Soon, another sister joined the Carmelites. It dawned on Therese that she would also become a Carmelite.  When she was 15 years old she told her father that she, too, wanted to join her two sisters, but the superior found her too young. Yet, she was too determined that when her father brought them and her sister Celine for a pilgrimage to Rome, she had the chance to see the Pope. She
    dressed herself like an accomplished adult, put her hair up, to impress and spoke to the Pope, asking permission to enter Carmel, but the priest-superior of Carmel told the Pope that she was too young and he prevailed. That pilgrimage brought them to several places where Therese met many priests and observed that they are weak and feeble men, subject to human weakness. While Carmel have a special duty to pray for priests, Therese resolved that she would pray more for the sanctification of priests. She had some communication with priests and she composed a powerful prayer for priests. Soon after the Bishop of Bayeaux allowed Therese to enter Carmel.  She became a postulant on April 9, 1888. All at once she saw the ups and downs of convent life. She had to adjust to various temperaments and accept criticisms. She was observant of the strict rules and obeyed them lovingly. Yet when alone with Jesus, she experienced great calm and joy in spirit.  When she made her profession, her superior said of her: “The angelic child is 17 1/2 with the sense of a 30 year old, the religious perfection of an old novice, and a possession of herself. She is a perfect nun.” Due to her exemplary life, she was asked under obedience to write her autobiography which is now entitled “The Story of a Soul” Meanwhile, the health of her father deteriorated and he was placed in an asylum. His illness brought great sorrow and humiliation for his daughters. He died on July 29, 1894.

    Therese lived a very simple, humble and prayerful life. She considered

    herself inferior to others: a little flower unnoticed by people, “a grain of sand, always light to be lifted more easily by the breeze of love.”  She died of tuberculosis on September 3, 1897.

         



    7 min
  • A Thought A Day | October 1 2023

    A Thought A Day | October 1 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.