
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Oktubre 9, 2023 – Lunes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 10:25-37
May tumindig na isang guro nang Batas upang subukin si Hesus. “Guro, ano ang aking gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiitindihan?” “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Ngunit gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Hesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya si Hesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis ito ng daan. Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. Ngunit may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kaya’t lumapit ito, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa kanyang sariling hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. Kinabukasan, dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang karagdagang gastos pagbabalik ko.’” At sinabi ni Hesus: “Sa palagay mo sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tulisan?” “Ang nagdalang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”
Pagninilay:
Manalangin tayo: Panginoong Hesus, turuan Mo po kaming patuloy na makinig sa Iyo upang mas lalo kaming lumago sa karunungan, pagpapakumbaba at pakikipagkapwa. Amen.
- Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. John Henry Newman, Patron Saint of Journalism and Ecumenism | October 9
Today’s saint was a former member of the Anglican Church (Church of England), who converted to Catholicism at the age of 44, after reading the truths about the Catholic Church. He was canonized two years ago, perceived as future patron saint of journalism and ecumenism (unity of
Yet, in his readings about Catholicism, he discovered that the Catholic Church is the closest in continuity with the Church established by Jesus Christ. He converted, became a Catholic priest, two years later, to the disappointment of most of his countrymen. He lost his job, his reputation, his friends and even family members, who never spoke to him again. For the next 45 years, side by side with his work as a Catholic priest, he worked for social changes in England and at the time of his death on August 12, 1890, it had already become acceptable to convert
As a priest in Birmingham, he was a pastor for 40 years. He took care of all his parishioners, not only spiritually, psychologically, but also materially. He visited the sick, the imprisoned, fed the hungry, gave counselling, even helped financially those in difficulty. In the area of ecumenism he believed that people with different faith can work together for greater unity, preserving their own traditional faith and practices, respecting each other’s beliefs, while considering the historical sources of the one, holy, catholic and apostolic Church founded by Jesus Christ. He was extraordinarily remarkable a pastor, a holy priest, a great preacher that Pope Leo XIII made him a Cardinal in 1879.
The people of his parish and his acquaintances loved Cardinal Newman so much that when he died 15,000 people took to the streets to view his mortal remains and accompany it to his resting place. In 2010, Pope Benedict XVI beatified him in London. The two miracles that qualified him for sainthood were two immediate and complete healings: the
Virtue: holiness, truthfulness, moderation, altruism, empathy, hard work
·
A Thought A Day | October 8 2023
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
#pray #withme #gospel #reflection
#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
Send your donations and love offerings to:
G-CASH: 09686313280
METROBANK (Dollar Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
SWIFT CODE: MBTCPHMM
METROBANK (Peso Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
SWIFT CODE: MBTCPHMM
BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 002620011465
Mabuting Balita l Oktubre 8, 2023 – Ika-27 l Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: MATEO 21: 33-43
Sinabi ni Hesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio: “Makinig kayo sa isa pang halimbawa; May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan, binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantay. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. Nagpadala uli ang may-ari
Pagninilay:
Napakinggan natin sa Mabuting Balita ngayong Linggo, ang isang talinghaga mula sa ating Panginoong Hesus. Ang talinghaga ay tumutukoy sa kasaysayan ng Israel, bilang ubasan ng Diyos na dapat sana ay nagbubunga ng katuwiran at kabanalan, pero sa halip ay nagbunga ng kasamaan at karahasan. Ang mga magsasaka ay kumakatawan sa mga namumuno sa Israel, na hindi nagbibigay ng tamang ani sa Diyos, kundi inaangkin ang lahat para sa kanilang sarili. Ang mga alipin na sinugo ng may-ari ng ubasan, ay ang mga propeta na pinadala ng Diyos upang pagsabihan ang mga magsasaka, pero sila ay hinamak, pinahirapan, at pinatay. Ang anak na lalaki ng may-ari ay si Hesus mismo, na ipinadala ng Diyos bilang huling pagkakataon upang iligtas ang mga magsasaka, pero sila ay nagplano na patayin siya at kunin ang kanyang mana. Mga kapanalig, ang aral ng talinghaga ay ang paghatol ng Diyos sa mga taong hindi sumusunod sa kanyang kalooban, at hindi tumatanggap sa kanyang biyaya. Ang paghahari ng Diyos ay aalisin sa kanila, at ibibigay sa ibang bansa na magbubunga nang nararapat. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siya ring naging batong panulok, na tumutukoy kay Hesus bilang pundasyon at tagapagligtas
- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila
A Thought A Day | October 8 2023
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
#pray #withme #gospel #reflection
#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
Send your donations and love offerings to:
G-CASH: 09686313280
METROBANK (Dollar Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
SWIFT CODE: MBTCPHMM
METROBANK (Peso Account)
BRANCH: Skyland Plaza, Makati
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
SWIFT CODE: MBTCPHMM
BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
ACCOUNT NUMBER: 002620011465
Mabuting Balita l Oktubre 7, 2023 – Sabado l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret, sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya: “Aba, Puspos ka ng biyaya! Ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sa mga pangungusap na ito, si Maria ay nagitla at pinagdili- dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanya ng anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat naging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman, at walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag-anak mong si Isabel ay naglihi rin ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Pagninilay:
“Aba, Puspos ka ng biyaya, ang Panginoon ay sumasaiyo”. Ito ang pagbati ng anghel kay Maria sa ating Mabuting Balita ngayon, na napapaloob sa unang bahagi ng Aba Ginoong Maria, na ating paulit-ulit na dinarasal tuwing nagsasanto-rosaryo tayo. Kaya kapanalig, hindi inimbento lamang ng simbahan ang dasal na Aba Ginoong Maria. May biblical basis ito. Kaya tuwing dinarasal natin ito, ginugunita natin ang pagbibigay pugay ng anghel kay Maria nang ibalita nito sa kanya na maglilihi sya at manganganak ng isang lalaki, na tatawaging Hesus. Kahit hindi ganap na malinaw ang mensahe ng anghel, walang takot siyang tumugon ng, “Ako’y alipin ng Panginoon, mangyari sa akin ang iyong sinabi”. Nang tinanggap ni Maria ang pagiging ina ng Diyos higit syang pinagpala at naging daluyan ng biyaya para sa ating mga nananalig sa kanyang mga panalangin. Nakakalungkot lang, dahil bihira na yata sa pamilyang Filipino ngayon ang sama-samang nagdarasal ng santo rosaryo. Minsan kasi hindi agad naa-appreciate ng mga bata ang pagsasanto-rosaryo, dahil mahaba at paulit-ulit. Kaya nga, may ilan dyan na nakaranas muna ng kurot ng lola, bago natutong magsanto rosaryo. Lalo na sa panahon ngayon na babad sa electronic gadgets ang mga kabataan. Parang mahirap nang maghanap ng oras na bitiwan muna ang celphone upang magdasal ang pamilya. Mga kapanalig, tandaan natin, “the family that prays together, stays
- Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | October 7 2023
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This
Contemplating the Face of Christ with Mary, Our Lady of the Rosary | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
#PrayTheRosary #OurLadyOfTheRosary #WordAndSongs #Paulines
Mabuting Balita l Oktubre 6, 2023 – Biyernes l Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 10:13-16
Sinabi ni Hesus, “Sawimpalad ka Corazin! Sawimpalad ka Betsaida! kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana siyang nag damit sako at naupo sa abo at nakapagbalik loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng pag hatol. At ikaw naman Capernaum, dadakilain ka, kaya hanggang sa langit? Hindi ibubulid ka sa impyerno. Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo; at ako ang di tinatanggap ng di tumatanggap sa inyo. At ang di tumatanggap sa akin ay di tumatanggap sa akin”.
Pagninilay:
Wala gaanong tala tungkol sa bayan ng Corazin, ang isa pang binanggit na bayan sa ating Mabuting Balita ngayong araw ay Bethsaida. Ang Bethsaida po ang lugar kung saan galing sina Apostol San Pedro, Andres, at Felipe—ayon sa Mabuting Balita ni San Juan. Beit ibig sabihin sa salitang hebreo “bahaytahanan” at tzed ibig sabihin “fishing o hunting.” Kaya nga’t sa wikang ingles pwede natin itranslate bilang “house of fishermen o house of hunters.” Sa lugar na malapit sa Bethsaida naganap ang pagpapagaling ni Hesus ng isang bulag (mula sa Mabuting Balita ni San Marcos), pati na din ang pagpapakain sa limang-libo katao (mula sa Mabuting Balita ni San Lucas). Dismayado ang ating Panginoong Hesukristo sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Siguro ang tanong, ano ba ang ginawa ng mga bayang ito, at sila’y sinabihang kaawa-awa? Simple lang—dahil hindi sila nakinig at nagsisi sa kanilang mga maling gawa, kahit na nasa harap na nila ang mabubuting dulot ng paghahari ng Diyos. Mga Kapanalig, sana’y hindi tayo basta nabibighani sa mga Milagro o extraordinaryong mga bagay ukol sa ating Pananampalataya sa Diyos. Sapat na ang makinig, magsisi, at tumalikod sa mga maling gawa. Tulad na lamang ng ating Unang pagbasa, ang marubdob na pagsisisi ng bayang Israel noong sila’y nasa ilang. “Hindi kami nakinig, nagmarunong kami gamit ang maduming puso, kaya’t gumawa kami ng masasama sa harap ng Diyos.” Kung tunay tayong makikinig sa Diyos, magsisi’t magbabagong loob—hindi Niya pagtutuunan ng pansin ang ating mga kahinaan—mas mahalaga sa Kanya ang ating hangarin at kalooban na sumunod at makinig sa Kanya sa kabila ng ating kahinaan.
- Cl. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul
A Thought A Day | October 6 2023
From the publisher's feed